Monday, July 20, 2009

OK na sya

Tuloy ang pagti-text namin ni Malyn.


Medyo masama pa ang lagay ni Kulot noong Linggo. Kasinlaki daw ng kamao ang bukol sa kanyang likod at dibdib.


"Pero ayaw niyang ipakita na nahihirapan sya kasi ayaw nyang mag-alala ang Nanay nya," text ni Malyn.


Naiintindihan ko yon. Noon pa man, protective si Kulot sa Nanay niya na may sakit sa puso. At ngayon, kahit hirap ang kalagayan, mas nanaisin pa nyang itago ito para sa ina.


Alam ko rin ang pampinansyal na kalagayan ng pamilya nya ngayon. Kaya kahapon, kahit nasa Davao City ako, nagpadala ako ng pera.


"Huwag mo ng sabihin sa kanya na galing sa akin," text ko kay Malyn.


Kaninang umaga, nagtext si Malyn - di na raw gaanong hirap ang Kulot, di na raw gaanong masakit ang kanyang mga pasa.


"Di lang siya makatayo ng maayos kasi masakit pa rin ang dibdib nya," text nya.


"Magpa-xray na kayo. Sa private hospital ha," sagot ko.


"Sabi nya sa public lang daw para mura. Sabi ko may pera naman. Mamayang hapon siguro punta kami Mati City para magpa-xray," sagot naman ni Malyn.


Nagbilin ako na balitaan ako kung ano ang resulta.


"Para naman mapalagay na ako. At kung talagang ayos na sya, masabi ko na WALA AKONG PAKI," text ko kay Malyn.


"Jejeje," ang sagot niya.


Dahil sa nangyari sa amin ni Kulot, di ko naman ipinagdasal, alam kong karma na lang ang bahala sa kanya. Gusto ko lang klaruhin na hindi ganitong uri ng karma ang ini-expect ko.


Noong Biernes ng gabi, ilang oras matapos syang mahulog sa puno mangga at hindi pa maliwanag ang tunay na kalagayan nya, ginawa ko ang isang bagay na hindi ko ginawa mula noong hiwalayan noong Nobyembre -- ipinagdasal ko sya at umiyak ako.

(Isang dating photo ni Kulot)

17 comments:

Dawn Selya said...

awww... i'll pray for him too and for you :)

Lyka Bergen said...

Nice to know na OK na sya.

... said...

Good to hear he's okay na 'nang.

I hope you're okay na rin.

Anonymous said...

okey, cry it out mandaya.....pero tapos na......at tapusin mo na ang chapter na yan sa buhay mo....

your love will see you through..but.........move on........

Anonymous said...

I can really relate. Ano pa man ang nangyari, di maipagkakaila na naging bahagi siya ng buhay mo. I know maraming mga bagay ang naiisip mo noong friday and iba't ibang feelings ang nadama mo.Kung sabihin man nating ang nangyari ay test din sa iyo, then it is really a confrontation of what you really feel and nasaan ka na sa iyong paglimot at pag-move on. Wish you peace of mind and heart with regard kay Kulot.

Anonymous said...

the guilt, the remorse, pity, regret and love - all in one sweeping moment. cry if you must, Mandaya, and yes do pray for him. Aside from helping him in one or another, it's the only thing that can also free you ultimately from the memories...

Luis Batchoy said...

Mas mabait at busilak ang puso ni mandaya kesa sabaw ng batchoy ni Luis kasi kung ako yun, dasal na lang talaga ang gagawin ko. Pagpalain ka sistah!

blagadag said...

mandaya datungera concepcion del moore! bow. para kang si souljer, di makapag move on from the past becuase of too much pain and love. kaya siguro ang galing nyong magsulat, aside from being excellent wordweaver, you have real emotional drama to source your creative juices in writing. my prayers are for both of you, my favorite bloggers!

Anonymous said...

Ang drama talaga ng buhay mo. Sino gusto mo mag-play ng part mo sa pelikula?

Kidding aside, I am glad things turned out the way they did.

Hasmin Navoa said...

you are so nice and he is indeed should be greatful for having someone like you..

You never fail to show your concern.. Tama ung di ka maghangad ng masama para sa isang tao kahit may mali syang nagawa sayo. Bahala na si god sa kanya.

we can only do much.

I just hope that you are ok as well. :) take care ...

blagadag said...

Aba Mandaya ha. Kung di pa nahulog si kulot, super bihira kang mag post na pwed emo naman pala gawin. Hintayin bang mahulog o may mangyari kay kulot bago ka mag post uli? Aba. porke sabi mo "okay na sya" ay wala ka na namang post. Bitinin ba naman kamin nahihibang sa lovelife mo? maawa ka namn sa mga fans mo madam? tigang po kami. di kagaya mo na maraming nakapalibot na mga babes upang iduyan ka sa kaligayahan. ano na ang update kay babe in the AFP. kay babe in d city at babe in the bukid? di ba meron pang babe in d sea? ano na?

Omar said...

yes day, pray for him. ;-)

miss you day!

iam_callen said...

it's good to know that he's ok. i hope there wouldn't be any complication in the future. mandaya, i've been following your blog for a while now, and i've seen through your posts how much his betrayal have hurt you, but it is nice to know that it didn't harden you or made you bitter and insensitive to the suffering of others. you're a good person.

Jatch said...

Love is pure... just like you... :) I'm happy for you ate...

Bi-Em Pascual said...

ibuhus na ang beer sa aking lalamunan.. upang malunod na ang puso kong nahihirapan..

ate itagay mo yan! yaan mo pag nagkatym ako, inom ako para sa yo at sa puso mo.

he's ok now and that's what matters.

kampay!!

Anonymous said...

After all the heartaches you've been through, may PUSO ka pa rin pala..that's the essence of being 'gay'..The HEART is not just a 'machine' or an organ to pump blood into our body but is also a 'safe' where we keep feelings of compassion, sympathy, forgiveness, trust, faith, LOVE and many other great feelings and deeds that we share with other people, making this world a better place to live in..I thank you.. charot!!! =)

Unknown said...

Goddamit, you're doing it again!

:(

Again, at a loss for words. It's silence over redundancy. Maybe an emoticon over actual words will answer.