Sunday, October 31, 2010

Call of Duty

Noong Huebes, sinorpresa nya ako. Ako naman, nasorpresa.


Kaya nagluto ako ng paborito nyang ginataang hito para hapunan.


Pagkakain, sumabak na naman sya sa gyera



sa wii



Ako naman, busy sa pag-eempake. May byahe kasi ako kinabukasan.


Nauna akong umalis sa kanya. Di ko na sya inantay pang magising. Alam kong pagod sya galing operation.


Pagbalik ko kanina, wala na si Ranger.

Sunday, October 24, 2010

Nagbabalik

Isa sya sa mga bloggers na una kong naging kaibigan.


Ewan ko nga ba at bakit sya nawala. Sya na ang magpaliwanag.


Pero masaya ako't nagbalik na sya.







Si Empress Maruja.

Monday, October 18, 2010

Tuloy ang buhay

"Wag na wag kang magco-collapse, ambigat mo kaya," ang sabi ko kay Fiona Sabado ng umaga.


Ilang oras na lang ay ililibing na ang kanyang ina. Cool lang ang bakla. Kontrolado ang sarili. Inilabas ang bagong puting t-shirt.


"Ang liit naman yata nyan. Di kakaysa sa yo yan," sabi ko.


"Watch ka lang. Pumayat na yata ako," sabi nya.


Totoo, namayat ang bakla. Kanya kasi lahat sa pag-aalaga sa ina.


At di ko napigilang ikumpara kung anong pagsisilbi ang ginawa nya sa ina noong nabubuhay pa ito at ganon din ang ina sa kanya.


Mama Goring: Binubudburan ng baby powder ang malapad na likod ng anak.

Fiona: Pinupunasan ang pawis ng comatose na ina. Nililinisan ang sugat, na resulta ng bedsore, na kasinlaki ng palad.


Mama Goring: Nililinis ang pwet ng anak na pala-ebak.

Fiona: Nililinis ang pwet ng ina. Pinapalitan ng diaper.


Mama Goring: Hinihigop ang pingot na ilong ng siponing anak.

Fiona: Sinisigurong nakakabit ang tubo ng oxygen sa ilong ng ina.


Mama Goring: Hawak ang kamay ng anak nang ito ay nag-aaral pa lang maglakad. Di bumibitiw.

Fiona: Hawak ang kamay ng ina nang ito'y nakahiga na lamang, walang lakas. Kinakausap kahit di sumasagot.



"At least napagsilbihan mo nanay mo," sabi ko kay Fiona.


Di sya kumibo.


"At kahit anong pagsisilbi ang ginawa mo, di mo pa rin kayang tapatan ang lahat ng ginawa nya," dugtong ko.


Di pa rin sya kumibo.


"Di mo kayang tapatan ang iri nya noong ipinanganak ka," dugtong ko pa rin.


Tumingin sya sa akin. Magsasalita na sana pero inunahan ko.


"Fifteen kilos ka kaya noong ipinanganak," sabi ko.


"Ano ako lechon de leche?" tanong ng bakla.


Nagtawanan kami.


Sa simbahan, kontrolado pa rin ni Fiona ang emosyon. Pero nang matapos na ang misa, lumapit sa kanya ang pari. Sa aktong makikipag-handshake na ang pari, inabot din ni Fiona ang kanyang kanang kamay, sabay takip ng mukha gamit ang abaniko.


Umiyak sya.


Dali-dali akong tumayo. Lumabas ng simbahan. Di ko kayang tingnan si Fiona. Mas iyakin ako sa kanya.


Nairaos din ang libing. OK naman si Fiona.


Pagkagaling ng sementeryo, diretso kami sa bahay nila. Kainan na. Ang sarap ng humba.

At sa halip na pagdadalamhati, iba ang problemang inaasikaso ng magkapatid. Kulang kasi ang bote ng softdrink na pina-merienda sa sementeryo.


At dito ko nakitang kaya niyang ipagpatuloy ang buhay.

Wednesday, October 6, 2010

Moda

Ilang buwan ring busy-busyhan ang Fiona. Matapos kasi ang ilang linggong pagka-ospital ng nanay niya, inuwi nila ito sa bahay. Comatose pa rin. At ang Fiona ang nasa frontline ng pag-aalaga.


"Takot kasi sila magpakain," sabi nya.


Sa ospital pa lang kasi, nasanay na si Fiona sa pag-aalaga sa kanyang ina.


"Kapag may parang kumukulo sa tiyan nya, ibig sabihin non nakarating ang food na dinaan sa tubo," sabi nya.


Sya rin ang taga-linis ng lahat ng dumi, taga-tanggal ng laway, taga-punas, taga-bihis, taga-paypay.


At dahil di na nga kami gaanong nagkikita dahil minsan na lang itong umuwi ng bahay, hanggang text na lang kami.


"Kabado na ako, parang this is the moment na talaga," text nya sa akin kagabi.


Di ko alam kung paano magreply.


"Pero ready na ako. Nakakaawa na talaga sya. Anlalaki na ng mga sugat sa likod. Kita na ang spine," dagdag na text nya.


"Antay na lang tayo sa tamang oras," tanging nasagot ko sa kanya.


Kaninang alas nueve ng umaga, nagtext ang Fiona ng: "Wala na si Moda."

Tuesday, October 5, 2010

Altar boy

May naghamon sa akin-- magsulat daw ako sa posisyon ko sa RH Bill. Gusto nyang malaman ang political side ko.


Susubukan ko. Eto ang kwento.


Isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan ay pari. Mabait. Radical. Maka-kalikasan. Maka-masa. Maka-mahirap.


Huli na nang malaman kong maka-babae din pala sya. Nabuntis ang isang church worker. Walang kasal. Walang suporta. Sampung taong gulang na ngayon ang bata.


Kailanman ay di namin napag-usapan ang tungkol sa anak nya, pero alam kong alam nyang alam ko.


Eto rin yata ang dahilan kung bakit maka-RH Bill din sya.


Kabarkada rin ng paring ito ang isa pang pari. Gwapo. Macho. At ang balita, malaki. Pero umalis na sya sa simbahan. Nakabuntis rin ng church worker. Pinakasalan nya.


Noong huli kaming magkita, tinanong ko sya tungkol sa nangyari.


"Di naman kasi tinuro sa seminaryo na masarap pala," sagot nya sabay tawa.


Noong nasa elementarya pa lang ako, naging altar boy ako sa isang simbahan sa Davao City.


Dito ako namulat sa sex. Dito ko nakitang inabuso ng isang pari ang kasamahan ko. Di naglaon, ako naman ang naging biktima nya.


Di naman ako natrauma. Nasarapan pa nga.


Pagkatapos ng kolehiyo, bumalik ako sa lugar kung saan minsan ay naging alagad ako ng Simbahang Katoliko. Pero hindi para magsimba. Bitbit ako ng baklang pari. Di nya ako nakilala. Ako yung altar boy na inabuso nya noon.


Dinala nya ako sa kwarto nya. Ganon pa rin ang ayos. Walang nagbago. Simpleng kama. Puting bed sheet. Aparador. May Krus pa rin. Banal.


Inumpisahan nya ang ritual. Di ako naghubad. Binuksan ko lang ang zipper ko. At noong isusubo na nya, pinigilan ko sya. Tumingala sya. Tiningnan ako.


Ako naman, nakangisi. Dinuruan sya sa mukha. Umalis.