Sunday, December 23, 2007

Aw!

Inis ako kay Kulot, ang Sergio ng buhay ko.

Ayaw nya kasi ako, ang Marimar ng buhay niya, pasalihin sa gaganaping Miss Gay Pageant sa December 25.

"Kahit di ka na manood, ihatid mo lang ako," sabi ko.

Hindi sya umimik.

"Sige na," pilit ko.

"Hindi kita ihahatid dahil di ka naman sasali," sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na yata ang katawan mo," sabi niya.

Dedepensa pa sana ako na may mas malalaking katawan pa sa akin-- tulad nina Fiona, Red at Kirat -- pero dinugtungan niya kaagad ang kanyang linya.

"Nakalimutan mo na malaki ang tiyan mo," sabi niya.

Ako naman ang di umimik. At, tinuloy niya ang sermon.

"Kung sasali ka, doon ka sumali sa city," ang kanyang dugtong.

Whatever.


Tinanggap ko na lang ang pagbabawal sa akin ni Kulot. Di ko na lang muna ira-rationalize ang kanyang desisyon. Pero inggit pa rin ako sa mga bakla habang nagde-dress rehearsal.

Si Patricia, suot ang kanyang gown na gawa sa recycled ukay-ukay


Si Fiona naman ay sinuot ang kanyang costume para sa talent portion.

Belly dancing daw ang kanyang talent.

"Beer belly dancing?" tanong ni Kulot.

"Tse!" sagot ni Fiona.

"Ay Marimar dance na lang kaya gawin ko?" dugtong nya.

At dahil walang music, kinantahan sya ni Glydel.

"Marimar! Ako po si Marimar.
Nakatira sa tabing dagat
Simple lang at mahirap
Di nagkulang sa pangaral
Busog, busog, busog si Marimar!"

Aw!

Sunday, December 16, 2007

Divettes

May shooting kami dapat noong araw na yon. Kailangan kasi naming gumawa ng video para entry sa Papaya Dance. Sayang din daw ang cash prize. Ready na sina Fiona at Red. Pero biglang nagtext ang Patricia.

"Di ako pwede kasi may pinapagawa si Mama sa akin," ang text ni Patricia.

"Di pa nga sumisikat, nag-aastang diva na," tanging sabi ni Red.

At dahil sayang ang oras, nagbihis ang dalawang bakla. Photo-shoot na lang daw.



Eto sila.



Eto pa.



Di papagil ang Red.




Ayaw magpatalo ang Fiona, umeksena.



At sa taas ng talon ni Red, eto ang napala niya. Napasobra yata.





Super sakit daw ng kanyang balakang.




At sa inis dahil tuloy pa ring ang pagkuha ko ng photo, walk-out ang gaga.

Tuesday, December 11, 2007

Ella

Umulan ng luha noong magkita si Me-anne at si Kagawad N.

Para silang tanga. Walang nangyaring sigawan. Walang nangyaring sagutan. Nang magkita sila, nag-iyakan lang. Nagsorry si Me-anne. Tinanggap naman ito ni N.

Walang event.

Umulan din ang langit.

At si Red, kumakanta ng Umbrella.

Sabi niya: "You can stand under my umbrella."

Actually, eto ang ibig nyang sabihin-- "All of you can stand under my umbrella, ella, ella."

Saturday, December 8, 2007

Heartbreaking News

Fiona alias Jessica Soho, pasok!

Fiona: "Umaga pa lang ng Huebes ay naiserve na ang summon kay Me-anne para sya ay magpakita sa hearing na gaganapin bukas, Biernes. Ayon pa kay Me-anne handa raw syang harapin ang kaso. Eto po ang ang ating panayam sa kanya."


Me-anne: "Ready na ako."

Fiona: "Hindi ka ba natatakot?"

Me-anne: "Bakit ako matatakot? Si Julius ang pumunta sa bahay namin at nakipagkwentuhan. Joke lang naman yong sinabi ko pero sineryoso nya."


Fiona: "Iyon po ang maikling statement ni Me-anne. Back to you Mike."

Ako: "Potah ka Fiona, hindi ako si Mike!"

Katahimikan.


Red alias Doris B, pasok!

Red: "Nakausap din natin si Julius at eto ang kanyang sinabi."

Julius: "Anong joke? Seryoso yon. Siniraan niya si N. Sabi niya marumi daw sa katawan, mahilig lang daw maglinis ng mukha pero ang dumi daw sa katawan. Tapos, sabi pa niya kaya daw di niya mapaalis-alis ang kanyang kasambahay na lalaki e dahil ginagawa raw niya itong sex slave."

