Wednesday, September 1, 2010
Drunken Master
(at marami pa ang sumali, basahin nyo sila DITO)
Naglalakad ako. Sinusundan si Poging Mama. Aktuali, di naman sya ganon ka-mama. Di rin sya binatilyo. A basta, pogi sya, di matanda, di naman ganon kabata. Ang importante, nakita ko sya at sinundan ng lakad.
Nasa kahabaan kami ng Claveria— runway ko noon. Sa panahon ko, tatlo kaming supermodels sa Claveria Street. Yung isa, at di ko na maalala ang pangalan nya, mula sa kanto ng San Pedro Cathedral hanggang kanto ng Rizal Street ang area of responsibility niya. Akin naman ang mula corner Rizal Street hanggang Palma Gil Street. Panghuli si Jun Tuwad – mula kanto Palma Gil hanggang Aldevinco.
Magkaibigan naman kaming tatlo. May respeto sa isa’t isa. Di pwedeng lumampas ng AOR ng bawa’t isa, pwera na lang kung kinakailangan. At habang sinusundan ko si Poging Mama, kinailangan kong tumuntong sa AOR ni Jun Tuwad.
Malayo pa lang, nakita ko na si Jun Tuwad. Prepare na ako sa winning smile ko. Dumaan si lalaki sa harap nya, kunwari wala syang nakita. Dumaan ako, naka-smile. Smile din sya. At naka-thumbs up pa.
Umabot na ako ng Aldevinco sa pagsunod kay Poging Mama. Lumiko sya papuntang office ng Philippine National Red Cross. Di na yon AOR ni Jun Tuwad. Di ko rin kilala ang reyna sa lugar na yon. Pero tuloy pa rin ako sa pagsunod.
Lumampas na kami sa Red Cross. Biglang nawala si Poging Mama. Saan sya? Hinanap ko sya sa madilim na bahagi ng mga karinderya sa pagitan ng Red Cross at Fire Station. Wala. Hanap pa rin ako. Ang layo kaya ng nilakad ko para lang pakawalan ang pagkakataong ito.
Tumigil ako sa paghahanap. Tumayo. Nagsindi ng yosi. Matapos ang isang stick, itinuloy ang search. Madilim pa rin. Nguni’t likas yatang may night vision lenses ang aking mga mata. Nakita ko sya. Nakatayo sa gilid ng isang karinderya. Dahan-dahan akong lumapit. Ilang hakbang pa. Malapit na. Dagdag na hakbang pa. Sobrang lapit na.
“Sino ka? Ano kailangan mo? Ba’t sinusundan mo ako? Hold-upper ka?” may halong banta na sunod-sunod na tanong nya.
Hindi hold-up ang dineclare ko.
“Bakla ako,” tanging sagot ko.
Matagal na akong bakla pero sa pagkakataong ito, kailangan ko pang magladlad. Sa panahong ito, kailangan ko ipangalandakan na hindi ako straight.
Walang akong problema sa kabaklaan ko. Kailanman ay hindi ko ito hinanapan ng paliwanag. Kailanman ay hindi ako nagpaliwanag.
Sa pamilya ko, hindi ito isyu. Di napag-usapan. Basta alam na nila. Yon na yon. Walang nagtanong, wala akong sinagot. Swerte yata ako at di bobo mga kaanak ko.
Sa mga kaibigan naman, pakiramdaman na lang. Bahala silang manghula. Di ko naman sila tinanong kung straight sila, di na rin nila ako tinanong.
Huli akong nagdeclare na bading ako ay noong high school reunion namin. Andami kasing tanong: “May asawa ka na?”
“Wala,” ang sagot ko.
Meron namang ang tanong e: “Ilan na anak mo?”
“Wala,” rin ang sagot ko.
Paulit-ulit na tanong, paulit-ulit na sagot. Nakakapagod.
Kaya sa table namin noong reunion, nang may nagtanong na naman kung bakit wala pa akong asawa’t anak, sinagot ko sya ng: “Bakla ako.”
Akala ko titigilan na nila ako. Kumalat sa kabilang table, at sa kabilang table pa, hanggang sa buong batch na ang nakaalam.
At di pa sila nakuntento, may nagtanong pa ng: “Ha? Bakit?”
Mula sa kung saang table, nakarating sa akin ang tanong.
