Thursday, January 6, 2011

The Instant Gardener

Dumating sya kahapon.


Makikituloy daw habang naghahanap ng trabaho.


Ang tanging pangako nya ay aalagaan daw nya ang aking flower.


Thursday, December 30, 2010

Miss Gay Boa

Noong Martes, nagsponsor si Amay, ang negosyanteng lesbiana sa bukid namin, ng Ms Gay Boa. Sa resto bar nya idinaos ang pageant.


Eto ang stage. Si Amay ang nagdesign. Machong-macho ang concept.





Parade of Nations (na hindi match sa kanilang outfit)

Ms Peru (Juliana Palermo0




Ms Japan (Zsah-Zsah Padilla)



Ms Egypt (Angel Locsin)



Ms Venezuela (Korina Sanchez)



Ms Trinidad and Tobago (Jessica Soho)




Casual Wear


















Swimsuit Competition

















Evening Gown Competition with a twist

Rampa




Tagay




Rampa




Tagay




Rampa



Tagay



Rampa




Tagay





Rampa




Tagay





Talent ni Zha-Zha: Lipsynch na may custom-made mic
(Sa talent lang nya ako nagka-interest)




Intermission number: Mayor's daughter with friends



Ang mga nanalo: Jessica (2nd) Zha-Zha (Reyna) at Korina (1st)



P.S.

Ako po ang nagturn over ng crown


Happy New Year!

Sunday, December 26, 2010

Monday, December 20, 2010

Ang Pagbabalik

Medyo matagal ko ring inilihim ito.


Noong November 21, nagtext ako kay Kulot ng "Happy Birthday!"


Sumagot naman sya ng "Salamat."


Yon lang dapat. Pero nagtext sya ng "Musta na?"


"OK lang," ang sagot ko.


Tinanong ko rin sya ng "Ikaw?"


"OK lang din," ang sagot nya.


Di ko na pinahaba pa ang palitan namin ng mensahe. Sabi nga ni Goddess, tama lang yon "at baka mapunta ang greeting sa candle blowing."


Dalawang linggo ang lumipas, at sa kalagitnaan ng pakikipaglandian ko sa isang bagets sa tabing dagat, nagtext uli si Kulot.


"Musta na?" tanong nya.


Di ko naman pwedeng sagutin sya ng "nanghahada ako ngayon, bukas ka na magtext" kaya sinagot ko sya ng "OK pa rin."


"Hindi ka na nga galit sa akin?" tanong nya.


"Hindi na. Matagal na yon. Sorry pala sa lahat ha," sagot ko.


"OK lang yon. Sa mga panahong yon, naintindihan kita," sagot niya.


Naitanong ko sa kanya kung uuwi ba sya ngayong pasko.


"Baka," sagot nya.


Tinanong ko sya kung bakit baka lang.


"Baka kulangin naipon ko," sagot nya.


"Pamasahe, pasalubong," dugtong nya.


At gaya ng dati, nagbigay ako ng suggestions.


"Mag Philtranco ka na lang. Mura pa. At sa pasalubong, unahin mo ang mga pamangkin mo," sabi ko.


"Sa mga bata, madali lang. Laruan lang masaya na sila," sagot nya.


"Two years kang nawala, malalaki na kaya sila," sagot ko.


"Ay oo nga pala. Bahala na," sabi nya.


"Tapos kailangan mo pa ng pasalubong sa girlfriend mo," sabi ko.


"Di na kailangan," sagot nya.


Naiirita na ang bagets. Ang liwanag kasi ng ilaw sa celphone ko. Istorbo daw.



"May asawa ka na?" tanong ko kay Kulot.


"Wala pa a," sagot nya.


"Pero maraming GF?" tanong ko uli.


"Isa lang," sagot niya.


Focus muna ako sa bagets, pero ayaw tumigil sa pagtext si Kulot.


"Ikaw, sino boyfriend mo ngayon?" tanong nya.


"Dalawa sila. Isang taga Mati, isang taga city," sagot ko.


"So sa Mati ka na tumatambay ngayon?" tanong nya.


"Hindi, sya ang pumupunta sa bukid," sagot ko.


"E yung sa city, sa bahay mo nakatira?" tanong niya.



"Hindi pa. Baka next year. Naniniguro lang ako," sagot ko.