Red: "Totoo? Ano pa? Sabihin mo lahat."

Julius: "Wala na. Yun lang kasi umalis na ako kaagad."

Red: "A OK. Ano ba itong nababalitaan namin may relasyon daw kayo ni N?"

Julius: "No comment."

Red: "At iyon po, narinig nyo mismo sa napapabalitang lover ng nag-aakusa na sya mismo ang nakarinig sa umanoy paninirang puri na ginawa ni Me-anne. Back to you, Mike."

Ako: "Potah ka rin Red. Hindi ako si Mike."

Katahimikan uli.


Patricia alias Susan Enriquez, pasok!

Patricia: "Ano nga ba ang mangyayari sa hearing? May away bang magaganap? Aaminin kaya ni Me-anne ang kanyang ginawa? Hanggang saan hahantong ang kasong ito? Nakausap po natin ang isang sociologist at eto ang kanyang sabi."

Glydel: "Tumigil sila. Pare-pareho silang marurumi sa katawan!"

Patricia: "Pasensya na po, wrong video clip. Back to you Mike."

Ako: "Potah kayong lahat!"

Wednesday, December 5, 2007

Breaking News

Madalian lang ito.


Nagsampa na ng kaso sa barangay si Kagawad N laban kay Me-anne.

Ayon pa kay Kagawad N siniraan daw siya ni Me-anne. Ang kanyang witness ay si Julius, ang anak ng kapitbahay naming si Tita Bash. Ayon kay Julius, sabi ni Me-anne na "marumi sa katawan" ang kagawad.

"Sabi rin ni Me-anne na nakipagkantutan daw si N sa kanyang lalaking kasambahay," sabi ni Julius.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Me-anne ang naisampang kaso laban sa kanya.

"Sa Friday pa ise-serve ang summon," sabi ni Julius.


Si Kagawad N ay isang byuda. May relasyon sila ni Julius.

Sunday, December 2, 2007

Waiting Game

"Nagchange ako ng number. Ikaw ang una kong tinext. Ang bait mo kasi kaya na-inlove ako sa yo," eto ang ipinasa na text sa akin ni Red. Eto raw ang text message ng lalaki sa kanya.

"Totoo ang hula ni Madame Auring. Ikaw na lang ang hinihintay sa Bethlehem," reply ko sa bakla.

Tapos nagtext uli sya: "Date daw kami mamayang gabi. Overnite daw sa beach."

Di ko na sinagot. Busy ako sa kapapanood sa TV habang binabalita ang pag-walkout ni Trillanes at pagmartsa ni papuntang Manila Pen.

Walang pakialam ang mga bakla sa mga nangyayari sa Imperial Manila. Si Fiona, tuloy sa kanyang duty sa parlor. Si Red naman, may "home service" sa isang school sa kabilang town.

"Kailangan ko ng pera para sa date namin ngayon gabi," text niya sa akin.

Kami lang ni Kulot ang nasa bahay, nakatutok sa TV at sinusundan ang mga pangyayari.

At habang nanonood ng TV, napagusapan namin ni Kulot ang kase-celebrate lang na fiesta sa kapilya nila at ang pagod namin. Siya kasi ang presidente ng youth group doon. At bilang presidente, sya ang namahala sa mga activities tulad ng basketball tournament at pa-disco. At dahil siya ang presidente, ako ang first lady. At bilang first lady, papel ko naman ang mag-raise ng funds para sa mga activities. Sa lahat ng tumulong, salamat. Sa mga binigyan ng soliticitation letter pero di nagbigay kahit konti-- sana magkaanak kayo ng unggoy!

Nagdidilim na nang magtext uli si Red.

"Ano ipapakain ko sa guy? Bili ako ulam, dyan kami kain ha?" tanong nya.

"Bili ka na lang litsong manok dyan. Kami na sa rice," sagot ko.

"OK. Excited na ako. Umepekto ang Yam-Yam ko," text uli niya.

"Bwisit na Yam-Yam yan," reply ko.

Hindi na sya sumagot.

Sa kalagitnaan ng paglusob ng mga pulis sa Manila Pen, nagtext uli si Red.

"Wala pa sya. Wait ko daw sya dito sa terminal para sabay na kami dyan," sabi niya.

"OK," reply ko.

Isang oras na ang nakalipas. Malamig na ang sinaing namin.

"Boyshet na guy yan, niloko yata ako. Wala pa rin sya," text ni Red.

"Wait ka pa, baka nasiraan ng bus," reply ko.

Madilim na nang dumating si Fiona galing ng parlor.

"Antayin na natin si Red, sya ang may dala ng ulam. Meron daw syang ka-date na guy," sabi ko.

