Success ang Plan A. Eto ang karugtong ng plano-- ang hatian.
May mga manok panabong kami. Aabot siguro ng 30 lahat. Pero wala akong balak kunin ang kalahati nito.
"Ipadala mo kay Eproy yung pinahiram ng kapatid ko," text ko sa kanya kahapon.
Papuntang city kasi si Eproy, final interview sa police application niya.
Hindi agad nagreply ang Kulot. Tinext ko si Eproy. Ilang minuto lang ay sumagot si Eproy.
"Pwede ba raw wag muna dalhin ang inahin kasi nililimliman pa ang mga itlog?" text ni Eproy.
"Hindi," sagot ko.
"Pwede ba raw ipasisiw muna ang mga itlog?" tanong uli ni Eproy.
"Sabihin mo sa kanya ibigay na ang manok. Isosoli ko na sa kapatid ko. Sabihin mo rin sa girlfriend nya ipalimlim ang mga itlog," sagot ko.
"OK," sagot ni Eproy.
Dumating ang Eproy sa city na may dalang manok.
Pero meron pang problema. May dalawang baboy kaming inaalagaan niya. Ibebenta sana namin sa pasko.
"Gusto mong mag-alaga ng baboy?" text ko kay Fatima, asawa ng kaibigan naming si Johnny.
"Meron?" mabilis na sagot.
"OO, paghahatian na namin ni Kulot yung mga baboy namin," sagot ko.
"Naghatian na? Wala na pala talagang pag-asa?" tanong nya.
"Wala na. Kaya kung gusto mo, ikaw na mag-alaga. Ibenta natin sa pasko," sabi ko.
"Kailangan ba talagang paghatian?" makulit na tanong niya.
"OO, para wala ng koneksyon," sagot ko.
Pwede ko namang kunin ang dalawang baboy. Ako ang bumili noong mga biik pa ito. Ako rin ang bumibili ng feeds. Inalagaan lang naman nya. Kumbaga, sa akin nanggaling ang mga hayop na baboy na yon.
Pero iba ang nasa isip ni Fiona. Para sa kanya dapat paghatian ang mga baboy. May karapatan daw si Kulot sa kanyang mga alaga.
"Para naman meron syang separation pay," text niya sa akin.
Bukas, kukunin na ni Fatima ang baboy ko.
Sunday, November 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
Ahahaha. At may separation pay pa pala si Kulot. You're very generous, this I say notwithstanding the protest nung mga manok which were so coldheartedly separated from their hatching chores upon your behest. Life goes on indeed.
ano ba yan???!!! nakakaloka! talagang hell hath no fury than a woman scorned. HAHA!!!
oohhh the drama of divorce. parang nanonood lang ako ng tv.
Tama, wala na dapat connection. Again, once you've packed your bags you shall never look back.
ganda.
biblical madam...shake the dust off your feet and don't look back...what doesn't kill you makes you stronger...ay ano pa nga ba? hayup ka madam...araw araw ako nag ch-check ng blog mo! maski katuyuhon na pud ko from hospital duty, ikaw ang inuuna ko!!!
sayang si kulot...yun lang...sayang...AT!!!!dON'T CRY OVER SPILLED MILK!!! Go and get yourself another gallon. di vah!!!
it's sad, but i'm sure it's going to be better soon. you'll find another man, maybe better than kulot or could be worst than him, but then again, that's life!
but i wish you the best!
kisses from san francisco!
separation pay talaga... kalokah... pero tama ka nga... wala na dapat koneksyong maiwan between the two of you... para maka-move on na rin kayong dalawa...
avahhhh... mukhang totohanan na itoh, atey? kunsabagay, kung parang isang bikig sa leeg na ang isang relasyon - let go! at sana hindi ka mag-MOVE ON... kasi pag nagMOVE ON ka ibig sabihin bitbit mo pa rin ang anumang emotional luggage... dapat magLIVE ON ka, para fresh! charut, pinapasaya lang kita kasi when this kindav thing happened to me malaking bagay ang support system ng mga kenkoy kong friends!
... ps, sana mapasyal ka sa aking blog at nang mabasa mo ang aking maikling liham sa'yo atey...
AY bongga, Go ipalimlim sa Bilat. Who knows pag hatch nito, SAPHIRA ang dating... dragon ni Eragon. HAAAAAAAAAA. EEEEKKKKKKKKKKKKKKK!
Sever all ties. And then sa akin ang ulo ng baboy.
ano 'yan "war of the roses" o "mr. and mrs. smith?"
pero tama si fiona sa issue ng "separation pay." ang question lang is how much: absolute 50% ba ang sharing or style-"samak" (babawasin muna ang gastos sa feeds and all bago hatiin sa 50% ang neto).
but its a good start to move on.
Kumbaga, sa akin nanggaling ang mga hayop na baboy na yon. - - > natawa naman ako hehehe
sige na, maging generous ka na lang tutal kahit papaano may pinagsamahan kayo ni kulot...then cut all ties and move on....good luck!
teka paano na ang bakery?
Kaawa-awang kulot.. nasa kama na nga siya, mas gusto pang matulog sa sahig. Ang sa akin din, ang pagtataksil ang dealbreaker sa mga relasyon. No ifs and buts... Goodluck Mandaya sa bagong buhay mo... Be single and fabulous!
Eto na... hatian na ng mga ari arian atbp. Wala na ngang pag-asa to... Pano na yan Mandy... Haaayyyyy... Hirap talaga ng buhay ng mga baklang magaganda. LOL.
Mandy... lemme know pag dumaan ka ng Cebu. Hanap kita ng bagong Kulot.
Hehehehe...
Gibain na sana. Ano pinagsasabi niyang sana man lang may maiwan sa pinagsamahan niyo? Im sure hindi naman as remembrance yun kung maiiwan, gusto lang niya pagkakitaan ang pinagsamahan niyo.
Sori a, vindictive kasi talaga ako kaya ganyan ang payo ko hehe.
ey-ey
ayaw ko ng ganitong sitwasyon..
bawian blues... sumbatan...
diko maintindihan ang feeling
been there done that
Post a Comment