Thursday, November 11, 2010
Tama na si Tatay
Dating OFW ang tatay ko- isa sya sa mga unang Pilipinong pumunta ng Saudi para mabuhay ang mga pamilya nila.
Kape namin Maxwell House. Sabon namin Dial at Dove. Shampoo namin ay Head and Shoulders. Nang mauso, Casio ang relo namin. Noong medyo nagka-edad na, Seiko 5. Laging may Toblerone at Kisses. Laging nasa uso ang mga sapatos. May betamax. May multiplex. May Minus One.
Para sa aming magkakapatid, iyon ang katas ng Saudi.
Noong magretiro ang tatay, pumalit sa kanya ang dalawa kong nakababatang kapatid. Sayang naman daw ang koneksyon nya. Pero di pa man umabot ng isang taon, bumalik na sa Pilipinas ang isa.
"Di ko kaya. Sobrang init kung tag-init. Sobrang ginaw naman kung tag-lamig," sabi ng kapatid ko.
Doon namin naisip kung anong hirap ang dinaanan ng Tatay sa mahigit na 20 years nya sa Saudi.
Hindi lang yon. Nag-sorry din sya sa Tatay. Hindi para sa nasayang na placement fee, kundi sa madalang na pagsagot nya sa mga sulat ni Tatay noong nasa Saudi pa ito.
"Ang hirap don," sabi nya.
"Maiiyak ka na lang bigla sa lungkot," dugtong pa nya.
Mabilis akong sumagot sa sulat ni Tatay noon, kahit na kalakip ng sulat ay ang sukat ng paa ko.
Nagpapadala din kami ng voice recording. Back to back ang blank cassette tape. Isang oras lahat. Kahit ano sasahihin mo, kahit walang kwenta.
Hanggang ngayon, nasa isang kahon pa rin ang mga tapes. Nasa isang sulok ng kwarto ni Tatay.
Nang matapos ang dalawang taong kontrata ng isa ko pang kapatid, umuwi sya. Hindi na bumalik.
Ganon din ang sabi nya-- na mahirap ang buhay doon.
"Mas mahirap kapag nagkasakit ka, kahit lagnat lang. Maaalala mo pamilya mo. Doon, walang mag-aalaga sa yo. Walang magbabantay kung bumaba na ba ang lagnat mo. Walang magluluto ng Arroz Caldo. Walang magtatanong kung gusto mo ba ng Royal True Orange at Soda Crackers," sabi nya.
Mula non, wala ng nagtangka pang mag-OFW sa pamilya namin. Tama na ang dalawa kong kapatid. Tama na si Tatay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
27 comments:
Pareho pala tayo teh Mandaya... Si Papa, ex-OFW din sa Saudi... Ang mga multiplex na cassette hindi ko makakalimutan pati ang mga imported na pampaligo at tsokolate...
Too sad, marami pa ang nagtitiis para lang maitaguyod ang pamilya kahit walang nag-aalaga sa kanila duon...
Cheers to all OFW! Sila talaga ang bagong bayani ng ating panahon...
so true....
I too remember the cassette tape recording nang for my father who was also in Saudi.
Love your post nang, you never fail to amaze me. Palaging may kurot sa puso.
oha oha oha. tissue please.
Napa-moment naman ako 'teh. Ganyan talaga...
Natouch ako sobra. You've got a great dad. Cheers for that, teh. Stay happy :)
nindot mam. karelate kaayo ko. :)
i know kung gaano kahirap kse isa din akong ofw esp sa saudi galing kse dun at ngaun d2 ko dubai...
Ayoko mag-comment sa content mismo. Pero isa lang masasabi ko:
Heto ang style ng pagkaka-kuwentong na-miss ko.
Walaaa ka pa ring katulad!
yup madami pa din nagtitiis na OFW tulad ko dito sa saudi..mahirap talagang kumita ng pera at kelangan pang mangibang bayan.
feel na feel kita mandaya. may relatives din kasi ako abroad.
may father is an OFW too
.
.
maswerte ang pamilya nyo at mayrong isang matibay at mapagmahal na haligi =)
may kurot sa puso...
Ka touch. In-endure ng tatay nyo lahat 'yon for the family. Hero talaga sya.
Ka-relate ko gamay. Gamay ra maski 20+ years sad ako amahan naka-work didto. Muratu.
Nice one Mandaya. I can sooo relate.
OFW din ang tatay ko sa Qatar, mula nung bagets ako at d age of 7. Nung nag-college ako, nanay ko naman ang sumunod at sa Hongkong naman. Paglipas ng panahon, ako namang anak nila but it's all worth the homesickness and stuff kasi being an OFW myself, it's a great feeling to be empowered: that is in helping change the lives of others esp. ur dependents (family) and friends.
Cheers to all OFWs!
sa likod ng mga chokolate ay mga gabi ng pagluha at hinagpis ng amang nangungulila sa champorado.:)
My Dad's an OFW, too. He has been working in Saudi for 28 years and counting. But for the past 19 years, his family joined him in Saudi Arabia. I'm his eldest, and I grew up here. Yep, I'm in SA, too. Working as an OFW, just like my Dad.
It can be lonely here. But I just want to share the other side of life as an OFW and as one who spent majority of my childhood here. Most workers who manage to bring their families along usually lead happy, well-balanced lives. I was very happy growing up and had lots of friends from the Phil. International School (there are so many Pinoy schools now, there used to be just one). My parents enjoyed an active social life as well. As an adult, I still enjoy my job and my life here. There are a lot of sacrifices but there are also a lot of perks. I'm lucky to be in a good company who takes care of me and to have a Dad who doesn't mind driving me around everywhere (since women can't drive).
