Sa aking pagsi-surf sa net, nakita ko ang isang post ko sa dati kong blog-- noong ako ay dalaga pa. Ipinost din ito ng isang blogger. Lumabas ito January of 2007. Nagpapasalamat pa rin ako at may nakita ako, kahit isa man lang sa mga sinulat ko noon. Para sa akin, mas maganda ang mga kwento ko noon. Mas may buhay.
Kaya eto ang re-posting ng "Sabong."
Isinulat ko ito habang hiwalay kami ni Kulot.
Enjoy!
Pumayag ako na magkita kami ni Kulot. Pero hindi ako pumayag na sa bahay ang venue. Kailangan neutral ground. Ayoko rin sa kung saang madilim na lugar lang kami magkikita. Ano pa lang gawin niya sa akin. Paano kung may makamundo syang balak? Paano ako manlalaban? Ano lang ba ang lakas ng isang babae?
Anyway, ang neutral ground: Ang Bread Master. Ang natatanging 24-hour coffee shop dito sa bukid naming. Para sa mga bakla, ito ang aming Starbucks.
Alas dies ng gabi ang aming usapan. Pagdaan ko ng kanto papuntang Bread Master, naandon na sya kaya sabay kaming naglakad pero walang imikan.
Umorder ako ng kape. Siya, as usual, Milo.
Wala pa ring imikan. Ayokong ako ang mauna. Idea nya ito, sya dapat ang unang magsalita.
“Bakit ganon ang desisyon mo?” tanong niya.
“Ha?” tanong ko.
“Bakit ka biglang sumerender?” tanong niya.
Nakuha ko ang punto niya.
“Kasi bigla kang umatras. Di ba ikaw ang gustong mag-aral uli, tapos bigla kang aatras,” sagot ko.
“Hindi ako umatras. Sabi ko kung di pwede sa 22, sa June na lang ako papasok,” sabi niya.
“Ang klase nag-umpisa noong January 16. Ayaw mo kasi gusto mo sa 22. Mas marunong ka pa sa school. Tapos kung sa June ka naman papasok, ano gagawin mo January to June? Tatambay?” sabi ko.
Tumahimik sya.
“Bakit nga ba di ka pwede ng 16? Anong napakaimportanteng okasyon na di mo pwedeng ipagpaliban?”
“May sabong noong 15,” sagot niya.
Umiinit na ulo ko. Ang sarap sigawan. Ang sarap buhusan ng mainit na kape. Pero di ko magawa kasi nga nasa public place kami.
“Inuna mo pa ang sabong kesa sa pag-aaral?” mariin na sabi ko, halatang pinipigilan ang galit.
“Manok mo naman ang sinabong ko e,” mabilis na sagot niya.
OO, may manok kami. Bigay ng brother ko sa amin.
Ako naman ang natahimik.
“May pag-asa pa tayo?” sabi niya.
Di ako sure kung paano niya sinabi yon. Gusto kong makasiguro.
“Ano yan, tanong o deklarasyon?” tanong ko.
“Tanong,” sagot niya.
Di ako makasagot.
“May bago ka na?” tanong niya.
“Ikaw, may bago ka na?” patanong na sagot ko sa tanong niya.
“Wala,” sagot niya.
Naniwala ako.
“Ang balita may bago ka na raw,” paakusang sabi niya.
“At sino raw?” tanong ko.
“Si Jayson,” mabilis na sagot niya.
“Hindi totoo yan,” sagot ko sa tanong ni Kulot, sabay higop sa kapeng ngayon ay malamig na.
“Totoo,” diin nya.
“Isang kape pa nga, yung bagong kulo na tubig ha,” order ko sa waitress.
Sa isip ko, ngayon kailangan ko ng kape para magkaniyerbos ako at magka-heart attack hora mismo. Sa isip ko rin, kailangan ni Kulot ng dibersyon.
“Aminin mo na,” sabi niya.
At ayaw niya akong tantanan.
“Ano naman ang aaminin ko e wala nga?” sagot ko.
“Kilala kita,” sabi niya.
“Kaya nga e, kilala mo ako, bakit ayaw mong maniwala sa akin?” tanong ko.
