Sunday, May 31, 2009

Bakit sya nawala




Marami ang nagtatanong bakit bigla na lang nawala si Babe in the City. Sabihin na nating napagod na ako sa kanya. Nagsawa.

Hindi naman ako mapiling tao. Pero sadya yatang hindi para sa akin si City Babe. Sa kabilang banda, baka naman sadyang hindi ako para sa kanya.

Hindi naman kami nag-aaway. Pero hindi rin kami nagkasundo. Iba ang type nya sa music. Hindi rin sya palabasa. Mahilig sa pelikula pero di ko naman masakyan ang B movies. Pati outfit nya di ko type. Lalong nahahalata ang age gap namin.

Minsan naman nagkita kami sa mall, dumating ba naman na may headphones sa ulo nya. Buti sana kung iPod ang gamit. Isang MP3 player na Made in China with matching mumurahing headphones na tunog lata.

In fairness, nagkasundo naman kami sa paglalaro ng Nintendo Wii sa NCCC Mall. At sa sex.

Nguni't ang nagtulak sa akin na tigilan na sya ay noong mapansin kong malapit na maubos ang panyo ko.

Iyakin kasi sya.

Konting away ko lang, tutulo ang luha.

"Porke ba nakuha mo na ako, ganyan ka na," eto ang linya nya nang minsan ay tumayo ako sa gitna ng Oh Yeah Moment naman dahil napansin kong wala syang kabuhay-buhay.

"Inaantok ako," ang rason nya.

""Sinabi mo sana, hindi naman ako namimilit. Pwede naman tayong matulog," sabi ko.

Umiyak sya.

At dahil nabigla ako sa nangyari, inamo ko sya. Yumakap sya sa akin. Basa ang dibdib ko sa luha nya. May halong uhog. Dala ng pandidiri, tumayo ako. Kumuha ng panyo. Pinanindigan ko ang aking sinabi, natulog kami.

Pero sadyang mababaw ang luha ni City Babe. Minsan magkatabi kaming nakaupo sa sofa, pa-sweet ang drama, nabugahan ko sya ng usok ng yosi. Umiyak. Ang baba daw ng tingin ko sa kanya.

"Dahil ba nakuha mo na ako," sabi nya, lumuluha na naman.

"Di naman sinasadya. Tinamaan ng electric fan," sabi ko.

Ayaw niya maniwala. Isang panyo na naman ang inilabas ko.

Nakatatlong panyo rin sya.

Umuwi sya sa probinsya nila noong Semana Santa. Pagkatapos ng Holy Week, nagtext sya sa akin.

"Pababalikin mo pa ako?" tanong nya.

Hindi ako nagreply. Hanggang ngayon, deadma ko sya. Naisip ko, mauubos mga panyo ko.

Monday, May 18, 2009

Pugot

Naging busy ako-- meetings, bukid, city, high school reunion, byahe at lovelife.

Opo, may lovelife na uli ako-- si Scout Ranger.

Kapag nasa city ako, lagi kami nagkikita. Sa bahay sya tumatambay pagkatapos ng trabaho nya. Balik luto uli ako- isang bagay na matagal ko ng hindi ginagawa.

At ang paborito nyang ulam-- sinigang na bangus.

Hindi magastos si Scout Ranger. Kung pumupunta kami sa mall, pasyal lang ang ginagawa namin. Ayaw din nyang kumain sa labas, mas masarap daw kasi ang luto ko. Chos!

At kapag kami ay nasa bahay lang, nanonood lang sya ng DVD, o di kaya ay ginagawa ang kanyang mga office work.


Tulad na lang nito. Nakatulog sya sa pagod.


At minsan naman, may Oh Yeah Moments kami. Masarap. Nakaka-adik.


Eto po sya pagkatapos ng Oh Yeah Moment



Pugot po ang mga photos nya. Mahirap na at baka masibak sya sa trabaho.

Pakitanong na lang kina Bananas, Kiks at Ate Lyka kung ano itsura ni Scout Ranger. Na-share ko na kasi sa kanila.

Friday, May 8, 2009

Para kay Emar D.

Si Emar D. ay estudyante ng Ateneo de Davao University. Pinalad syang makita makita ng personal sina Red at Patricia. Ayon sa kanya, masugid daw syang mambabasa ni Mandaya Moore.

Salamat sa iyo Emar.


Sina Fiona at Red, sakay ng mga payatot na bikers




Si Patricia at Red





Si Red sa tabing daan

Wednesday, April 29, 2009

Laging Handa

"Dapa," utos ko sa kanya.


Hinubad niya ang kanyang t-shirt. Di ko pinansin. Humiga sya. Padapa.


Binuhos ko ang oil sa aking palad. Lavander ang scent. Pang-relax daw. Inumpisahan ko ang paghimas sa likod nya. Kinalat ang langis sa kanyang balat. Inumpisahan ko ang pagmasahe. Mula batok pababa sa kanyang likod. Diniinan ko para naman manamnam niya ang sarap ng aking paghagod, pero nilabanan ito ng matitigas niyang laman. Ilang minuto rin akong nagconcentrate sa kanyang likod.


Bumaba ang aking mga kamay.


"Ibaba natin ng konti," sabi ko, sabay baba ng kanyang itim na briefs.


Hinayaan nya ako. Tumambad sa akin ang puwet nya. Matambok ito.


"Ano ito?" tanong ko habang nakaturo sa maliit na bilugang peklat sa kaliwang pisngi ng kanyang pwet.


"Nadaplisan lang yan. Splinter wound ng M203," sagot niya.


Wala akong follow up question. Ipinagpatuloy ko ang pagmasahe sa kanyang pwet. Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang kaliwang hita. Tahimik lang sya. Lumipat ako sa kanang hita,


"Ito, ano ito?" tanong ko naman habang himas-himas ang isa pang bilugang peklat.


