Monday, 29 December 2008

Babes

Ilang araw din syang makulit na nagte-text sa akin.


"Niloloko mo lang ako e," minsang text ko sa kanya.


"Hindi a. Kung gusto mo magkita tayo," sagot niya.


At nagkita nga kami. Hindi ko inexpect na sya ang makikita ko.


Bago kasi magpasko ay nakita ko na sya sa dagat. Naliligo sila ng barkada nya. Kasama ko noon si Fiona, Johnny, ang asawa nyang si Fatima at ang anak nilang si Jomat. Naglunch lang kami sa beach. At naandon nga sya at ang dalawang barkada nya. Nakamotor lang sila. Bumabad sa tubig ng isang oras at umuwi pagkatapos.


Ayaw nyang sabihin kung kanino nya nakuha ang cel number ko. Basta lang daw. Kaya noong magkita kami sa elementary school, akala ko kabarkada lang ni Pandesal ang makikita ko. Si Juven pala.


Nineteen years old na sya pero second year high school pa rin. Dumaan daw sa pagiging bulakbol. At ang claim nya ngayon, "mabait na ako."


Ang balita nga ay mabait naman na bata itong si Juven. Gumigising ng alas kwatro ng madaling araw para magluto ng almusal.


"Nakakaawa kasi si Mama kung sya pa ang gigising nang maaga," sabi nya sa akin.


Lunes hanggang Biyernes, aral ang inaatupag. Mula eskwela, diretso ng bahay. Natutulog ng maaga. Kung Sabado naman, pumupunta sya sa bukirin nila. Apat na ektarya ng niyugan.


"Pero may mga tanim ako. Saging," sabi nya.


"Mga gulay naman kay Mama," dugtong nya.


Mahaba pa ang usapan. At hindi ko ito tinapos sa hada. Naghiwalay kami ng uwi noong gabing iyon.


Pero kinabukasan, sa bahay sya naghapunan. Nagluto ako, isang bagay na hindi ko ginagawa mula noong hiwalayan. Pati fruit salad gumawa ako.


Konti lang ang kinain nya, busog na daw sya. Sa isip ko, ito pala ang sikreto nya at bakit parang wala syang taba sa katawan, puro muscles.


Konti lang din ang kinain ko para naman di nya masabing matakaw ako.


Nagkwentuhan na naman kami. Hanggang madaling araw.


"Ano ang assurance ko na hindi mo ako lolokohin?" tanong niya sa akin sa gitna ng aming pag-uusap.


"Seven years ako sa relasyon, ako ang niloko, hindi ako ang nanloko," sagot ko sa kanya.


Kwentuhan na naman.



"Ano gusto mong tawagan natin?" tanong nya.


"Bahala ka," sagot ko.


Mula noon, lahat ng sentence nya ay may "Gang," short for Gang-Gang, kalimitang tawag ng isang lalaki na naglalambing sa isang babae.


Napilitan din akong ibalik sa kanya ang paglalambing. Mula noon, may "Babes" na ang lahat ng sentence ko.


Balik kami sa kwentuhan. Nakakapagod na kwentuhan. Hanggang sa makatulog kami.


Di ko na matandaan kung bakit kinabukasan ay nagkaroon ako ng chikinini sa dibdib-- sobrang laki nito na nagmukha itong pasa.


Eto si Babes

Saturday, 27 December 2008

Tuta




Si Fiona at ang alaga naming tuta-- si Eping.


Pambukid ang pangalan ng aso.


Mabait naman si Eping.


Lumalabas sya ng bahay kung gustong umihi. Ganon din kung gusto nyang magbawas.


Hindi rin sya maselan sa pagkain-- kahit ano nilalafang nya.


Mahilig din sya kumain ng cake.


Siya si Eping. Hindi ito palayaw ng Josephine o Josefina.


Kapangalan nya ang bilat ni Kulot.

Wednesday, 24 December 2008

Pasko na naman...

