Saturday, November 29, 2008

Sino'ng masama?

Nasa bukid ako ngayon.


Hindi ko magawang ipagiba ang itinayong pwesto.

Hindi pala ako ang ganong tipo ng tao.

Naisip ko, hindi naman ito digmaan. Hindi pwede ang “matira ang matibay” sa usaping ito.

Noong binawi ko ang mga manok at baboy, akala ko masasaktan ko sya. Sya ang target noon, pero bakit pati ako nasaktan. Parang ang bigat sa dibdib. Parang lahat ng tubig ko sa katawan ay umakyat papuntang ulo, gustong kumawala sa aking mga mata. Pero hindi ako umiyak. Yon yata ang dahilan bakit lagi na lang masakit ang ulo ko.

Noong hiniwalayan ako ni Kulot, galit ang naramdaman ko. Sabi ko sa sarili, hindi pwede ito. Feeling ko wala syang karapatang gawin yon sa akin. Para sa akin, ako ang dapat magsabi ng “pahinga na tayo.” Kaya noong pumunta sya ng city pumayag akong tumira sya sa akin sa pag-aakalang maaayos ang lahat. Akala ko kaya ko. Kasabay ng pag-aakalang yon ay ang planong dapat ako ang aayaw. At ginawa ko naman.

Hindi kasingbigat ng hiniwalayan ang sitwasyong ikaw ang nakipaghiwalay. Kung ikaw kasi ang hiniwalayan, tinatanong mo ang sarili mo “bakit?” Ngunit kung ikaw ang kumalas sa relasyon, di ka na magtatanong. Alam mo na ang sagot.

At kahit alam mo na ang sagot, hindi ka pa rin mapalagay. Nasa isip mo pa rin ang gumanti. Yon ang nangyari sa pagbawi ko sa manok at baboy. Ipinakita ko sa kanya na kaya kong tapatan ang kasamaan nya, kung kasamaan nga ba ang tawag don.

At di pa ako nakuntento. Gusto kong ipagiba ang pwesto. Madali lang sana gawin yon, pero natatakot ako na ang bawat pakong bubunutin ay parang pakong ibinabaon sa dibdib ko. Na ang bawat plywood, kahoy o posteng babaklasin ay paranga plywood, kahoy o posteng ihahampas sa akin. Na sa bawat pasakit na gagawin ko ay sampung beses na pasakit sa sarili ko. Kung sasaktan ko sya, para ko na ring sasaktan ang sarili ko.

At ang mas malala ay ang katotohanang kapag sinaktan ko sya para na rin akong naging sya.

Kung ganon man ako kasamang tao at itutuloy ko ang pagtibag sa pwesto, titigil ba ako? Magiging sapat na ba para sa akin yon? O kailangan ko pang gumawa ng ibang bagay na ikakahiya ni Lucifer dahil di nya iyon makakayanang tapatan?

Ang tanong ay hindi kung sino ang mas masama sa amin. Ang tanong ay kung sino ang hindi.

23 comments:

Kiks said...

ngumiti ako. para sa yo.

Anonymous said...

Could the reason be why you are hesitant in your action is because if you have that place destroyed, it would be like you're destroying the last link that's holding the 2 of you together? try to listen to the song "Learning the Art of Letting go", it helps.

ek manalaysay said...

ang sigarilyo nga daw ay nauupos din... ang alaala, napaparam... ang pako ay nabubulok at ang plywood ay inaanay din...

paki-connect na lng po sa blog entry na ito kasi lunchbreak na namin! hahahha

kimiko tan said...

I'm proud of you Mandaya, mabuti ka palang tao.

MkSurf8 said...

happy ko nga niabot naka ani nga stage.

first was anger. now you're starting to let go.

nakakagapos ang paghihiganti
at mas nakakaluwag sa dibdib kung tayo ay marunong magparaya.

