Friday, November 27, 2009

Bazaar




Andaming oatmeal raisin cookies.


Dalawang linggo na ang dumaan nang sumali ako sa maagang Christmas Bazaar sa Woodridge Village sa city. Bumenta naman ang mga paninda ko. May mga bumalik pa para bumili pero naubusan sila.


Kaya eto ako, abala sa pagbe-bake. Mamayang alas singko ng hapon kasi ang opening ng bazaar sa Davao Convention Center. Magbebenta uli ako.


Aktuali, makikisingit lang ako sa isang kaibigang may stall-- nagbebenta sya ng mga sabon, shampoo, moisturizer, massage oils at iba pa-- ZEN ang name ng product.


Aktuali uli, yung kaibigan ko ay nakiki-share lang ng stall sa Garden Oasis yata yon. Ang mahal kasi ng renta para sa tatlong araw na display.


Sana bumenta ako. Malapit na kasi ang pasko. Kailangan kong makaipon ng pera para makapunta ng Cavite para dalawin si Ranger sa kanilang training.


Maawa na kayo. Bili na.

Friday, November 20, 2009

Happy Ending

Sa araw na ito, isang taon na kaming hiwalay ni Kulot. Hindi nagkatotoo ang mga prediction na magkakaroon ng balikan. Salamat naman. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Hindi dahil nawala ang sakit, nasanay na lang ako.


Bukas, ayon na rin sa Facebook profile ko, birthday ko. Mali. Bukas ay birthday ni Kulot.


Bukas din dapat ang opisyal na hiwalayan namin ni Kulot. Napaaga nga lang ng isang taon.


Totoo, naka-schedule para bukas ang hiwalayan namin.


"Wala na tayo pagtuntong mo ng 25," nasabi ko kay Kulot noong 19th birthday nya.


Nakaplano ito dahil alam kong di kami pwede sa forever.


"Darating ang panahon na gusto mo nang magkapamilya, magka-asawa, magka-anak," sabi ko sa kanya.


Straight si Kulot. At para sa akin, yon at yon ang kanyang hahanapin.


"Ako na mismo ang lalayo. Maghihiwalay tayo pagdating mo ng 25," giit ko.


Mula noon, nagka-countdown ako.


"Five years na lang," sabi ko noong 20th birthday nya.


At sa tuwing birthday nya, paikli nang paikli ang panahon namin. Kaya last year, nagplano akong itayo ang bakery.


"Pag 25 ka na at wala na tayo, ano mang negosyo meron tayo, ituloy pa rin natin. Kung nasa mood ako pagdating ng araw na yan, baka iregalo ko pa sayo ang negosyo," nasabi ko sa kanya.


Hindi ito nangyari. Hindi sya nakapag-antay ng isa pang taon. Hindi sya sumunod sa usapan. Hindi sya naniwala sa mga sinabi ko.


"Sa tingin mo, tutuparin nya ang sinabi nyang maghihiwalay kami pag 25 na ako?" tanong nya sa isang kaibigan sa gitna ng hiwalayan last year.


"Bakit di nya inantay? Kung di ko gagawin ayon sa pinangako ko, sumbatan nya ako," nasagot ko.


Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari.


Pinagiba ko ang bakery. Sinira nya ang aming Happy Ending.

Tuesday, November 17, 2009

Masaya na hindi

Masaya ako. Tumawag kasi si Ranger. Isang buwan ding wala kaming contact. Binawi kasi ang mga celphones nila habang nagti-training.


Malungkot ako. Naputol ang tawag nya dahil na-drain ang battery ng celphone ko.


Masaya ako dahil tumawag sya uli at siniguro kong naka-plug sa kuryente ang charger ko.


Masaya ako. Sinabi nya kasi "miss na kita."


Malungkot ako. Di ko nasabing "miss na rin kita."

Thursday, November 12, 2009

New Look

Salamat kay Jepoi Gamay para sa makeover.


Wednesday, November 4, 2009

Mongol 1

Tinigilan ko na si Baby Glen. May pagka-mongoloid sya.


Maliban sa akin, may relasyon din sya kay Mary Jane. Yung hinihithit. Kaya lagi na lang syang high.


OK lang sana sa akin si Mary Jane, organic naman sya. Pero ang epekto nya kay Baby Glen ang di ko gusto.


"Anong lulutuin mo bukas?" tanong nya sa akin.


"Kahahapunan lang natin, ulam bukas na ang iniisip mo," sagot ko.


"Luto ka cake," sabi nya.


"O ba. Lagyan ko pa ng candle para magblow ka," sabi ko.


Smile lang ang sinagot nya.


At habang kaharap ko ang laptop, nag-aantay na lumabas ang Facebook, ang bagal ng Smartbro dito sa amin, pinalakad ko ang aking mga daliri mula hita papasok sa kanyang shorts. Nasalat ko ang kanyang briefs. Pinilit pasukin ang kanya. Nahawakan ito.

Nakapikit sya. Dali-dali kong tinanggal ang aking kamay. At dali-dali ko rin itong pinaamoy sa kanya.


"Ano yan?" sabi nya sabay ubo.


"Gago, amoy yan ng titi mo," sagot ko.


Inamoy ko rin ang mga daliri ko. Wala namang amoy. Mongol lang talaga si Baby Glen.


Inulit ko ang ginawa. Dahan-dahang pinasok ang kamay sa shorts nya. Sya naman, emote, nakapikit. At noong nakapa ko na. Bigla ko itong pinitik. Napaaray sya. Tumawa ako.


"Ikaw pa lang ang nakapitik nyan," deklarasyon nya.


Mongol talaga.


Nag-galit-galitan sya.


"Di na lang ako pupunta dito bukas," sabi nya.


"OK lang," sagot ko.


Hindi sya umimik. Tinotodo ang drama.


"Tapos na ako sa ganyan. Di na ako maghahabol. Kung ayaw sa akin, ayoko rin," sabi ko.


Bigla syang tumayo. Umalis. Di na sya bumalik.


Kinabukasan, lumandi na ako sa iba. Si Baby Arnel. Bagong kapitbahay. 19 years old pero 4th year high school pa rin.


Kinagabihan, sa bahay naghapunan si Baby Arnel.


At habang naghahapunan kami, biglang dumating si Baby Glen.


"Saan na ang cake ko?" tanong nya.


Hindi ako umimik.


"Sabi mo gagawan mo ako ng cake. Sabi mo pa nga lalagyan mo ng candle," sabi nya.


Hindi pa rin ako umimik.


Sumabay sya sa hapunan. Pagkatapos, sumabay din sya sa inuman. At noong medyo tinamaan na, umuwi si Baby Glen.


Noong gabing yon, si Baby Arnel ang katabi ko sa pagtulog.

Tuesday, October 20, 2009

Lovers in P

Hindi Paris. Post Office.

Maaga siya sa bahay. Nagmerienda sila ng barkada nya. Coke at tinapay. At noong medyo madilim na, nagsuggest si Fiona na magtinolang manok kami. Sina Baby Glen at dalawang tropa nya ang bumili ng native chicken. Kinatay nila ito.

Ang mga bakla naman ang umikot sa mga kapitbahay para maghanap ng papaya, tanglad, talbos ng sili at malunggay.

Si Fiona ang nagluto. Ang sarap ng sabaw. Medyo matigas nga lang ang laman ng manok dahil di na namin inantay na lumambot ito.


"Mabuti yan para hindi agad maubos," rason ni Fiona.


Pagkatapos ng hapunan, session na. Baraha. Sugal.


At habang natatalo ako, umiikot naman ang tagay - Tanduay at Iced Tea.


Naubos ang "gambling budget" ko na P100. Naubos din ang inumin. Pero tuloy pa rin ang mga bakla sa laro. Lumabas kami ni Baby Glen. Sa waiting shed sa harap ng Post Office kami pumunta. Nag-usap. Nagpakamot ako sa nangangati kong likod.


"Namumula na sya," sabi nya.


"OK lang yan," sabi ko.


"Baka masugat," sabi nya habang patuloy sa pagkamot ng likod ko.


"Sanay na ako sa ganyan. Mas gusto ko mas madiin," sagot ko.


"Matatanggal ang kati kung maliligo ka," nakangising sabi nya.


"Naligo kaya ako. Ganyan talaga, nangangti likod ko kapag inaantok na," mabilis na sagit ko.


"E kung di ako, sino nagkakamot ng likod mo?" tanong nya.


"Mga bakla, ang hahaba kaya ng kuko nila," sagot ko.


"E si Kulot?" tanong na naman nya.


"Noon, OO," sagot ko.


At naging topic ng usapan si Kulot. Andami nyang tanong. Sinagot ko lahat. Nakakapagod ang pabalikbalik na kwento. Kailangang change topic.


"May sasabihin ako sa yo, sana di ka mabibigla," sabi ko.


"Ano yon?" seryosong tanong nya.


Di agad ako nakasagot. Nag-isip. Tumingin sa malayo. Bumalik ng tingin sa kanya. Tinitigan sya sa mata.


"Hindi kita mabibigyan ng anak," sabi ko.


Siya naman ang natahimik. Sabi ko na nga ba mabibigla sya.


"Pero pwede naman tayong magpalaki ng gold fish," sabi ko.


Hindi pa rin sya kumibo. Sya naman ang nag-isip. Tumingin sa malayo. Bumalik ang tingin sa akin. Tinitigan ako sa mata.


"Mas maganda kung fighting fish. Paramihin natin. Ibenta natin sa labas ng elementary school. Mabenta sa mga bata," sabi nya.


