Thursday, September 25, 2008

Para kay Lyka

Dahil minsan lang magrequest si ATE Lyka, eto si Fiona.


With shades




Taas ang mga kamay




Dipa




Luhod




Higa




Liyad





Lonely kuno




Sakay ng bangka with Kaye





Nagpapicture with the mangingisda



Nalulunod



Buhay na buhay

Wednesday, September 24, 2008

Camiguin

Dumating si Erika, ang barkada naming nurse sa America. Nag-aya syang pumunta sa Camiguin. Pero limited lang pwedeng sumama- yung lang type nyang isama.



Sa barge-- Mahal, Kaye, Erika, Fiona, Roger, Edgar at Tata (nakaupo)




Sina Roger at Tata (mga straights sila) ay dating taga-bukid na nagtatrabaho ngayon sa Cagayan de Oro. Si Edgar naman ay dati ring taga-bukid na ngayon ay nagtatrabaho sa Davao City.




Sa pool ng Paras Beach Resort -- Mahal, Edgar, Fiona at Kaye



Up Next: Tour around the island ngayong hapon

Sunday, September 21, 2008

Ang Karugtong

Pahinga muna, tapos, tanungan na at kodakan, kodakan at tanungan. Nag-umpisa na rin ang free clinic namin. Dok, anong kailangan nyo? Mesa raw. Ano pa Dok? Isang mesa pa ra para sa mga gamot. Dok, meron pa? Interpreter, hindi sya marunong mag-Muslim. Ano Dok, may problema pa ba? Meron pa. Ano? Upper Respiratory Tract Infection, TB, Ulcer, Pagtatae at Ascariasis. Ano? Pakiulit nga, hindi ko nakuha. Mga sakit yan ng mga evacuees.

Gabi na’y hindi pa tapos ang panggagamot. Dok, paano yan, walang kuryente dito? Gasera na lang. Dok, kakain na, Sige, bukas na lang uli. Dok, hindi sila nakakaintindi. Mamang interpreter, paki-interpret.

At nakakain na nga, dapat pahinga ang kasunod, pero hindi, assessment daw ng mga nagawa at mga hindi nagawa. Pagkatapos ng assessment, pagpaplano para bukas. Ba’t, anong meron bukas? Aakyat pa raw sa lugar ng pinangyarihan. Ano? OO. Saan yon? Ilang bundok pa raw. Pinataas ang kamay ng mga gustong sumama. Lima lang pwera ako. Kailangan kong sumama, kailangan ko ng pictures. Nagtaas ako ng kamay. Anim na kami. Anim lang kami? OO, kaya’t matulog na kayo para makapag-ipon ng lakas. At natulog na nga kami.

Alas-kwatro pa lamang ay ginising na ako. Aalis na raw. Ha? Ang aga naman. Para daw hindi kami abutan ng init. Maliligo lang ako. Wag na raw. Magha-halfbath. Wag na rin daw. Hilamos, pwede? Sige. Toothbrush, pwede? Bilisan mo! Binilisan ko.

Kung ano ang hirap ng una naming lakaran, doble, triple ang sumunod. Ang tataas ng bundok, ang lalalim ng mga ilog. Hawakan mo ako. Baka anurin ako ng ilog. Pakidala naman ng camera bag ko, baka mabasa. Shit! Nadulas ako. Malayo pa ba? Malapit na. Saan pa? Nguso ang pinangturo. Yon ang masama dito, hindi yata alam ng guide ang salitang malayo, puro na lang malapit na. Kaya mo pa? OO. Sana magpahinga. Sana magpahinga. Please lang, magpahinga naman. OO magpapahinga, maghahanap lang daw ng may masisilungan. Saan yon? Nagturo ng naman ng nguso.

Hinto raw muna, sabi ng isang kasama. Salamat, nadinig rin ang dasal ko. Pero hindi, hindi raw dito hihinto, sa unhan pa raw. Hindi pala narinig ang dasal ko. Saan? Sa unahan, sa may kubo. Anong kubo? Akala ko ba nasunog na ang mga bahay dito? Hindi pala kubo, bahay-bahayan pala.

Bahay-bahayan ang tawag ko ron dahil bubong lang ang meron. Bubong na cogon na pinatirik ng apat na patpatng kahoy. Apat silang nakatira don, dalawang mag-asawa at dalawang anak na puro madudungis. Tamang-tama naman ang dating namin dahil pananghalian na. Isa uling pasasalamat, gutom na ako. Anong ulam? Sa kanila, gulay. Sa amin, sardinas. Sawa na kami sa sardinas, sawa na sila sa gulay. E di nagswap. Tuwang-tuwa kami. Lalo na sila. Pwes, wala ng problema, kainan na.

