Tuesday, 18 May 2010

Alam nya

Parang high school kung magtanong si Bad Boy Bulantoy. May halong kantyaw.


Ako naman, parang high school din sa pag-deny. May halong kilig.


"Kainis ka talaga," gustong kong sabihin sa kanya sabay hampas sa kanyang di naman katigasang braso. Hindi ko nagawa.


"Mabait yung batang yon," sabi nya.


Ako naman, kunwari pa.


"Sino'ng batang yon?" tanong ko.


"Si Jun-Jun," walang paligoy-ligoy na sagot nya.


"Paano mo nalaman?" tanong ko.


"May nagsabi. Secret na lang," sagot nya.


"Sino nga?" tanong ko.


"Secret nga," nakangising sagot nya.


"Bahala ka. Friends kayo?" tanong ko.


"Kilala nya ako. Kilala ko sya. Pero hindi kami friends," sagot nya.


"Magkapitbahay kayo di ba?" tanong ko.


"Di naman kapitbahay. Isang barangay lang. Pero ang layo ng bahay nila," sabi nya.


"Sure ka hindi kayo magkaibigan?" tanong ko uli.


"Hindi nga. Magkalaban kami sa basketball," sagot nya.


"Sigurado akong talo kayo lagi kasi varsity yon," sabi ko.


"Magaling din ako no," giit ni Bulantoy.


Marami pa syang kinwento. Hindi nga sila friends. Nakatira sa iisang barangay pero hindi nag-uusap. Iba ang grupo ni Bad Boy Bulantoy. Iba naman ang kay Jun-Jun na walang malay.


Nagpabili ako ng beer. Napapasarap usapan namin. At noong oras na ng tulog, di ko inimbitahan si Bad Boy Bulantoy sa kwarto. Alam na nya. Sa green sofa ang lugar niya. Sagrado na ang kama ko ngayon. Si Jun-Jun na walang malay lang ang pwedeng makihiga.


Dahil dito, sa green sofa namin ginawa ni Bad Boy Bulantoy ang di dapat mangyari.

Thursday, 6 May 2010

Sige na nga

Naghanda ang mga bakla. May malaking event.



At nagpa-picture pa




Nag-ikot, gamit ang multi-cab ni Amay (yung nasa harap sa naunang photo), ang negosyanteng lesbiana sa bukid namin



Na may advance party/escorts na tatlong nakamotorsiklong bakla




Nang makaikot, dumaan sa tinatapos na resort ni Amay para mag-retouch at magchange outfit



Inilabas ang totoong kulay



May orange, may yellow, may green




At umikot uli