"A OK. Dapat sure ka talaga," text niya.


Nawawalan na ng gana ang bagets. Nawawala ako sa focus.


Kailangan kong mamili: si bagets na nasa harap ko o pakikipagtext kay Kulot ng aking kahapon?


Pinatay ko ang celphone. Ang importante ay ang ngayon.

Tuesday, December 7, 2010

Walang kati sa Tawi-tawi

Nasa Manila ako noong isang linggo.

Di kami nagkita ni Kane, nasa Quezon City sya, nasa Makati ako. Late na para magkita kami kasi palipad na rin ako kinabukasan. Alas kwatro ng umaga ang flight ko papuntang Zamboanga.

Isang araw din akong tumigil sa Zamboaga bago sumakay uli ng eroplano


Ang aking destinasyon




White sand beach o




Grabe, ang daming sumalubong sa akin sa airport ng Bongao. Muntik na akong maiyak sa tuwa




Hindi pala ako ang sinalubong nila



Mga galing Hajj sa Mecca




Pumunta sa bagong mall-- opo, mall ang tawag nila dito




Umakyat ng provincial capitol. Malabo pa rin ang eksena dahil sa ulan



Kahit ang Bongao Peak malabo




Maulan pa rin





Huli na ang lahat nang tumila ang ulan

Saturday, November 20, 2010

Call of Nature

Walang magawa, pumunta kami sa beach.


Tumagay ng Tanduay at naglublob sandali.


Sina Kirat at Fiona




Si Patricia





Nang pauwi, may call of nature.

Kung haharap sya sa dagat kita ng mga tao. Kaya eto na lang ginawa ni Fiona.

Thursday, November 11, 2010

Tama na si Tatay




Dating OFW ang tatay ko- isa sya sa mga unang Pilipinong pumunta ng Saudi para mabuhay ang mga pamilya nila.


Kape namin Maxwell House. Sabon namin Dial at Dove. Shampoo namin ay Head and Shoulders. Nang mauso, Casio ang relo namin. Noong medyo nagka-edad na, Seiko 5. Laging may Toblerone at Kisses. Laging nasa uso ang mga sapatos. May betamax. May multiplex. May Minus One.


Para sa aming magkakapatid, iyon ang katas ng Saudi.


Noong magretiro ang tatay, pumalit sa kanya ang dalawa kong nakababatang kapatid. Sayang naman daw ang koneksyon nya. Pero di pa man umabot ng isang taon, bumalik na sa Pilipinas ang isa.


"Di ko kaya. Sobrang init kung tag-init. Sobrang ginaw naman kung tag-lamig," sabi ng kapatid ko.


Doon namin naisip kung anong hirap ang dinaanan ng Tatay sa mahigit na 20 years nya sa Saudi.


Hindi lang yon. Nag-sorry din sya sa Tatay. Hindi para sa nasayang na placement fee, kundi sa madalang na pagsagot nya sa mga sulat ni Tatay noong nasa Saudi pa ito.


"Ang hirap don," sabi nya.


"Maiiyak ka na lang bigla sa lungkot," dugtong pa nya.


Mabilis akong sumagot sa sulat ni Tatay noon, kahit na kalakip ng sulat ay ang sukat ng paa ko.


Nagpapadala din kami ng voice recording. Back to back ang blank cassette tape. Isang oras lahat. Kahit ano sasahihin mo, kahit walang kwenta.


Hanggang ngayon, nasa isang kahon pa rin ang mga tapes. Nasa isang sulok ng kwarto ni Tatay.


Nang matapos ang dalawang taong kontrata ng isa ko pang kapatid, umuwi sya. Hindi na bumalik.


Ganon din ang sabi nya-- na mahirap ang buhay doon.


"Mas mahirap kapag nagkasakit ka, kahit lagnat lang. Maaalala mo pamilya mo. Doon, walang mag-aalaga sa yo. Walang magbabantay kung bumaba na ba ang lagnat mo. Walang magluluto ng Arroz Caldo. Walang magtatanong kung gusto mo ba ng Royal True Orange at Soda Crackers," sabi nya.


Mula non, wala ng nagtangka pang mag-OFW sa pamilya namin. Tama na ang dalawa kong kapatid. Tama na si Tatay.