Pinaghandaan ng mga bakla ang okasyon. Maagang nagsara ng parlor sina Fiona at Red. Si Glydel naman ay nag-undertime sa trabaho niya sa munisipyo. Fiesta kasi sa isang barangay sa bukid, at may disco.
Naligo ang mga bakla. Nilabatiba ang kanilang mga sarili. Sinuot ang kanilang mga “ukay-ukay” party outfits. Nag-make up. Wala pang alas siete, nakagayak na silang lahat.
Sakay sa isang pampasaherong motor (sina Fiona at Red sa likod ng driver, samantalang si Glydel sa harap at nakaupo sa gas tank), nakarating sila sa venue – isang di sementadong basketball court na binakuran ng pinagdugtong-dugtong na sako ng bigas. Pero kahit masasabing atrasado ang venue, boom-boom naman ang sounds, salamat sa Diores Sound System-- ang natatanging paupahang disco system sa aming bukid.
Pero hindi sayawan ang ipinunta ng mga bakla-- ang mga lalaki. Dito nila nalaman ang problema ni Gyldel.
“Day, nakalimutan kong magdala ng condom,” declare ng bakla.
“Ang tanga mo naman,” sagot ni Red.
“Pahingi naman,” sabi ni Glydel.
Dumukot ang Red sa kanyang bulsa at inabot ito kay Glydel.
Tuloy ang kasiyahan. Kanya-kanyang alisan ang mga bakla. Si Red, kasama ang isang batang lalaki, pumunta sa di kalayuang madilim na lugar. Si Fiona naman ay sa likod lang ng maliit na stage sa harap ng basketball court. Ang Glydel, lumayo pa at nakarating sa isang garden ng kamoteng kahoy.
Pagkatapos ng round one, nagkita sila uli sa isang tindahan.
“Day, pahingi pa condom,” sabi ni Glydel.
“Isa lang ang extra ko,” sagot ni Red.
“Ayoko ko nga, paano kung makarami ako ngayon? Ngayon pa na blooming ako,” naka-smile na sabi ni Fiona.
Walang nagawa ang Glydel. Nag-ala walkout ang drama. Pumunta ito sa pinangyarihan ng first round. Bumalik sa tindahan. Bumili ng iced water. Pero hindi ininom ang binili. Pinanghugas niya ito sa kanyang kamay.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Fiona.
“Recycle,” tanging sagot ng bakla, habang hinuhugasan ang nagamit na'ng condom.
Thursday, October 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
Nilabatiba ang kanilang mga sarili.
wahahaha. pak. saya saya dito mandaya. hehehe..
nakakaloka ang mga bading sa iyong bukid! i recycle ba ang condom?!
yun na! malamiglamig pa amg condom! akala ko nga un plastic ng yelo! haha!
kmsta naman? kala ko ung plastic ng iced water ang ggmitin nia. hahha.. kakalurky.
bongga nga mga bayot sa bukid! kay ga-paningkamot sa pag-gamit og condoms. bisan pa man tinuod nga gi-recycle ang usa, i salute them!
Ayy napaka environment-friendly na man. Bilib ako. Go go go go!!!!
Hey,
Aliw basahin...idagdag kita sa link sa blog ko ha?
Salamat!
bwahaha! hilarious...
i thot s/he'll use the wrapper. nice. nice.
meron na bago! un nah...
eeeeewwwwww! sorry talaga. Hahaha!
He he. Taghirap na talaga ngayon. Kailangan i maximize ang gamit ng resources.
at least dili sya HT.
ass in hulbot-tilap
kakaluka, hahahaha!
although parang disturbing kasi diba one of the main reason sa use ng condom e prevention ng pag-spread ng STDs? kung gagamitin ng next guy yung condom na sinuot na ng iba, at may traces pa ng tamod ng iba, hindi ba exposed na sya sa potential sakit?
but in fairness, parang safe pa rin si glydel. chos.
akala ko yung plastic ng iced tubig ang ginamit.
miyembro pala ng Greenpeace tong si Glydel eh. nasa puso't isipan talaga nyang magrecycle ng plastic/rubber.
gaga!
kadiri!
"Recycling condoms is the new GREEN"
Add kita sa blogroll ko ah! Super nakakaliw ka.
Salamat!
ay hindi puwede yon.........
sana next time be prepared.
i don't agree to what he did. but at least still tried to use protection.
bayot, kuyaway lagi ing blog mo. tagahain kaw? malipayon kaw lagi na bayot.
pagdaya
miyako
hek hek hek! paano na ang blogsphere kung walang mandaya?
:-D
HAHAHA!!! I know bawat bisita ko dito malulukring parati akoo! HAHAHA!!
Viva les bayot de kamoteng kahoy!!
sige. i-disinfect gamit ang iced water.
tama yan.
akala ko yung plastic ng ice water ang gagawing condom.
omg! hehehehe
this is too yucky to be true :)
Post a Comment