Monday, October 18, 2010

Tuloy ang buhay

"Wag na wag kang magco-collapse, ambigat mo kaya," ang sabi ko kay Fiona Sabado ng umaga.


Ilang oras na lang ay ililibing na ang kanyang ina. Cool lang ang bakla. Kontrolado ang sarili. Inilabas ang bagong puting t-shirt.


"Ang liit naman yata nyan. Di kakaysa sa yo yan," sabi ko.


"Watch ka lang. Pumayat na yata ako," sabi nya.


Totoo, namayat ang bakla. Kanya kasi lahat sa pag-aalaga sa ina.


At di ko napigilang ikumpara kung anong pagsisilbi ang ginawa nya sa ina noong nabubuhay pa ito at ganon din ang ina sa kanya.


Mama Goring: Binubudburan ng baby powder ang malapad na likod ng anak.

Fiona: Pinupunasan ang pawis ng comatose na ina. Nililinisan ang sugat, na resulta ng bedsore, na kasinlaki ng palad.


Mama Goring: Nililinis ang pwet ng anak na pala-ebak.

Fiona: Nililinis ang pwet ng ina. Pinapalitan ng diaper.


Mama Goring: Hinihigop ang pingot na ilong ng siponing anak.

Fiona: Sinisigurong nakakabit ang tubo ng oxygen sa ilong ng ina.


Mama Goring: Hawak ang kamay ng anak nang ito ay nag-aaral pa lang maglakad. Di bumibitiw.

Fiona: Hawak ang kamay ng ina nang ito'y nakahiga na lamang, walang lakas. Kinakausap kahit di sumasagot.



"At least napagsilbihan mo nanay mo," sabi ko kay Fiona.


Di sya kumibo.


"At kahit anong pagsisilbi ang ginawa mo, di mo pa rin kayang tapatan ang lahat ng ginawa nya," dugtong ko.


Di pa rin sya kumibo.


"Di mo kayang tapatan ang iri nya noong ipinanganak ka," dugtong ko pa rin.


Tumingin sya sa akin. Magsasalita na sana pero inunahan ko.


"Fifteen kilos ka kaya noong ipinanganak," sabi ko.


"Ano ako lechon de leche?" tanong ng bakla.


Nagtawanan kami.


Sa simbahan, kontrolado pa rin ni Fiona ang emosyon. Pero nang matapos na ang misa, lumapit sa kanya ang pari. Sa aktong makikipag-handshake na ang pari, inabot din ni Fiona ang kanyang kanang kamay, sabay takip ng mukha gamit ang abaniko.


Umiyak sya.


Dali-dali akong tumayo. Lumabas ng simbahan. Di ko kayang tingnan si Fiona. Mas iyakin ako sa kanya.


Nairaos din ang libing. OK naman si Fiona.


Pagkagaling ng sementeryo, diretso kami sa bahay nila. Kainan na. Ang sarap ng humba.

At sa halip na pagdadalamhati, iba ang problemang inaasikaso ng magkapatid. Kulang kasi ang bote ng softdrink na pina-merienda sa sementeryo.


At dito ko nakitang kaya niyang ipagpatuloy ang buhay.

33 comments:

Bb. Melanie said...

Fiona is such a strong person...

Bi-Em Pascual said...

Tama ka, mas marami pa ring hirap ang magulang kesa anak... Pero Im proud of Fiona kasi in her own little way, na-try nyang pantayan yung sakripisyo ng nanay nya. Pakisabi ke bakla condolence...

Mozmaldito said...

I salute Fiona to everything that he did to his mom nung comatose pa toh.. Mahal ko na tuloy sia =X

LASHER said...

Yep. Life goes on. Kaya yan ni Fiona.

Jeff said...

Mabuhay si sister Fiona. Huwarang anak talaga sya in a major major way.

Ronnie said...

Natuwa/na-touch ako sa pagkakagawa mo ng entry, Mandaya. Ang strong ni Fiona and I salute him for that.

Anonymous said...

mabuhay ka sister fiona!
isa kang strong na bakla!

pero nakaka-SAD ng bongga tong post na ito mare. teary-eyed ako.

constantly_battling_anxiety said...

sad, pero life has to move on. sana okay na si Fiona.

Mugen said...

Sa mga kuwento mo, napamahal na rin kami sa mga kaibigan mo. :)

blagadag said...

tumpak lang na magalit si fiona sa kulang na bote. bakit naman kasi mawawala ang bote kung ang lahat ng nakainom ng softdrink at nagbalik ng bote. makikilibing lang sila, iuuwi pa ba nila ang bote? bakit di na lang nila hintayin na mamatayan rin sila para magkabotelya rin sila. panahon na para harapin ang bukas ni fiona. magtrabahjo para sa kinabukasan at kung uumpisahan nya ito sa pag abono sa kulang na bote ay nakakarinding pahirap na talaga. sabi nila may pagbabago na pagklatapos ng eleksyon. bakit nawawala ang bote ng soft drink? bakit?