Sabay kaming tumawa. Pinausog ko sya. Humiga ako sa hita nya.


"Mag-enrol ka kaya sa Sped," sabi ko.


"Ha? Bakit? Nakatapos kaya ako ng high school," sabi nya.


"Ibig kong sabihin doon ka sa klase ng mga MR," paliwanag ko.


"Sige para classmates tayo," mabilis na sagot.


Nagtawanan kami. Kwentuhan. Tawanan. Di namin namalayan na alas tres na ng madaling araw.


Pero ramdam ko ang mabuto nyang hita na ginawa kong unan. Teka, hita ba talaga yon?

Saturday, October 10, 2009

Tinapay

Ayokong makialam sa kalagayan ni Kulot. Ginusto nya yon. Magdusa sya.


Aktuali, busy ako sa ibang bagay. Isang lalaki. Siya si Glen.


At kanina, pumunta kami ng beach, kasama ang mga bakla at ilang barkada nya na nagsilbing mga bugaw.


Si Patricia, kumakanta ng "Pure Shores" habang nakikinig ang isang tagahanga




Mabait naman si Glen. Pero ang joke nya ay "high school crush" niya si Fiona. Kasi naman ang bakla laging tumatambay sa labas ng post office kung saan dumadaan ang mga estudyante mula eskwela. Pero ngayon, di na raw nya crush si Fiona, kasi nakita nya itong binubunot ang sumpa sa kanyang pagkababae.






Cute naman sya




Mas cute ang tawag niya sa akin. Honey Buns. Ano ako tinapay?

Wednesday, October 7, 2009

Alipin

Kusang dumarating ang mga balita sa akin. At eto ang update kay Kulot. Wala sya sa Manila.


Lima silang umalis noong September 28. Sakay ng eroplano. Libre daw ng employer nila. Pagkalapag sa Manila, nananghalin kung saan. Ang sabi may "ti" daw ang ending ng lugar. Sa Makati siguro. Di pwedeng sa Cavite, dahil "te" at hindi "ti".


Pagkakain, dumiretso na sila sa byahe. Sa Cagayan Valley. Sobrang layo. Sa isang beach resort daw doon.


Noong makarating sila sa destinasyon, nagtext kaagad ang Kulot sa nanay nya. OK lang daw sila. Binigyan na ng mga assignment kung ano ang gagawin sa P200 per day na sweldo.


At ang sabi, maglilinis lang daw sila ng dalampasigan. Magwawalis. Sakay ang bangka, aalisin kung ano man ang lumulutang sa beachfront. Madaling trabaho.


Limang araw ang nakalipas, nagtext uli ang Kulot sa nanay nya. Nagrereklamo. Di raw maganda ang kinalabasan ng trabaho nila. Kakaltasin daw ang gastos sa kanilang pagbyahe sa sweldo nila. Pati na yung plane tickets ng tatlong umatras sa lakad.

Malabo din daw ang assignment. Mula sa tagalinis ng beachfront, kung ano-ano ang pinapagawa sa kanila -- all around kung baga.


Napaisip ako. Noong kami pa ni Kulot, nanonood naman sya ng XXX at Imbestigador.

Wednesday, September 30, 2009

Wala na sya

Masasabi kong malaya na ako.


Hindi na ako magdadalawang isip na pumunta sa lugar na malapit sa bahay nila.


Wala ng dadaan, hihinto at saglit na manonood habang naglalaro ako ng tennis.


Kahit saan pwede akong tumingin, di mag-iisip na baka naandon sya at isipin nyang sya ang tinitingnan ko.


Sa beach, lalo na kung may okasyon tulad ng Easter Sunday, Fiesta ni San Juan, Pasko o New Year's Day, alam kong wala sya. Di na kailangan ng advance party para seguraduhing cleared ang area.


Hindi na rin ako mag-aalanganing pumunta sa mga disco o ano mang program sa gym-- kung saan mas malapit sa bahay nila.


Opo, wala na si Kulot sa bukid. Umalis sya kahapon. Maghahanap daw ng trabaho. Sa Manila.


Opo, iniwan nya ang bilat-- na ang balita ay gumulong-gulong sa lupa sa pag-iyak. Iniwan pa rin nya.

Monday, September 14, 2009

What is beauty if...

Ilang beauty contest din ang ginanap sa aming bukid sa nakalipas na dalawang linggo. Beauty contest, hindi kasali ang utak.


Tulad na lang nitong Search for Miss Barangay contestant.


Given na nga ang questions-- as in the day before pa binigay sa kanila ang listahan ng tanong --di pa rin nakasagot.


Nasa gitna na sya ng stage. Nguni't ang emcee, nagkamali ng basa. Ito namang si candidate, todo smile, nakapamewang pa. Ilang segundo rin sa ganong pose.

At dahil ibang question ang binasa ng emcee, di alam ni candidate ang sagot.


Naka-smile, nagsalita ang candidate-- di gumagalaw ang bibig: "Number 2 ang question ko."


Tiningnan ni emcee ang listahan. Mali ang nabasa niya. Hinanap ang question number 2. Nagbasa.


Hindi pa rin makasagot si candidate. Mali na naman ang binasa ni emcee.


"Number two nga ang question ko," ang lumalabas sa naka-smile pero di gumagalaw na bibig ni candidate.


Si emcee uminit ang ulo. Pinulot ang listahan na nilalag sa sahig, sabay sabi: "Leche! Pagod na ako ha."


Sa ikatatlong attempt, doon pa nakuha ni emcee ang question number two para kay candidate. Di rin nya ito nasagot ng maayos.



Sumali din si Glydel sa Miss Gay Contest sa kabilang town.


Hindi sya nanalo. Di nga sya nakapasok sa Top Five. Paano ba naman e sa Festival Parade pa lang ay pumalpak na sya.


Nasa backstage pa lang ay set na ang mind nya na Kim Chiu ang kanyang dadalhing pangalan. At dahil sya si Kim Chiu, dapat Cebu City ang kanyang irerepresent na lugar.


At noong turn na nya para rumampa, confident ang bakla.


Si Red, na syang nag-assist sa kanya sa backstage, sumigaw ng "Panagbenga Festival ka!"


Sa gitna ng stage, nakadipa ang Glydel, akala mo si Evita Peron, at simugaw ng "Good Evening everyone. This is Kim Chiu. And I am proud to represent the Panagbenga Festival. Cebu Citeeee!"


Natigilan sya. Aatras na sana. Pero hindi. Bumalik sa mikropono. Nagsalita.


"Ay sorry, Baguio Citeeeee!"


Iyon ang first time na di nakapasok sa Top Five si Glydel.




Pero sa mga latest beauty contests na ginanap sa bukid, eto ang pinaka.


Kahit alam ng candidate sa Miss State College na di naman sya kagandahan, feeling pa rin may lamang sya sa mga kalaban nya.


Sa gitna ng stage, tumayo sya, lumingon sa mga co-candidates na nakalinya sa likod. Hinarap ang mga tao at sinabing: "And I believe in the saying that what is beauty if you are not a virgin."


Napatanga ang lahat.

Tuesday, September 8, 2009

Sushalan is dead

Imbitado ako sa isang pormalang event ngayon gabi. Hindi ako dadalo.


Tigil na muna sa sushalan.


Wala na muna'ng parties.


Pahinga muna ako sa pagiging social climber.


Kasi naman, ningatngat ng dagang bukid ang aking sapatos.



Wednesday, September 2, 2009

Para kay B(eans)

Lumaki sya sa Poland – kung saan kilala ang kanyang pamilya bilang angkan ng mga beauty queens. Ang nanay at mga tita nya ay nanalo, kinoronahan bilang pinakamagandang dilag ng kanilang panahon. At dahil namana ni B ang tangkad, tayo at ganda ng kanyang mga kalahi, at dahil ayaw rin nyang magpatalo sa mga bilat, sumali rin ito sa mga pagandahang paligsahan.


Si B ang nag-iisang beauty king sa kanilang pamilya.



“Matangkad kasi,” sabi ng isang manonood.



“Ang galing rumampa, parang model,” sabi naman ng isang manonood.


“Hindi, mautak talaga ang batang yan. Lamang sya sa Q and A,” pilit ng isa.


Maliban sa ganda, tangkad at tayo, may lamang si B— magaling itong sumagot.


Sino ba naman ang hindi bibilib sa kanya. Minsan, napakahirap ng tanong, sinabayan pa ng hangover na dulot ng magdamagang inuman, pero mabilis mag-isip si B.


Hawak ang mikropono. Nakatingin sa audience. Left to right. Balik sa center. Tiningnan ang table ng mga hurado. Sabay sabing: “Ladies and gentlemen. That’s a very beautiful question, keep it up.”


Palakpakan ang mga tao. Ang B, todo ang smile. Todo din ang pose. Parang inaanyayahan ang mga tao. Parang nagsasabing: “This is my body. Take this, all of you, and eat from it.”


Perfect. Yon nga ang sabi ng karamihan— perfect si B.

Mali sila. Kahit si B, aamining di sya perpektong tao. Hindi naman maselan si B. Kahit ano pwede sa kanya— pakain, gamit, damit. Iisa lang ang aayawan ni B— ano mang bagay na may kinalaman sa candy – wrapper man o ang candy mismo.



“Ayoko, salamat,” sagot nya sa mga taong nagtatanong kung gusto nya ng candy.



“No, thanks,” nakapikit na sagot ni B sa mga taong may hawak na candy.


