Wednesday, April 29, 2009

Laging Handa

"Dapa," utos ko sa kanya.


Hinubad niya ang kanyang t-shirt. Di ko pinansin. Humiga sya. Padapa.


Binuhos ko ang oil sa aking palad. Lavander ang scent. Pang-relax daw. Inumpisahan ko ang paghimas sa likod nya. Kinalat ang langis sa kanyang balat. Inumpisahan ko ang pagmasahe. Mula batok pababa sa kanyang likod. Diniinan ko para naman manamnam niya ang sarap ng aking paghagod, pero nilabanan ito ng matitigas niyang laman. Ilang minuto rin akong nagconcentrate sa kanyang likod.


Bumaba ang aking mga kamay.


"Ibaba natin ng konti," sabi ko, sabay baba ng kanyang itim na briefs.


Hinayaan nya ako. Tumambad sa akin ang puwet nya. Matambok ito.


"Ano ito?" tanong ko habang nakaturo sa maliit na bilugang peklat sa kaliwang pisngi ng kanyang pwet.


"Nadaplisan lang yan. Splinter wound ng M203," sagot niya.


Wala akong follow up question. Ipinagpatuloy ko ang pagmasahe sa kanyang pwet. Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang kaliwang hita. Tahimik lang sya. Lumipat ako sa kanang hita,


"Ito, ano ito?" tanong ko naman habang himas-himas ang isa pang bilugang peklat.


"Tama ng bala," sagot niya.


Deadma. Tuloy ang masahe. At nang ako ay mapagod, ako naman ang dumapa.


"Ako naman," sabi ko.


Ginawa naman nya. Pero kakaibang massage. Walang halong malisya. Very professional.


"Saan ka naman natutong magmasahe?" tanong ko.


"Wala. Kapag pagod sa operation, nagmamasahean kami ng mga kasamahan ko," sagot nya.


Ilang minuto lang ay tapos na sya. Di na ako nagreklamo. Nakahiga kami. Ako nakadapa, sya nakatihaya. Parehong tahimik.


"Bumublowjob ka?" tanong nya.


"Hindi," mabilis na sagot ko.


Tahimik uli.


Di ko mapigilan ang pagtawa. Tumawa rin sya. Kinuha niya ang aking kamay. Nilagay ito sa kanyang malapad na dibdib. At parang magic, nagkaroon ng sariling buhay ang aking kamay. Dahan-dahan itong bumaba. Nangyari ang gusto nyang mangyari.


At sa kalagitnaan ng mga pangyayari, nagsalita sya.


"May condom ka?"


OO naman. Boy Scout yata ito.


Noong gabing iyon, nangyari ang Oh Yeah moment namin ni Scout Ranger.

Sunday, April 26, 2009

Byahe

Isang linggo ko na itong tinatago sa sarili. Kilig ako.

Sya si Ray. Nakilala ko habang sakay sa van mula Cotabato papuntang Davao. Via Cotabato kasi ang byahe ko pauwi galing Misamis Occidental kung saan nagswimming ako with the dolphins.

Magkatabi kami ng upuan. Nagkakwentuhan. Tinanong nya ako kung saan ako galing. Sinabi ko naman. Tinanong ko rin sya. Eto ang kwento nya.

Tubong North Cotabato. 34 years old. 5' 6". Maganda ang katawan. Puro muscles. Walang bilbil. Nakakamatay ang abs.

"Kung taga North Cotabato ka, ano ginagawa mo sa Cotabato City," tanong ko.

"May inasikaso lang," sagot niya.

"Ano?" tanong ko.

Di agad sya sumagot.

Nag-antay ako.

Halatang may halong pag-aalinlangan, pero sumagot din sya ng "nag-inquire lang sa korte, kasi ipapa-annul ko kasal namin ng wife ko."

Naintriga ako. Ipinakita sa kanya, sa pamamagitan ng aking facial expressions (in plural form), na interisado akong makinig.


Isang taon na silang hiwalay ng misis nya. Malandi kasi. Nakipagharutan sa ibang lalaki. At si Ray, maraming kabaitan sa katawan. Imbes a idemanda ang bilat, hinayaan ito at nakipag-deal na kunin ang dalawa nilang anak.

Nasa nanay ni Ray ngayon ang mga bata-- 10 at 8 years old. Babae at lalaki.

Idinitalye ni Ray ang mga nangyari. Mahaba ang byahe. Mahaba rin ang kwento nya.

Pagdating sa Davao, niyaya ko syang mag-dinner sa Banok's. Sarado na kasi ang SM at ito ang pinakamalapit sa terminal ng van.

Habang inaantay ang order, sya naman ang nagtanong ng "Ikaw, may pamilya ka na?"

Automatic ang sagot ko na "bakla ako."

Binigyan nya ako ng smile.

"May boyfriend ka?" tanong nya.

At dito ko naikwento ang tungkol kay Kulot. At dahil mahaba ang kwento namin ng gagong yon, inaya ko si Ray ng beer sa Kanto Bar sa Matina Town Square.

