Dalawang araw din akong nawala sa bukid. Tinakasan ang nararamdamang DDD. Pumunta ako ng city para makapag-isip. Ibinili ko na rin ng pasalubong si Jericho. May kaibigan kasing pumunta ng Hong Kong.
Andami palang cute sa city. Lalo na kung araw. Ang babango pa ng mga boys. Mga bagong ligo. Pero ang init. Di na ako nasanay maglibot ng city sa araw. Kailangan ko ng mas mataas na SPF sa aking sunblock.
Sabado ng gabi, pumunta ako kina Bananas. Nagluto ng pasta. Nabusog.
At noong pauwi na ako mula kina Bananas, nagtext ang aking mga city friends. Lalabas daw kami.
Una naming pinuntahan ang Urban. Disco. Pero di ako sumayaw. Uminom lang ako. At noong medyo may tama na, lumipat kasi sa Beeracay. Ang daming bading. Feeling ko I'm home.
Linggo ng umaga, bumalik ako sa tunay kong home, ang bukid. Lulan ng bus, nabuo ang aking desisyon. Kakalas ako sa relasyon namin ni Kulot. Bakit ko pa nga ba hihintaying dumating ang panahong sya ang umalis? Mas mabuti na yong sa akin manggaling and first move.
Pitong taon lang naman sya sa buhay ko. Di naman kami magkadugtong ng bituka. Di naman ako ang hanging hinihinga nya. Ganon din sya sa akin. Naisip ko, kakayanin ko ang mawala sya.
Naisip ko rin na hindi ko pwedeng paghandaan ang pagdating ng panahong sya ang magdesisyon. Kasi, kapag pinaghandaan, para na ring gusto mong mangyari. Mas maigi pang paghandaan ko ang aking life plan, o di kaya memorial plan.
At pag-uwi ko sa bukid, desidido na ako. Ia-announce ko na ayaw ko na. Kaya ko. Masasanay din ako na wala sya.
Nagluluto ako ng hapunan nang mawalan ng apoy ang stove. Ubos na ang gasul. Kinuha ko ang celphone. Nagtext.
"Punta ka naman dito, naubos ang gasul. Itransfer mo yung gasul ng oven. Di ako marunong e," text ko kay Kulot.
Ilang minuto lang ay nasa bahay na ang Kulot.
Sunday, October 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
26 comments:
Makes me wonder: How many Kulots could there be in other bukids who know how to change gas tanks when you don't? Ika nga ni Bryanboy: Answers on a postcard! =)
*Please add me back to your links. Very avid fan here! Thanks!
wow..ambaet naman ni kulot..
parang naubosan din ako ng gasul ah..
penge naman ng # ni kulot..
hehe.. jk.
first time to visit ur blog..
naaliw naman ako sa mga posts mo.. :)
napangiti naman ako ng post na to... galing pa din. ;)
this post made me smile. i think things will turn out fine between the 2 of you.
halu donya. that gasul incident should teach you the first lesson on living alone. teach yourself the most basic like firewood gathering, gasul tank switching, and on ho watch boys other than kulot. kung break, break. kung martyrdom, mag fact-finding mission ka uli. kung si kulot, wag kang pagpa stretch. relax ka lang. kung di mo kaya, rebonding na lang kayo uli ni kulot for the nth time.
pitong taon din ang naging pinakamatagal kong relasyon. Ang hirap talaga makalimutan yon at di basta basta binibilang ang ganon ka tagal na pagsasama. May mga bagay nga naman talaga na nakakasanayan nating yung ka partner natin ang gumagawa. In my case, everytime na aalis ako for travel, naiiyak na lang ako pag nagiimpake. Kasi, sya dati ang nagiimpake for me. Ang galing nyang mag pa kasya at mag maximize ng space sa maleta. Nabasa ko ang nakaraan post. Sobrang nalungkot ako. Pero ano pa nga ba ang magagawa natin kung ganun? Di naman kasi natin talaga hawak ang damdamin at isip ng taong mahal natin di ba? We are only responsible for our own actions and emotions. At pag nag iba na ang gusto, isip at damdamin ng taong minamahal natin, wala tayong magagawa talaga. Hay, buhay nga naman. Wat can I say, but goodlak ateng mandaya. Sana nga everything will work out for the best of eveyone. Nga pala ate, xlinks po ha.
add kita mandaya. :) naaaliw ako sa mga blog posts mo.
