Wednesday, February 9, 2011

The End

And Mandaya Moore lived happily ever after. Alone.

Thursday, January 13, 2011

Bittersweet

Pasensya na kung maikli ang aking pasensya.


Kahit late, dumating si Kulot. At tinaon pa nyang nasa CR ako, nakaupo sa tronong puti.


"Pasok!" sigaw ko mula banyo.


Pumasok sya. Di ko itinuloy ang aking plano. Lumabas ako ng banyo.


"Kumain ka na?" tanong ko.


"Hindi pa," sagot niya.


"Kumain ka na dyan," sabi ko.


Alam na nya ang gagawin. Kumuha ng pinggan. Nagsandok ng kanin. Kumuha ng ulam. Nilapag sa mesa ang pinggan. Binuksan ang ref. Kumuha ng tubig. Kumuha ng baso. Bumalik sa mesa. Umupo. Itinaas ang kanang paa. Ipinatong sa upuan.


Sya nga si Kulot. Walang duda.


Inumpisahan nya sa pagtatanong ng: "Sinong kasama mo ngayon dito?"


"Ako lang," sagot ko.


Ako naman ang nagtanong ng: "Bakit antagal mo?"


"Ambagal ng bus," maikling sagot niya.


"Aircon?" tanong ko.


"Ordinary," sagot nya.


Sya nga si Kulot. Nasusuka kapag bumabyahe sakay ng aircon bus kaya kahit dagdag isang oras ang travel time, sa ordinaryong bus sya sasakay.


Nagsalitan kami ng mga tanong at sagot. Gaya ng dati.


Nang matapos syang kumain, binuksan nya uli ang ref, kumuha ng isang hiwa ng lemon bar.


Mabilis na inubos. Binuksan uli at kumuha pa ng isa. Nakailang ulit din syang nagpabalik-balik sa ref.



"Ako nagbake nyan," sabi ko.


"Masarap," sabi nya.


Niligpit ang pinagkainan. Nilagay sa lababo.


"Ako na nyan," sabi ko.


Matapos maghugas ng kamay, umupo sya sa green sofa. Sa harap ko.


"Ang itim mo ngayon," sabi ko.


"Tabing dagat kasi yung pinagtatrabahuan namin," sabi nya.


Andami pa nyang kwento, tila sinasabing OK lang sya.


Naniwala ako. Mukhang namang OK sya.


Tumayo sya. Inikot ang bahay. Sinilip ang mga kwarto. Pati CR tiningnan.


"Walang nagtatagong lalaki dyan," sabi ko.


"Hindi, na-miss ko lang tong bahay," sagot niya.


Nakataas ang kilay, napangisi ako. Pagbalik nya, naka-smile din sya.


Tumingin sya sa TV.



"Buhay pa pala yang ginawa kong TV stand?" tanong niya.


"OO naman, at di pa rin napipinturahan hanggang ngayon," sagot ko.


Pareho kaming nakatawa.


"Ano yan?" tanong nya sabay turo gamit ang nguso.


"Laruan," sagot ko.



At naglaro sya ng wii.



Wala pa ring tigil ang kwentuhan namin habang pinapatay niya ang mga zombies, mala-palakang monsters, paniki at piranha sa larong Resident Evil.


Sa maikling panahon, sinubukan naming malaman ang mga nangyari sa kanya-kanyang buhay pagkatapos ng hiwalayan. At sa haba ng kwentuhan, ni minsan ay di napag-usapan kung bakit kami humantong sa ganon. Parang wala lang. Parang napag-usapan naming wag na'ng pag-usapan pa.


At dalawang oras bago ang lipad nya, iba naman ang inatupag namin. Inilabas ko ang mga gamit niya.


Inaayos ang mga naiwan nyang gamit.




Umalis sya. Mukhang masaya naman. Kita sa mata.




Ganon din ako. Ang gaan sa dibdib.


At nang nakaalis na sya, eto ang aking kinakanta

Closure

Puyat ako kagabi. Masama ang loob dahil natalo sa sugal. Pero gumising pa rin ako nang maaga kanina. Inilabas ang karne sa freezer. Naglinis ng bahay. Mga alas dies ng umaga, sinimulan ang pagluluto.


Darating kasi si Kulot. Dadaan daw sya nang bahay bago sya lumipad pabalik ng Luzon.


Kahapon nagtext kami. Sabi nya, pananghalian daw sya pupunta.


Mag-aalas dos na ngayon, wala pa sya.


"Ambagal kasi ng nasakyan ko," text niya sa akin.


"Ang sabi mo lunch. Anong oras na? Nasayang ang oras ko. May lakad ako dapat," sagot ko.


"Sorry. Pwede pa ba akong pumunta dyan?" tanong nya.


Hindi na ako nagreply. Tinantya ko kung gaano pa kalayo ang panggagalingan niya. Mahigit isang oras pa na byahe.