So you see... it's not always lonely here. :)
(Pasensiya ka na... sinubukan ko na straight Tagalog kaya lang di talaga ako masyado magaling. :[ )
I can totally relate. Dad worked in Saudi for most of my childhood. The Dove soaps, chocs and casette tapes are things of my past.
I have high respects for OFWs simply because I'll be able to endure the ordeals they go through.
tingnan mo nga naman ang hirap ng tatay niyo. wala isa man sa dalawang kapatid mo ang naka-kaya. hmmm.
mabuhay si tatay !!!
ako din nag-OFW dati. malungkot nga. iba pa rin ang pilipinas.
nung weekend, sinabi ko sa nanay ko naiisip ko nang mag-ibang bansa ulit. sawa na ako sa pagproblema sa pera. so minsan siguro kailangang tiisin ang lungkot.
gravity! kahilakon ko. way char
** hugs **
naiyak naman ako.
Clap, clap, clap! Galeng!
i really love reading your blog... makatotohanan ang mga sinasabi mo...
tama lahat sinasabi nyo tama, ako isang OFW din d2 sa KSA, ang hirap kung tag init, sa buwan ng pag dating ko 1st time d2 kami pinadala sa paanan ng bundok kung baga desyerto na kami trabaho ko sa restorant crew, maliit na sahod, balik tau sa 1st day of work tag init nilalakad namin papasok opening 12nn papasok kami may 10,11,12 o'clock mainit minsan nag lalakad dumodugo ilong mo sa init 10mins dating kana sa store. meron 9hr 12hr 13hr duty wla pa OT yan. hindi ganun kadali ang trabaho sa saudi totoo sinasabi nila ang katas ng saudi wag sayangin ang pinag hirapan... at subra tipid tubig ito ang wag mo sayangin dahil ito ang pina ka mahal na bilihin, mahirap na masaya ang buhay sa saudi, ang hirap magka sakit ka, homesick pag wla nag text sa roaming mo, hindi na uso ang sulat voice recording, ngaun my cellphone na my computer na pero panandalian lang dahil kailangan mo naman mag pahinga sa susunod na trabaho kinabukasan.
sa ngaun 2011 july nag bawas na ng mga OFW d2 sa saudi pinatupad na ang saudisation pinayagan na mag trabaho ang mga babae at ang mga lalaki hindi batugan ... actually mga saudi tamad pero not all ... mostly lang wla cla ginawa tulog kain kan T_T gala tambay ikot-ikot ng mga kotse nila kung saan parang my hinahanap na wla naman..
salamat kc sa king nila kc pina tupad na ang saudisation para maka uwi na ang mga OFW kasambahay na minaltrato ng mga employer...
by the way meron ako nakilala d2 malapit sa accomodation ko, isang OFW kasambahay sa isang mayaman na saudi...
isang beses nag lalakad ako papunta ng BAKALA (tindahan) na daanan ko ung pilipino OFW ng tapon ng basura binati ko cya KABAYAN sumagot naman cya lumapit ako kaunti para maka usap cya tapos nag sabi cya sakin tulongan ko daw cya ... kwentohan kami tanong ko ilang buwan kana dyan or taon? sagot nya 8 buwan nko d2 4 na buwan hindi na cya pinasahod tapos minaltrato cya minsan hindi cya pina-pakain at sinasaktan pa cya ng amo nya babae sampal sontok ang ina abot nya sa employer nya na awa ako sabi ko layasan mo lumowas ka punta ka ng AL KHOBAR doon sa OWWA or sa LABOR natin, ang sagot hindi ko alam paano punta dun at wla ako pera... nakakaawa talaga akala namin (ko_) na kami lang ang biktima ng mga tarantado employer, so sabi ko ito number ko ito pera tama na yan pamasahe punta al-khobar para mag reklamo sa labor ito number ng taga labor d2 sa atin tawagan mo ito.. ng my biglang lumiko na kotse buti na lang nsa pinto na cya ng gate at pumasok hindi cya na abutan ako kunwari nag lalakad na hulog pitaka ko at dinampot ko at nag mamadali umalis ... lumingon ako employer nya nga na arabo na mukhaan ko isa din cya sa mga costomer na kumakain sa store namin...
mula non wla ako balita sa OFW na kasambahay ilang beses ko pa daan sa tapat ng bahay kung sakali mag kita kami or ikamusta ko cya wla na...
sana naka alis na cya naka uwi na ng pinas..
ung babae na un taga MINDANAO...
sa ngaun ako d2 parin sa saudi buwan na lang makakauwi na din...
ako isa din sa mga OFW na biktima, biktima ng agency at employer,...
kaya ito nag titiis ng 2 taon...
hindi na tupad ang sahod sa contrata sa pinas...
marami ang company kinakaltas sa amin, mga deduction na hindi karapatdapat kunti pag kakami 1 day salary or half deduction, meron pa minsan 3days deduction... saan kaba maka kita nito pamalakad,..
nag tanong kami sa ibang restorant na mga pinoy nag tatrabaho wla daw sa kanila ung mga deduction except ko nag kamali ka talaga...
lahat ng ofw my kwento sa pag uwi ng pinas mga karanasan sa saudi na employer...
sa saudi dapat pag handaan mo ang haharapin mong problema at homesick...
salamat sa blogs na ito.,
salamat din sa nag post dito...
noypi of saudi
update ko ito bukas kung may nag babasa pa d2...
:)
Post a Comment