At least maganda ang kinahantungan ng drama niyo. Go Kulooot!! :P
Hello, I am sure hindi ka naubusan ng gas. Naghanap ka lang dahilan, malandi ka. I love you.
kudos sa mga naka-seven year itch!
dati na akong naloloka sa mga write-ups mo mandaya......pero nakakaloka ka talaga. I like your proverbial last lines...................walang tatalo sa iyong punchlines sa huli.
Sana tinawag mo na lang si Fiona! Sige ka at maunahan ka ni Kulot. Good luck!
Hmmmm. Hindi mo rin sya matiis :)
Aysus. may kadramahan pang nalalaman, gasul lang pala ang katapat. hehe. Juk lang!
Mga haliparot! Haha!
Hindi ako naniniwala sa kasabihang "practice makes perfect"
ganun? maghihiwalay na kayo ni kulot? sad naman, nasubaybaayan ko sa blog mo yung love story nyo...i hope you can make a sense out of this. nakakarelate ako,na involve kaso ako sa may asawa. aabangan ko ang sususnod na kabanata sa love story nyo :) pat_1912
hmn... napaka-tender nitong post na ito... parang commercial ng johnson's baby powder... ikaw lamang, wala nang iba... :-)
mam, ang buhay ay parang presyo ng gasul.
minsan mataas, minsan mababa.
Ay, wala gihapon.. Parang reflex na talaga 'pag u need something done, si Kulot dayon ang first thing in mind. Think it over Ate M. 'wag padalos-dalos
sabi nga ng iba, there are no coincidences in this world...so everything happens for a reason....ang mahirap ay kung pano intindihin kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa paligid natin....sana maintindihan mo ang tunay na dahilan kung bakit ka nawalan ng gasul :-)
palagay ko, sinadya ni kulot na pahungawin yung gasul habang nasa city ka. or baka naglaga sya ng buntot ng baka para malakas sya pagdating mo na kasi alam nya na paubos na rin ang gasul. baka mas matigas ba sa buntot ng baka ang buntot ni kulot kaya wala talagang hiwalayan na mangyayari lalo na ngayon na bumalik na ang virginity mo. baka talagang hindi ka rin kayang iwanan ni kulot kahit may babae pang darating sa buhay nyo. baka... ambot lang mam oy pilay edad sa uk ok.
bakit kasi kailangan may mga ganung eksena na kapag dumating ang time na magkaroon ng babae sa eksena eh magiging factor yun ng pag-dadalawang isip sa relasyon nyo? kung mahal ka nya, bakit may ganung mga thought balloons? pero may dramang "priority ka pa rin"? consuelo de bobochina? so ano ka talaga for him, for the meantime na wala pa yung babaeng yun sa buhay nya?
bakit ganun? dahil ba hindi nya maamin sa sarili nya na badetch rin sya at kailangang sabihin na lalaki pa rin syang naghahanap ng babae? The mere fact na magkasama kayo, nagsisiping... anoba, badetch na rin sya! aminin na nya yun. otherwise, ca*llb*y ang labas nya.
ayoko ng ganitong eksena, ate... nasasaktan ako for you. alam ko ang pakiramdam mo. i think i know kung ano ang mga naglalaro sa isip mo. I understand... totally. akoman sa lugar mo, iisipin ko, "leche, so para saan pa itong relasyon na itoooohhhh???"
pasensya ka na sa rant ko, ate. hindi ko na lang nakaya. ewan ko ba, nasasaktan ako talaga... pero keri ko pa rin anuman ang maging desisyon mo. i'll respect that, and i will respect kulot, because of what he still means to you.
At magpe-pray na lang ako kay Lord na ibigay nya sa iyo ang makaliligaya sa iyo at magmamahal sa iyo ng foreyver and eyver, ng tutuong-tutuo - si kulot man yun o hindi na. :)
oh love. <3
http://chichirya.wordpress.com
ndi kita masisisi kung bakit si Kulot pa rin ang tinext mo.
i hope you are ok
Post a Comment