John Bueno said...

Ang sad naman... buti madami syang friends just like you Ms Mandaya

Unknown said...

Ikaw na talaga Ms Mandaya! Mula sa lungkot na dala ng mga comparison mo between Aling Goring and Fiona hanggang sa mas matinding kagat na dala ng eksena dun sa may simbahan. And then napawi ang lahat ng iyon pagdating sa last part. Naalala ko yung eksena sa GLEE Season 2, yung duet ni Rachel and Kurt, na kung saan ay inawit nila yung ♪Happy Days Are Here Again. Di ko alam kung yun talaga ang title, pero yun ang idea.

Life moves on and goes on talaga. Thanks for this post.

Mac Callister said...

sorry,pero di ko maiwasan mapatawa sa entry mo...great humor at im glad naging ok na si fiona having you around...

kay said...

Fiona is so strong. She will be blessed for sure. I hope I can be as strong as her...

Ms. Chuniverse said...

Idol talaga kita. sa yong paglalahad, feeling ko part ako ng kwento. you inspire me.

Ayabelles said...

I love Fiona. Sana, tuloy-tuloy na ang pagpayat niya. Mala-Tetchie Agbayani kaya ang mukha niya. Am sure mamayat siya bilang bagong ilaw ng kanilang tahanan- and Moda will be so proud of her.

Go Fiona! Salamat naman at kaibigan ka niya, Madam Mandaya. Kung hindi, hindi namin siya makikilala kahit papano.

Unknown said...

i love this post, so real, so true, tagos hanggang kalamnan

Anonymous said...

superb.
nakakaiyak.
nakakatawa.
at pagmamahal para sa ina.
mothers day ba ngayon?..

good luck kai fiona and godbless.

Anonymous said...

hugs kay fiona te.
swerte siya, she have u.
-mrs.j

Kane said...

Mandaya,

I guess life does come full circle. What once was, will be again.

And it does go on.

Kane

Prince Fau said...

kabogera ka talaga mandaya. hindi ka tumitigil sa pagsulat ng bongga at napapanatili mo pa rin akong tawa nang tawa!

john chen said...

your posts touch my heart in a very curious way. they bring me back to my days in the province. thanks, mandaya.

Sphinx said...

lets swap links.Mine is http://filipinom2m.blogspot.com ..page rank 2.alexa rank 700,000..

i hope you like it..

take care,
stefan

Ming Meows said...

standing ovation plus clap clap

Anonymous said...

gusto ko ang writing style mo,may puso would you believe na discover ko lang tong blog mo thru accident from then addicted na ako..binasa ko until 2007..para akong nagbabasa ng libro ng patalikod hahahha more power im josh by the way sana makilala ko si pandesal hahahh jowk

Anonymous said...

i just discovered ur blog by accident from then addicted na talaga ako..eto lang masasabi ko may puso ang bawat sulat mo binasa k lahat ng entry mo from cover to cover until 2007 grabe para akong nagbasa ng book na pabaliktad but kinurot ang puso ko hahahah it's worth it..sana makilala ko si pandesal at yung ranger hahahha jowk lang po by the way im josh

Anonymous said...

i love ur style idol na kita hahah

Unknown said...

galing ng pagkakasulat Mandaya! Tatlong palakpak para sayo at kay Fiona!

Anonymous said...

My condolences to Fiona. Regards to you also. Great writing style.

Anonymous said...

my condolences, fiona.

Anonymous said...

ganun talaga ang role nating mga beki. binabalik natin ang pagmamahal at pagaaruga sa ating mga magulang kaya dapat taus pusong tangapin natin ang ating role. hangang hanga ako kay FIONA kasi ginampanan nya ang kanyang tungkulin bilang isang beking anak.FIONA mabuhay ka! okey pwede na maghada go go go go

Anonymous said...

Hi Mandaya,

I have been a fan of your blog. You write with such ease and with sincerity. I got teary-eyed while reading this entry

Anonymous said...

i've been reading your blog since last year. i discovered your blog accidentally through a friend of yours from the "bukid". since then i got hooked reading your entries. i personally know some of your friends and i love how you tell stories about them. i think your a great FRIEND. i hope to know who you really are (as in your face). i hope to read more stories from you! Good luck!
- your fan from "stone-stone" (n_n)