Masaya ako ngayon. Isang linggo matapos kong tapusin ang relasyon namin ni Kulot may nagtext sa akin.
"Pwede ka maging textmate?" tanong niya.
"At sino ka?" mataray na tanong ko.
"Si Elmer," sagot nya.
"At saan mo naman nakuha number ko?" tanong ko uli.
"Kay Ton-Ton," reply nya.
Si Ton-Ton ang love interest ni Fiona. Malayong kamag-anak ni Kulot. At si Elmer ay kapitbahay niya.
At ang Elmer, walang tigil ang pagtext sa akin.
"Gusto mo tayo na?" tanong nya sa text.
"Ano ka? Di pa nga tayo nagkikita," sabi ko.
"Basta tayo na. Ano tawagan natin?" pilit na text niya.
"Tawagin mo akong Love. Tatawagin kitang Cholera," sagot ko.
Sinagot lang nya ako ng "jejeje."
Noong huling uwi ko sa bukid, napagkaisahan naming magkita.
Umiinom kami ng mga bakla ng magtext sya.
"Nahihiya akong lumapit. May dalawa akong kasama. Nasa bakeshop kami," text niya.
At timing naman ang pagdating ng isang kabarkada ni Kulot. Magandang pagkakataon. Tumayo ako, pinilit si Fiona na samahan ako papuntang bakeshop. Doon ko nakita si Elmer.
Cute sya. Matangkad. Biente anyos. Inaya ko syang join sa amin.
Nakailang bote rin kami nang mapansin naming nawala na ang mga bakla. Pati mga kasama niya umalis din. Inaya ko syang maglakad. Sa elementary school ang ending namin.
Nagkwentuhan kami. Naghalikan. Nagromansahan. Pero di ko itinuloy. Naisip ko, hindi pa panahon. Naisip ko, marami pang panahon.
Pero bago kami naghiwalay, humiling ako.
"Pwede pasilip?" tanong ko.
"Ng ano?" tanong nya.
Itinaas ko ang kanyang puting t-shirt. Nasiyahan ako sa nakita.
May baon syang pandesal. May abs sya.
Masaya ako.
Thursday, December 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
24 comments:
Pwede ba si Kulot na lang ulit?
Wow ang bilis!! Hehehe. Mukhang bagong kabanata ito.
nah nah nah, nah nah nah nah nah... sbi ni kylie minogue
akala ko naman tindahan ng pandesal, ibang pandesal pala ito...kapanapanabik!
Ay, weakness ko rin ang pandesal. Some fall for the face, some for how one talks, some for a particular smell, and I get weak in the knees for pandesal. Great, you're finding yourself having a good time now. Cheers to good times and pandesal then. :)
OMG! In the time of Cholera... there is Love! Exciting! The picture of the Pandesal next!
makati lang talaga si mandaya. di ko masisi si kulot (sa isang banda).
Bigaon jud ka 'nang noh? Lol
talaga naman, ang alindog ni ateng. May bagong tinapay kang imamasa.
mas maganda siguro nung pag angat mo ng teesert may mga nalaglag na bread crumbs!
Woof! Abs! my biggest weakness...
hehe. uwagan lagi ka?
peace :-)
haba ng hair mo teng!
This post is a strong indicator that you're well on your way to recovery. The cracking, one of a kind humor is back.
Managhan pa unta ang pandesal! Amen.
nothing like rebound boys to cure post-relationship depression! congrats, mandaya, on your pan de sal!
good. dapat tinuloy mo na. turuan mo si elmer kung ano dapat nyang gagawin na masasarapan ka.
Aayy, demure! Ako ang demure Atetch, 'kala mo noh! hahahahahaha. Fetish mo siguro yan ha. Well go go go!!!!! EEEEEEKKKK!
San ba nakakabili ng pandesal? Hehehe.
mukhang nabusog ka sa pandesal ni Elmer ah.
Haha! Yung pan de sal lang kaya ang sinilip mo? Bitin naman, di mo sinilip pati BITIN niya...ahaahahaha!
to a new you, mandaya. ragnar
Ang Landiiiii!! But I liked the 'Pandesal'!!! very creative..
Sabi nila, masarap ka-match na pandesal ang hotdog.. Charot!!
weow... naiingit ako sa abs hahaha
Kung ang problema lalake, ang solusyon lalake rin. Yan ang motto ng mga mujerista dito. Kaya mamu luluhod ang mga lalake sa ganda mo! Be fabulous!
Love in the Time of Cholera ang drama. tse! hehehe
luv it!!!
im sad for kulot
Post a Comment