Hindi pwede kay B ang mapalapit sa candy. Ang safe distance— isang metro. Pinapawisan ito kapag napapalapit sa isang street vendor. Kung bumibili naman ng kung ano man sa tindahan, nakatitig ito sa tindera, never sa mga paninda.


Sa paglalakad, umiiwas ito sa mga nakakalat na balat ng candy.


“Wag tayo dumaan dyan,” minsan nasabi nya sa kasama.


“Bakit?” tanong ng kasama.


“Basta lang. Ayoko dyan,” sagot ni B.


At umiwas sila. Napalayo pa nga. Umikot. Naglakad ng mas malayo. Ang dahilan— ayaw nyang dumaan malapit sa isang basurahan na nag-uumapaw sa candy wrappers.


Kahit sa pagtulog, ayaw ni B sa candy. Iiyak ang linggo kung hindi sya binabangungot.


Fade-in nightmare scene

Tanging mata lamang ni B ang makikita. Tila naka-focus ang camera sa kanyang mapupungay na mga mata. Dahan-dahan itong lalayo. Makikita ang kanyang ilong at noo. Tapos, ang namumulang labi. Ang namumulang pisngi. Hanggang ang buong mukha. Naka-smile sya. Sisilip ang kanyang buhok. Mahaba ito. Nakatirintas. Tipong Dorothy ng Wizard of Oz pero may touch of Little Red Riding Hood. Naka-headband din sya- kagaya ng kay Snow White.


Lalayo muli ang camera. Half-body ang shot. Checkered jumper over a white blouse ang suot nya. Ang tela, parang pipitsuging tablecloth.
Lalayo na naman ang camera. Makikita na naka-skirt sya. Alanganing mahaba. Alanganing maikli. Above the knee pero di naman mini. Nguni’t kahit maikli ang palda, di pa rin revealing. Naka-knee socks sya. Striped. At ang shoes—may bakas ng putik at alikabok. Para syang galing naglakad ng limang kilometro.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang smile ni B. Masayang araw ito. Dream scene ito.


Sa aktong ito, biglang lalayo sa frame si B. Hindi ang camera ang gumagalaw. Sya. Dito malalaman na nakasakay pala si B sa isang duyan— isang upuang kahoy na tinalian ng lubid na gawa sa abaca.

At habang papalapit-papalayo si B sakay ng duyan, makikita ang kapaligiran.
Si B, sakay sa duyang nakatali sa isang rainbow. Pero halatang di pulido ang pagkagawa ng rainbow— isang plywood na pinunturahan. Hindi ROYGBIV ang pagkasunod-sunod ng mga kulay.


Di bale na, binawi ang palpak na rainbow sa ibang aspeto ng production design.


May mga rabbit. May mga pekeng damo. May mga plastic na bulaklak. Meron ding mga butterflies na gawa sa wire at kinulayang stockings. May mga manok at itik. Meron pang gansa. May mga kulasisi (di kaya ng budget ang parrot). May mga maya’ng kinulayan ng food coloring (di kaya ng budget ang lovebirds).

At higit sa lahat, may mga duwende. Aktuali, mga unanong dinamitan para magmukhang duwende. Ang isa sa kanila, tagatulak ng duyan. May mga nagtatakbuhan, naghahabulan. Meron ding nagpo-pompyang.


Happy ang eksena. Si B, kumakanta ng Somewhere Over the Rainbow. Falsetto. Hanggang sa dumating ang Wicked Witch. Sa braso nito ay ang basket. Di apples ang laman. Candies.


Dito magigising si B. Mapapasigaw. Pawis na pawis. Iiyak. Hanggang makatulog uli. At babalik ang masamang panaginip.



Hindi naman laging ganito si B. Dati itong masayahing bata. Matakaw sa candy.


“Magbrush ka ng ngipin,” laging sabi ng Nanay nya tuwing ito’y nakikitang kumakain ng matamis na candy.


“Candy na naman?” laging tanong ng Tatay nya tuwing ito’y nanghihingi ng perang pambili.


Hindi madamot ang mga magulang ni B. Lagi itong may budget para sa anak. Ang bata naman, takbo sa tindhan. May pa-hop-hop pa.


At nang minsang papunta ito sa tindahan, nangyari ang di dapat mangyari.


“Halika, maraming candy sa bahay,” sabi ng ninong nyang si Jepoi.


“Totoo ka ninong?” tanong ni B na naka-apple green na shorts at pulang sando.


“OO. Binili ko lahat para sayo,” sagot ng Ninong Jepoi nya.


Sa bahay ng ninong nya, naging black and white ang lahat. Flashback kasi.


Magulo ang lahat. May mabilis. May slow-mo. May sa mukha lang ni B ang shot. Meron ding sa mukha ng Ninong Jepoi lang nya. Karamihan close-up. May ilang shots na kamay lang. Meron ding luha lang na tumutulo sa kanang mata ni B. Meron namang sa nakangising bibig ni Jepoi.

Lalayo ang camera. Medyo malabo ang shot. Pero kita pa rin na umiiyak si B habang nasa likod nya ang Ninong Jepoi. Nakayakap sa kanya. Gumagalaw ang katawan. Parang aso.

Lalapit uli ang camera. Sobrang lapit na ang makikita lang ay ang kamay ni Jepoi, hawak ang candy, isusubo ito sa bibig ng umiiyak na bata.


Bababa ang camera. Focus sa sahig. Black and white pa rin. Ang tanging may kulay lang sa frame ay ang ilang patak ng dugo at puti-asul na wrapper ng Snow Bear.





Fade out ang rape scene. Nagkakulay muli ang mundo. Ang eksena- Present Day. Search for Mr. Poland Contest.


Nasa backstage si B. Inaantay ang baklang may dala ng kanyang isusuot sa Fantasy Attire na opening number ng paligsahan.

Dumating ang bakla.


“Saan na ang costume?” tanong ni B.


“Naandyan sa paper bag,” sagot ng bakla, abala ito sa pag-apply ng foundation sa mukha ni B.


“Bilisan mo, mag-uumpisa na ang contest,” utos ni B.


“Malapit na,” siniguro ng bakla.


Natapos ang make-up. Lumabas ang ganda ni B. Malaki ang chance nyang maiuwi ang korona.
Handa na itong isuot ang Fantasy Attire.


“Bagay na bagay sa “Save the Earth” theme ang isusuot mo. Recycled. Pinaghirapan ko ito ha. Dapat manalo ka,” sabi ng bakla.


Nang makita ni B ang isusuot, bigla itong nawalan ng malay. Natumba.


Nagtaka ang bakla. Hawak-hawak ang costume. Magkapares na shorts at sandong gawa sa woven ala-banig na candy wrappers.



(Sa maniwala kayo't sa hindi, hindi po totoo ang kwentong ito)

Wednesday, August 26, 2009

Hilaw

Hindi ako nakatulog agad matapos kong sabihan syang matulog na kami. Paano ba naman, e nag-attempt pa syang hipuan ako habang ako'y nakahiga.


"Matulog na tayo, umaga na," sabi ko, sabay kuha ng unan para i-cover sa aking harapan.



Hindi ako nandidiri sa kanya. Kasalanan ko ang lahat. Naninibago lang ako sa ganitong arrangement. Hindi ako sanay makipagharutan sa isang MAYA.


Ilang oras din kaming natulog. Sya ang naunang magising.


"Magsasaing ako, gusto mo?" tanong nya sa akin.


"Sige, ikaw na bahala dyan. Tinatamad akong bumangon," sagot ko.


Sa aktong kumukulo ang sinaing nya, naubusan ng gasul.


"Wag mo ng buksan para di lumabas ang init," sabi nya.



Hinanap ko ang number ng LPG delivery, di ko makita.



Kalahating oras ang dumaan, di ko pa rin mahagilap ang number ng LPG delivery.



"Gutom ka na?" tanong ko.


"Medyo," sagot niya.


"Magbukas ka na lang ng de lata," sabi ko.


"Yung itlog na pula at kamatis sa ref na lang," sabi nya.


"Sige. Mamaya na ako kakain, di pa ako gutom," sabi ko.



Tiningnan ko ang sinaing nya.


"Hindi to hilaw?" tanong nya.


"Hindi, luto yan," sagot nya.



Naghain sya. Prinipare ang itlog na maalat with tomatoes. Umupo sa mesa. Inumpisahan ang kanyang brunch.



"Medyo hilaw pa nga ang kanin," sabi nya.


"Sabi ko naman sa yo e," sagot ko.


Ewan ko at kung ano pumasok sa utak ko at dinugtungan ko pa ito ng: "OK lang yan, MAYA ka naman. Kumakain nga kayo ng palay di ba?"


Isang mabilis na "He!" lang ang sinagot nya.


Ako naman, isang pagkalakaslakas na tawa.

Sunday, August 23, 2009

Hindi na ako sanay

May dini-date ako ngayon. Bata. Mabait naman.


At noong Sabado ng umaga, galing sa inuman, umuwi kami sa bahay.


Magkatabi sa kama, alam kong nagkukunwari syang tulog. Ganon din kasi ang ginawa ko. Hanggang sa nagdrama syang gumalaw, ngayon ay nakaharap na sa akin. Sobrang lapit na na pati pintig ng puso nya ay ramdam ko. Alam ko ang nararamdaman nya, pinagdaan ko na ito— yung tipong gusto mong gumawa ng move pero nahihiya ka, natatakot ka.


