"Noong unang panahon, may isang puno na ang bunga ay nakalalason," umpisa ni Kulot.
"Tapos?" tanong ko.
"Ilang tao na rin ang namatay sa pagkain ng prutas nito. Kaya mula noon, iniiwasan na ito ng mga tao," dugtong niya.
"Tapos?" tanong ko ulit.
"Isang araw, may dumating na diwata. Sabi ng diwata: 'Tinanggalan ko na ng lason ang prutas. Pwede niyo ng kainin yan,'" tuloy sa kwento ni Kulot.
"Tapos?" tanong ko na naman.
"Ayaw maniwala ng mga tao. Hanggang sa may isang batang babae na pumitas ng prutas at kinain ito. Hindi sya nalason," sabi ni Kulot.
Magtatanong pa sana ako pero dinugtungan niya agad ang kwento.
"Mula noon, hindi na nakakalason ang prutas. Mula noon ay tinawag itong lansones," sabi niya.
Naniwala ako sa kanya pero tinanong ko pa rin kung saan nya nakuha ang kwento.
"Sa Alamat ni Mama," sagot niya na may dugtong pang "Meron din alamat ng Chocolate Hills at Pinya."
Nagbalik na kami sa dati naming sitwasyon. Parang walang alitan, layasan na nangyari.
Totoo man o hindi ang version ng "Alamat" ni Kulot, sigurado akong matamis ang lansones na kinakain namin habang kinikwento nya ito.
Tuesday, September 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
Tama ang alamat. At mas matamis ang pagmamahalan kung me tampuhan, alitan, etc.....Wala akong masabi..........
At me matatamis kang lansones na matitikman sa kinagabihan.
chos!
ate ate, panalo ang love story niyo, pang teenybopper talaga..tatalunin ang tambalang kimerald haha..yun na
Thanks for your work, Mandaya!
Very good.
Have a good week.
im glad that the war is over.
life is too short.
sayang ang time.
Dahil sa Lansones nagkabalikan kayo? Ang sweet...
ng Lansones!
am so happy naman! nagkabalikan na sila ni kulot.
saan kaya hahantong ang alamat ninyo?
I miss lansones! Wala dito!
Ay I like to sing this, bagay sa inyo, ching!
Ay, ay, ay, pag-ibig
Nakakakilig, parang sine
Bawat eksena'y tunay mong pananabikan
Ay, ay, ay, pag-ibig
Nakakabaliw, ay sobra
Bawat saglit ikaw and laman ng aking isipan
Lahat ng oras walang hihindian
Basta't kasama ang tangi kong mahal
Kahit paano sayo'y nakita ko
Ang tunay na kulay ng pag-ibig tulad nito
Ay, ay, ay, pag-ibig
Nakakakilig, parang sine
Bawat eksena'y tunay mong pananabikan
Ay, ay, ay, pag-ibig
Nakakabaliw, ay sobra
Bawat saglit ikaw and laman ng aking isipan
Lahat ng oras walang hihindian
Basta't kasama ang tangi kong mahal
Kahit paano sayo'y nakita ko
Ang tunay na kulay ng pag-ibig tulad nito
Lahat ng oras walang hihindian
Basta't kasama ang tangi kong mahal
Kahit paano sayo'y nakita ko
Ang tunay na kulay ng pag-ibig tulad nito
Ay, ay, ay, pag-ibig
(sings) Together again...
ang tamis naman!
ibig sabihin, ngayon mo lang narinig ang alamat ng lansones? e yung alamat bakit kulubot ang kutis ng balat ng bayag?
:-D
masaya ako para sa pagbabati ninyo mandaya at kulot! mabuhay. =)
pengeng lanzones. =)
salamat sa lansones. :D
Ay? Kwentong lansones ang ending ng away niyo? Hindi ka nagbisekleta?
tita kiks, hindi lansones ang kinaka-in nyan pag-gabi...rambutan na yan
and the world is quiet again.
dahil sa lansones.
mandaya, ano na pala nangyari don sa brother ni kulot? si jayson? nag-aaral na rin ba? nagalit ba si kulot nang malaman ang mga nangyari sa inyo ni jayson?
goddess sings: "these are the moments, I thank god that I'm alive.. and I couldn't ask for more."
chos.
stay that way.
Post a Comment