Friday, July 6, 2007

Huling El Bimbo

Depressed ako. Wala na si Kulot.

“Kailangang ba talagang umalis ka?” tanong ko habang nakahiga sa kama kagabi.

“OO nga e,” sagot niya, halatang nakukulitan na sa akin.

Inayos niya ang mga damit niya. Ipinasok sa bag. Pati “kikay pouch” ko hiniram niya para mapaglagyan ng toiletries nya. Itinuloy niya ang pag-empake. Di na mapipigilan ang pag-alis niya kinabukasan.

Kinabukasan, ready na sya. Nakapag-almusal na. Nakaligo na. Nakagayak na. Hinihintay na lang ang mga kasabay niya. Kinuha ang gitara. Tumutog. Punyeta!

“Kamukha mo si Paraluman,” kanta niya.

Wala sa tono.

“Nung tayo ay bata pa,” dugtong niya.

Wala pa rin sa tono.

Sumingit ako: “A pagdating sa Paraluman. C pagdating sa Nung.”

Inulit niya.

“Kamukha mo si Paraluman,” ulit niya.

Nasa tono. Nasa tiempo.

“Nung tayo ay bata pa,” dugtong uli niya.

Ganon din. Nasa tono. Nasa tiempo.

“At ang galing-galing mong sumayaw,” itinuloy niya.

Sala na naman.

“G pagdating sa Bata,” sabi ko.

Tumingin sya sa akin at sinabing: “Ay OO nga pala.”

At, Mahabaging Diyos, inulit na naman ang kanta.

“Kamukha mo si Paraluman,” kanta nya.

Sumingit uli ako: “Ikaw mag-gitara at ako ang kakanta.”

“Kamukha ko si Paraluman,” kanta ko.

Magdadalawang linggo ng ganito ang nangyayari. Magdadalawang linggo na nyang pinapraktis ang “Huling El Bimbo” ng Eraserheads pero wala pa rin. At sa tuwing pumapalpak ang kanyang pag-gitara, ako ang kanyang pinapakanta. Ako naman, kanta.

Pero ngayon, pinakita ko sa kanya na naiirita na ako.

“Nakakarindi na sa tenga ang kantang yan. Araw-araw na lang ako ang pinapakanta mo,” sabi ko.

“Nahihirapan kasi akong ipagsabay ang pag-gitara at pagkanta,” sagot niya.

“Ayoko ng kumanta,” sabi ko.

“Sige na, last na to,” sabi niya.

Iyon na ang kanyang huling "Huling El Bimbo."

Kaninang umaga, umalis si Kulot.

14 comments:

. said...

Ay san pupunta si Kulot?

Anonymous said...

nakows, alam mo bang ang dream contemporary dance ko ay Huling El Bimbo? Yung mala-CCP ang dating na kunwari artsy, interpretative, contemporary, yung mala Mia Michaels ang hataw. Minsan nang bumiyahe ako mula San Jose papuntang Cabanatuan, isang oras kong pinaulit-ulit yung revival ni, punyeta sino na yung bastos na singer? Si Rico J. Puno. Tapos habang nakapikit, sumasayaw kami ng asawa ko (kahit na in real life parehong kaliwa paa niya). Pag mulat ko ng mata pucha, lampas na ako sa bababaan ko. Nadoble tuloy bayad ko sa traysikel.

jaguarpaw said...

naunahan ako ni kitsune...

ulitin ko ...

san pupunta si kulot???

Lyka Bergen said...

Teeka nga muna? Bat biglain etu? Saan pupunta si Curly? Mag-a-apply abroad?

Anonymous said...

ay, saan po siya pupunta?

Kiks said...

Ay nakakairita naman. Hindi ko alam paano magre-react: Ha, paano, bakeeet? Uhm... why?

Ikaw na ang Liwayway o Bisaya magazine or Aliwan komiks online! Walang tinama ang Wakasan at Holiday o PEP ng Yes! (ching!)

Maghihintay na naman ba ako ng ilang araw bago ko malaman ang susunod na mga bagay-bagay? Unless magiging ganado ka sa pagsusulat, mader!

Unknown said...

oh the drama of it all!!!1

ate mandy hooked na naman ako sa iyo!

aries said...

ha? ngano man?

atto aryo said...

Naknampatatas to! Ano ba talaga ha, Paraluman? Lumayas? Tumakas? Naglayag? Naglako ng kaldero? Ano!!! Magsalita ka!!!

ikotoki said...

susme. anung nangyare? text me. =p

Shubert Ciencia said...

national anthem namin ang AHEB nung panahong wala pa kaming tiyan (at may konting abs). im glad to know na kinakanta pa din ngayon (guitar friendly kasi).

sa dramang ito, sino sa inyo ni kulot ang paraluman? alalahanin, morbid ang ending nu'n!

:-D

Anonymous said...

Onga, where did he go?!?!

Ewan said...

san tumungo si kulot

inggo21 said...

awwwwww!
siya nga pala inumpisahan kong basahin ang mga entries mo... at ang babaw ko anlakas ng tawa ko lagi hahaha