Tinulungan ko sya— umuusog din ako papalapit sa kanya. Idinantay nya ang kanyang braso sa akin. Ginawa ko rin ito. Para kaming magkayakap.

Inunahan ko na sya, dahan-dahan kong pinaandar ang aking mga daliri— hinimas ang kanyang likod, paakyat hanggang batok. Pababa naman hanggang sa garter ng kanyang briefs. Pinuntahan ko rin ang kanyang tagiliran. Nagtagal doon. Napaungol sya. Nakangisi ako.


“Eto pala ang gusto mo ha?” napaisip ako.


Inayos ko ang pagkahiga niya. Inumpisahan ang seremonyas. Dinilaan ang kanyang utong. Magkabilaan. Sinipsip ang mga ito. Palipat-lipat. Gusto nya ang ginagawa ko.


Bumaba ako. Pusod naman ang target. Dinilaan ko ito. Sinukat ang lalim nito. Pero syempre, tiningnan ko rin kung malinis ba. Kung wala bang libag na naipon, naninigas. Wala.


Sa tagiliran naman. Magkabilaan uli. Palakas nang palakas ang ungol nya. Ginanahan ako lalo.


Bumaba ako. Sa hita naman ngayon.


“Huwag dyan,” nasambit nya.


“Bakit?” tanong ko sabay check kung may mga di kaaya-ayang skin disease na di nya gustong makita ko, wala naman.


“Sobrang kiliti. Di ko kaya,” sagot nya.


“Kaya mo yan,” sabi ko.


“Please,” pagsusumamo nya.


“Focus ka lang,” sabi ko.


Inumpisahan ko sa kaliwang hita, pababa sa tuhod. Napabangon syang bigla.


“Di ko kaya ang kiliti,” sabi nya.


“Tiisin mo. Kadayawan naman ngayon e. Ito ang thanksgiving celebration natin sa bountiful harvest,” sabi ko.


Tumawa sya. Tinuloy ko ang aking ginagawa. Sa kabilang hita naman. Pati ang kabilang tuhod. Lalong lumakas ang ungol nya.


Umakyat uli ako. Sa magkabilang tagiliran. Sa pusod. Sa mga utong. Akyat –baba. Kaliwa’t-kanan. Dila. Sipsip. Kagat. Nagmistulang paintbrush ang aking dila. Nagmistulang kalaykay ang mga ngipin.


Naging palaban sya. Panakaw din ang mga pagdila, ang mga pagsisip. Gumana rin ang kanyang mga kamay.


At noong papaakyat na ako sa leeg niya-- at ang ultimate target na tenga -- may ginawa syang nagpatigil sa akin.


Tumigil ako sa ginagawa at sinabing: “Tulog na tayo.”


Alam kong nabitin sya. Pero sana ay huwag nya akong sisihin. Sa aking mga huling relasyon -- Kulot, Babe in the Bukid, Babe in the City at Ranger -- never nilang dinakma ang aking titi.


Hindi na ako sanay.

Wednesday, August 19, 2009

Videoke

Nag-videoke ang mga bakla noong huling uwi ko sa bukid.


Di naman sa pambabastos sa Necrological Services ni Tita Cory, pero napagkaisahan ng mga bakla na dapat lahat ng kakantahin ay pangpatay.


Eto ang listahan ng aming pinindot sa videoke machine:


Hindi Kita Malilimutan by Patricia


Heal the World by Glydel


You Raise Me Up by Fiona


Tanging Yaman by Red


Bayan Ko by Mandaya


At ang huling kanta: Lupang Hinirang (group singing with kamay sa dibdib).


Seryoso ang mga bakla na ito ay isang tribute sa yumaong dating presidente. Walang halong katarantaduhan.



Eto sila




Pero noong matapos na ang aming "Neurological Service," iba ang pagkaintindi ng mga nakarinig.


Pauwi, napadaan kami sa internet cafe kung saan tinanong kami ng isang binata ng: "Bakit ganon ang mga kanta nyo? Para ba yon kay Fiona?"


"At bakit naman para sa akin?" tanong ng bakla.


"Kasi may sakit ka raw," sagot ng binata.


"Sino may sabi?" tanong uli ng bakla.


"Yan ang tsismis sa high school," sagot uli ng binata.


"At ano naman ang tsismis sa high school?" tanong ni Fiona.


"Na may sakit ka nga," sagot ni binata.


Opo, kalat na ang tsismis. Opo, tsismis pa lang po.


Pinabalik kasi si Fiona sa health center. Ang sabi, kailangan nyang pumunta sa Mati City, kung saan naandon ang opisina ng Philippine National Red Cross. Kailangan daw ng resampling sa kanyang dugo.


Ilang linggo na'ng kinakabahan ang bakla. Di pa sya ready para sa resampling. Ilang linggo na rin syang di umiinom ng alak o kumakain ng karne -- yon kasi ang sabi ng taga-health center sa kanya.


Ayon pa sa bakla, ngayong linggo daw sya pupunta ng Red Cross. Wala pang balita sa bakla.





Sya nga pala, nasa Facebook na ako. Sa tulong ni Ken Lee, binuksan nya ang FB account ni Mandaya Moore.




Sushal na ako!

Tuesday, August 11, 2009

Mandayettes

Sila ang mga Mandayettes. Mga readers ko daw sila. Tatlong UP Mindanao students.

Ang isa sa kanila ay estudyante ni Johnnypanic, na mukhang ayaw talaga ng mga Diyosa na ipagtagpo ang aming landas. Hoy! Paalis ka na, di pa rin tayo nagkikita.


Enjoy ako sa piling ng mga bagets na ito. May laman ang mga bunbunan. At ang daming tanong.


Si Vince at si Jepoi




Pero kinabog sila ni Ken Lee na natulog sa bahay ko. Eto sya sa green sofa suot ang shorts at sando ni Kulot



Sa mga Mandayettes: Salamat sa pagbabasa.

Thursday, August 6, 2009

Istorbo

"Magpapakapal na ako ng mukha, magpapatulong sana ako sa yo," ang text ni Kulot sa akin.


"Bakit na naman?" tanong ko.


"Masakit pa kasi dibdib ko. Di pa rin ako makagalaw ng maayos," sagot niya.


"Tapos, ano gusto mo mangyari ngayon?" tanong ko uli.


"Magpapatulong sana ako. Gusto kong magpacheck-up. Kung pwede," sagot nya.


Pinindot ko ang celphone. Matagal. Complete paragraph ang message ko.


"Tumulong na ako. Pero anong nangyari? Ako pa ang lumabas na masama. Dapat kasi sikreto yon. E sinabi ni Malyn sa yo. Tapos, sinabi mo sa GF mo. Nagalit sya. Ako na nga ang tumulong, sa akin pa sya nagalit. E di sa kanya ka humingi ng tulong," ang pinadala kong reply.


OO, nalaman ni Kulot na nagpadala ako ng pera para sa x-ray at gamot niya. Pinaalam ito ng pinsan nyang si Malyn. At noong nagtaka ang putang GF nya kung saan sya kumuha ng pera para sa check-up gayong wala naman syang trabaho, sinabi ni Kulot ang totoo.


"Kumalampag ang bilat," text ng isang kakilala sa akin ilang araw matapos ang Mandaya-sponsored x-ray exams ni Kulot.


"Bakit na naman?" tanong ko sa texter.


"Kasi nalaman nya na pera mo ang ginamit para sa x-ray," sagot nya.


"At sinong may sabing nagpadala ako ng pera?" tanong ko.


"Inamin ni Kulot," sagot nya.


Pero ako, hindi ko inamin ang totoo. Sinagot ko na lang ang texter ng "wala akong paki sa kanila."




"OK na yon. Pinaintindi ko sa kanya. Hindi naman sya nagalit, nag-init lang ang ulo nang malaman nya ang totoo," sagot ni Kulot sa mahaba kong text.


"Tapos ngayon, sa akin ka hihingi ng tulong?" tanong ko.


"Kung pwede sana," sagot nya.


"Tapos na akong sa kalokohang yan. Ayoko na ng gulo. Istorbo lang kayo sa akin," text ko.


Matagal bago sya nakapag-reply ng "OK lang. Salamat pala sa tulong mo. Sori din kung di nasunod ang gusto mo na isekreto ang lahat."


Nag-sorry sya. Pero sa isip, ibang kasalanan ang hinihingan nya ng kapatawaran. Hindi na ako nagreply.

Tuesday, August 4, 2009

Paalam

Noong Sabado ng umaga ginising ako ni Ranger para sabihin ang isang masamang balita.


"Gising na dyan, patay na si Cory," sabi nya.


"Ha?" tanong ko.


"OO, patay na si Cory. Magkape ka na, nagpakulo na ako ng tubig," sabi nya.


Masamang balita nga. Hindi ko alam kung mas masama pa ito sa mangyayari sa gabing iyon -- paalis kasi si Ranger. Tatlong buwan syang mawawala. May training sa Cavite.


Kasalanan ko ang lahat. Kung di ko ba naman sya tinuruan kung paano isusulat ang essay niya sa isyung "Your Ideal Presidentiable," di sana nya naipasa ang exams sa unang hakbang para sa kanyang pangarap maging opisyal.


Isang buwan ko ng tinatago ang nararamdaman ko sa kanyang pag-alis. Ang totoo, hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko-- parang masakit na hindi.


"Tatlong buwan lang naman," sabi ko noon sa sarili.


Pero habang nagtu-toothbrush kami matapos mag-agahan noong Sabado, sinabi ni Ranger na "mami-miss ko ito."


