Monday, October 29, 2007

Amigas

Itinag ako ni Mrs J. At dahil OK naman ang topic, ginawa ko.

Eto ang sampu sa mga kaibigan kong bayot sa bukid.




Sina Bagtak (left) at Rotchie (right).

Si Bagtak ang original na kaibigan ko. Sya ang nagdala sa akin sa bukid. Dati syang secretary ng dating mayor. Ngayon, municipal administrator na sya sa isang town dito sa aming probinsya.

Si Rotchie naman ang intellectual sa grupo. Dating youth leader. Magaling magsalita. Magaling magsulat. Manager sya sa isang planta ng coco coir (husk) dito sa amin.




Patricia. Estudyante. Pat-patin na bata. Mabait. May pagka-luka-luka ang bruha. Smart talker. Sa first and last time niyang sumali ng Miss Gay Pageant, first runner up ito. Pag-uwi sa bahay at habang nag-aalmusal, sinampal at sinabunutan ng kanyang Nanay dahil bakit sumali sa MG. Pag-alis ng Nanay, comment ng Tatay: "Sayang, dapat ikaw nanalo."




Kirby. Estudyante pa rin hanggang ngayon. Animated kung magkwento. Para kang nanonood ng TV. May kasaling sound effects ang pagkukwento. Minsan, inutusang bumili ng karne, tatlong oras na ay di pa nakakabalik. Pumunta pala sa kabilang town para mamili. Currently in semi-hiding ang bakla. May nagreklamo kasing nanay ng hinada niyang bagets.






Si Glydel (left) at Red.

Si Glydel ay obsessed sa beauty pageants. Halos lahat ng MG sa lugar namin at sa mga karatig bayan ay sinalihan niya. Di rin niya pinapalampas ang mga beauty contests na pinalabas sa TV. Isa syang municipal government worker. Naka-assign sa tourism office.

Si Red. Businesswoman daw. Nagpapa-utang ng mga gluta soap (na super hapdi sa mukha) at Oil of Olay. Suma-sideline din sa parlor ko. Tsismosa kung tsismosa. "Concerned lang ako," ang lagi niyang depensa sa tuwing may nasasagasaan sa kanyang mga tsismis.



Si Fiona. Beautician sa parlor ko. Kasalukuyang sa bahay ko nakatira. Mabait. Mabigat. Pero walang katapang-tapang sa katawan. Kapag may gulo, unang nawawala ang bakla. Tsismosa din.



Si Kaye. Valedictorian noong high school sya. Graduate ng BS Biology. Gusto sanang magproceed ng medicine pero nag-alinlangan at baka di kaya ng budget. Nagtrabaho bilang isang medrep. Katatanggap lang niya sa isang bagong high-paying job.




Si Me-anne. Dating beautician sa parlor ko. Wala kaming away. Di ko lang talaga type na maunang batiin sya matapos nyang umalis sa poder ko. Matagal din kaming di nagkita ng bakla. Missed ko na sya.




Si Erika. Isang nurse na nasa US na ngayon. Noong huling umuwi ang bakla, nagparebond sya ng buhok sa Philosophy Spa sa Davao City. Mahal ang bayad. Pero pangit ang pagkatrabaho. Sa katunayan, sinira ng Philosophy Spa ang buhok niya.

17 comments:

bananas said...

ipasara na ang philosopy spa! are they real? para talaga silang mga raruan!




teka...bakit wala si alfred?

Echos Erita said...

hay naku! grabe, nakakatawa tong mga friends. may kanya-kanyang talents. at siniraan mo pa ang Philosophy Spa ha! sumbong kita, malapit lang un sa dorm namin. hehe. joke lang.

http://myconsolingasylum.blogspot.com

ika said...

parang napapaligiran ka ng mga nas politika ang career. bakit di ka tumakbong kapitana?

. said...

Astig naman! Ayus tong entry na to!

Kiks said...

saturday sunshine... my friends...

Anonymous said...

Ayy napaka wide 'ata ng network nag mga amigas mo mare. From east to west from north to south. O di kaya napaka universal. Gravehhhh.

Anonymous said...

mandaya, sa inyong magkakaibigan, sino lang ang may bf talaga? ikaw lang ba?

at nasan na si jason?

mrs.j said...

ateng..\\

wala akong masay... salamat sa effort atleast nakilala ko na ang mga bilat na taga bukid! haha!

ang sasaya nman nila...parang peryahan lang!

kumpleto ang mga amigas...

btw bat b d ngparebond sayo ang ate at may i pilosopi pa sia?>

Thad said...

in fairness, pretty si fiona. I linked you = )

Bryan Anthony the First said...

i like your halloween post...very scary...chus!

like ko si pat-patin...bait ng father nya!

Anonymous said...

Mandaya dear,

Curious lang, ano last name ni Rotchie? Para kasing kilala ko rin siya.

Anonymous said...

nice tag mandaya. ako rin, ill feature my friends sa blog ko pagnagkaoras ;)

Anonymous said...

Congratulations! Your blog is nominated for Empress Maruja's Pinoy Blog Superstar for October 2007. Read more about it

Anonymous said...

What a wonderful world. Ayos ha.

Anonymous said...

ang face mo di mo sinali sa line up.

ek manalaysay said...

natawa ako dun sa tatay! hahahhaa

Anonymous said...

i know rotchie! Mandaya, bading ba siya? di ko naamoy yun ah...nakasama ko sya on one of my international escapade!!! tell me, is he gay?