Dahil di mabuo-buo ang grupo ng mga bayot sa bukid (kanya-kanyang lakad kasi), ibinabalik ko ang photo nina Patricia, Fiona, Glydel, Re-Re at Red.


Malipayong Pasko sa inyong tanan!


Sunday, 21 December 2008

Ooops

Noong gabing inapakan ng walanghiyang waitress ang mahaba kong buhok, dumating si Pandesal.


Sa harap ng barkada nya, naayos ang lahat. Nag-sorry ako.


"Hindi ko naman talaga type si Takloy. Si Fiona ang may gusto," pagsisinungaling ko.


"At di ka dapat magselos sa amin. Di ka namin tataluhin," sabi ni Ken-Ken.


Ngiti lang ang reaction ni Pandesal. Ako naman, habang tumatagal, mas close sa kanya hanggang wala ng espasyo para sa holy spirit sa pagitan namin. Kiniliti ko sya. Kunwari ayaw tumawa. Kiniliti ko uli, tumawa na. OK na kami.


Hinawakan ko ang kamay niya. Pero hindi para magpa-sweet. Tiningnan ko lang kung malinis ang mga kuko nya. Malinis naman. Medyo rough nga lang ang kanyang kamay.


"O-order ako kay Chona, ang Avon lady sa aming lugar, ng lotion bukas," naisip ko.


Naisip ko rin na bigyan sya ng facial scrub, moisturizer and sunblock. Kailangan niya ng make-over.


Hindi nagtagal ang inuman namin.


"Maaga pa laro namin bukas," sabi nya.


Umalis sila. Pero bago yon, kiss muna sya sa cheek ko. Pagkatapos ng halik, hinawi ko ang aking buhok, niligpit ito sa likod ng aking tenga.


Naghiwalay kami ng landas. At habang kami'y papauwi ni Fiona, nasalubong namin ang isang grupo ng mga bagets. Pa-cute kami kahit madilim. Ang ending, nauwi ko ang isa. Bata. Sariwa. Walang alam. Andaming kiliti sa katawan.


Kinabukasan, galit na naman si Pandesal. Kapitbahay pala nila si bagets.


"Friends na lang tayo," text niya sa akin.


Gusto ko syang sagutin ng "marami na akong friends" pero di ko ginawa.


"OK" lang ang sinagot ko.

Tuesday, 16 December 2008

Seloso

Sobrang seloso si Pandesal.


Nakita namin ang mga barkada niya sa palengke noong Sabado ng gabi. Nag-iinuman sila. Kami naman ni Fiona, join.


"Pati kami pinagseselosan," sabi ni Ken.


"Di tayo natuloy sa beach kahapon kasi nagselos. Sabi, dapat konti lang daw. Wala yatang tiwala sa amin," sabi naman ni Badig.


"Ready na kami nang bigla na lang nagbago isip nya," dugtong ni Abla.


"Bakit daw?" tanong ko.


Sa una ay ayaw pa nilang sagutin pero pinilit ko.


"Kasi kasama si Takloy," sagot ni Ken.


Deadma ako.



"Pati yung pagpunta namin sa bahay nyo, ayaw nya ng marami ang kasama," sabi ni Abla.


"Kaya nga pagkatapos kain lumabas kami at sya lang naiwan sa loob kasi iba tingin nya sa amin," dugtong ni Badig.


"Di namin alam kung bakit sya ganon," sabi ni Ken.


Deadma pa rin ako.


Naubos ang beer. Umorder ako. At nang papalapit na ang waitress, biglang sumigaw si Fiona.


"Miss, dahan-dahan! Naapakan mo buhok nya," sabi niya sabay turo sa akin.


Deadma ang mga boys. Di nila na-gets.

Saturday, 13 December 2008

Malandi ako

Ayaw na ni Pandesal sa akin.


Akala ko "first tampuhan" lang namin. Hindi pala.