"Tama ng bala," sagot niya.


Deadma. Tuloy ang masahe. At nang ako ay mapagod, ako naman ang dumapa.


"Ako naman," sabi ko.


Ginawa naman nya. Pero kakaibang massage. Walang halong malisya. Very professional.


"Saan ka naman natutong magmasahe?" tanong ko.


"Wala. Kapag pagod sa operation, nagmamasahean kami ng mga kasamahan ko," sagot nya.


Ilang minuto lang ay tapos na sya. Di na ako nagreklamo. Nakahiga kami. Ako nakadapa, sya nakatihaya. Parehong tahimik.


"Bumublowjob ka?" tanong nya.


"Hindi," mabilis na sagot ko.


Tahimik uli.


Di ko mapigilan ang pagtawa. Tumawa rin sya. Kinuha niya ang aking kamay. Nilagay ito sa kanyang malapad na dibdib. At parang magic, nagkaroon ng sariling buhay ang aking kamay. Dahan-dahan itong bumaba. Nangyari ang gusto nyang mangyari.


At sa kalagitnaan ng mga pangyayari, nagsalita sya.


"May condom ka?"


OO naman. Boy Scout yata ito.


Noong gabing iyon, nangyari ang Oh Yeah moment namin ni Scout Ranger.

Sunday, April 26, 2009

Byahe

Isang linggo ko na itong tinatago sa sarili. Kilig ako.

Sya si Ray. Nakilala ko habang sakay sa van mula Cotabato papuntang Davao. Via Cotabato kasi ang byahe ko pauwi galing Misamis Occidental kung saan nagswimming ako with the dolphins.

Magkatabi kami ng upuan. Nagkakwentuhan. Tinanong nya ako kung saan ako galing. Sinabi ko naman. Tinanong ko rin sya. Eto ang kwento nya.

Tubong North Cotabato. 34 years old. 5' 6". Maganda ang katawan. Puro muscles. Walang bilbil. Nakakamatay ang abs.

"Kung taga North Cotabato ka, ano ginagawa mo sa Cotabato City," tanong ko.

"May inasikaso lang," sagot niya.

"Ano?" tanong ko.

Di agad sya sumagot.

Nag-antay ako.

Halatang may halong pag-aalinlangan, pero sumagot din sya ng "nag-inquire lang sa korte, kasi ipapa-annul ko kasal namin ng wife ko."

Naintriga ako. Ipinakita sa kanya, sa pamamagitan ng aking facial expressions (in plural form), na interisado akong makinig.


Isang taon na silang hiwalay ng misis nya. Malandi kasi. Nakipagharutan sa ibang lalaki. At si Ray, maraming kabaitan sa katawan. Imbes a idemanda ang bilat, hinayaan ito at nakipag-deal na kunin ang dalawa nilang anak.

Nasa nanay ni Ray ngayon ang mga bata-- 10 at 8 years old. Babae at lalaki.

Idinitalye ni Ray ang mga nangyari. Mahaba ang byahe. Mahaba rin ang kwento nya.

Pagdating sa Davao, niyaya ko syang mag-dinner sa Banok's. Sarado na kasi ang SM at ito ang pinakamalapit sa terminal ng van.

Habang inaantay ang order, sya naman ang nagtanong ng "Ikaw, may pamilya ka na?"

Automatic ang sagot ko na "bakla ako."

Binigyan nya ako ng smile.

"May boyfriend ka?" tanong nya.

At dito ko naikwento ang tungkol kay Kulot. At dahil mahaba ang kwento namin ng gagong yon, inaya ko si Ray ng beer sa Kanto Bar sa Matina Town Square.

Anim na beer, mahabang kwentuhan, Bigayan ng mga payo. Kanya-kanyang pakitaan ng simpatya sa isat-isa.

At nang maubos na ang beer, tinanong ko sya ng "Gusto mo pumunta sa bahay ko?"

Walang pag-aalinlangan OO ang sagot nya.

Sa bahay, kwentuhan na naman. At dahil pareho kaming galing sa byahe, pagod ang aming mga katawan,

"I-massage kita, tapos ako naman imasahe mo," sabi ko.

Pumayag sya.

Tuesday, April 21, 2009

Dolphin Island

Alas Singko pa lang ay gising na ako. Excited sa trip papuntang Dolphin Island. Eto ang bumungad sa akin.





Ang grupo swimming with the dolphins






Isa sa mga kasama ko, si AA, pinapakain ang dolphins




Ako, feeding the dolphin



Ako po ang kumuha ng sunrise photo. Yung ibang photo, si Mark Navales ang kumuha.

Friday, April 17, 2009

Pagod

Halos kalahating araw akong nagbyahe. Umalis ako ng Davao 11 pm ng Huebes, nakarating ako sa aking destinasyon ng pasado alas onse ng umaga kinabukasan. Mula Davao, anim na oras na bus ride papuntang Cagayan de Oro. At mula Agora Terminal sa Cagayan de Oro, lumipat sa Bulua Terminal para sumakay ng bus papuntang Iligan City, Sa Iligan, sumakay na naman ng bus papuntang Ozamiz City. Sa Kolambogan sa Lanao, isinakay ang bus sa isang barge papuntang Ozamiz. At mula Ozamiz, sakay pa rin ng bus, pumunta ako dito.






Pagpasok, akala ko puro fishpond ang pinuntahan ko. Hindi pala. Nasa gitna ng dagat ang resto. At ang cottages, nakatayo sa tubig. Maganda ang lugar. Nakaka-relax.




Bukas, balak kong tumawid sa Dolphin Island at makipag-swimming sa mga dolphins