Saturday, June 21, 2008

Oh My Papa

Sa lahat ng bakla dito sa bukid namin, si Kirat lang ang may problema sa Tatay niya.

OK ang tatay ko. Walang reklamo.

OK din ang tatay ni Fiona. Nasa bahay na lamang ito matapos ang ilang taong pagsasaka.

Ang tatay ni Red, nagtatrabaho sa munisipyo bilang driver ng dump truck.

Ang tatay ni Glydel ay isang empleyado sa municipal court dito sa amin.

Ang Tatay naman ni Kaye ay syang nag-aasikaso sa niyogan nila.

Lahat ng tatay namin di pumapalag sa pagiging bading namin.

Kung ang tatay ni Kirat ang pinakamasamang ama sa sanlibutan-- binubugbog kasi nya noon ang bakla sa kadahilanang isa itong bakla --ang tatay naman ni Patricia ang matatawag na perfect father.

Kahit lampas biente na ang bakla, tabi pa rin sila ng ama kung matulog. At, dapat nagpapaalam ito sa kanya kung sa bahay namin matutulog.

Araw-araw, automatic ang P20 unlimited load ng bakla, courtesy of his father dearest.

At kapag sumasali ito ng Miss Gay Pageants, todo suporta ang kanyang ama. Proud sa kanyang anak.

Pero noong isang araw, nagkaroon ng mild stroke ang tatay ni Patricia.

Panic ang bakla sa umpisa. Pero nang maglaon e natanggap na rin niyang medyo deformed na ang mukha ng tatay niya. Hirap na rin itong tumayo ng mag-isa.


"Sa left side ng katawan niya ang medyo paralyzed," kwento ng bakla sa amin kagabi.


Mula noong mild stroke, di na gumagala ang bakla. Busy sya sa pag-aasikaso sa kanyang ama.


"At least man lang mapagsilbihan ko siya," sabi niya.


Kasama sa pagsisilbi niya ay ang pag-alalay tuwing itoy iihi, maliligo, hihiga, tatayo, kakain o pag-inom ng tubig.


At kaninang umaga, matapos mag-agahan, sa tulong ng isang anak, dumiretso ang Tatay ni Patricia sa kuwarto at nahiga.


Ikinagalit ito ng bakla.

"Di ka dapat humihiga pagkatapos kumain," sabi niya sa ama habang inaalalayan itong tumayo.


"Bakit?" tanong ng ama.


"Ewan ko,"sure na sagot ng bakla.


"E di ka pala sure," sabi ng ama.


"Basta sunod ka na lang," sabi ng bakla.


"Bakit nga?" tanong uli ng ama.


"Kasi..." hindi sya sigurado sa isasagot.


Inantay ng tatay niya ang sagot.


"I care for my job! I care for you!" nasabi ng bakla.


"OK Sharon," sagot ng Tatay.

23 comments:

Lyka Bergen said...

Caregiver ang drama ng Patricia. Humakot sa takilya. Tse!

. said...

Hang sweet!!!

... said...

iiyak na sana ako pero biglang umatras ang luha ko. bwahahaha!

the boomerang kid said...

how touching at syempre, panalo ang ending!!!

bongga sa bongga!

Anonymous said...

awwwww nakakatouch naman sila patricia tsaka yung daddy nya...

natawa ako sa hirit nilang 2..

wahaha

Ate Sienna said...

nakakainis ka!!!! pinatawa mo ako ng husto. salamat ng marami. i needed that laugh. :)

Anonymous said...

nakakatouch kaya.. :)
ang nice naman ng daddy ni Patricia.. :)

God Bless them both.. hehe :P

I CARE TOO..lolz

atto aryo said...

he he. yun lang.

Anonymous said...

hahaha. kaines nag drama.

Felix said...

hahaha! nice one!

"get well soon" sa tatay ni patricia :)

goddess said...

panalo!!!!!

Unknown said...

that was just too high-larious! Oh Mandaya you're so funny!

Gayzha said...

Zosyal... updated si Patricia at Tatay!

Anonymous said...

laos ako, ni hindi ko pa nakikita ang trailer nito!

Anonymous said...

hay naku, favorite ko pa rin ang linya ni Gina Alajar sa Brutal, "Suso! Suso! Suso kayo riyan!"

aliw naman ako sa mga tatay ng friendsters mo jan.

Jhamy whoops! said...

hahahaha.. i like this post.. kakatawa.. kala ko seryoso.. amp! :)

ex links? :)

Anonymous said...

Syeeettt!!! Isang ulirang caregiver na pala ang Patricia! Susunod nito mag-bubukas na rin nang Caregiver School sa barrio nyo! At ang tatay niya naman sa isang comedy club! hahaha

aDz said...

akala ko ano na to... komedya parin pala.... ang saya sa bukid nyo mandaya... try nyo minsan dito sa city

Bryan Anthony the First said...

shamless? stainless? or thankless job?


ano ba talaga?

Kiks said...

Patricia Cuneta, ikaw ba yan?!

Unknown said...

Nakakagalet!!!

Ha haaa!

Mico Lauron said...

hahahaha! Sharon ikaw ba yan?! Taray ng lola mo! biglang sabay rewind my luha ko.. wahahaha!

Anonymous said...

Ang cute naman ng dad ng barkada mo. sana ganun rin ka-cool ang dad ko :)