“Kasi nga nagsisinungaling ka,” sagot niya.
At tinawag pa akong sinungaling.
“Mas pinapaniwalaan mo pa yang mga nagkakalat ng tsismis dyan kesa sa akin?” tanong ko.
“Mas pinapaniwalaan ko ang nagsabi sa akin,” sagot niya.
“At sino naman ang may sabi?” tanong ko.
“Si Jayson mismo,” mabilis na sagot niya.
“Miss, saan na ang kape ko?” tanong ko sa waitress.
Nagpapakulo pa raw ng tubig. Punyeta! Lakasan niyo ang apoy. Dalhin nyo sa impyerno para instant kulo.
“Natahimik ka?” tanong niya.
“Ano pala sinabi ni Jayson?” tanong ko.
“Sabi mo raw na kung pwede sya na kapalit ko. Na pumayag sya pero palipasin muna ng isang buwan para di pangit tingnan,” sagot ni Kulot.
Wala akong masabi. Totoo naman kasi. Humanda ang tsismosong Jayson na yan.
“Ibig sabihin niyan wala na talaga tayo?” tanong niya.
Tahimik pa rin ako.
“Gusto ko lang malaman— hiniwalayan mo ba ako kasi may plano ka kay Jayson?” tanong niya.
“Hindi. Dahil umatras ka sa plano,” mabilis na sagot ko.
Sya naman ang tumahimik.
“Ngayong di ka natuloy sa pag-aaral, ano gagawin mo? Wala ka na rin sa tindahan. Di ba kaya nga nasa tindahan na si Jayson kasi nga mag-aaral ka? Paano yan ngayon? Tatambay ka lang? Maghihintay ka lang na abutan ko ng pera? Ano magiging dating mo nyan? Callboy? Ano magiging dating ko nyan? Customer?” sunod-sunod na tanong ko.
Walang sagot.
“Hindi mo na ako mahal?” tanong niya.
Ako naman ang walang sagot.
“Akala ko ba mahal mo ako?” tanong niya.
Gusto ko syang sagutin ng: “Akala ko rin.”
Hindi ko nagawang magsinungaling.
“Mahal,” ang sagot ko sa tanong niya.
Nang marinig niya ito, nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Ngingiti na sana sya nang sinabi kong: “Pero kaya kitang tiisin.”
Nagbago uli ang kislap sa kanyang mga mata. Nawala ito. Natahimik sya. Naka-bullseye ako.
"Hanggang kailan mo ako titiisin?" tanong niya.
Hindi ko sinagot.
"Ano ba dapat kong gawin?" another tanong.
"Magbago," tanging sagot ko.
"Promise, magbabago na ako," sabi niya.
"Hindi na ako naniniwala sa mga promise, promise na yan," sabi ko.
"Promise nga," mabilis na dugtong niya.
"Magbago ka muna," sabi ko.
"Ha?" tanong niya.
"Magbago ka muna bago kita tatanggapin uli," sagot ko.
"So wala na muna tayo?" tanong nya.
"Hanggang di ka nagbabago, walang tayo," sagot ko.
Natahimik uli sya.
"Paano yan ngayon?" tanong nya.
"Ha?" tanong ko.
"Paano mo makikita na nagbago nga ako kung wala na tayo?" tanong niya.
"Ikaw ang maghanap ng paraan," sagot ko.
Matagal na katahimikan bago sya nag-ayang umuwi. At habang naglalakad kami, nagtaka ako nang lumiko din sya sa daang papuntang bahay.
"Saan ka?" tanong ko sa kanya.
"Sa inyo ako matutulog," sagot niya.
"Hindi pwede," sabi ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Kasi nga wala na tayo," sagot ko.
"Bakit, di ba pwedeng matulog sa inyo kahit wala na tayo?" tanong niya.
"Hindi," mabilis kong sagot.
"Paano ko mapapatunayang nagbago na nga ako kung di naman ako pwedeng matulog sa bahay mo?" tanong niya.
"Basta hindi pwede," sagot ko.
Ang totoo, gusto ko ring ipakita sa kanya na di ako nagbibiro sa sinabi kong kaya ko syang tiisin.
