Saturday, 28 August 2010

Di Masaya

Fiesta sa barangay namin ngayon. Wala kaming handa. Hindi maganda pakinggan. Hindi maganda tingnan.


Nasa ospital kasi nanay ni Fiona. Isang linggo na matapos ang pangalawang atake ng high blood.


Sa unang atake, medyo OK pa. Namanhid ang ilang parte ng kabilang katawan pero inuwi rin matapos ma-confine ng limang araw sa ospital. Pero makaraan ang dalawang araw, inatake na naman. Sa pagkakataong ito, delikado na. Comatose.


Eto si Fiona, walang tigil, halos 24/7, sa pag-aalaga sa nanay niya.




Nagpaalam ako sa kanya na kukuha ng picture. Sabi ko, ipopost ko sa blog.


Sabi ko rin sa kanya: "Marami ka namang fans sa blog e, at least mas maraming magdadasal."


Kaya please, utang na loob, tulungan nyo kaming magdasal.

Sunday, 22 August 2010

Madayaw!

Kung ganito rin lang ang maiuuwi ko galing streetdancing, sana araw-araw Kadayawan Festival.


Sya si Richard



Masarap




At di pwedeng di sya magpapicture sa green sofa



Nasa laundry basket pa ang mahiwagang shorts

Monday, 16 August 2010

Sasali ako




Sa September 1, sasabay ako sa paglabas ng post.


Sali na rin kayo.


Silipin ang detalye dito.

Wednesday, 11 August 2010

Tse nila!

Kagagaling ko lang ng NCCC Mall.


Pauwi na ako nang makasalubong ko si City Babe. Maikli ang buhok nya. Cute pa rin. Pero palihim lang ang smile nya. May kasama kasi. Girlfriend siguro.


Tiningnan ko ang bilat. Sinuri. Maganda naman. Pero di kasing-ganda ko. Tse nya.


Binalak ko na i-head-to-foot sya. Napatigil ako sa gitna. Di sya sexy. Sa katunayan, malaki ang bilbil nya. Teka, mas malaki pa. Buntis sya.


Ako na ang kusang umiwas. Ako ang nahiya para kay City Babe.


Dali-dali akong umuwi.