Monday, April 12, 2010

Three years ago

Ngayon ko lang nalaman ang kwentong ito.


Tatlong taon na ang nakalipas. Sa Mati City ang venue. Nag-iinuman ang mga bayot. Sa kabilang table ay isang grupo ng mga bagets. Mga high school students.


Matapos ang isang oras, sinipa na ng Red Horse ang mga bakla. Pati ang kabilang table, tinadyakan.


At dahil likas na malalandi, ang mga lalaki sa kapitbahay na mesa ang napag-tripan. Walang problema sa umpisa, likas na malalandi rin ang mga boys, maliban sa isa.


Kanya-kanyang partner na, maliban sa isa.


At dahil likas din na maawain ang bakla, nilandi ang feeling loner na guy.


Hindi ito nagustuhan ng lalaki. Sinuntok ang bakla.


Bad trip daw.


Si Alton ang bakla. Si Bulantoy ang guy.


Ayoko na. Wala akong balak maging battered bayot.

Saturday, April 3, 2010

Villar

Eto ang bagong kinababaliwan ng mga bading.


Si Fiona at ang kanyang winning shot




Dinalaw ako ni Baby Bulantoy sa bukid. Nakipaglaro sya sa mga bakla




Ang Fiona, winning pose pa rin



Gusto ko si Bulantoy. Pero may pero. May history of violence sya.


Sa edad na 18, andami na nyang pinagdaanang gulo.


Minsan, habang rumarampa ang aking dila sa kanyang braso, may naramdaman akong kakaiba.


"Ano ito?" tanong ko sabay dampi ng halik sa peklat.


"Nasaksak ako dyan," sagot niya.


Isang kitchen knife ang sinangga ng kanyang braso. Tagos sa laman. Tinamaan pati tagiliran. Tatlong peklat-- dalawa sa braso at isa sa tiyan.


Minsan naman, sa aking pagpapacute, cheek to cheek ang drama.


"May birth mark ka pala," sabi ko sabay kiss sa gilid ng kanyang singkit na mata.


"Hindi birth mark yan. Hinataw yan ng bato," sabi nya.


OK.


Hindi ko iniisip ang kanyang nakaraan. Past is past.


"Mabait naman sya," sabi ko sa sarili. Eto rin ang sinasabi ng sinumang baklang nag-uumpisang mahulog sa isang lalaki-- anghel man o demonyo.


Nang matapos ang bilyar at inuman, doon bumalik ang takot ko.


Napapaaray ako. Nasasaktan kasi ako sa tuwing tinatamaan ng tongue piercing chuva nya ang aking nipple.

Friday, March 26, 2010

Happy Ako

Salamat kay Bulantoy, natupad ang gusto ni Manonhg Johnny para sa ating lahat - ang maging happy.


Ilang araw ding tumira sa bahay si Bulantoy. Di naman demanding. Kumakain kung ano man ihain.


At kung kami man ay lumabas para kumain, iisa lang ang magpapaligaya sa kanya -- burger.


Pagdating pa lang nya, sinundo ko sya sa van terminal sa Victoria Plaza. Diretso kami sa Basti's Brew at doon ay umorder sya ng burger. Masarap. Malaman. Makatas.


"May mas masarap pa dyan," sabi ko.


"Ano?" tanong nya.


"Ako," sagot ko.


Loko lang. Mas masarap ang Space Burger. At nang matikman nya ito kinabukasan, sumang-ayon sya.


Hindi lang kain ang ginawa namin. Marami pa.


Nanood kami ng Alice in Wonderland. Ang baon: burger mula Mcdo.


At sa ilang araw nyang nilagi sa city, gabi-gabi kaming lumabas. Trip nya kasi ang live band. Yung "alternative" daw. Napilitan akong pumasok sa maiingay na bars. Nag-enjoy naman ako. Lalo naman sya.


Pero tumigil din kami sa bahay. Dito naganap ang mga Oh Yeah moments. Masarap. Walang kasing sarap.


Kung si Mother Lily at may "Magic Kamison," ako naman ay may "Mahiwagang Shorts" na sinusuot ng mga lalaking napadaan sa buhay ko, tumikim sa pechay ko.


Hindi rin pwedeng di sya magpa-picture sa mala-alamat na green sofa.




Saturday, March 20, 2010

Panaginip

Sya ang bago kong kinalolokohan. Parang love na yata ito.




Tinanong sya ng isang bading kung saan at paano kami nagkakilala.