Nalaman kasi niyang type ko rin si Takloy. Siya yung lalaking nasa photo.


Eto naman kasing si Ton-Ton, ang nagbugaw sa akin kay Pandesal, tsismoso.


"May number ka ni Takloy?" tanong ko kay Ton-Ton.


"Wala. Y?" tanong niya.


"Wala lang. Type ko sya," sagot ko.


At nakarating ito kay Pandesal. Sinabi ba naman ni Ton-Ton na type ko si Takloy sa harap mismo ni Pandesal. Nag-iba daw ang mukha. Bigla na lang daw itong umalis.


Hindi na sya nagtext sa akin.


Kung ayaw nya sa akin, ayaw ko na rin sa kanya.


Hindi ako ang margarine para sa kanya. Hindi ako ang kapeng magpapalambot sa kanya.


Bahala sya sa buhay niya. Bahala sya at ang abs niya.

Friday, 12 December 2008

Si Pandesal

Pagkagaling Manila, dumiretso ako ng General Santos City. May inasikaso lang. Agad-agad din akong umuwi ng bukid.


Nagkita kami ni Pandesal. May pasalubong ako sa kanya. Isang shirt na nakita ko Makati Ave. On Sale sya. P300 lang. Pero hindi ko tinanggal ang original price tag na P700.


Masaya ang Pandesal. Kita naman.

Saturday, 6 December 2008

Things

OK na sana ako kay Mr. Pandesal. Wala na sana akong problema. Pero ibang klase sya kung magtext. Lahat ng message tinatapos sa question mark.


"Ano gawa mo?" text ko.


"Laro basketbol?" reply niya.


As in lahat ng text talaga. Tulad ng:


"2log na ako. Nyt?"


"Kumain ka na? Ako tapos na?"


"Nagsisibak ng kahoy?"


"Nagluluto?"



Palalampasin ko yan. Malay ko ba kung yon lang talaga ang estilo nya sa pagtext. At least kapag may nanloko na magtext gamit ang celphone nya, malalaman ko na hindi sya dahil walang question mark.



Maypagka-sweet si Pandesal. Laging may "Good Morning?" at "Good Night?"


Kaninang umaga, paggising ko, nakapasok na ang text nyang "Good Morning. Nakaalis ka na?"


Papunta kasi ako Manila. Mula bahay hanggang airport, sige ang text namin. At noong boarding na, nagtext ako sa kanya ng "Sige na, papatayin ko na ang cel. Papasok na kami eroplano."


Pinatay ko ang cel.


Paglapag ng Manila, binuksan ko agad ang cel at pumasok ang huling text niya.



"Taker?" sabi niya.


Napaisip ako.


"Salamat. Manila na ako. Ikaw din, ingat ka," sagot ko sa text niyang isa't kalahating oras bago ko nabasa.



"Things?" reply niya.



Napaisip uli ako.



"Ur welcome," ang sagot ko.

Thursday, 4 December 2008

Pandesal

Masaya ako ngayon. Isang linggo matapos kong tapusin ang relasyon namin ni Kulot may nagtext sa akin.


"Pwede ka maging textmate?" tanong niya.



"At sino ka?" mataray na tanong ko.


"Si Elmer," sagot nya.


"At saan mo naman nakuha number ko?" tanong ko uli.


"Kay Ton-Ton," reply nya.


Si Ton-Ton ang love interest ni Fiona. Malayong kamag-anak ni Kulot. At si Elmer ay kapitbahay niya.


At ang Elmer, walang tigil ang pagtext sa akin.


"Gusto mo tayo na?" tanong nya sa text.


"Ano ka? Di pa nga tayo nagkikita," sabi ko.


"Basta tayo na. Ano tawagan natin?" pilit na text niya.


"Tawagin mo akong Love. Tatawagin kitang Cholera," sagot ko.


Sinagot lang nya ako ng "jejeje."


