Monday, June 15, 2009

Back to normal

Naging "back to normal" ang buhay ni Ranger sa piling ng kanyang asawa at dalawang "anak."


At dahil malapit lang sa probinsya nila ang Maguindanao, kung saan sya nadestino, madali lang itong nakakauwi kung gusto o kung bakante.


"Doon sila tumira sa bahay ng Nanay. At least, may katulong si misis sa pagbabantay ng mga bata," sabi nya.


Hindi gaanong magastos ang buhay sa probinsya, kaya naman nakakaipon sya sa di naman kalakihang sweldo. Pati si misis, nagnegosyo rin ng Tupperware.


Pero may ambisyon si Ranger. Gusto nyang umangat. Gusto nyang tumaas ang ranggo para naman tumaas din ang kanyang sweldo.


"Ayokong matulad sa ibang sundalo dyan na kuntento na sa kung ano ang meron, naghihintay ng ilang taon para tumaas ang rank," sabi niya.


At nag-aral sya. Kumuha ng kursong information technology. Hinanapan ng paraan na maging office-based ang trabaho. Wala gyera. Aral muna. Sa umaga, nasa loob lang sya ng kampo-- utusan ng mga opisyal. Pagkahapon, takbo sa eskwela.

Sa ambisyon nyang ito, napilitan syang iwan ang pamilya. Sa Davao City lang kasi may opening sa gusto nyang arrangement-- patuloy ang pagiging sundalo habang nag-aaral.


Sa October, matatapos na ni Ranger ang apat na taong kurso. Pagkatapos nito, balak nyang kumuha ng exams para maging opisyal. Diretso na tinyente. Mas malaki ang sahod.


Pero bago pa man nya matupad ang kanyang pangarap, may nangyayari na naman.


"Nagtext kapatid ko, pinapauwi ako. Ayaw sabihin kung bakit," sabi nya.


At umuwi nga sya. Doon nya nalaman na lumayas ang misis nya. Nasa Cotabato daw. May kinakasamang iba. Pinuntahan nya ang misis. Inabutan pati lalaki nito.


"Dinala ko sila sa pulis," sabi nya.


Walang nangyaring away. Walang sigawan. Walang bugbugan. Walang barilan. Pero may nasaktan. Sya.


"Pina-blotter ko sila. Pinapirma sila ng pulis, pinaamin sa ginawa nila," sabi nya.


Kahit mga pulis sa station nagtaka sa ginawa niya.


"Sinabihan pa ako nong isang pulis na pwede naman daw nilang bugbugin ang lalaki, pero sinabihan ko na huwag," sabi nya.


Matapos pumirma ng dalawa, iniwan sila ni Ranger. Umuwi sa bahay. Niyakap ang mga anak. At noong tanging sya na lamang sa loob ng kwarto, umiyak.


"Tinakpan ko ng unan mukha ko para walang makarinig sa iyak ko," sabi nya.


Hanggang ngayon, ganito ang ginagawa nya tuwing naalala ang mga nangyari.


"Dinadaan ko na lang sa iyak. Minsan, wala namang pumapatak na luha pero alam kong umiiyak ako," sabi nya.

25 comments:

Mugen said...

Uhaw siya sa pagmamahal Ms. Mandaya! Pagkakataon mo na. :)

Anonymous said...

"Dinadaan ko na lang sa iyak. Minsan, wala namang pumapatak na luha pero alam kong umiiyak ako" - this line is so sad and powerful for a person in pain. pls do tell ranger na istich nya ang bilat ng asawa nya ng matuto na ang hitad! he doesnt deserve a woman like that. 2wice is enough already! learn from your mistake!

Anonymous said...

favor naman po miss mandaya. pwede po paupdate ng link ng blog ko sa inyong site. ang hastydevil po ay nasa http://daredevilry.wordpress.com na.

maraming salamat. patuloy akong nagsusubaybay sa bagong kabanata ng iyong lablyf.