"Ang ano?" tanong ko.


"Itong ginagawa natin," sabi nya.


At dahil hindi nga ako sigurado sa nararamdaman, sabi ko: "Sige lang, maghahanap agad ako ng kapalit mo."


Dinilatan lang nya ako.


Magtatanghali na nang umalis sya.


"Uwi muna ako sa kampo para mag-empake. Sa airport na lang tayo magkita mamayang gabi," sabi niya.


At sa airport nga kami nagkita. 9:45 p.m. ang flight niya. Alas Otso pa lang e nasa airport na kami. Matapos mag-check in, lumabas sya.


Nag-usap kami. Inubos ang nalalabing oras na magkasama. May nagtext, di ko pinansin. Para sa kanya ang oras na ito.


Noong papalapag na ang eroplanong sasakyan nya, nagpasya akong umalis.


Walang kiss. Walang yakapan. Walang handshake. Tanging "ingat" lang ang nasabi namin para sa isa't-isa.


Hindi mabigat ang loob ko sa kanyang pag-alis.


"Tatlong buwan lang naman," paalala ko uli sa aking sarili.


Sa loob ng taxi, may nagtext. Nakangisi ako. Sa isip ko, na-miss na agad ako ni Ranger.


Hindi si Ranger ang nagtext. Si Kulot.

Friday, July 31, 2009

Berde

Ngayon ang huling araw ng Nutrition Month.

Bilang pakikiisa, nagdonate ng dugo sina Fiona at Patricia sa ginanap na bloodletting.




Si Fiona





Si Patricia at ang kanyang bukol



Opo, hindi berde ang dugo ng mga bakla.

Friday, July 24, 2009

OK lang din ako

Matapos kong masigurong OK na sya, siniguro ko namang OK din ako.

Klaro sa akin kung saan ang limitasyon ng tulong na ibibigay ko.


Hindi ko sya inalagaan tulad ng pag-aalaga ko kay Ranger noong nagkasipon ito.

(vicks steam)




Hindi ko sya ipinagluto tulad ng ginawa ko kay Ranger











Ang huling text ni Malyn sa akin: "Katatapos lang ng x-ray. Wala namang bali. Mga pasa lang daw kaya nahihirapan pa rin syang kumilos. Maraming salamat sa tulong."


Hindi ko sinagot para di na humaba pa ang palitan ng text.


Pero nagtext sya uli ng: "May sukli pa 400 plus."


Hindi ako nakapagpigil. Sinagot ko sya ng: "Ibili mo ng mangga-- kalabaw, kabayo, cebu, hinog, hilaw, manibalang. Tapos isaksak mo sa nananakit nyang dibdib."


Si Malyn naman ang di sumagot.


Sa bukid, marami ang lihim na natutuwa sa nangyari kay Kulot -- na nahulog ito sa mangga, hindi man malubha ang kalagayan pero nahulog pa rin. Para sa mga maka-Mandaya, ito ang karma nya.


Pero ito ang sagot ko sa lahat ng nag-aakalang masaya ako sa nangyari: "Hindi ko hiningi sa diyosa ng karma na mahulog sya puno ng mangga. Ang wish ko kasi ay madaganan sya ng puno ng mangga."

Monday, July 20, 2009

OK na sya

Tuloy ang pagti-text namin ni Malyn.


Medyo masama pa ang lagay ni Kulot noong Linggo. Kasinlaki daw ng kamao ang bukol sa kanyang likod at dibdib.


"Pero ayaw niyang ipakita na nahihirapan sya kasi ayaw nyang mag-alala ang Nanay nya," text ni Malyn.


Naiintindihan ko yon. Noon pa man, protective si Kulot sa Nanay niya na may sakit sa puso. At ngayon, kahit hirap ang kalagayan, mas nanaisin pa nyang itago ito para sa ina.


Alam ko rin ang pampinansyal na kalagayan ng pamilya nya ngayon. Kaya kahapon, kahit nasa Davao City ako, nagpadala ako ng pera.


"Huwag mo ng sabihin sa kanya na galing sa akin," text ko kay Malyn.


Kaninang umaga, nagtext si Malyn - di na raw gaanong hirap ang Kulot, di na raw gaanong masakit ang kanyang mga pasa.


"Di lang siya makatayo ng maayos kasi masakit pa rin ang dibdib nya," text nya.


"Magpa-xray na kayo. Sa private hospital ha," sagot ko.


"Sabi nya sa public lang daw para mura. Sabi ko may pera naman. Mamayang hapon siguro punta kami Mati City para magpa-xray," sagot naman ni Malyn.


Nagbilin ako na balitaan ako kung ano ang resulta.


"Para naman mapalagay na ako. At kung talagang ayos na sya, masabi ko na WALA AKONG PAKI," text ko kay Malyn.


"Jejeje," ang sagot niya.


Dahil sa nangyari sa amin ni Kulot, di ko naman ipinagdasal, alam kong karma na lang ang bahala sa kanya. Gusto ko lang klaruhin na hindi ganitong uri ng karma ang ini-expect ko.


Noong Biernes ng gabi, ilang oras matapos syang mahulog sa puno mangga at hindi pa maliwanag ang tunay na kalagayan nya, ginawa ko ang isang bagay na hindi ko ginawa mula noong hiwalayan noong Nobyembre -- ipinagdasal ko sya at umiyak ako.

(Isang dating photo ni Kulot)

Saturday, July 18, 2009

Robot

Pagkagising ko kaninang umaga, nabasa ko ang text ni Malyn, pinsan ni Kulot.


"Pinauwi na kami ng doctor. Sa awa ng Diyos, wala namang nakitang bali sa katawan. OK naman ang x-ray," text ni Malyn.


Sinagot ko ito ng "OK. Salamat."


OK na sya. Di ko na kailangan pang manghimasok.


At dahil tinatamad kaming magluto, at may plano rin akong pumunta sa city dahil birthday ng sister ko bukas, sa palengke kami kumain ni Fiona.


Sa karenderia ni Dodong (babae po sya at kapitbahay ni Kulot) kami kumain. Doon ko nakuha ang buong kwento.


Namimitas daw ng manga ang Kulot nang mahulog ito. Mali ang unang report na 15 feet ang taas ng kinalaglagan nya.


"Actually, mga 20 feet," sabi ni Dodong.


"Mabuti na lang sa lupa ang laglag niya, hindi sya sumabit sa poste ng bakod," dugtong naman ng asawa niyang si Bobet.


"Nawalan sya ng malay. Mga ilang minutes ding di sya gumalaw," tuloy na kwento ni Dodong.


Noong magkamalay na, pinatulungan daw iupo nga mga tao ang Kulot.


"Pero sabi nya wag. Nag-iipon pa yata ng lakas," paliwanag ni Dodong.


"E ang bilat, saan?" tanong ni Fiona.


"Nagpanic. Tumakbo pauwi sa kanila," sagot ni Dodong.


Di ako nagreact.


"Ilang minuto rin syang nakahiga. May malay na pero ayaw gumalaw. Sabi nya haayan daw muna sya sa posisyong yon," kwento ni Dodong.


Dumating ang kanyang mga kapatid at nanay. Itinatayo sya. Inuwi sa kanila. Ang Kulot, hirap sa paglakad. Di maigalaw ang leeg. May gasgas sa braso. May sugat sa ulo.


"Para syang robot," sabi ni Bobet.


Tumawag ng ambulansya. Dinala sya sa Mati City. Pero pinauwi din matapos ang x-ray examination. Wala naman daw nabaling buto.



Kaninang tanghali, habang ako ay naghihintay ng bus para Davao City, nagtext si Red.


"Mukhang dadalhin na naman ng ospital si Kulot. May ambulance sa bahay nila," text nya.


Tinext ko si Malyn, nagtanong ako kung anong nangyayari.


"Galing na sila doctor. Nagpacheck up," sagot ni Malyn.


"Akala ko OK na, ano pala problema?" tanong ko.


"May bukol sa likod at dibdib. Nahihirapan syang huminga," text ni Malyn.


Dumating ang bus. Sumakay ako.


"Paki-update lang ako kung ano man ang problema," bilin ko kay Malyn.


Kaninang tanghali pa yon. Nakarating na ako ng city. 7:45 p.m. na. Wala pa ring update si Malyn.

Laglag

mabilis lang ito. Walang internet connection sa bukid. Celfone lang ang gamit ko. Kaninang alas singko, sunod-sunod na text ang natanggap ko. Nahulog sa puno ng mangga si kulot. Sa umpisa di klaro ang detalye. Nakausap ko kuya nya. Ang sabi: "Mga sobra 15 feet ang taas ng kinalaglagan. May sugat sa ulo. Medyo tabingi ang ulo- may bali yata sa balikat. Medyo may bukol sa dibdib. Nahihirapang huminga. Dinala sa ospital sa mati city. " Di ko alam ano naramramdaman ko. Di ko alam ano gagawin.

Saturday, July 11, 2009

Turok

Nasa city ang mga bakla. Nabayaran na kasi sila sa talent fee nila bilang organizers ng beauty search noong foundation day ng bayan namin. Si Fiona, bumili ng bagong celfone. Si Red, ginawa ang matagal na niyang pangarap-- magparetoke ng ilong.


Ayaw niya akong isama. Ang hindi nya alam, kinausap ko si Glydel para i-document ang event.


Before (sa isang mall)



Pumunta sila sa bahay ni "Doc Rey" sa isang subdivision sa Lanang area dito sa city. Kilala daw itong si "Doc Rey" sa pagreretoke.