Sinagot ko ito ng isa ring tanong.
“Sya, bakit straight sya?”
Walang bumalik na sagot.
Noong gabi ng high school reunion, umuwi ako na may nakasabit sa sash sa aking katawan. Sa paligsahan na panay straight ang kalaban, bakla ang nanalo sa beer drinking contest.
Tinanghal akong: “Drunken Master 2009.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
Panalo! Palakpakan!
winner!
kahawig na kahawig ang experience mo sa experience ko sa claveria st. hanggang sa office ng phil. red cross.
itatanong ko rin sana kung holdaper ba sya, kaya lang nasa kamay na nya ang cellphone ko at pera kong dala. pano ba kasi, nasa tuhod ko na ang suot kong shorts bago sya nagdeklara. na pera pala ang habol nya sa akin, at hindi trip-trip na sabi nya nung una naming kita.
pagkauwi sa bahay, natanong ni nanay. naiwan sa jeep aking nasalaysay. duda ang modra, sa akin di makapaniwala. un pala, nagtext sa kanya kung gusto ko pa daw makuha.
holdaper na nga, pawnshop pa. ang pinakamasakit, niladlad pa ako sa nanay kong matagal nang may hinala.
see this december mandaya!
ur dubai reader
Ahahaaahahahahahahahahahahah!!!
Gusto ko yung sagot mo'ng "Sya, bakit straight siya?"
Pero teka - ano'ng nangyari dun sa Poging Mamang sinusundan mo?
mel, panalo sad ka kay wala ka problema sa pagladlad
anon - see you kung dili ta mangabuta
rudeboy - syempre nahada ko. fireman sya.
Uy, ano ang nangyari sa pagitan mo at nung sinundan mo? Score ba?
mugen - perfect 10 ang score. hehe. at bakit di ako maka-comment sa blog mo?
this post made me think on which place had i made love with a guy in downtown davao. in my 48 years of existence, i could not recall except for one sole but most handsome soul who lives at jacinto street (very near ateneo university) that asked me to go on bed totally naked with him. but down south of davao (you call it aor) i can easily line up those dicks beside mcarthur highway from dumoy, toril, kurbada, tuban, towards digos, bansalan, magsaysay, bulatukan, makilala, kidapawan, kabacan to pikit and midsayap of north cotabato. giatay oy. fourth runner up ra jud ko nimo mandaya. ikaw jud ang queen.
Kasi may blog entry na ninakaw sa akin tapos naging national sensation na hindi man lang binabasa na fiction pala yun. Hayun. Binggo ako the following day. Buti na lang at nayari talaga eh yung mga nangopya.
nice post Mandaya! Ang galing!
Sige pud baya kog lakaw diha sa Claveria sa una.Hehe
nakakarelate ako ng major major
ate mandaya i think....
i love your blog na very much...
mukhang pareho tayo ng trip sa buhay jejejejje
but of course alam ko mas maganda ka sa akin...
nagscan lang ako muna ng mga entries mo. i love all your boys... i will (back)read your blog next time...
stay happy mwahhhh
Nang hadlok baya murampa sa Claveria oi, akong amega na hands up na pud diha sa may RCBC duol sa barrio pogi. Barrio pogi na pugad pud sa mga halang. Hahaha
Tamaa, whatever happened to Poging Mama?
Cheers!
Drunken Master ever! Hahaha! Natawa ako sa title mo, teh.
At fireman itey. Hotness.
- bookie -
You never fail to make my day. Even if cloud and rain are all over me. :-) Very nice one.
Forever Fan.
You are a good writer... and you are keeping it REAL... =) your story made me smile today...walang stir! =)
napaka witty ng lines mo madz. pang MG! :)
i love this day! but i love you more, iring! -- omar d
i think, it was ur KULOT that i saw in one of the beach resorts in our place here in Sta. Ana, Cagayan Valley..i noticed him only because of his really distinct hairdo of really curly hair..
“Sya, bakit straight sya?”
Love it. Haha.
Mandaya, muuli kog Mati sa pasko. Basig ganahan ka mulaag. =D
http://iamyourex.blogspot.com/
LOL@ AOR! natawa ako bigla!
lingaw! I have back read your entire blog. nalingaw ko. following you now!
Post a Comment