Sabado. Buong hapon syang nasa bahay. Binabantayan ang nilulutong Dulce de Leche para sa gagawing Banoffee Pie. Birthday ng pamangkin nya kinabukasan.
Habang niluluto ang dalawang lata ng condensed milk, nagbake rin kami ng chocolate cake at banana muffins. Ang muffins ay para i-serve sa novena para sa tatay ni Fiona. Namatay ito noong October 14.
Linggo. Buong araw wala ang Kulot. May party sa kanila.
Mga alas otso ng gabi nang magtext sya sa akin.
Ang sabi niya: "Sasabihin ko na ang totoo. May girlfriend ako. Ayaw kong maghiwalay kami. Pahinga muna tayo."
Ako ang hiniwalayan ni Kulot.
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
aray ko. sana pala hindi mo na hinintay ang linggo. hinintay lang pala nya ang Banoffee Cake na yun. horrendous!
Sana sinagot mo ng:
"Eh Paano na ang baboyan?"
Mands, if u want to talk, sa YM lang ako.
W.T.F.
Itigil na ang drama. Minsan kelangan na talaga nating gumising at harapin kung ano talaga ang sitwasyon. Life must not stop porke umalis ang isa. I'm sure mas matibay ka kesa sa pinoproject mo dito sa blog. Okay lang na umiyak, okay lang na maglupasay ka sa kalsada, okay lang na magwala. Pero after ng episode ng pagiyak, paglulupasay, pagwawala, wag mong kalimutan na tumahan, tumindig, at magpakahinahon. Parang diarrhea lang yan, kelangang ilabas ang toxins para guminhawa ang pakiramdam.
To be fair to Kulot, at least nagkabayag siya para aminin sa yo yung totoo kahit masakit.
Marami pang dahilan para hindi makalimutan ang pagngiti. Tulad ng lagi kong sinasabi, sayang ang toothpaste. :)
sabi nga, iba pag iniisip mo pa lang, iba pag andyan na. masakit pero you have to face it. alam mo naman noon pa lang kung ano kayo ni kulot at kung anong position mo sa buhay nya.
all you have to do is wish for kulot to be happy now. may pinagsamahan din naman kayo.
and for you to go on. its gonna be hard but the pain will be worth it in the end.
be strong...
Yawa! Na hala, plantsahon nato buhok niya, apil apud ang nawng!
ate, i feel for you.
Gusto kong mag-mura. Lagot oi. Parang ganun lang kasimple ang lahat para kay Kulot. Walang 'break it to me gently'. Tsk. I hate him, for that manghihiram ulet ako ng linya ni Charlotte:
I curse the day he was born!
At least, una siyang naging sa'yo Ate M.
ay dili. anong pahinga muna? ibig sabihin, pagod na sya sa yo? at pag nawala ang pagod nya kasi may bilat syang kinakadyot ay babalik na naman sya sa yo? kung sa akin, no no no no. true, nagpaalam ng maayos after nang pinagsuspetsahan sya sa ka ti txt nya. at di nya tinupad na si madam ang mamili. asan na yung sinabi nyang, sila ni madam ang nauna? anong drama nya? feeling nya, sya na lang ang lalaki sa mundo? he did it not once but twice. asan si jason. JASSSSOOONNNN. jason, andito si madam, char. city clubbing na muna madam. go. let your heart breath new fresh air.
Ngayon ako naman ang makikiyakap sa iyo.
Hindi ka nag-iisa.
omg! im sorry to hear that.. ok lang po yan.. remember..life doesnt end when heartaches begin..
laban lang bakla!
lola, punyeta, napamura ako dun ha! anong pahinga-pahinga?!?!?! ano sya bale? ano ka, karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain? At sino sya, si Asero?????
hay naku, sabihin mo sa kanya, "Get out of my house! Oo, bahay ko 'to! Bahay ko 'to dahil ako ang nagbabayad ng ilaw, ako ang nagbabayd ng tubig! Get out of my house! I don't need a parasite!"
Ps.
Pinatatawa lang kita, lola, kasi nasasaktan ako. I guess ito na ang araw na yun? yakapin na lang kita. mahigpit yan. preyowber kita, as always.
At technically, nauna ka. Dahil nabuking mo sya. Naisip lang nya na imbes na paalisin mo sya dahil nararamdaman na nya yun, inunahan ka na nya. dahil i'm sure nakakaramdam na sya sa iyo ng pangingiba mo. kaya gawain ng defensive na tao, inunahan ka na nya.
Hallo Day, kau kasi binigyan mo ang Kulot ng pangload, kaya text ng text tuloy!
Naiyak ako dun...i feel for you so much...hirap tanggapin...ang sakit sa loob...tried to prepare about these things pero it's never enough
Hello, I have been following your blog for a long time now. I am a fan. I even shared it to my bestfriend and she likes it too. Last Monday, nag YM sya sa akin at sinabing hiwalay na kau ni Kulot...i was sad. Reading this post made me furios. Hindi dapat ganito..It was a case of mahal ka ba nya kasi kailangan ka nya or the other way around. Kung straight tlaga si Kulot, sa babae yan mag e end up. Pero kung mahal ka tlaga nya, he can defy that.
awwww! SH*T! tama! TAMA NA ANG DRAMAHAN! naku! mapapatay ko yang kulot na yan eh!
hugtanay og bakus...
kinsay magutman...
mahirap mag-let go sa taong ilang taon mo ring minahal, at alam kong hindi sapat ang comments namin para mawala 'yung mga magagandang ala-ala.
gagawin mo pa rin ang gusto mo, at damdamin mo yan. hayaan mo lang na masaktan ka... sa ngayon.
this too, shall pass.
been there. masakit para saken. ewan ko seyo. pero, i feel you. truly. hanggan ngayon tibok nang puso ko ang love ko. it's been years now. still wishing na bumalik.
leche. ngayon lang ako nagawi dito eto pa story! hmpt!
i feel so bad about the break uo. kasakitay gayud saan pero dawaton da mo lang. but remember, una syang naging sayo... one day, babalik at babalik rin sya... at ikaw naman... tanga-pin este tanggapin mo ba or tutuloyan mo na... paghunahuna ng madayaw mandaya moore. Arangay pang usog sang kalibutan.
hahay! ano vah yan! ang saket!
i wish you well, mandaya...
ang sakit! sakit! kuya eddie!!! nangyari din ito sa akin :(
reality check ulit
Post a Comment