Hindi na kami ni Kulot. Wala akong karapatang magdemand. Wala akong karapatang magalit.


At dahil hindi nga kami, wala rin akong pasensya para mag-antay.


Mag-closure syang mag-isa nya.


Matagal na'ng closed ang puso ko.

Thursday, January 6, 2011

The Instant Gardener

Dumating sya kahapon.


Makikituloy daw habang naghahanap ng trabaho.


Ang tanging pangako nya ay aalagaan daw nya ang aking flower.


Thursday, December 30, 2010

Miss Gay Boa

Noong Martes, nagsponsor si Amay, ang negosyanteng lesbiana sa bukid namin, ng Ms Gay Boa. Sa resto bar nya idinaos ang pageant.


Eto ang stage. Si Amay ang nagdesign. Machong-macho ang concept.





Parade of Nations (na hindi match sa kanilang outfit)

Ms Peru (Juliana Palermo0




Ms Japan (Zsah-Zsah Padilla)



Ms Egypt (Angel Locsin)



Ms Venezuela (Korina Sanchez)



Ms Trinidad and Tobago (Jessica Soho)




Casual Wear


















Swimsuit Competition

















Evening Gown Competition with a twist

Rampa




Tagay




Rampa




Tagay




Rampa



Tagay



Rampa




Tagay





Rampa




Tagay





Talent ni Zha-Zha: Lipsynch na may custom-made mic
(Sa talent lang nya ako nagka-interest)




Intermission number: Mayor's daughter with friends



Ang mga nanalo: Jessica (2nd) Zha-Zha (Reyna) at Korina (1st)



P.S.

Ako po ang nagturn over ng crown


Happy New Year!

Sunday, December 26, 2010

Monday, December 20, 2010

Ang Pagbabalik

Medyo matagal ko ring inilihim ito.


Noong November 21, nagtext ako kay Kulot ng "Happy Birthday!"


Sumagot naman sya ng "Salamat."


Yon lang dapat. Pero nagtext sya ng "Musta na?"


"OK lang," ang sagot ko.


Tinanong ko rin sya ng "Ikaw?"


"OK lang din," ang sagot nya.


Di ko na pinahaba pa ang palitan namin ng mensahe. Sabi nga ni Goddess, tama lang yon "at baka mapunta ang greeting sa candle blowing."


Dalawang linggo ang lumipas, at sa kalagitnaan ng pakikipaglandian ko sa isang bagets sa tabing dagat, nagtext uli si Kulot.


"Musta na?" tanong nya.


Di ko naman pwedeng sagutin sya ng "nanghahada ako ngayon, bukas ka na magtext" kaya sinagot ko sya ng "OK pa rin."


"Hindi ka na nga galit sa akin?" tanong nya.


"Hindi na. Matagal na yon. Sorry pala sa lahat ha," sagot ko.


"OK lang yon. Sa mga panahong yon, naintindihan kita," sagot niya.


Naitanong ko sa kanya kung uuwi ba sya ngayong pasko.


"Baka," sagot nya.


Tinanong ko sya kung bakit baka lang.


"Baka kulangin naipon ko," sagot nya.


"Pamasahe, pasalubong," dugtong nya.


At gaya ng dati, nagbigay ako ng suggestions.


"Mag Philtranco ka na lang. Mura pa. At sa pasalubong, unahin mo ang mga pamangkin mo," sabi ko.


"Sa mga bata, madali lang. Laruan lang masaya na sila," sagot nya.


"Two years kang nawala, malalaki na kaya sila," sagot ko.


"Ay oo nga pala. Bahala na," sabi nya.


"Tapos kailangan mo pa ng pasalubong sa girlfriend mo," sabi ko.


"Di na kailangan," sagot nya.


Naiirita na ang bagets. Ang liwanag kasi ng ilaw sa celphone ko. Istorbo daw.



"May asawa ka na?" tanong ko kay Kulot.


"Wala pa a," sagot nya.


"Pero maraming GF?" tanong ko uli.


"Isa lang," sagot niya.


Focus muna ako sa bagets, pero ayaw tumigil sa pagtext si Kulot.


"Ikaw, sino boyfriend mo ngayon?" tanong nya.


"Dalawa sila. Isang taga Mati, isang taga city," sagot ko.


"So sa Mati ka na tumatambay ngayon?" tanong nya.


"Hindi, sya ang pumupunta sa bukid," sagot ko.


"E yung sa city, sa bahay mo nakatira?" tanong niya.



"Hindi pa. Baka next year. Naniniguro lang ako," sagot ko.


"A OK. Dapat sure ka talaga," text niya.


Nawawalan na ng gana ang bagets. Nawawala ako sa focus.


Kailangan kong mamili: si bagets na nasa harap ko o pakikipagtext kay Kulot ng aking kahapon?


Pinatay ko ang celphone. Ang importante ay ang ngayon.