Monday, June 30, 2008

Pila

Mahaba rin ang pila sa nag-iisang NFA outlet dito. Alas sais pa lang ng umaga, nakalinya na ang mga taong gustong bumili ng bigas sa halagang P18.25.

Pero ang ipinagtataka ng mga tao dito sa bukid namin ay kung bakit ang mahal ng commercial rice, samantalang sa kabilang munisipyo lang naman nanggagaling ang high-grade na Banay-Banay 7-tonner na bigas. Malawak ang palayan sa bayan ng Banay-Banay.

Noong una, kapag taghirap, ang alternatibong bigas ng mga tao dito sa amin ay ang mais. Ngunit di na ngayon. Mas mahal pa kasi ang mais, sa halagang P35, kung ikukumpara sa NFA rice.

Minsan, nainterview si Fiona ng isang reporter kung anong masasabi niya sa krisis sa bigas.

"Dapat siguro mag-umpisa na tayong kumain ng kamote," ang sagot ng bakla.

Sa banner story ng Inquirer noong June 2, lumabas ang quote na ito ni Fiona, yun nga lang, totoong pangalan niya ang ginamit.

Ayaw magpatalo ni Kirat. Dahil sya ang reigning Miss Christmas Gay, naghanap siya ng paraan para mapansin, para mapatunayang isa siyang beauty with a purpose.

Noong Biernes, pumila ang Kirat para bumili ng NFA rice.

Dalawang oras ding nakatayo sa ilalim ng araw ang bakla. At noong turn na niya para pagbilhan, nagwala ito.

Nilitanya ni Kirat ang reklamo ng karamihan. Kesyo dapat may priority number. Kesyo dapat hindi pinaghihintay ang mga mamimili. Kesyo dapat magbukas pa ng ibang Tindahan ng Bayan. Ginawa ni Kirat ang lahat para mapansin. Sumigaw. Tumili. Nakipagdebate. Nakipag-away.

Pumalakpal ang mga tao. Sa loob-loob ni Kirat, nakangiti sya sabay wave.

Kaninang umaga, nagbukas ang isang Tindahan ng Bayan sa kabilang barangay. Umikli na ang pila sa NFA outlet sa palengke namin.

11 comments:

jericho said...

na-inquirer din ba naman si Kirat? ;) kainis na rice crisis.

... said...

Bravo kay Kirat!

Marami kasi sumasakay sa panahon ng pagtaas ng bigas. Matuto na tayong mag-pasta. Sosyal! Hihi

atto aryo said...

Mabuhay si Kirat! Baka naman tumakbo na siya sa 2010.

Clark Can't said...

Tenks to Kirat! Bakla Making a Difference! Hehe. =)

. said...

Naisip ko tuloy bigla, ano kaya kung kalahati ng mga congressman sa batasan ay mga lantarang bakla.

Ano kaya ang magiging balita sa TV araw araw.

Anonymous said...

ang galing ni kirat!! ahaha!

Unknown said...

hahaha natawa ako dito.

GO! kirat! i'm sure tatakbo yan sa elections.

sexymoi said...

ahaha... eh true naman kasi yun sinasabi niya davah? :)

Jhamy whoops! said...

GO kirat! hahahah!!panalo ang beauty mo gerl!!

* klap..klap..*

Neneng_Praning said...

Kudos to Kirat!
Pero I like Fiona's line better. Pang-ating Alamin ni Ka Gerry Geronimo ang tema.

Raiden Shuriken said...

wagi si kirat!