Anim na beer, mahabang kwentuhan, Bigayan ng mga payo. Kanya-kanyang pakitaan ng simpatya sa isat-isa.

At nang maubos na ang beer, tinanong ko sya ng "Gusto mo pumunta sa bahay ko?"

Walang pag-aalinlangan OO ang sagot nya.

Sa bahay, kwentuhan na naman. At dahil pareho kaming galing sa byahe, pagod ang aming mga katawan,

"I-massage kita, tapos ako naman imasahe mo," sabi ko.

Pumayag sya.

Tuesday, April 21, 2009

Dolphin Island

Alas Singko pa lang ay gising na ako. Excited sa trip papuntang Dolphin Island. Eto ang bumungad sa akin.





Ang grupo swimming with the dolphins






Isa sa mga kasama ko, si AA, pinapakain ang dolphins




Ako, feeding the dolphin



Ako po ang kumuha ng sunrise photo. Yung ibang photo, si Mark Navales ang kumuha.

Friday, April 17, 2009

Pagod

Halos kalahating araw akong nagbyahe. Umalis ako ng Davao 11 pm ng Huebes, nakarating ako sa aking destinasyon ng pasado alas onse ng umaga kinabukasan. Mula Davao, anim na oras na bus ride papuntang Cagayan de Oro. At mula Agora Terminal sa Cagayan de Oro, lumipat sa Bulua Terminal para sumakay ng bus papuntang Iligan City, Sa Iligan, sumakay na naman ng bus papuntang Ozamiz City. Sa Kolambogan sa Lanao, isinakay ang bus sa isang barge papuntang Ozamiz. At mula Ozamiz, sakay pa rin ng bus, pumunta ako dito.






Pagpasok, akala ko puro fishpond ang pinuntahan ko. Hindi pala. Nasa gitna ng dagat ang resto. At ang cottages, nakatayo sa tubig. Maganda ang lugar. Nakaka-relax.




Bukas, balak kong tumawid sa Dolphin Island at makipag-swimming sa mga dolphins

Monday, April 13, 2009

Holy Week

Sa Tarragona kami nagHoly Week. Dito kasi na-assign si Father Meds, ang paborito kong pari. Isang kwarto sa resort ng mayor kami nagstay. Doon din kasi nakatira si Bagtak, administrator lang naman sya ng munisipyo.

Martes pa lang ang nasa Tarragona na ang mga bakla. Di pa gaanong "holy" ang week kaya may panahon pa para maglandi.

Pero nirespeto namin ang Good Friday at Sabado de Gloria.

Sa katunayan, may activity kami sa simbahan. Kami lang naman ang in-charge sa event na "Baptism of Fire." Sa tulong ni Soon, isang local boy, gumawa kami ng alambreng korteng ibon, binalot ito ng bulak, binasa ng ga-as, sinindihan at pina-slide sa isang mahabang alambre para sindihan ang isang bonfire. Bongga ang show, Namangha ang mga tao.


Noong Sabado din ng gabi, pagkatapos ng napakahabang misa ni Father Meds at wala ng tao sa parish compound, rumampa ang mga bakla para itago ang mga itlog na kanilang pinintahan para sa easter egg hunting event kinabukasan.

Sa salubong naman, si Fiona ang gumanap na angel. Ang bigat nya. Surrender ang mga humila sa lubid. At imbes na "Aleluya" ang kantahin, "On the Wings of Love" ang kinanta nya. Joke.

Halos isang linggo din kami sa Tarragona. Eto ang ilan sa mga photos.



Mawawala ba ang baraha? Ang mga bakla naglalaro ng "31" habang nagluluto ng hotcake. Sa tagal maluto dahil electric stove ang gamit, at tinatamaan pa ito ng hangin, nakatulog ang batang si Miko




Si Patricia, hinihintay ang kanyang Prince Eric na di pa maka-dock sa laki at lakas ng mga alon




Sina Fiona, Glydel, Patricia at Bagtak, kumakain gamit ang dahon ng saging.




Si Fiona at si Camille alias Bugay, ang tomboy na nagpapatakbo sa videokehan. Masipag at mabait




Si Soon. Local boy. Sabi niya, 18 years old na daw sya. May abilidad ang bata, Inumpisahan niya sa pagtatoo ng "hair blackening" sa braso ni Fiona. Maganda ang pagkagawa. Nagpabili ako sa kanya ng canvas, mga pintura at brush. Pinapinta ko sya ng napakalaking Buddha



Si Patricia




Si Fiona




Si Glydel at ang paborito nyang inumin




Sina Fiona, Glydel, Patricia at Soon



Si Soon, inuumpisahan ang pinapapinta ko sa kanya. Si Fiona, tinatanggal ang sumpa sa kanyang pagkababae-- bigote



Si Glydel at ang malaking bato



Hindi lang pala painter si Soon, isa rin syang dancer. Ewan kung magaling nga ba sya sa sayaw. Ipinakita nya sa amin ang kanyang paglipad sa ere.



Gusto ko si Soon. Balak ko syang gawing Babe in the Dagat