Inumpisahan na ang operasyon



At ang pinampunas e tissue paper lang




After

Sunday, July 5, 2009

By Demand

Dahil ang daming nagrequest ng photo o video ng basketball game ng mga bading, hinanapan namin ng paraan.

Di na pala kailangang i-bluetooth mula sa celphone ni Glydel. Tinanggal lang namin ang memory card at isiningit sa celphone ko. Simple lang pero di ko kaagad naisip.


Bago ang laro. Sina Red. Fiona, Patricia at Glydel



Sina Glydel, Nicole, Red at Fiona (kita ang black na strap sa bra)



Si Meanne at ang kalahating katawan ni Oni



Kagabi ko pa sinusubukang i-upload sa youtube ang video (unedited-- kasali na ang mga high school students na kumakain ng hilaw na mangga at ang pagkahaba-habang shot sa upuang kahoy kung saan iniwan ng videographer ang cel phone ni Glydel na naka-on pa rin). Ayaw talaga ma-upload.

Monday, June 29, 2009

Sampay

Napapadalas ang pagpunta ko ng city. Napapadalas din kasi ang punta ni Ranger sa bahay ko.

At dahil may washing machine, nikikilaba sya.





Sigurado akong nagtataka ang mga kapitbahay at bakit may kakaibang kulay sa aking sampayan.



At habang nag-aantay na matuyo ang mga labada, syempre kailangang kumain. Si Ranger at ang inihaw na baboy

Friday, June 19, 2009

Basketball

Ang gaganda nila. Ang sisexy ng mga suot nila. Parang pupunta ng beach. Halos lahat ay naka-swimsuit. Gold ang kay Red. Black ang kay Glydel. Peach naman ang kay Patricia. Si Fiona, bra ang suot. Sexy rin sina Meanne, Nicole at Odi. Tanging si Samuel ang naka "normal" outfit.

At ang okasyon: basketball ng mga bading.

Foundation Day kasi ng munisipyo. At dahil sayang din naman ang premyo-- P2,000 sa winning team at P1,000 sa matatalo --sumali ang mga bakla. Ang usapan: Hahatiin ang prize money. At dahil may karagdagang P500 sa mapipiling "Best Costume," gumayak ang mga bakla.

Nguni't di ganon kalakas ang loob ng mga bading. Sa gym kasi ang venue, Siguradong maraming tao. Kaya umaga pa lang ay tatlong Tanduay lapad na ang kanilang ininom.

At nang medyo tinamaan na sila at nawala na ang hiya sa katawan, sa gym ang diretso nila.

Andaming tao.


"Kaya nga heavy make-up ang ginawa ko para di ako makilala," sabi ni Red.


"Gaga, kahit nakatalikod ka, alam nilang ikaw yan," sabi ni Fiona.


Hinati ang mga bakla. Ang team ng mga matataba (Fiona, Red, Meanne at Odi) at ang grupo ng mga payat (Patricia, Glydel, Nicole at Samuel).


Team Pugad Baboy vs Team Pussycat Boys.


Bago nagsimula ang laro, nilapitan si Red ng commentators.


"OK lang ba balahurain ang mga comments?" tanong ng isang commentator.


"OK lang. Ginusto namin ito," proud na sagot ni Red.


At nagumpisa na ang laro. Si Fiona ang bilis ng takbo. Si Samuel parang totoong player, tumatalon. Si Glydel, pa-cute ang takbo. Di napansin si Patricia, nakatayo lang lagi. Hinablot ni Red ang bra ni Nicole. Si Meanne, di gaanong tumatakbo. Nakatayo lang sa ilalim ng ring. Naghihintay ng fastbreak. At kung tumakbo man sya, may double breast exposure na nagaganap dahil sa maluwang niyang outfit.

Wala pang three minutes, surrender na ang referee. Lahat ng violations ginawa ng mga bakla. Foul dito. Foul doon. Travelling. Lifting. Double dribble. Pagshoot sa maling ring.


"Wala ng rules. Padamihan na lang ng mai-shoot na bola," anunsyo ng commentator.


Mas lalong gumulo ang laro.


Sampung minuto pa lang ay tapos na ang game. Ang score: 10 sa Pugad Baboy at 14 sa Pussycat Boys.


Sampung minutong takbuhan, agawan ng bola, sigawan, tawanan at tilian.


Happy ang lahat. Lalo na ang mga bakla, na kumita ng pera sa loob ng maikling oras.


"Mas maganda pa ito kesa Miss Gay," sabi ni Red.


"At least dito, sure ang talent fee," sabi naman ni Glydel.


"At may inihandang packed lunch pa ang munisipyo," sabi ni Fiona.


At habang kumakain ang mga bakla, nagsalita ang Fiona.


"Hindi ako makahinga," sabi nya.


Ayaw maniwala ng mga bakla.


"Totoo, hindi ako makahinga," giit ng bakla.


Namumutla ang Fiona. Naniwala ang mga bakla.


"Dalhin nyo ako sa health center," hiling ni Fiona.


Tumawag ng tricycle ang mga bading. Isinakay si Fiona. Tanging si Re-Re ang sumama sa kanya. Nagpa-iwan ang mga bading.


Sa health center, pigil ang tawa ng mga tao. Noon lang nalaman ni Fiona kung bakit si Re-Re lang ang sumama sa kanya.


Kinunan sya ng BP, 100 over 80. Pero ang nurse di napigilan ang pagtawa.


Sa harap nya: Si Fiona, suot ang isang napakasikip na bra.



PS

May photos at video sa celphone ni Glydel. Kuha ng isang high school student na pinag-iwanan nya habang sya ay naglalaro. May diperensya ang cel nya, ayaw magsend via bluetooth.

Monday, June 15, 2009

Back to normal

Naging "back to normal" ang buhay ni Ranger sa piling ng kanyang asawa at dalawang "anak."


At dahil malapit lang sa probinsya nila ang Maguindanao, kung saan sya nadestino, madali lang itong nakakauwi kung gusto o kung bakante.


"Doon sila tumira sa bahay ng Nanay. At least, may katulong si misis sa pagbabantay ng mga bata," sabi nya.


Hindi gaanong magastos ang buhay sa probinsya, kaya naman nakakaipon sya sa di naman kalakihang sweldo. Pati si misis, nagnegosyo rin ng Tupperware.


Pero may ambisyon si Ranger. Gusto nyang umangat. Gusto nyang tumaas ang ranggo para naman tumaas din ang kanyang sweldo.


"Ayokong matulad sa ibang sundalo dyan na kuntento na sa kung ano ang meron, naghihintay ng ilang taon para tumaas ang rank," sabi niya.


At nag-aral sya. Kumuha ng kursong information technology. Hinanapan ng paraan na maging office-based ang trabaho. Wala gyera. Aral muna. Sa umaga, nasa loob lang sya ng kampo-- utusan ng mga opisyal. Pagkahapon, takbo sa eskwela.

Sa ambisyon nyang ito, napilitan syang iwan ang pamilya. Sa Davao City lang kasi may opening sa gusto nyang arrangement-- patuloy ang pagiging sundalo habang nag-aaral.


Sa October, matatapos na ni Ranger ang apat na taong kurso. Pagkatapos nito, balak nyang kumuha ng exams para maging opisyal. Diretso na tinyente. Mas malaki ang sahod.


Pero bago pa man nya matupad ang kanyang pangarap, may nangyayari na naman.


"Nagtext kapatid ko, pinapauwi ako. Ayaw sabihin kung bakit," sabi nya.


At umuwi nga sya. Doon nya nalaman na lumayas ang misis nya. Nasa Cotabato daw. May kinakasamang iba. Pinuntahan nya ang misis. Inabutan pati lalaki nito.


"Dinala ko sila sa pulis," sabi nya.


Walang nangyaring away. Walang sigawan. Walang bugbugan. Walang barilan. Pero may nasaktan. Sya.


"Pina-blotter ko sila. Pinapirma sila ng pulis, pinaamin sa ginawa nila," sabi nya.


Kahit mga pulis sa station nagtaka sa ginawa niya.


"Sinabihan pa ako nong isang pulis na pwede naman daw nilang bugbugin ang lalaki, pero sinabihan ko na huwag," sabi nya.


Matapos pumirma ng dalawa, iniwan sila ni Ranger. Umuwi sa bahay. Niyakap ang mga anak. At noong tanging sya na lamang sa loob ng kwarto, umiyak.


"Tinakpan ko ng unan mukha ko para walang makarinig sa iyak ko," sabi nya.


Hanggang ngayon, ganito ang ginagawa nya tuwing naalala ang mga nangyari.


"Dinadaan ko na lang sa iyak. Minsan, wala namang pumapatak na luha pero alam kong umiiyak ako," sabi nya.

Tuesday, June 9, 2009

Ang buhay niya






Madrama ang buhay ni Ranger.


Sundalo din ang tatay niya, pero namatay sa aksidente sa motorsiklo. May pension naman sana nguni't winaldas ito ng kanilang ina. Nainlove kasi sa isang pastor at iniwan ng ilang buwan ang lima nyang anak.

"Ewan ko kung saan pumunta. Kaya napilitan kaming magkakapatid na mabuhay sa sarili naming kayod," sabi niya.


At dahil may basketball ring sa tapat ng bahay nila, ito ang naging hanapbuhay nila. Palibhasa magagaling sa basketball, kumikita sila ng pang-food supply mula sa sugal sa laro.


