Sa Sabado, magsisimula na ang construction ng bakeshop namin ni Kulot.
Dapat kasi noong Lunes ang umpisa. Pero sabi ng Nanay ni Kulot, sa March 8 na lang daw para swerte.
"Sige na, wala namang mawawala kung sundin natin," sabi ni Kulot sa akin.
"Meron no," sagot ko.
"Ano?" tanong niya.
"Panahon," sagot ko.
Biro na may halong katotohanan ang sagot ko. Nakapamili na kami ng mga materyales para sa construction. Ang mahal ng kahoy. Ang mahal ng semento. Pati sand and gravel, ang mahal din. Meron pang pako, plywood, GI sheets. Lahat ng yan ay nabili na namin, tapos ang pipigil lang e ang paniniwalang may swerte sa numerong pabilog.
"Sige na nga sa 8 na lang tayo start," sabi ko.
Ang totoo, kailangan ko rin ng panahong magsulat.
Eto rin ang dahilan kung bakit medyo natagalan akong mag-update ng blog.
Nagsusulat po ako ng isang mahabang kwento sa maikling love story namin ni Kulot-- mula noong una ko syang makita hanggang sa magdesisyon kaming magtayo ng bakeshop.
Sa Sabado, sabay sa pagbuhos ng concrete foundation ng bakeshop, ililibing ko ang kwento namin.
At sa panahong pareho na kaming wala, sa panahong kailangan ng gibain ang bakeshop para bigyang daan ang kung ano man ang nasa kinabukasan-- mga 100 years mula ngayon at mas malala na ang tinatawag na development aggression -- sana may makakita sa sinulat ko at mabasa ang kwento namin.
Tuesday, March 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
31 comments:
story in a time capsule??...
nindot ni, i like.... unsa gani name sa bakeshop?
mukhang napapa-emote tayo a. ano meron? :-)
Pakisama sa blogroll
http://chichirya.wordpress.com
aaaaw.
answeet.
kakaiba ito mandaya. sweetness. yun lang!
bakla, kalimutan na ang paglibing ng story kasabay ng pagtayo ng bakery. i-post na yan dito nang siguradong may makakabasa at di mawala sa limot ang kwento nyo ni kulot.
"Maruha!" Isang daang taong kitang hinintay!!!
shiiiite and galing mong magsulat mandaya!
ideya para sa panaderya ninyo:
http://sagadalemonpiehouse.blogspot.com/
wawows, ibabaon mo sa ilalim ng bakeshop ang lovestory niyo?
samahan mo na rin kaya ng CD/DVD ng mga pictures niyo, kailangan digitized na lahat ang format.
tapos gupit ka rin ng buhok niyong dalawa, ilagat sa supot ng ice candy, at isama sa time capsule.
naks naman.
Forever etched kung baga! Bongga talaga. How about i mummify na lang hahahahah! Well cheers to long life!!!!!!!
at talagang may time capsule?!
congrats sa bakeshop nyo. =)
I dunno what to say really.... Natameme ako, really....
Ang sweet mo pala, Lola!
Sana tatagal ang bakeshop!
hello ate mandaya... oo nga, lagi ko ring naririnig yang "wala namang mawawala", eh ang kaso... 'wala ring madadagdag!' ... charing...
murag mag movie oi. pakpak!
correct si burrito: i-post sa blog at nang ma-immortalize. better yet, gawing libro. paging nice publishers around!
wow sana nga mabasa namin ang inyong kuwento.
susyal. sana naman matikman namin ang inyong tinapay.
how sweet... sana nman po ai ganyan din kami ng BF ko. Congrats po sa mga success nyo!
nakakairita.... sana maging heritage chuva ang bakeshop....
tapos madidiscover ng mga apu-apuhan nyo sa tuhod whatever ang kwento ng buhay nyong dalawa....
eeee, tapos magkakaroon ng magandang movie....
pabasa naman nung sinulat mo. at tandaan, ilagay ang makasaysayang novela sa isang lalagyan na hindi aamagin, kakalawangin, aanayin, bubulukin, uuurin, lalanggamin, susurutin... dahil baka tatlong buwan pa lang, nawala na ang sulat. sayans naman... :)
naiyak ako.
hmp- ampangit ng feeling ng naiinggit sa mga taong nagmamahalan. :p pagbutihin ninyo ang bakeshop, Ms. Mandaya! sana, after 100 years, 'wag muna magiba. :)
magbo volunteer akong publisher ng libro.
may libre bang tinapay sa opening ng panaderia?
nakita ko ang link papunta sayo nung dumalaw ako sa site ni jun....nakakatuwa naman ang plano mo....hmmmph, buti ka pa nga merong ibabaon o itatime capsule...ako, ibabaon sa limot, lol.anu un pampaswerte din sa bakeshop? lol
hi, mandy,
i agree with burrito and alimuom, gusto naming mabasa iyang love story mo dito. i-post mo na. may pa-capsule-capsule ka pa djan, haha!
uuuy....my sassy girl drama!
mandaya, i enjoy your posts. keep 'em coming.
ANAK NANG BAKERY!!! congratulations! mukhang tuloy tuloy na tong pag-asenso ninyo ni kulot!!!
HUwag kalimutan ang dugong ibubuhos sa pundasyon para tumibay ito.
powerful!
gusto ko nyan,...
gudlck!
weow parang kelan lang yung nag aral kayo mag bake ah... galeng galeng naman...:)
hey there!
i've read your blogs 2 weeks ago and i read them in 1 sitting...i really love it!!! so raw and genuine...but it seems "bitin"....and i also read that you erased some of your logs....plss write them again esp how u started with kulot!!!
adamkewiecs00(yahooid), pasadena CA
@ anonymous - Sana'y naabutan mo si Mandaya noong Pasko ng 2006. 'Yun ang patok sa takilya! Ewan ko lang kung may re-run... malay natin.
Post a Comment