"A OK," tanging sagot ni Fiona na busy naman sa pagte-text habang papasok sa kwarto.

Isang oras pa nang dumating si Red. Dala-dala ang isang litsong manok. Mainit ang ulo.

"Inindyan ako," sabi niya.

"Sure ka? Baka naman may nangyari sa date mo?" sabi ko.

"Tulad ng?" tanong niya.

"Baka nahulog sa bangin ang bus," mabilis na sagot ni Kulot.

"He!" sagot ni Red sa pang-aasar ni Kulot.

"OO nga, baka naman may di magandang nangyari. Tinawagan mo ba?" tanong ko.

"OO, pero di naman sinasagot," sagot ni Red, kita sa mukha niya ang inis.

"Tawagan mo uli, baka naging busy lang," giit ko.

At tinawagan ng bakla. Naka-loudspeaker pa. Sinagot naman ang tawag.

"Hello!" sabi ni Red.

Walang sagot.

"Hello!" sabi uli ni Red.

Wala pa ring sagot.

"Hello! Saan ka na?" tanong ni Red.

"Nandito na ako," sagot ng nakangising Fiona, malalim ang boses, na nakatayo sa pintuan ng kwarto, sinasagot ang tawag ni Red.

"Pota ka!" tanging sigaw ni Red sabay bato sa hawak na listong manok.

Kasabay ng pagsurrender ni Trillanes ay ang simula ng maliit na gyera sa pagitan ni Fiona at Red.

Ang Kulot: masaya dahil litsong manok ang ulam.

Friday, November 23, 2007

Yam-Yam

"Puso ko ay para sa iyo lang," sabi ni Red.

"Puso mo at puso ko, sana ay magkaintindihan tayo," dugtong nya.

"Tapos, sasabihin mo 'Krus ni Hesus'." patapos niya.

Pero may pahabol pa sya.

"Dapat walang amen. Then, hipan mo ng tatlong beses ang guy," sabi niya.

Eto ang Yam-Yam ni Red para magayuma ang lalaki. Sure daw sya na mai-inlove ang sinomang lalaki na masabihan ng love spell na ito.

At ang suggestion ni Red ay gamitin ko ito kay Kulot.

"At bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"Kasi feeling ko may Yam-Yam din si Kulot sa yo kaya ganyan ka lang kabaliw sa kanya," sagot ng bakla.

"Hindi naman siguro gagawin yon ni Kulot," sabi ko.

"A basta. Ang importante ay matapatan mo ang Yam-Yam niya," sabi ni Red.

Kahit wala akong balak gamitin ang Yam-Yam, sinaulo ko pa rin.

At kanina, habang sakay ako sa bus papuntang City of Mati para ifollow-up ang solicitation namin para sa fiesta, ay nagamit ko ito.

There's this guy kasi. Cute. Nakatabi ko sa bus.

"Puso ko ay para sa yo lang. Puso mo at puso ko, sana ay makaintidihan tayo. Krus ni Hesus," ang nabulong ko sa sarili na tinapos ko ng tatlong ihip sa ulo niya.

Nag-antay ako ng konting sandali. Tumingin sya sa akin. Smile sya. Smile din ako. Tapos sabi nya: "Excue me."

Nakatingin lang ako sa kanya.

Akala ko ang karugtong ng "excuse me" ay "have we met?"

Hindi.

Tumayo sya. Walang karugtong ang "excuse me." Lumipat sya ng upuan.

Punyetang Yam-Yam yan.

Sunday, November 18, 2007

First Order

May umorder ng cake. Gusto niya pink na pink kasi girl daw ang magbi-birthday.

Ako ang nagbake. Si Kulot ang gumawa ng icing. Ako ang nagfinishing touches. Si Kulot ang gumawa ng box.


Eto ang kinalabasan.




Ibinenta namin ng P250.

Saturday, November 10, 2007

Let them eat cake!

Basic cake decorating ang lesson namin kanina.

At dahil di sya mahilig sa mga bulaklaking design sa kanyang cake, eto ang ginawa ni Kulot.



At dahil bakla ako, eto naman ang sa akin.

Thursday, November 8, 2007

Haaay Buhay

Depressed ako ngayon.

Nabasa ko kasi ito.

Sunday, November 4, 2007

Oh Yeah!

Dahil long weekend ang nangyari, nagsidatingan ang mga bakla sa bahay. Si Bagtak, ginawang working vacation at dinala ang kanyang laptop. Pero hindi sya nakapagtrabaho dahil ginawang DVD player ng mga bakla ang kanyang laptop. Nanood sila ng "Oh Yeah!"

