Fiesta noong Huebes sa amin.
Wala naman gaanong kaganapan sa araw -- the usual dagsaan ng mga tao.
Wala kaming handa sa bahay, dahil alam naming marami kaming mapupuntahang makakainan. Ni hindi nga kami nagluto ng lunch at dinner.
Pagkatapos magdinner sa ibang bahay, nagsiuwian na ang mga bakla para magprepare sa disco.
At dahil di lang kain ang ginawa ng mga bakla, medyo lasing na ang mga ito nang pumunta sa disco sa gym.
As usual, nasa bahay lang kami ni Kulot. Di kasi sya mahilig sa disco. Sumasakit ang ulo nya sa malalakas na music. Ako naman, nakikisimpatya sa kanya. Nagkulong kami ng kwarto matapos manood ng koreanovelang "Legend."
Hindi namin alam na mas may aksyon pala sa disco.
Nag-umpisa ang lahat dahil sa tawanan ng mga baklang dumayo sa lugar namin mula sa kabilang bayan ng Sigaboy.
At, sa inis ni Me-anne, hinatak niya ang nakataling buhok ng isa.
Sabay sa kantang Piece of Me ni Britney, lumapit ang isang bakla kay Red.
"Pakisabi don sa kasama nyong bakla "fuck you" sya," sabi ng bakla.
At dahil sobrang lakas ng tugtog, naiba ang pagkarinig ni Red.
"Anong fuck you?" tanong ng bakla sabay suntok sa kausap.
Nagitla ang bading, di alam kung bakit bigla na lang may tumama sa panga niya.
Biglang lapit ang mga kasama nito, handang ipagtanggol ang kanilang kasama.
Biglang lapit din ang mga bakla sa bayan namin.
Rumble.
Nakatadyak si Red.
Nakasuntok si Me-anne.
Nakasuntok din si Re-Re.
Ang mga kalaban, walang nagawa. Ni isang kurot, di nagawa.
Mga ilang minuto rin ang away, ang mga bakla, pinaikutan ng mga lalaki na animoy mga lubid sa isang boxing ring.
Tumigil lang ang lahat nang pinatay ang music at binuksan ang ilaw.
"Gusto ko sanang tumulong, pero pinigilan ako ng partner ko. Wag na raw ako sumali sa away, sayaw na lang daw kami," sabi ni Fiona.
Kanya-kanyang version ang mga bakla -- kung sino ang nagumpisa ng away, o kung sino ang tinamaan, o kung sino ang nakatama.
At sa gitna ng kaguluhan, may sariling eksena si Patricia.
Tipong nagpapanic ang kanyang papel, umiikot sa mga nagsasapakang bakla, habang paulit-ulit na sinasabi: "Tama na! Sosyalan dapat ang drama! Madame-Madame dapat ang concept!"
Friday, May 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
naku edi nasayang ang mga beauty that night!?
"rambulan sa fiestahan"
regards sa mga friends mo
Ms Mandaya;)
World Peace, Gurls! World Peace!
That is why, of all, I like Fiona!
royal rumble! ang taray!
Haha Astig ang away sa inyo. Sana nandoon ako para maging medic. Lol.
tsk tsk nakaktense@
Gusto ko ang role ni Patricia.
Sosyalan!!!!!
Ang sweet ng partner ni Fiona. :)
Hahaha, ganda, panibagong sequence sa script, yahoo!!!
patricia .. FOREVER!
*bituin
tinood gyud diay, bayots and kiki have more things in common than bayots with wormboys. fratwar na fratwar ang drumstick!
violente ang mga vaklush, afraid ako!!!
Awardan si Fiona.
awardance ito!
may special participation ang Patricia. haha
Tama nga naman si Patricia. Kung may away man dapat glamorous pa rin. Iwas basag-ulo. Mahal ang concealer. Hihi
hahaha! finally binasa ko post mo! nakakatawa naman! basagan ever! an lupit naman nung isang group nang mga bading! sana walang violence, normal lang sa mga bading yang inggitan kahit na kami sa philadelphia meron din, pero iwas sa violence dahil mahirap! hahaha! daanin na lang sa mga irap at mga pilikmatang umiikot hehehe!
WORLD PEACE GURLS sabi nga ni Lyka! HAHAHA!
I can just imagine Fiona singing sa background.. may sariling spotlight habang nagrarambulan ang lahat..
Umaawit si Fiona ng "Lord Heal outr Land.. Father heal our Land.." na parang Jamie Rivera!!
mega emote itu at walang paki!
award winner!
Post a Comment