At naghiwalay kami ng daan.
Pagdating ko sa bahay, naandon si Jayson, nakahiga sa sofa habang nanonood ng DVD.
"Nagkabalikan kayo ni Kuya?" tanong ni Jayson sa akin.
"Hindi," sagot ko.
"A ok," sabi niya.
"Sa tingin mo, ano dapat ang nangyari? tanong ko sa kanya.
"Ewan ko," sagot niya.
Alam niyang gusto ko ng kausap. Pinatay niya ang TV at DVD player.
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano gagawin mo?" tanong ko.
"Di ko masabi," sagot niya.
Playing safe ang Jayson.
"Eto na lang. Kung ikaw ang nasa posisyon ng Kuya mo, ano gagawin mo," tanong ko uli.
"Mag-aaral," mabilis niyang sagot.
Nakapag-isip ako.
"Gusto mong mag-aral?" tanong ko.
"OO naman," sagot niya.
At dahil buo pa naman ang pang-down payment sa dapat na pag-aaral ni Kulot, nagdesisyon ako at sinabi kay Jasyon na: "Sige, ikaw ang mag-aaral."
Mahaba pa ang usapan namin. Sabi ko maghahanap kami ng school na Sabado lang ang pasok. Tuloy pa rin ang pag-manage niya ng negosyo. Kumbaga, para lang syang nag-day off tuwing Sabado. Sabi ko rin dapat ayusin nya ang pagpapatakbo ng negosyo kasi doon kukunin ang pang-tuition at pangggastos niya. OO daw.
Nang matapos ang pag-uusap, eto ang kanyang sinabi: "Dito ako matutulog."
Sinagot ko sya ng: "Hindi, uuwi ka sa inyo."
P.S.
Nakapagdesisyon din akong bumalik sa pagsagot sa mga comments at questions ng mga mambabasa ng blog na ito.
(At sa mga may kopya ng dati kong posts: paki-email naman sa mandayamoore@gmail.com. may reward: ibibigay ko sa inyo ang natitirang puri sa aking katawan)
Tuesday, July 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
49 comments:
Sayang at 'di pa ako ipinanganak nung single ka pa Ate M, binura mo na ang old blog mo.
Anyway, at least happy kayo ni Kulot ngayon.
Magkapatid pala si Jayson at Kulot? U are so 'tuhog' Ate M. Hihihi
mel - tuhog na kung tuhog. aktuali, ang nakadonselya sa akin sa bukid ay si Papa A-- kuya nina Kulot at Jayson.
Matanong lang... nasaan na si Jayson ngayon?
OMG. na-miss ko ang stories ni miss mandaya! ang gusto ko lang malaman e ano ang nangyari between you and jayson, pagkatapos mo ihinto ang dating blog mo? paano sya nawala sa eksena at nakapasok muli si kulot?
lyka, may utang ka ring dubai stories! tse!
ate lyka,
nasa bukid pa rin si jayson. hindi natuloy ang "kami" namin. bumalik kasi si kulot. pero itinuloy pa rin niya ang pag-aaral ng automotive, na natapos niya after six months.
lurker ako sa old blog mo.
wagi ang lumang blog, siguro dahil ang daming uncertainties (tulad ng repost mo na ito) na interesting sundan kung paanong ma-resolve.
noong sinabi ng isang blogger na binura mo ang buong blog at wala kang back-up file, gusto kong sumugod sa davao para kurutin ang singit mo. (at kumain na rin ng durian)
aba..modang reru. with background music ng Maalaala mo Kaya? sayang naman mga previous posts mo ... sana makita mo pa ang iba.
burrito - hindi kami nagkaroon nga chance ni jayson. ewan ko, dahil na rin siguro sa hiya. or, sa galit ko noon kay kulot. naisip ko: "not another from his family."
bumalik na lang ng kusa si kulot after three months-- sa tulong ng sulsol ng kanyang sister-in-law (na nag-aalaga ng mga baboy namin that time). naawa ako sa nakita ko-- gusgusin, payat, walang alaga. so dahil likas na maawain ako, pinaliguan ko sya. chos!