Noong huling uwi ko sa bukid, napagkaisahan naming magkita.


Umiinom kami ng mga bakla ng magtext sya.


"Nahihiya akong lumapit. May dalawa akong kasama. Nasa bakeshop kami," text niya.


At timing naman ang pagdating ng isang kabarkada ni Kulot. Magandang pagkakataon. Tumayo ako, pinilit si Fiona na samahan ako papuntang bakeshop. Doon ko nakita si Elmer.


Cute sya. Matangkad. Biente anyos. Inaya ko syang join sa amin.


Nakailang bote rin kami nang mapansin naming nawala na ang mga bakla. Pati mga kasama niya umalis din. Inaya ko syang maglakad. Sa elementary school ang ending namin.


Nagkwentuhan kami. Naghalikan. Nagromansahan. Pero di ko itinuloy. Naisip ko, hindi pa panahon. Naisip ko, marami pang panahon.


Pero bago kami naghiwalay, humiling ako.


"Pwede pasilip?" tanong ko.


"Ng ano?" tanong nya.


Itinaas ko ang kanyang puting t-shirt. Nasiyahan ako sa nakita.


May baon syang pandesal. May abs sya.


Masaya ako.

Monday, 1 December 2008

Mali Ako



Eto ang pwesto. Maliit lang sya.



Sabi nga ni Bagtak ito lang ang pulang pwesto sa buong probinsya.



Bakit pula?



"Kasi nakakagutom ang pula," sabi sa akin noon ni Kulot.



Pero sa loob nito, ang kulay dilaw. Bakit dilaw?



"Kasi umiiwas ang mga ipis sa dilaw,' sabi ko sa kanya.



Asul ang bubong. Ewan namin kung bakit.



Pumunta ako kahapon sa pwesto. Nagkita kami ng Nanay ni Kulot.



"Sayang kung ipapagiba mo ito," sabi niya.



Hindi ako makapagsalita.



"Rentahan ko na lang sa January. Gagawin kong tindahan," dugtong nya.



Tiningnan ko ang pwesto. Pula. Masakit sa mata. Mas masakit sa dibdib.



"Hindi po. Ipapagiba ko po sya," nasabi ko.


"Sigurado ka? Sayang kasi," sabi nya.


"Habang nakatayo yan, mare-remind lang ako. Habang naandyan kasi yan, para akong multong ligaw. Di alam saan papunta. Di makagalaw. Di ako maka-move on," sabi ko.



Hindi sya umimik.


"Yan ang magsisilbing tuldok sa relasyon namin," dagdag ko.


Nagpasalamat ako sa kanya.


"Kung di dahil sa pagtanggap mo sa akin hindi rin kami tatanggapin ng community," sabi ko.



Totoo naman kasi. Wala akong naging problema sa pamilya ni Kulot. Ito rin marahil ang dahilan bakit wala kaming naging problema sa mga tao dito sa bukid. Buong bukid alam ang relasyon namin. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Kulot.



"Salamat din sa lahat ng nagawa mo para sa amin, para sa anak ko," sabi ng Nanay ni Kulot.



Hindi matagal ang pag-uusap namin. Umalis ako. Diresto ng terminal. Bibyahe papuntang city.


Hinatid ako ng Kuya ni Kulot sa terminal.


Seven years ago, nagpaalam ako sa Kuya ni Kulot.



"Gagawin kong boyfriend ang kapatid mo ha," nasabi ko noon sa kanya.



"Sino don?" tanong niya.



"Si Kulot," sabi ko.



"Ano? Ang dungis non," sabi nya.



Kahapon, ni-remind ako ng Kuya ni Kulot.



"Sabi ko na nga sa yo noon e," sabi nya.



"Ang sabi mo madungis sya," sabi ko.



"At sinabi ko rin na malabnaw ang utak ng kapatid ko," dugtong niya.



"Hindi ko narinig yon," dugtong ko.


Nagtawanan na lang kami.