"Sinisiguro naming panalo sa first game. Sinasadya naming matalo sa second game. Kaya ang mga kalaban lumalakas ang loob na pumusta ng malaki sa third game," kwento nya.


Ilang buwan ding ganito ang ginawa ng magkapatid hanggang sa bumalik ang kanilang ina. Walang dalang pera. Naubos sa kalandian.


"Nang bumalik sya, may kalahating sakong bigas pa, may mga pagkain pa kami-- lahat yon galing sa panalo namin sa basketball," sabi niya.


Hindi na sila nagtanong pa kung saan galing ang ina. Tinanggap nila ito. Pati ang katotohanang ubos na ang pension ng tatay nila, na pati kapirasong lupa sa South Cotabato ay ibinenta nito, tinanggap nila.


At dahil sila na lang lagi ang nananalo sa basketball, walang ng gustong makipaglaro sa kanila.


"Kaya naghanap kami ng trabaho," sabi niya.


Unang trabaho niya ang pumpboy sa isang gasoline station sa Cotabato. P50 a day ang sweldo. Tapos, lumipat sya sa isang hardware store. Mas mataas ang sweldo. P100 a day.


"Pero sobrang liit pa rin noon. Kaya naisipan kong mag-apply sa Army," sabi niya.


Sa Luzon sya nagtraining, Pagbalik nya sa kanila, isa ng sundalo. Wala na rin ang pastor. Natakot daw.


Nag-asawa sila ng kanyang kababata. Nagka-anak. Nadestino sa Basilan.


"Nang bumalik ako mula Basilan, wala sa bahay namin ang asawa ko. Umuwi raw sa Nanay nya," sabi nya.


Hindi sya nagpasabi na umuwi sya. Sosorpresahin nya ang misis.


Siya ang nasurpresa. Dahil nang makarating sya sa bahay ng nanay ng misis nya, dalawa na ang anak nya.


"Nakipagrelasyon sya sa iba. Sundalo rin. Marines," sabi nya.


Dinaan lang sa iyak ni Ranger ang nadiskubreng pagtataksil ng misis. Kinuha ang anak at umuwi sa kanila.


Nagrequest din sya ng transfer of assignment sa Maguindanao para mas malapit sa anak niya.


Anim na buwan ang lumipas, nabalitaan nyang namatay sa bakbakan ang kinakasama ng asawa niya.


Mabait si Ranger. Sobrang bait. Binigyan nya ng isa pang pagkakataon ang asawa. Nagsama silang muli. Pati anak nito sa iba isinama.


"Anak na ag turing ko sa kanya. Mahal na mahal ko ang bata. Mahal na mahal din sya ng panganay ko" sabi nya.


"Back to normal ang buhay namin," dugtong niya.


Yon ang akala niya.

Wednesday, June 3, 2009

Tao lang po

At dahil andaming nega comments sa huling post ko (at may isa pang nag-email sa akin ng isang mahabang sulat), minabuti kong gumawa ng hakbang.


"Hello!" text ko.


"Milagro," sagot nya.


"Hehe. Musta ka na?" tanong ko.


"K lang. Kaw?" sagot at tanong nya.


"K lang din," sagot ko.


"Galit ka?" tanong ko.


"Sa?" tanong na sagot niya.


"Sa pagdedma ko sa yo." sagot ko.


"Medyo noon. Pero wala na yon," sagot niya.


"Totoo ka?" tanong ko.


"Yup," sagot nya.


"Sure ka di ka galit?" pangungulit ko.


"OO nga," sagot nya.


"Sure?" isa pang pangungulit.


"Kol ka nga para usap tayo," sagot niya.


At tumawag ako. Nag-usap kami. Sa boses nya, hindi nga sya galit. Pero nag-sorry pa rin ako. Medyo mahaba ang naging usapan namin.


Kinumusta ko ang MP3 player nyang linggo-linggo na lamang ay nawawala ang music files at linggo-linggo rin syang nagda-download sa PC ko.


"Sa awa ng Diyos, patay na. Kahit magsave ng music, di na pwede," sagot niya.


Tumawa ako. Tumawa rin sya.


"Kumusta buhay mo dyan?" tanong ko.


"OK lang. Balik aral," sagot nya.


"Mabuti yan," sabi ko.


Andami pa naming napag-usapan. Pero gusto ko pa ring makasiguro.


"Sure ka hindi ka galit ha?" tanong ko uli.


"Hindi nga. Kung galit ako, kakausapin ba kita? Magre-reply ba ako sa yo?" sagot nya.


Naniwala ako. Pero di ako nakapagpigil, at tinanong ko sya ng "May bago ka na?"


Ayaw sumagot. Tinanong ko uli.


"Secret," tanging sagot nya.


Alam ko na ang sagot.

Sunday, May 31, 2009

Bakit sya nawala




Marami ang nagtatanong bakit bigla na lang nawala si Babe in the City. Sabihin na nating napagod na ako sa kanya. Nagsawa.

Hindi naman ako mapiling tao. Pero sadya yatang hindi para sa akin si City Babe. Sa kabilang banda, baka naman sadyang hindi ako para sa kanya.

Hindi naman kami nag-aaway. Pero hindi rin kami nagkasundo. Iba ang type nya sa music. Hindi rin sya palabasa. Mahilig sa pelikula pero di ko naman masakyan ang B movies. Pati outfit nya di ko type. Lalong nahahalata ang age gap namin.

Minsan naman nagkita kami sa mall, dumating ba naman na may headphones sa ulo nya. Buti sana kung iPod ang gamit. Isang MP3 player na Made in China with matching mumurahing headphones na tunog lata.

In fairness, nagkasundo naman kami sa paglalaro ng Nintendo Wii sa NCCC Mall. At sa sex.

Nguni't ang nagtulak sa akin na tigilan na sya ay noong mapansin kong malapit na maubos ang panyo ko.

Iyakin kasi sya.

Konting away ko lang, tutulo ang luha.

"Porke ba nakuha mo na ako, ganyan ka na," eto ang linya nya nang minsan ay tumayo ako sa gitna ng Oh Yeah Moment naman dahil napansin kong wala syang kabuhay-buhay.

"Inaantok ako," ang rason nya.

""Sinabi mo sana, hindi naman ako namimilit. Pwede naman tayong matulog," sabi ko.

Umiyak sya.

At dahil nabigla ako sa nangyari, inamo ko sya. Yumakap sya sa akin. Basa ang dibdib ko sa luha nya. May halong uhog. Dala ng pandidiri, tumayo ako. Kumuha ng panyo. Pinanindigan ko ang aking sinabi, natulog kami.

Pero sadyang mababaw ang luha ni City Babe. Minsan magkatabi kaming nakaupo sa sofa, pa-sweet ang drama, nabugahan ko sya ng usok ng yosi. Umiyak. Ang baba daw ng tingin ko sa kanya.

"Dahil ba nakuha mo na ako," sabi nya, lumuluha na naman.

"Di naman sinasadya. Tinamaan ng electric fan," sabi ko.

Ayaw niya maniwala. Isang panyo na naman ang inilabas ko.

Nakatatlong panyo rin sya.

Umuwi sya sa probinsya nila noong Semana Santa. Pagkatapos ng Holy Week, nagtext sya sa akin.

"Pababalikin mo pa ako?" tanong nya.

Hindi ako nagreply. Hanggang ngayon, deadma ko sya. Naisip ko, mauubos mga panyo ko.

Monday, May 18, 2009

Pugot

Naging busy ako-- meetings, bukid, city, high school reunion, byahe at lovelife.

Opo, may lovelife na uli ako-- si Scout Ranger.

Kapag nasa city ako, lagi kami nagkikita. Sa bahay sya tumatambay pagkatapos ng trabaho nya. Balik luto uli ako- isang bagay na matagal ko ng hindi ginagawa.

At ang paborito nyang ulam-- sinigang na bangus.

Hindi magastos si Scout Ranger. Kung pumupunta kami sa mall, pasyal lang ang ginagawa namin. Ayaw din nyang kumain sa labas, mas masarap daw kasi ang luto ko. Chos!

At kapag kami ay nasa bahay lang, nanonood lang sya ng DVD, o di kaya ay ginagawa ang kanyang mga office work.


Tulad na lang nito. Nakatulog sya sa pagod.


At minsan naman, may Oh Yeah Moments kami. Masarap. Nakaka-adik.


Eto po sya pagkatapos ng Oh Yeah Moment



Pugot po ang mga photos nya. Mahirap na at baka masibak sya sa trabaho.

Pakitanong na lang kina Bananas, Kiks at Ate Lyka kung ano itsura ni Scout Ranger. Na-share ko na kasi sa kanila.

Friday, May 8, 2009

Para kay Emar D.

Si Emar D. ay estudyante ng Ateneo de Davao University. Pinalad syang makita makita ng personal sina Red at Patricia. Ayon sa kanya, masugid daw syang mambabasa ni Mandaya Moore.

Salamat sa iyo Emar.


Sina Fiona at Red, sakay ng mga payatot na bikers




Si Patricia at Red





Si Red sa tabing daan

Wednesday, April 29, 2009

Laging Handa

"Dapa," utos ko sa kanya.


Hinubad niya ang kanyang t-shirt. Di ko pinansin. Humiga sya. Padapa.


Binuhos ko ang oil sa aking palad. Lavander ang scent. Pang-relax daw. Inumpisahan ko ang paghimas sa likod nya. Kinalat ang langis sa kanyang balat. Inumpisahan ko ang pagmasahe. Mula batok pababa sa kanyang likod. Diniinan ko para naman manamnam niya ang sarap ng aking paghagod, pero nilabanan ito ng matitigas niyang laman. Ilang minuto rin akong nagconcentrate sa kanyang likod.