(hehe. try lang ako mag tri-lingual diri) ;-)

Anonymous said...

drama kaayo kag life yot dah....anyway im an avid fans of your blog...

fuchsiaboy said...

alam mo sa sarli mo na di ka masama at ang gumawa ng mali sa relasyon nyo ay si kulot. yun lang naman ang importante. pero baka abusuhin rin naman ang kabaitan mo. depende lang talaga yan sa sitwasyon.

Anonymous said...

hi mandaya. i took the liberty of linking you in my blog. i just thought you should know. i hope you don't mind.

krizandy said...

Best Lines,! i cant imagine anymore word to give you salute for the lines, pero i know it isnt just because your a good writer or a genius, but because u have the heart for all the things u decide, i do felt the same msama ang loob ko dahil para bang we are near sa ending ng pilikula... for now i know u deserve time and hugs, pls be good always!!!

mwahhhhssa

sexymoi said...

:(

. said...

At kahit alam mo na ang sagot, hindi ka pa rin mapalagay.

Marahil ito ang dahilan kung bakit kahit ako ang nakipaghiwalay, mukhang ako ang nasa defensive sa aking ginawa.

Lyka Bergen said...

It's more than its size that makes Kulot's Brownies so popular.

Raiden Shuriken said...

isipin mo lang lagi, Mandaya. maraming nagmamahal sa 'yo.

si Kulot, bangungot lang 'yun, inakala mo lang na isang magandang panaginip kaya mo pinatagal.

kudos!

Anonymous said...

Don't get mad. Get even.

The Nashman said...

kasi para kang yung bestfren ko na bading, laging pumapatol sa straight...siempri, pag ang straight naghanap na ng vajayjay, the end na.

blagadag said...

mandaya, parehas layo ni mugen na paborito kung basahin ang mga entries. nag-aabang talaga ako araw araw. parehas din kayo na nakipagkalas. dumaan din ako sa sitwasyon na to. kung masakit at nakakawindang man na parang binagyo ang buhay natin, tayo lang at tuloy ang daloy ng buhay. pagdating sa unahan, masasanay ka rin sa sakit at pagod. magpapahinga ka, maglalaro, at magpapatuloy sa pagsulong sa pakikibaka ng buhay bayot. keri lang.

balyan diwata said...

ilang araw pa lang akong nandito... pero nabasa ko ang kwento nasundan ko ang takbo.
in the end ikaw ang panalo sa ginawa mo, tama ka! ayon sa mga narinig ko lahat ng kabutihan na inihagis mo, parang ulan daw na bubuhos sa'yo. kaya stand proud iha. you did something good mandaya. bravo!

Anonymous said...

I was right at first. Di mo kaya ipagiba dahil in love ka pa kasi. U know, follow your heart so it will lead you to where it belongs. Wag ka nang ganyan kasi, lumabas at very obvious na bitter ka talaga. Mapgpakatotoo ka Atetch. EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEKKKKKKKKKKKK!

balikbayan_box said...

Saludo ako sa iyo. I guess this is part of the process of Letting Go.

God bless

Clark Can't said...

O nga...Alam ko ang ibig sabihin sa last sentence ng post mo. Naramdaman ko yan!

Anonymous said...

madam...hindi ka masamang tao...pag ayaw mong ipagiba yan, wag ka nang bumalik dyan sa bukid...masasaktan kang lalo later, pag nakita mong ibang tao na ang nagmamayagpag sa pinagpaguran mo...ikaw rin..matigas kasi ako...kung letting go, letting go..it is not getting even, or kung sino ang masama..it is doing what you think is right for you..

PrincheCHA Fiona said...

aray, susme.

alam na alam ko ang sinasabi mo Ate Mandy. Pinagdadaanan ko din sya.

minsan ayaw ko na nagisip, gusto ko na lang gumawa ng masama na ikakasama ni ex.

pero ewan, di ko ata kaya... pa.

haaay.

Ewan said...

sana naman hindi mo pinagiba yung building na pinatayo mo

ang sagwa ng tinype kong salita sa word verification "bedmen"