Ako ang sumagot ng: "Napanaginipan nya ako."


Paano ka nya natunton?


Sinagot ko rin ng: "Pati pangalan ng hotel napanaginipan nya."





Ilang araw lang kaming magkasama. Kulang pa.



Kanina, hinatid nya ako sa bus terminal



Sa aming pansamantalang paghihiwalay, napaiyak ako. Isang luha lang.

Thursday, March 4, 2010

Ice Candy

Sa basketball pa lang ay nagkainitan na sina Kirby at Re-Re. Ang venue: sa court sa likod ng bahay ni Kaye sa city.



Kala mo naman magagaling maglaro. Pa-shoot-shoot lang ay di naman maipasok ang bola.


Kanya-kanyang bintang na marumi maglaro ang isa. Pero ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang pumutok ang galit nila sa isa't-isa.


Sa gitna ng inuman, at madaling araw na ito, bigla na lang sinuntok ni Kirby si Re-Re. Tinamaan ito sa braso.


Ilang segundo ring sinakal ni Kirby si Re-Re, gamit ang isang kamay habang ready ang isang kamao para sa isa pang suntok.


Nanlaban ang Re-Re. Pinakawalan nya ang kanyang power kamao. Sa dibdib ni Kirby ito lumanding.


Rambulan ang nangyari. May suntok. May sakal. May kalmot. May sabunot.


At dahil hindi silent movie ang kaganapan, may sound effects-- sigawan ng mga bakla.


Pinigilan sila ni Red. Ayaw paawat. Sinigawan sila ni Kaye. At dahil siya ang may-ari ng bahay, tumigil ang dalawa.


Sinubukang ayusin ni Kaye ang dalawa.


"Kanina ka pa sa basketball, ang dumi mong maglaro," sabi ni Re-Re.


"Ikaw, matagal na," sagot ni Kirby.


Walang alam ang Re-Re.


"Ano'ng matagal na?" tanong nya.


"Matagal na akong galit sa yo," sagot ni Kirby.


Inosente talaga ang Re-Re. Di alam kung ano ang ikinagalit ni Kirby.


"Tsinismis mo ako sa Tagum (city) na meron akong ice candy," sabi ni Kirby.


Natawa si Red. Pinigil ni Kaye ang tawa. Nakakabulahaw sila sa mga kapitbahay. Si Re-Re, feeling inosente pa rin.


Masakit nga naman ang tsismis, kung totoo man ito. Ice Candy kasi ang tawag namin sa skin disease. Ice Candysis.


Pero ayaw paawat ang dalawang bakla. Nagbatuhan pa rin ng mga maaanghang na salita. Nagsigawan pa rin.


Bago pa man sumikat ang araw, nagdesisyon ang Kaye. Binigyan nya ng pamasahe ang dalawa bakla. Pinalayas nya ito.

Saturday, February 20, 2010

Piyakak

Nasa Eden Nature Park ako ngayon. At ang sumalubong sa amin (secret na lang kung sino ang kasama sa "amin") ay ang maniac na peacock at ang malanding partner nya.




Masasarap ang pagkain.


Malamig ang panahon.


Wala akong reklamo.

Monday, February 15, 2010

Ayoko muna

Hindi ko pinatira sa bahay si City Babe.


"Sige na. Promise, magpapakabait ako, hindi ako magiging sakit sa ulo," sabi nya.


"Hindi nga pwede," sabi ko.


"Lilinisin ko lagi ang bahay mo. Aalagaan ko ang mga tanim," dagdag nya.


Hindi pa rin ako nakumbinse.


"Umuwi ka na lang sa inyo," tanging nasabi ko.


Hindi ko alam kung saan na sya ngayon.


Kaya kahapon mag-isa ako sa bahay. Walang date. Walang bisita. Nagsolong naghapunan ng fish sweet and sour, na feeling ko ay Chinese food para sa Chinese New Year.


Nagparamdam naman si Ranger. Nag-greet ng "Happy Valentine's Day." Di ako nagreply. Pinanindigan ko ang binitiwang "Tigilan nyo na ako" statement noon.


Ayoko na ng komplikasyon. Masaya na ako na hindi nakadepende sa iisang tao ang aking kasiyahan.


Maaga akong natulog kagabi. Pagkagising kaninang umaga, parang walang nangyari.


Naisip ko lang naman, ang Araw ng Puso ay nasa isip lang, nasa puso lang.