Sunday, March 16, 2008

Tarra! Go! Na!

Nagbakasyon kami-- ako at sina Patricia, Kaye at Fiona.

Ang destinasyon: Sa Tarragona, Davao Oriental, kung saan municipal administrator si Bagtak.

Hindi gaanong pinaghandaan ng mga bakla ang byahe. Sa katunayan, biglaan lang ito. As in walang 24 hours na planning.

Si Patrcia sa terminal ng jeep papuntang Tarragona.





Walang windshield ang sinakyan naming jeep. Sinadya daw ito para hindi makulong ang pumapasok na alikabok sa daan. Ang problema: lahat ng hangin langhap namin ni Patricia. Pero mas malaki ang problema ni Patricia: sumasakit na ang mga tenga nya dahil sa bigat ng nawi-windswept na hikaw.




Matapos ang halos dalawang oras na byahe, nakarating kami. Pero super laki ng mga alon. Di pwedeng magswimming. Hanggang watch na lang kami. Wala pang 10 meters ang layo ng mga alon sa place ni Bagtak.




Si Patricia, Fiona at ang mga niyog.




Ang Mangangarit at ang buco juice niya. Bongga sya at naka-MNLF t-shirt pa.




Si Fiona, ang Mananggiti (Tuba Gatherer)



Naisipang maligo ng mga bakla. At ang sabi, meron daw Busay (waterfalls) sa unahan. Go agad kami. Sina Fiona, Kaye at Patricia sa ginagawang highway ng Tarragona




Ang maikling lakad papuntang Busay




Ang Busay at ang konting tubig na umaagos dito




Naligo rin ang aming guide



Ang tatlong bakla at ang kanilang hilod session




Overnight lang kami sa Tarragona. Sulit ang pagod namin. Pauwi na, nag-aabang ng jeep



Next trip: Maragusan, Compostela Valley

20 comments:

. said...

Katuwa naman. Hehe.

Ekra Tan said...

Hihimatayin ako sa tawa sa yo Mandaya! Bruha ka! Love kita to death.

In fairness yung Patricia sa first pic winner sha dun ha. konting nose surgery at cheek/jawbone reduction lang ang katapat nia. maayos na rin ang make up nia dun.

Bongga ang guide nio! tianak ba yun? ang cute cute!

Bisita kaya kami dian sa Davao, tour mo kami Mands?

sexymoi said...

wow beach... ako din gusto ko go sa beach.
prettiness naman ang patricia :)

Anonymous said...

Ang saya!

I've never been to Davao Oriental (I think) pero nakapunta na ako ng Maragusan! Naalala ko alng maganda dun kase nature nature din. Tapos, yun lang. Kase bata pa ako nun eh. ghehe

Kiks said...

kakairita. parang evading the question...

pero tila masaya ang day out!

Anonymous said...

HAHAHA! I love your entry! Ganyan na ganyan samen sa Barrio Siete, maswerte lang kau, sementado ang daan ninyo, kame? aspaltong namamaligno dahil kinura-kurakot nang mga demonyo!

But aliw ever ako dun sa MNLF at yong busay showers ninyo! hahaha!! Nakakamiss tuloy sa Barrio Siete! LOVE IT!

Gayzha said...

I have also been to Taragona vfore... ang ganda ng mga tanawin and the beaches with white stones..

Kakainggit kayo mga vaklash...sosyal kayo! I miss all these adbentyurs sa kabukiran...

Misterhubs said...

Ay! Topless! Na-iskandalo mata ko. Hehe.

jericho said...

saya naman ng trip! mukhang buo pa naman ang tenga ni patricia. at ang paliligo with the hilod session, panalo!

Lyka Bergen said...

Fiona pa rin akoh! Kahit wala syang hikaw.

Ang galing naman ng Spa Attendant nyo. Yun din ba yung guide?

Hoy Ekra! Kelan natin bibisitahan ang Mandaya? Tagal na nating plano yan. Maybe next year? Approved na ang vacation ko for March 2009. Tapos, mag sidetrip tayo sa Down Under to visit Jase too. Tamang tama sa Sydney Mardi Gras! Anong say mo?

Mands, March 2009 ha! Sana kayo pa ni Kulot at that time. tse!

atto aryo said...

Nakupo! Child labor yang hiluran session. He he.

Anonymous said...

maraming mabibingwit na kano si patricia sa picture nyang yan.

The Nashman said...

this is the most charming blog ever! (thanks to manong frank c...)

i love the descriptions of rural life. makes me homesick

Anonymous said...

Aay, mga engkantada na tinalupan. Gandaaaaaa!!!! Crazylda ang dating. Go mga Nymphettes.

Raiden Shuriken said...

enjoy ang busay side trip! magaging tourist spot na yun dahil sa pagdalaw ng mga diwata. cheers!

Saminella said...

shet. hangkyut ng jeep.






















mahangin for sure!

Anonymous said...

hoyy ate lyks at ekra, slide down under ba ang sequence next year?? dont forget naman ha ako ha! representing the Gold Coast ng down
under.. nyahahaha.

mandaya, padalhan mo ko ng durian!! haha

mrs.j said...

nakakaloka! dinaig nio pa si lola regine sa dating wow philippines!

Anonymous said...

ay, walang bra?

Anonymous said...

Naks im sooo proud sa inyo lahat....

to think we grew in the same town(Batobato) tas di nyo man lang sinabi may blog pla kayong ganito...i love it!!!

Shelu