Bumaba ang aking mga kamay.


"Ibaba natin ng konti," sabi ko, sabay baba ng kanyang itim na briefs.


Hinayaan nya ako. Tumambad sa akin ang puwet nya. Matambok ito.


"Ano ito?" tanong ko habang nakaturo sa maliit na bilugang peklat sa kaliwang pisngi ng kanyang pwet.


"Nadaplisan lang yan. Splinter wound ng M203," sagot niya.


Wala akong follow up question. Ipinagpatuloy ko ang pagmasahe sa kanyang pwet. Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang kaliwang hita. Tahimik lang sya. Lumipat ako sa kanang hita,


"Ito, ano ito?" tanong ko naman habang himas-himas ang isa pang bilugang peklat.


"Tama ng bala," sagot niya.


Deadma. Tuloy ang masahe. At nang ako ay mapagod, ako naman ang dumapa.


"Ako naman," sabi ko.


Ginawa naman nya. Pero kakaibang massage. Walang halong malisya. Very professional.


"Saan ka naman natutong magmasahe?" tanong ko.


"Wala. Kapag pagod sa operation, nagmamasahean kami ng mga kasamahan ko," sagot nya.


Ilang minuto lang ay tapos na sya. Di na ako nagreklamo. Nakahiga kami. Ako nakadapa, sya nakatihaya. Parehong tahimik.


"Bumublowjob ka?" tanong nya.


"Hindi," mabilis na sagot ko.


Tahimik uli.


Di ko mapigilan ang pagtawa. Tumawa rin sya. Kinuha niya ang aking kamay. Nilagay ito sa kanyang malapad na dibdib. At parang magic, nagkaroon ng sariling buhay ang aking kamay. Dahan-dahan itong bumaba. Nangyari ang gusto nyang mangyari.


At sa kalagitnaan ng mga pangyayari, nagsalita sya.


"May condom ka?"


OO naman. Boy Scout yata ito.


Noong gabing iyon, nangyari ang Oh Yeah moment namin ni Scout Ranger.

Sunday, April 26, 2009

Byahe

Isang linggo ko na itong tinatago sa sarili. Kilig ako.

Sya si Ray. Nakilala ko habang sakay sa van mula Cotabato papuntang Davao. Via Cotabato kasi ang byahe ko pauwi galing Misamis Occidental kung saan nagswimming ako with the dolphins.

Magkatabi kami ng upuan. Nagkakwentuhan. Tinanong nya ako kung saan ako galing. Sinabi ko naman. Tinanong ko rin sya. Eto ang kwento nya.

Tubong North Cotabato. 34 years old. 5' 6". Maganda ang katawan. Puro muscles. Walang bilbil. Nakakamatay ang abs.

"Kung taga North Cotabato ka, ano ginagawa mo sa Cotabato City," tanong ko.

"May inasikaso lang," sagot niya.

"Ano?" tanong ko.

Di agad sya sumagot.

Nag-antay ako.

Halatang may halong pag-aalinlangan, pero sumagot din sya ng "nag-inquire lang sa korte, kasi ipapa-annul ko kasal namin ng wife ko."

Naintriga ako. Ipinakita sa kanya, sa pamamagitan ng aking facial expressions (in plural form), na interisado akong makinig.


Isang taon na silang hiwalay ng misis nya. Malandi kasi. Nakipagharutan sa ibang lalaki. At si Ray, maraming kabaitan sa katawan. Imbes a idemanda ang bilat, hinayaan ito at nakipag-deal na kunin ang dalawa nilang anak.

Nasa nanay ni Ray ngayon ang mga bata-- 10 at 8 years old. Babae at lalaki.

Idinitalye ni Ray ang mga nangyari. Mahaba ang byahe. Mahaba rin ang kwento nya.

Pagdating sa Davao, niyaya ko syang mag-dinner sa Banok's. Sarado na kasi ang SM at ito ang pinakamalapit sa terminal ng van.

Habang inaantay ang order, sya naman ang nagtanong ng "Ikaw, may pamilya ka na?"

Automatic ang sagot ko na "bakla ako."

Binigyan nya ako ng smile.

"May boyfriend ka?" tanong nya.

At dito ko naikwento ang tungkol kay Kulot. At dahil mahaba ang kwento namin ng gagong yon, inaya ko si Ray ng beer sa Kanto Bar sa Matina Town Square.

Anim na beer, mahabang kwentuhan, Bigayan ng mga payo. Kanya-kanyang pakitaan ng simpatya sa isat-isa.

At nang maubos na ang beer, tinanong ko sya ng "Gusto mo pumunta sa bahay ko?"

Walang pag-aalinlangan OO ang sagot nya.

Sa bahay, kwentuhan na naman. At dahil pareho kaming galing sa byahe, pagod ang aming mga katawan,

"I-massage kita, tapos ako naman imasahe mo," sabi ko.

Pumayag sya.

Tuesday, April 21, 2009

Dolphin Island

Alas Singko pa lang ay gising na ako. Excited sa trip papuntang Dolphin Island. Eto ang bumungad sa akin.





Ang grupo swimming with the dolphins






Isa sa mga kasama ko, si AA, pinapakain ang dolphins




Ako, feeding the dolphin



Ako po ang kumuha ng sunrise photo. Yung ibang photo, si Mark Navales ang kumuha.

Friday, April 17, 2009

Pagod

Halos kalahating araw akong nagbyahe. Umalis ako ng Davao 11 pm ng Huebes, nakarating ako sa aking destinasyon ng pasado alas onse ng umaga kinabukasan. Mula Davao, anim na oras na bus ride papuntang Cagayan de Oro. At mula Agora Terminal sa Cagayan de Oro, lumipat sa Bulua Terminal para sumakay ng bus papuntang Iligan City, Sa Iligan, sumakay na naman ng bus papuntang Ozamiz City. Sa Kolambogan sa Lanao, isinakay ang bus sa isang barge papuntang Ozamiz. At mula Ozamiz, sakay pa rin ng bus, pumunta ako dito.






Pagpasok, akala ko puro fishpond ang pinuntahan ko. Hindi pala. Nasa gitna ng dagat ang resto. At ang cottages, nakatayo sa tubig. Maganda ang lugar. Nakaka-relax.




Bukas, balak kong tumawid sa Dolphin Island at makipag-swimming sa mga dolphins

Monday, April 13, 2009

Holy Week

Sa Tarragona kami nagHoly Week. Dito kasi na-assign si Father Meds, ang paborito kong pari. Isang kwarto sa resort ng mayor kami nagstay. Doon din kasi nakatira si Bagtak, administrator lang naman sya ng munisipyo.

Martes pa lang ang nasa Tarragona na ang mga bakla. Di pa gaanong "holy" ang week kaya may panahon pa para maglandi.

Pero nirespeto namin ang Good Friday at Sabado de Gloria.

Sa katunayan, may activity kami sa simbahan. Kami lang naman ang in-charge sa event na "Baptism of Fire." Sa tulong ni Soon, isang local boy, gumawa kami ng alambreng korteng ibon, binalot ito ng bulak, binasa ng ga-as, sinindihan at pina-slide sa isang mahabang alambre para sindihan ang isang bonfire. Bongga ang show, Namangha ang mga tao.


Noong Sabado din ng gabi, pagkatapos ng napakahabang misa ni Father Meds at wala ng tao sa parish compound, rumampa ang mga bakla para itago ang mga itlog na kanilang pinintahan para sa easter egg hunting event kinabukasan.

Sa salubong naman, si Fiona ang gumanap na angel. Ang bigat nya. Surrender ang mga humila sa lubid. At imbes na "Aleluya" ang kantahin, "On the Wings of Love" ang kinanta nya. Joke.

Halos isang linggo din kami sa Tarragona. Eto ang ilan sa mga photos.



Mawawala ba ang baraha? Ang mga bakla naglalaro ng "31" habang nagluluto ng hotcake. Sa tagal maluto dahil electric stove ang gamit, at tinatamaan pa ito ng hangin, nakatulog ang batang si Miko




Si Patricia, hinihintay ang kanyang Prince Eric na di pa maka-dock sa laki at lakas ng mga alon




Sina Fiona, Glydel, Patricia at Bagtak, kumakain gamit ang dahon ng saging.




Si Fiona at si Camille alias Bugay, ang tomboy na nagpapatakbo sa videokehan. Masipag at mabait




Si Soon. Local boy. Sabi niya, 18 years old na daw sya. May abilidad ang bata, Inumpisahan niya sa pagtatoo ng "hair blackening" sa braso ni Fiona. Maganda ang pagkagawa. Nagpabili ako sa kanya ng canvas, mga pintura at brush. Pinapinta ko sya ng napakalaking Buddha



Si Patricia




Si Fiona




Si Glydel at ang paborito nyang inumin




Sina Fiona, Glydel, Patricia at Soon



Si Soon, inuumpisahan ang pinapapinta ko sa kanya. Si Fiona, tinatanggal ang sumpa sa kanyang pagkababae-- bigote



Si Glydel at ang malaking bato



Hindi lang pala painter si Soon, isa rin syang dancer. Ewan kung magaling nga ba sya sa sayaw. Ipinakita nya sa amin ang kanyang paglipad sa ere.



Gusto ko si Soon. Balak ko syang gawing Babe in the Dagat