Tuesday, November 11, 2008

Hustisya

Ang pamangkin kong si Tuesday. Grade Two. Namumublema sa subject niyang RE-ED o religious education. Kinokontra ang mga madre sa Assumption College of Davao.


Unang tao daw sina Adan at Eba, ayon sa madre.


"Pero paano ang evolution of man na napanood ko sa National Geographic?" tanong niya.


Iba naman ang pagtingin nya sa isyu ng pagpapatawad. Ang turo daw kasi sa kanila ay kailangang magpatawad kahit na ano pa man ang kasalanan ng isang tao.


"Kahit na sinampal niya ako?" tanong ng pamangkin ko.


"OO," sagot ng madre.


"Sister, kahit na sinuntok nya ako?" tanong uli.


"OO, kasi yon ang gusto ni God," sagot uli ng madre.


"Kahit na nagka-blackeye ako, forgive ko pa rin sya?" kulit ng bata.


"Yon nga ang gusto ni God," giit ni sister.


"Kahit na ninakawan ako, kinuha ang lahat sa akin, pati bahay ko?" tanong pa rin ni Tuesday.


"OO nga," di matinag na sagot ng madre.


Ikinwento ito ni Tuesday sa amin. Nahirapan kami kung ano ang sasabihin.


"Kasi hindi pwedeng forgive na lang nang forgive," sabi niya.


Wala pa ring nakaimik sa amin.


"Pwede ko naman sya ipa-barangay. Idemanda kaya. O di kaya gantihan," dugtong ng bata.



Nagsalita ang tatay niya.



"Kung gusto mong pumasa, forgive ang isasagot mo," sabi ng kapatid ko.



"Iba sa school, iba sa totoong buhay," dugtong ko.


Naniniwala ako sa statement ko. Mahirap unawain ang konsepto ng pagpapatawad. Madaling sabihing madaling magpatawad samantalang may mga taong ang hirap patawarin. Madali ring sabihing mahirap magpatawad samantalang may mga tao namang kay daling patawarin.


Naniniwala ako sa pagpapatawad. Naniniwala rin ako sa karma.


Nag-uumpisa na nga ito kay Kulot at sa babae nya.

22 comments:

. said...

Aabangan ko ang susunod na kabanata.

Anonymous said...

Kaya mong magpatawad kasi mahal mo siya at kahit na ano ang mangyari, mahal ka naming mga mambabasa ng blog mo.

Reesie said...

pagmahal mo ang isang tao.. ay jusko, madali lang patawarin sya.. as in..kahit ano pa yung naging kasalanan nya.. lalo na't nakikita mo na nagsisi..

"gugmang giatay" sabi nga nila. :D

Anonymous said...

does it mean labing labing kayo ulit? well kung yan ang desisyon mo, i'm happy for you. sana lang hindi na maulit.

Anonymous said...

Matinding awayan yan dito sa Amerika. Evolution of man at si Eva't Adan. Tingin ko matalino ang pamangkin mo just like you.

Pero as far as Kulot is concerned, pag mahal mo ang isang tao, the rest becomes secondary i think pati na forgiveness. Gudlak.

Lyka Bergen said...

Ang sabi nga ni Gandhi: "The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong".

Tama si Sister.

Jffklein said...

i felt sorry for what had happened with you and kulot... move on marse!

henewei, totoo ngang mahirap magpaliwanang sa ganyang situasyon. pero ako isa lang ang motto ko.. kibs sa konsepto ng pagpapatawad. heheh ang bad!

kung binabato ako ng tinapay, babatuhin ko rin sha ng bote ng mayonnaise na walang laman!

hekhek

Anonymous said...

alin ang naguumpisa na? yung pagpapatawad mo kay kulot at babae niya or yung karma nila??

Raiden Shuriken said...

oyy, bad din ang mag-isip ng hindi maganda sa kapwa... baka makarma ka din.

hayyy... pwede mo nang patawarin si Kulot. why not? pero does forgiving him mean kayo na ulit. non sequitur.

Anonymous said...

Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkk. Yon lang p Titetch.

Ming Meows said...

thanks pala sa pag-add.

Ming Meows said...

Sabihin mo na lang sa pamangkin mo na wag magdebate sa mga madre para walang gulo.

RonTab said...

stranger than fiction ang kwento mo 'te! you got me hooked.

sexymoi said...

ako hirap mag patawad promise. lagi kong na aalala yung bad na ginawa sakin at gustong gusto kong gumanti pero sometimes parang di rin ako happy kasi puno ng bitterness yung heart ko. hay, life nga naman,oo.

Anonymous said...

PRECISELY THAT'S THE POINT OF OUR FAITH. WE HAVE TO FORGIVE BECAUSE WE LOVE THE PERSON. WE ARE ASKED TO FORGIVE BECAUSE IT IS GOOD FOR US NOT ONLY FOR THOSE WHO WRONGED US. MANY TIMES, MAS MATINDI KAYSA SA PHYSICAL PAIN ANG SAKIT NA IBINIBIGAY NG TAONG DAPAT NATING MAHALIN. (KULOT'S CASE). DO YOU AGREE? IF YES, THEN MAY SAGOT KA NA SA PAMANGKIN MO.

Anonymous said...

Iba talaga sa totoong buhay.Si kulot nga diba.
Finorgive mo ng finorgive ng finorgive ng finorgive ng finorgive ng finorgive ng finorgive heheheheheeh

Anonymous said...

madam, sabihin kay kulot...forgive mo na sya, PERO FORGET NYA anG BILAT!!!!

wandering tsinelas said...

bibong bata. =)

hay, ang kamartiran nga naman. hehe.

Dawn Selya said...

Isa lang naman ang tanong sa kaso mo mamu... mahal mo pa ba si kulot? kung oo, mapapatawad mo siya at matatanggap mo pa rin sya. Isa pang tanong... ready na bang mag-commit si kulot sa yo? O baka option ka na naman hanggang may makita na naman siyang double-pek na panibago? Yun laang...

goddess said...

chant ka lang mare..

Anonymous said...

mahal mo ba talaga, or force of habit lang? parte ng isang vicious cycle? pero kung san ka masaya, suportahan ka naming lahat :)

ek manalaysay said...

sabi nga daw ng iba, ang pansit, kahit anong luto mo... magkakabuhul-buhol pa din!

ngayon, i-relate natin sa blog entry na ito.. teka ha...