Mahabaging Diyos ng mga langaw, bakit pati nilikha nyo’y hinayaang mag-evacuate. Aba, ang mga langaw na ire, uunahan pa yata kami sa pagsubo. Bahala na, dapat may laman ang tiyan, mas malaki naman ang subo namin kaysa sa langaw. Subo, inom, subo inom, subo, inom hanggang sa mabusog. Pagkabusog, yosi. Pagkayosi, kodakan na, Pose dito, pose doon. Pati langaw pose din. At last, natapos din ang pictorial. Lakad na naman daw. Na naman?

Bundok na naman. May napapansin yata ako, pataas nang pataas ang mga bundok dito.

Dalawang bundok na lang daw.

Ang ayaw, magpaiwan, dadaanan na lang pagbalik. Ayaw kong magpaiwan, dalawang bundok na lang. OO, dalawang bundok na lang pero pataas nang pataas ang mga bundok dito. Diyos ko! Bakit gumawa ka pa ng mga bunok? Bakit hindi na lang puro patag? Wala akong magagawa. Ginusto ng Diyos yon. At wala akong magagawa, dalawang bundok na lang.

Akyaaaaaaaaat. Babaaaaaaaaa. Akyaaaaaaaaat. Babaaaaaaaaa. Natapos rin ang dalawang bundok. Ang dalawang bundok na di ko maubos-maisip kung bakit ginawa ng Diyos.

Sa tuktok ng bundok may ilang bahay-bahayang tila tent ng boyscouts na yari sa cogon. At dahil may bahay-bahayan, may mapapahingahan. Pahinga muna. Isang oras munang pahinga! Kalahati lang daw. Sige, kahit kalahati, basta pahinga. Natapos ang kalahating oras na pahinga. Pinatawag ang mga nasunugan, interview portion na.

KLIK! Nagkaroon ng encounter doon sa kabilang bundok ang military at mga rebelde. Namatayan ang mga military. Sa galit, sinunog ang mga bahay namin, pati yung ilang kabang bigas, sinunog din.

Nakita ho ba ninyo? Ang mga military nga ba talaga ang nagsunog? Baka naman mga rebelde?

Hindi mga military yon. Nang magkaputukan kasi, doon ako nagtago sa mga kawayan. Tapos, nagwithdraw ang mga rebelde. May dumating na helicopter, kinuha yung mga patay na kasama ng mga military. Tapos, pinagbabaril nila ang mga bahay, mabuti na lang nagsialisan na ang mga tao. Tapos, sinunog nila ang mga bahay.

OK. Military na kung military ang nagsunog. Pero kanina pa ako nandito, saan ang mga ebidensya? Saan ang mga nasunog na bahay. Sa likod ng bundok na yan. Ano?

No choice, kailangan ng ebidensya bago makapaghusga. Isang bundok na naman. Babaaaaa. Akyaaaaaaaaaat. Wala ng mga bahay, puro abo. Eto ang ebidensya. Eto ang abo. Kodakan na naman. Ubos na ang black and white film ko, rewind, binunot, pinasok ang slides film. Kodakan na naman. Natapos ang pictorial, naubos ang shots, abo pa rin ang dating bahay.

Bumalik kami sa datng bundok, sa mga bahay-bahayan na akala mo’y tent ng boyscouts. Hindi pa kami nakakababa sa bundok, biglang hanging malakas. Uulan yata. At totoo nga, umambon. Takbo. Takbong mabilis. Hingal. Hingal-kabayo. Nakarating kaming buhay, mamasamasa nga lang. Nakisilong kami sa mga T’boli. Nakatawa sila. Kami yata ang pinagtatawanan. At nagawa pa nilang tumawa? Pero wag isnabin, mag ginto sila sa ngipin.

Wala ng ambon, wala na ring hangin. Maglakad daw uli. Saan? Pauwi. Kailangan bang umuwi kaagad? Pwede bang bukas na lang? Mauna na kayo, susunod ako. Teka, hindi. Hindi ko kayang mag-isa. Baka anurin ako ng ilog. Pwede mamaya-maya na lang? Hindi raw, gagabihin sa daan. May flashlight ako. Hindi pwede, delikado. Walang lusot. O sya, umpisahan na ang paglalakad nang makarating ng maaga.

Hindi nagkatotoo ang sabi nilang mas mabilis raw ang pabalik kaysa papunta. Ang pabalik at papunta ay walang pinagkaiba, pareho ang layo, pareho ang daan, kaya’t pareho din ang pahirap at dusa.

