Mas kilala sya bilang disco girl. Lahat na yata ng disco sa neighboring towns at barangay ay napuntahan na nya. Sa katunayan, nakilala ko si Herman noong minsan ay dumayo sya sa disco sa aming bukid.
Arteng babae ang Herman. Maganda ang katawan nito. Makinis ang balat. Mahaba ang legs. Pero lahat ng bagay, kasali na doon si Herman, ay may pero.
Hindi sya kagandahan. Ayon sa mga bakla, may pagkakabayo ang kanyang mukha.
Pero pinanindigan pa rin nya ang kanyang pagiging girl. At kung naging girl man si Herman sa totoong buhay, magagalit ang mga femenista sa kanya.
Para sa kanya kasi, katangian ng isang tunay na babae ang tumahimik lang kahit inaapi.
Minsan, kahit lantaran ng binabastos sya ng mga boys, wala pa ring imik ang bakla.
Minsan naman, sinasaktan na sya ng isang hada, di pa rin lumaban ang bakla.
“Pa-girl kasi,” sabi ni Red.
“Kung sa akin ginawa yon, tiyak na rumble ang ending,” dugtong ni Fiona.
“Sa laki ba naman ng katawan mo, para ka ng isang buong gang,” mabilis na dugtong ko sa sinabi ni Fiona.
Ngunit kakaiba si Herman. Dibdiban sa kanya ang katagang “World Peace.” At, pinanindigan pa rin niya ang pagiging disco girl.
Last week, kasama ang ilang bakla, pumunta si Herman sa bayan ng Tarragona. Town fiesta noon at may disco.
Hatinggabi pa lang ay tapos na ang disco dahil sa pinapatupad na curfew. At pauwi na sa tinutuluyang bahay ng isang kaibigan nang tinawag ito ng tatlong kalalakihan.
“Gusto nyo?” tanong ng isa sa mga lalaki ka Herman at sa kasama nitong bakla-- si Ariel.
Sino ba naman ang hihindi?
Dinala ang mga bakla sa isang madilim na lugar malapit sa ginagawang bagong municipal hall. Ginawa nilang motel ang malalaking culverts na hindi pa naililibing sa nahukay ng drainage system.
Dalawang culverts ang pagitan nina Herman at Ariel sa isa't-isa. Tig-iisa sila ng lalaki. Ang natirang walang partner ay nagsilbing lookout.
Pero mga ilang minuto pa lang ay may narinig si Ariel.
“Huwag,” sabi ni Herman.
Hindi ito pinansin ni Ariel.
Tapos, narinig na naman niya si Herman.
“Aray!” sigaw ng bakla.
Kinabahan na ang bakla. Tumigil sa paghada sa partner niya.
Di nagtagal, sumigaw si Herman ng: “Takbo na bakla!”
Ginawa ito ni Ariel. Takbo sya papunta sa tinutuluyan nila. Hinanap ang mga kasamahang bakla. Dali-dali silang pumunta sa construction site.
Gamit ang ilaw sa isang lighter na may “laser light,” hinanap nila si Hernan.
Eto ang nakita nila: Si Hernan, duguan, may saksak sa dibdib.
Bukas ang libing ni Hernan.
Thursday, September 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
28 comments:
Salamat sa paggising mo sakin. Ang lungkot naman ng kwento ni herman.
katakot naman...true ba itu? wla churva?
disturbing story itu if true...
ay nakakatakot naman ang sinapit ni herman...may he/she rest in peace...
aray puta ang sakit.
condolences.
'Yan siguro ang bagong kahulugan ng WORLD PEACE. Ngayon si Herman ay REST IN PEACE. Bye Herman huhuhuhuhu!!!!
sumalangit nawa ang nympheta ng kapayapaan...
Sadness. Angriness.
Me gay hate crimes na rin pala sa Pilipinas. Dapat itong harapin.
Para kay Herman. At sa lahat ng mga Hermana mayora at minora.
kawawa ang bkla!
ingat kau sa panghahada..
anonaman yang call bert?
Parang din ba yang call boy?
Fendi
this is just so sad. :(
Anubayan ??? Akala ko pa naman sex comedy ang ending? My crime scene investigation na mangyayari pala.
Katakot naman pala jan sa Taraguna...
Sana hindi maging white lady sa culverts ang Hernan!
Moreno ba ang family ng victim?
nganong ni enter!!!
...very disturbing indeed
Ano ba itong mga series ng stories sa Pinoy bloggers parang may doomsday wish? Am I getting it wrong?
Pabalik ang unlad ng gay life dyan sa Pinas, dahil instead of gaining wider acceptability eh dumadami ata itong hate crimes.
ayyyy sorry I meant death wish pala and not doomsday pero pwede na rin kasi this can be a global happening.
tsk, tsk, tsk.
tatlong bagay:
1. sumalangit nawa ang kaluluwa;
2. katarungan sa biktima ng karahasan;
3. matuto sa karanasan ng iba.
grabe naman yan. ang bad naman nung ariel. haiz. nanghina 2loy ako d2. sana makarma xa.
nakakaloka.. para akong nagbabasa ng suspens movie..
condolens ke herman!
its really sad that herman wasn't able to protect himself.
i do not blame or pass judgment on him. we all have made mistakes and certainly have showed our weakness to other people.
may this serve as a lesson, and may his soul rest in peace.
dropped by from kiks.
darn. just when we thought that we are now living in a place where homosexuality is not only tolerated, but accepted and respected, as well. =(
requiescat in pace herman.
Naalala ko tuloy si Lara.
Nahanap na ba ang mga killer?
Justice should be served here. Any updates on the case?
Nawala lang ako.... gosh, eto na ang ganap? Nakakatakot pala dyan sa inyo lola. Mag-ingat lang ha!
ang lungkot naman nito :(
pucha! na-shock ako! totoo ba to???
may he/she rest in peace...
ipagtirik natin ng kandila si herman. kanidla ah, hindi kung ano ang patirikin niyo dyan. baka ma-herman kayo. scary. mag-yngat lahat bading.
nakakasad naman. hmmmp. grabe yung lalaking yun. napakasama niya ha. kakatakot tuloy. hmmmp. wawa aman si herman. pero hero siya, pinatakbo niya ang kaibigan niya.
nakakarelate ako dito.. sumalangit nawa kaluluwa ni herman
Post a Comment