gibo - kahit ako nanghinayang sa lumang posts. pero wala akong magawa.
meron pala-- hinahanap ko ngayon ang isang baklang nasa underground movement (as in NPA). sabi kasi ng isang kaibigan, nagpapadala daw sya ng printout ng mga posts ko at ipinapasa-pasa ito ng mga baklang rebolusyonaryo.
kung saan ngayon ang printout, di ko masagot. sana naman ay wala ito sa kamay ng mga militar at baka ipresent pa as evidence.
ayyy... gusto ko pa ng mga lumang blogs mo ateng. Eh ito bang mga blogs mo ngayon may back up na? bili ka ng madaming diskette hehehehehe.
i feel blessed na sa mga unang buwan ng pagkahaling ko sa blogging, natalisod ko ang blog mu ms mandaya at talaga binasa ko siya from ur first entry... di ko man matandaan ang mga eksaktong kwento, i still remember the feeling anymore pa rin...hehehe ang mga natatandaan kong anecdotes mo ay yung saga ng veklush na tinawag na mangkukulam yung isang gurl yung alaga niyong sawa, yung veklush ang mahilig umeksena sa lamay, hahaha
manilenyang praning - diskette talaga? may flashdisk na po ako.
arlo - from now on you will be called blessed arlo. ka-level mo na si mother ignacia de espiritu santo.
si glydel yung baklang binintangan wak-wak ang kapitbahay niyang public school teacher.
si jezebel yung baklang umeeksena sa mga lamay, kasali na don ang lamay ng sarili niyang ama.
at ang sawa- ayoko na lang imention
ang blog mo noon mandy ay ang blog na binasa ko lahat ng posts, lurker pa ako noon
pero one thing is for sure. noong mga panahong iyun ay napatawa at napasaya mo ako, to the nth power pa un ha,
have a nice day/night
tanong ko lang, paano mo naaalala yung mga conversations ninyo? bilib ako sa yo. para kang babae. pag nakipag away, maalala lahat ng sinabi mo.
wi
Moment ito. Mukha ngang mas malulupit ang entries mo noon.
OO nga naremember ko ang post mo na toh! Kaya nga siguro na-bobore ka na ngayon sa buhay nyo ni Kulot!
i'm a big fan from california...i too feel bad that i missed your old entries..hope you can rewrite them
Miss Mandaya,
Isa akong tagahanga nimo. Kakaiba ang flavor ng iyong style. I like talaga. Simple pero me spice! Keep on blogging, stress-buster kita!
mink - salamat
anon - memorize ko lahat ng dialogues namin. babae ako, medyo tomboy lang
mugen - feeling ko nga mas may buhay akong magsulat noon
gayzha - tama jud ka manang. bored na ako. gusto ko ng drama
larrygp - i tried rewriting the stories from memory but failed to get the same intensity, humor, drama.
anon2 - salamat
Hi Mrs. Orlis -
Nagagalak ako at medyo nagkaroon na ng kalinawan ang relasyon niyo ni Kulot. Gaya ng message ng previous post mo, nakaka-miss yung drama paminsan-minsan kung ang buhay niyo ngayon ay parang inaanod lang sa payapang karagatan.
Pero gaya nga ng kasabiha, pana-panahon lang.
Sumasaiyo,
H.
Gosh I wish I had read your older posts too!
Misterhubs
H - "inaanod lang sa payapang karagatan"? at saan naman papunta? sa dalampasigan? sa indian ocean?
misterhubs - hanggang wish ka na lang. liban na lang kung may makakita ng mga missing posts
ewan ko ba kung bat ngyn ko lang naisipang mag blog ulit... hahay! sayang naman at di ko inabutan ang lumang blog mo...
mandaya, ang ganda mo! chak!
hehehehe!
i remember this post. that time fan na ako. :-)
subukan mo ito:
http://web.archive.org/web/*/mandayamoore.blogspot.com/*
mico - ewan ko rin at bakit ako pumasok sa pagbo-blog. grabe ang pressure. ako sa yo, habang maaga pa, ihinto mo na. hehehe
r-yo - matagal-tagal na rin tayong nagbabasahan. kailan tayo magbabasaan?
tricycleboy - sinubukan ko, walang matches. pasakay na lang sa tricycle mo.