Bi-Em Pascual said...

hay, kala ko mga badet lang ang jaded...mga lalaki rin naman talaga, pero mas lamang tayo..

i think kaya ngyari yun kasi hinayaan nya. di nya ipinakitang galit sha. super bait naman pala ni ranger. Mandaya, alagaan mo sha ha..

pakitanong na rin, baka kilala nya yung bestfriend kong sundalo rin, c noel taga antipolo... ang aking dakilang pag-ibig...

blagadag said...

kung dito yan sa riyadh, ranger's wife will be stoned to death. and the infidel man will be beheaded. pero kung di maghabla si ranger, he will be complicit to a criminal act. although his act of reporting the crime to the police would be considered. back to the bayot sa bukid, your new find love is in pain. i hope you would be most gracious to give justice to your role being the coveted gay. we will wait how you blog this new chapter of your life, far away from the babes in the city, babes in the sea and babe in the bukid. how are the bayot in the bukid mam?

Echos Erita said...

how sad naman ng buhay ni Ranger, ate Mandaya. paligayahin mo siya. kelangan niya yun. kelangan niya pagmamahal at pag-aaruga mo na di niya nakita sa misis niya. ikaw na ang dakilang madrasta

Ming Meows said...

diba yun din ang ginawa mo kay babes in the city?

hanzsapitan said...

dyos kua!

Ang drama ng buhay nya. Buti na lang ata dumating ka sa madilim nyang mundo..kapag binuhos mo ng buong buo ang buhay at pagmamahal mo sa kanya.. titingalain ka ng marami at magbabago ang tingin ng mundo sa bayot. mabuhay ka teh!

cronwell said...

nakakalungkot naman, i think he deserves you Ms. Mandaya. Mapagmahal ka at mabait. Take care of him he is in pain,.

Bryan Anthony said...

bonga ha

r. baruto said...

What a life story.

So after a philandering wife, scout ranger moves on. And now, he's with mandaya-moore na. Happy ending ba yun?

haha. joke lang po. nangookray lang. Aww. naiingit pala. ahihi..

aries said...

sabing docko na dapatdi daw ako ma stress. sana di ko na lang binasa ang post na to...

next episode please. sniff...sniff...

- said...

I just recently discovered it. Nice blog!!!

Anonymous said...

naiyak ako

Diwata said...

grabe siya ha.. niloko na at lahat, wala man lang bayolenteng reaksyong ginawa.. ni tadyak o batok wiz. kung ako siguro yun, pinabarang ko na... ahihihih

carmen luvana said...

san pa kaya nakakabili ng scout ranger na yan.. makabili nga ng mga 10...

Anonymous said...

fotah! napaluha ako sa post na ito... matinong tao itong si ranger, malayo ang mararating dahil pinapairal niya ang rational na gawi ng totoong buhay. ok siya. alagaan mo siya mandaya, pag nabalitaan kong sumama ka sa ibang lalake, bigla na lang may babatok sa'yo ng bonggang-bongga! ako! charutzki!

Anonymous said...

Ay ate super touched ako sa istoryang ito. Puwede bang sabihin mo ke Lone Ranger mo na nandidito ako na handang magmahal sa kanya maliban sa iyo.

Ate, gusto ko syang yakapin sa istorya mong ito at ipadama ang init ng aking pagmamahal.

Anonymous said...

"Dinadaan ko na lang sa iyak. Minsan, wala namang pumapatak na luha pero alam kong umiiyak ako"

Muntik na kong mapamura dito. Sobrang sakit.

Yeah, just so you know, I've reading this blog for months now. You're a very good storyteller.

burrito said...

mukhang madaling mahalin si ranger. kaso sa bawat kwento, hindi pwedeng isa lang ang pinakikinggan. wish ko lang e totoo ang mga sinasabi ni ranger.

UnbreakableJ said...

Super PEACE LOVING ni Ranger.

sexymoi said...

ang lungkot naman.. am sure magiging okay din siya...

Anonymous said...

very strong ang characterization mandaya, i like it!

Anonymous said...

napakalandi naman ng asawa niya! makati pa sa surot!

Darc Diarist said...

"... walang pumapatak na luha pero alam kong umiiyak ako." Ito pala iyong nararamdaman ko. Ang-galing sobra!