Monday, April 7, 2008

Eskandalo

"Kanya-kanyang eskandalo lang naman tayo," ang linya ni Kulot sa nangyari kay Red.

Ito rin ang sinabi ko sa kanya noong nabuntis ang kapatid niyang babae four years ago.

Pero nauna nya itong sinabi sa akin seven years ago, noong tinanong ko sya kung di ba sya nahihiyang malaman ng lahat ang relasyon namin.

"Kanya-kanyang eskandalo lang yan. Lahat ng pamilya dito may baho. Lahat ng tao hindi malinis," sabi nya sa akin.

Totoo naman. Eto ang mga halimbawa.

Ang kapitbahay naming si J ay may relasyon sa byudang barangay kagawad na si N.

Ang kabit naman ng kapitbahay naming si E ay si M na ang asawa ay nasa abroad.

Meron din kaming kapitbahay na lagi na lang nag-aaway kasi sugarol si lalaki.

Meron ding sugarol si babae.

Meron namang mga addict ang mga anak.

O di kaya ang pamilya ng magnanakaw.

O ang pamilya ng mga tsismosa.

O ng mga malalandi.

Sa mga bakla, ganoon din. Kanya-kanyang eskandalo lang.

Kay Kaye-- may topak sa ulo ang kanyang ama.

At nang mapag-usapan namin ito, nagsilabasan ang mga baliw sa bloodline.

"Sa amin medyo malayo, sa side ni Mama," sabi ni Kulot.

"Sa amin din, sa side ni Papa," sabi ni Glydel.

Ganoon din daw kay Red. Meron din sa side ng Tatay niya.

"Sa amin wala," sabi ni Fiona.

"Ikaw lang," dugtong ko.

"Mas masakit lang sa yo Kaye kasi Tatay mo mismo," sabi ni Kulot.

Hindi umimik si Kaye. First time kasi ito na openly pinag-usapan.

Matagal bago nagsalita si Kaye.

"Kaya nga minsan di ako umuuwi sa amin kasi nahihiya ako," sabi nya.

"Nahihiya kanino?" tanong ko.

"Sa mga kapitbahay namin," sabi niya.

At dito binitawan ni Kulot ang kanyang ever-favorite line.

"Kanya-kanyang eskandalo lang yan," sabi niya.

Sang-ayon kaming lahat. Pati si Kaye.

12 comments:

callboi said...

Totoo yan. Lahat may eskandalo. Hindi pinaguusapan pero alam ng lahat. Depende na lang kung paano mo ikekeri ang bawat sikreto ng buhay mo.

Raiden Shuriken said...

korek! kanya-kanyang eskandalo, kanya-kanyang krus.

jericho said...

the wisdom of kulot ... though I think what you two have ay hindi eskandalo. kung nabuntis ka siguro. pero hindi pa rin yun eskandalo. yun ay milagro.

Anonymous said...

Jus ko dhay! Kailangan ba talagang ungkatin ang lahat ng baho para maamoy ng lahat. Napaka inhumane naman. Alam na na mabaho ibinuyangyang pa. Wala na bang natitira na SYMPATHY tayo sa iba. Gosh, whatta world to live in. Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr! Makitira na nga sa Venus. Wanna go?

Anonymous said...

Lalaki, babae, bakla, tomboy, bata, matanda, mahirap, mayaman... lahat tayo may tinagagong baho. Pagnakalabas ang baho, jan makikita kung sino ang miyembro ng gucci gang! chos ulit!

Anonymous said...

pero baho ba talaga na matatawag yun? kasi yung magkaroon ng kamag-anak na baliw, hindi mo yun kagustuhan, the same way na di mo pinlano na maging kamag-anak sila.

pero yung makiapid ka, or magnakaw, yun ang matatawag na baho dahil kagustuhan mo na mangyari yun. kahit sabihin na may mga sitwasyon na kapit sa patalim, nandon pa rin ang choice.

Kiks said...

oo nga, mabaho ba ang pinagsamahan nyo?

yun lang naman ang tanong sa linggong ito.

Misterhubs said...

Tama. Lahat tayo may baho. Kaya nga dapat tayong maligo araw-araw.

Corny ko.

Lyka Bergen said...

Kawawang Fiona.... sa kanya napunta ang topak ng pamilya.

Anonymous said...

kapit-bahay nga namin, may anghit.

goddess said...

kung lahat may kanya-kanyang eskandalo, eh di passe na ang eskandalo? normal na lang siya sa buhay ng mga tao.. hhmm..

basta, "lahat tayo may sari-sariling eskandalo" hahaha!

Anonymous said...

me too, I have an aunt who has a mental condition, does it translates to some correlation between homosexuality and history of psychological problem in the family?

ps. i so love mandayamoore-olris... i read your blog everyday!!!

taga-Davao del Sur ko, but now I'm in Makati.

More power!!!