Ano nga ba nangyari sa old blog mo. Palagi kong binabasa ito. Buti nga nagkaron ka ng bago. You always make my day after a heavy day's work.
Cheers...great body of literary work.
Na miss ko rin ang lumang blog mo Mandy! Those were the days and nang dahil sa AHAS na 'yun eh nagkagulo ang old blog. Hehehehe...
CHISMIS! :-) Ang layo na rin ng narating nyo ni Kulot. I'm happy for you! :-)
anon3 - i deleted the whole blog, all 77 posts. ang reason: nasa 2nd post ng blog na ito. salamat sa pagbabasa.
paul - long time, no hear a. those were the days nga. you were the first blogger i met as mandaya moore. i remember galing ako ng bohol noon at doon ko na-meet si biboy-- i so missed the post about biboy where he sang "babe."
haaaay
nakakatuwa naman... sayang diko naabutan yung una mong blog. :)
Hi Mandaya...
http://web.archive.org/web/20070225052024/mandayamoore.blogspot.com/2007/02/toothbrush-break.html
eto ba yun?
:)
sexymoi - ewan ko nga e kung kailangan pa bang maging malungkot sa nakaraan
jace - salamat. pero di lumalabas ang photo ng toothbrushes. paano hanapin?
~~raising hand~~ QUESTION MA'AM!!!
You mean, kayo nang older brother ni Kulot?! So, nung kayo na ni Kulot, wa happen to the brother and how did Kulot re-ak dun sa "relationship" ninyo nung brother?
Answer in complete sentence please! :-)
reyna elena - you forgot to cut your nails-- ang dumi!
natikman lang ako once ng older brother ni kulot.
at sa tanong about d younger brother, may nangyari pero walang relasyon. di naging kami. at sa reaksyon ni kulot-- wala syang magawa. maganda ako. sexy ako. hindi ko masisisi ang mga kalalakihan kung mabighani sila.
yun lang.
at, next time, wag mo gaaning i-raise ang hand mo, nakikita ang mga buhok mo sa kili-kili
panalo! ang taray! haba ng her mo gerl.. 2ng boylets..haay..
natutuwa talaga ako sa lahat ng post mo!
wagi ka sister!!
EEEEKKK! *di naka-reak* (hehehe)
mandaya, your highness
nalowka ako sa blog na ito. pinagpuyatan ko ang mga post. sayang lang at hindi ko nabasa ang mga old posts
kinontak ko na ang cia para sa retrieval ng mga yun.
ikaw ang reyna! :)
myk2ts - salamat. next time, wag magpuyat, hindi dapat magka-eyebags.
bakit, di ba pwedeng sa araw magbasa ng blogs?
chos!
jhamy - salamat sa pagbabasa. wagi ka rin
di pwede ateng DH ako sa umaga. daming nililinis, nilalabhan at niluluto:)
powerful.maganda.poignant.
chos. hindi ko alam ibig sabihin ng poignant. haha.
alam ko na ang meaning ng poignant. haha.
and yeah poignant nga itong post.
single pa ba si jayson?
wla bang pix?
miss mandaya, tagahanga mo rin ako. nakapanghihinayang at "nakilala" ko lamang ang persona sa bago mong blog. pero, di na bale, isa karangalan at lubos na kaligayahan na mabasa't maging saksi sa iyong buhay bilang misis.
kung saka-sakaling makita kita nang personal, ididibuho kitang nakaupo sa isang kabibe at may hawak na palayok na merong umaagos na katas ng oliba.
:-)
kalansay - ganyan, dapat matuto kang gumamit ng dictionary-- hehe
mrs j, hayaan na natin si jayson; lumabas ang pix nya sa dating blog; ayoko ng ibalik ang kahapon
palma - salamat. gusto ko yan, kailan ako magpo-pose? hehe
sakin nlang naman e to tlga...hehe okay..
inday, kape pa! daghana...
Fantastic recall! Really, I will be writing about your blog soon, and I love doing the research!
Cheers Mandaya Moore!
nakakarelate me sa ganitong eksena
Post a Comment