At nakabalik nga kami nang buo pwera lang sa gasgas, sugat at lupaypay na katawan. At taas-noo kong ipinangangalangdakan na nakaya ko, kinaya ko, para sa Sambayanang Moro.

Sunday, September 14, 2008

Circa 1989

May nahalungkat akong maikling kwento na isinulat ko noong 1989. Eto yung nga panahong ako'y payat pa, may eyeglasses, cute at masarap. Bata pa ako noon kaya medyo bata pa rin ang style ko sa pagsusulat.

Eto.




Sa sasakyan pa lang nakikita ko na kung gaano kalayo ang lalakarin namin. Kung bakit ba naman ako ang napiling ipadala ng grupo para sa fact-finding mission na to? Hindi ko naman nilagay sa application form ko na ang hobby ko ay mountain climbing, at ni sa panaginip hindi ko inilusyong i-conquer ang mga bundok o isa man lang sa mga bundok ng Mindanao.

OO, Mindanao, specifically sa Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato. At bakit? May human rights violations daw, may evacuation at sunugan ng bahay. At ano naman ang kinalaman ko doon? Moro Human Rights Center ang pangalan ng pinagtatrabahuan ko at obviously, covered namin ang lahat ng Moro areas sa ibabaw ng Pilipinas.

OK, naandoon na ako, ako pinadala, ako ang magdusa. Pero ang ikinasasama ng loob ko ay hindi basta-bastang lakaran ‘to, akyatan ang tawag dito.

Nag-umpisa ang akyatan at babaan sa mga bundok. Mabuti na lang at maagang nag-umpisa, hindi pa masyadong tirik ang araw. Pero hindi mapipigilan ang pagtirik ng araw. Doble pahirap, hindi ka lang mapapagod sa lakaran, mababagot ka pa sa init. Kung super init ang araw, super taas din ang mga bundok.

Diyos ko! Hihimatayin ako! Diyos ko! Madudulas ako! Diyos ko! Hindi ko na kaya! Hindi yata narinig. Tuloy pa rin ang lakaran at tawiran ng ilog.

Inabot kami ng pananghalian sa daan. Naglabasan ng mga baon- baong nakabalot sa dahon ng saging. Natapos ang kainan at ibig sabihin, lakaran na naman. At tuloy na naman ang pagdurusa.

Matapos ang ilang oras na akyatan at babaan, huminto kami. Tinuro ng guide ang lugar— nasa baba ng bundok. Isang malaking “SALAMAT” ang nabanggit ko. Pero binawi ko yon nang makita ko ang dadaanan namin pababa. Puro bato at puro matutulis pa.

Unang hakbang…OK lang. Pangalawa, pangatlo, pang-apat, panglima… Putangina! Dumulas ang paa ko. Nagmura ako, papalit-palit ang puntangina at shit sa bibig ko. Tinawag ko ang Diyos pero hindi ako narinig. Tinawag ko uli, hindi pa rin. Naisip ko, hindi Diyos meron dito. Moro area ito kaya dapat Allah.

Tinawag ko si Allah, at himala, natigil ang pagkadulas ko. Nakatawa lahat ng kasamahan ko, tumawa na rin ako. Patawarin sana ako ng Sambayanang Moro sa pagmumura ko. Isang malaking pasasalamat kay Allah. Isang malaking pasasalamat dahil sa aking pagkadulas, naunahan ko lahat ng kasamahan ko. At higit sa lahat, isang pasasalamat at nakarating na kami.

(Itutuloy)

Tuesday, September 2, 2008

Magnanakaw

Sya si J. Batang Bading. High School student pa. Nakikibarkada sa amin.

Mabait sana pero malikot ang kamay.

Una niyang ninakawan si Meanne-- P100 pesos in P20 bills

Tapos ako -- shampoo and conditioner in sachets

Si Meanne uli -- eyeliner

Ang huli si Kaye -- P2,000


Banned na si J sa bahay ko.


"Hindi pwedeng sa tuwing naandito sya ay itatago ko ang aking valuable," sabi ko.


"Korek. Nasanay pa naman tayo na nakabukas ang mga kwarto," sabi ni Fiona.


"At nakakalat ang mga wallets," dugtong ni Kaye.


Wala kaming ebidensya na si J nga ang kumukuha sa mga nawawalang pera o gamit namin. Pero nagsimula ang lahat noong sumasama sya sa amin. At dahil ako ang may-ari ng bahay, banned pa rin sya.


Eto pa ang isang magnanakaw. At eto pa.

Meron pang isa.