Sunday, May 11, 2008

Laging Handa!

Umuwi ako ng city noong Thursday. Birthday kasi ng Nanay ko noong Biernes.

At habang busy ako sa paggawa ng aking Blueberry Cheesecake sa city, abala naman si Kulot sa kanyang wedding cake. Kasal kasi ng pinsan nyang si Cocoy-- ang aming ever reliable habal-habal driver. At, wedding cake ang regalo namin sa kanya.

"Musta ang luto mo dyan?" text niya sa akin.

"OK lang. Di ako sure kung tama ba ito o hindi," reply ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"E brownish ang kulay ng cheesecake e, hindi puti," sagot ko.

"Ganyan talaga sa labas, pero paghiwa mo, puti yan," sabi niya.

"At bakit mo naman alam?" tanong ko.

"Lahat ng cake ganyan, medyo sunog ang sa labas," confident na text niya sa akin.

Kinagabihan, sa birthday party ng Nanay ko, napatunayan kong tama si Kulot.



"Kumusta ang luto mo?" time ko namang magtanong sa kanya.

"OK lang. Tapos na ang cakes. Icing na lang," reply niya.

"Ano design mo?" tanong ko.

"Surprise na lang," sagot niya.


Hindi ako kuntento sa sagot niya. Tinext ko si Fiona.


"Ano design ni Kulot sa cake?" tanong ko sa bakla.

"Parang perya," reply niya.


Ayokong isipin.


Di ako agad umuwi sa bukid. Lamierda muna. Naglaro kami ng badminton ni Bananas at ilang friends kagabi. Inggit ang Kulot.


"Kailan ka uwi?" text ni Kulot kanina.

"Di pa ako sure. Why?" sagot at tanong ko.

"Habol ako dyan," sagot niya.

"Kailan?" tanong ko.

"Sa Martes, uwi tayo sa Huebes kasi fiesta," sagot nya.

"OK," sagot ko.


Ewan ko kung anong pumasok sa ulo ni Kulot at pupunta rin sya ng city.

Basta ako dapat laging handa.

Kailangan kong magprepare.

Kailangang kong bumili ng hose.

20 comments:

Raiden Shuriken said...

di kaya naghahanda rin sa pagseselos? hahahaha! just kidding! enjoy...

rik32miles said...

Bluberry cheesecake..yum!!
baka naman fiesta ang motif ng wedding kaya parang..perya ang cake..me relevance..super talented tlaga yang si kulot.
hose? panty hose or garden hose?

paul h roquia said...

... kaaliw ang sweetness nyo ni kulot manay, sobrang gooey pero keri... parang soulmates nga kayo!

I'M BLUE said...

mother, di ko ma-gets ang hose?

Lyka Bergen said...

Hose for a soap-sud enema? Gosh!

At baka naging brownish ang cheesecake mo dahil brown sugar ang ginamit?

Good-Luck sa Sex in the City nyo ni Kulot!

Barbara Bakal said...

ay ay ay. baka daw may iba ka na kaya susunod cia jan! haha

at bakit may hose? napa-split ako dun haha

aries said...

lig-on na kaau inyong gugma mam. char!...
makasuya gamay hehehe

pangimbita unya sa kasal ninyo ha

Anonymous said...

pakeyk ka naman tiyang!

Anonymous said...

Kulot in the City? dapat may kwento ..:)

... said...

ate mandaya, aanhin ang hose? di ko ma getching. pang-latigo? hihi

mrs.j said...

ANING HOSE TEH?

OLANOLOGY said...

hi mandaya.... taga hain kaw???? mandaya isab ako.... nice blog.... i love it.... regards to kulot and ur beautiful friends...

Anonymous said...

uhm... hmmm... para saan yung hose?

Dawn Selya said...

Hmmm.. mukhang malaki si kulot.. mapalad ka Mandaya. Mabuhay ka!

the boomerang kid said...

hahaha! hose talaga! panalo!

good luck at more power sa inyong city-based oh, yeah! ni kulot!

Anonymous said...

panty hose ba ito?

Anonymous said...

hala para san ang hose.. hehehe

... said...

oh pantyhose! Now I get it. Lol. i'm so sLo0o0ow. hihi pasenshaaaa

Neneng_Praning said...

ang hula ko din panty hose ito.
ang saya ng fetish.

Ewan said...

ang hose ay para sa enema tingin ko...
natutunan ko yan kay tita carrie