Note: dahil medyo mababa ang bamboo table namin, ipinatong ni Bagtak ang laptop sa stryrofoam na ice chest.





Napagod sa kapapanood ng "Oh Yeah!", tinuruan sila ni Kulot ng poker. Left to Right: Kaye, Re-Re, Kirby, Fiona, Red at si Kulot. Standing: Bagtak.





Naadik sa poker ang mga bakla. Gabi na ay naglalaro pa rin. At nadagdagan pa ng players-- sina Patricia at Glydel.




Hating-gabi na nang matapos ang poker. Hating-gabi na nang umpisahan namin ni Kulot ang aming "Oh Yeah!"

Monday, October 29, 2007

Amigas

Itinag ako ni Mrs J. At dahil OK naman ang topic, ginawa ko.

Eto ang sampu sa mga kaibigan kong bayot sa bukid.




Sina Bagtak (left) at Rotchie (right).

Si Bagtak ang original na kaibigan ko. Sya ang nagdala sa akin sa bukid. Dati syang secretary ng dating mayor. Ngayon, municipal administrator na sya sa isang town dito sa aming probinsya.

Si Rotchie naman ang intellectual sa grupo. Dating youth leader. Magaling magsalita. Magaling magsulat. Manager sya sa isang planta ng coco coir (husk) dito sa amin.




Patricia. Estudyante. Pat-patin na bata. Mabait. May pagka-luka-luka ang bruha. Smart talker. Sa first and last time niyang sumali ng Miss Gay Pageant, first runner up ito. Pag-uwi sa bahay at habang nag-aalmusal, sinampal at sinabunutan ng kanyang Nanay dahil bakit sumali sa MG. Pag-alis ng Nanay, comment ng Tatay: "Sayang, dapat ikaw nanalo."




Kirby. Estudyante pa rin hanggang ngayon. Animated kung magkwento. Para kang nanonood ng TV. May kasaling sound effects ang pagkukwento. Minsan, inutusang bumili ng karne, tatlong oras na ay di pa nakakabalik. Pumunta pala sa kabilang town para mamili. Currently in semi-hiding ang bakla. May nagreklamo kasing nanay ng hinada niyang bagets.






Si Glydel (left) at Red.

Si Glydel ay obsessed sa beauty pageants. Halos lahat ng MG sa lugar namin at sa mga karatig bayan ay sinalihan niya. Di rin niya pinapalampas ang mga beauty contests na pinalabas sa TV. Isa syang municipal government worker. Naka-assign sa tourism office.

Si Red. Businesswoman daw. Nagpapa-utang ng mga gluta soap (na super hapdi sa mukha) at Oil of Olay. Suma-sideline din sa parlor ko. Tsismosa kung tsismosa. "Concerned lang ako," ang lagi niyang depensa sa tuwing may nasasagasaan sa kanyang mga tsismis.



Si Fiona. Beautician sa parlor ko. Kasalukuyang sa bahay ko nakatira. Mabait. Mabigat. Pero walang katapang-tapang sa katawan. Kapag may gulo, unang nawawala ang bakla. Tsismosa din.



Si Kaye. Valedictorian noong high school sya. Graduate ng BS Biology. Gusto sanang magproceed ng medicine pero nag-alinlangan at baka di kaya ng budget. Nagtrabaho bilang isang medrep. Katatanggap lang niya sa isang bagong high-paying job.




Si Me-anne. Dating beautician sa parlor ko. Wala kaming away. Di ko lang talaga type na maunang batiin sya matapos nyang umalis sa poder ko. Matagal din kaming di nagkita ng bakla. Missed ko na sya.




Si Erika. Isang nurse na nasa US na ngayon. Noong huling umuwi ang bakla, nagparebond sya ng buhok sa Philosophy Spa sa Davao City. Mahal ang bayad. Pero pangit ang pagkatrabaho. Sa katunayan, sinira ng Philosophy Spa ang buhok niya.

Thursday, October 25, 2007

Busy ako

Magiging busy ako ngayong Sabado.

May baking/cooking class ako buong umaga. Tapos may order pa ng cake yung isang kaklase namin kasi fiesta daw sa kanila.

Magbe-bake din si Kulot ng cake. Birthday kasi ng pamangkin niya at sya ang magdadala ng cake. Ngayon pa lang ay pinaplanuhan na nya ang design. Unang balak nya ay spiderman. Pero sabi ko baka di ma-appreciate ng bata-- two years old pa lang kasi.

Ang suggestion ko, bumili na lang kami ng mga mumurahing toy soldiers at gawin naming parang "ambush scene" ang cake. OK naman sa kanya.

Sa city na namin lulutuin ang mga cakes para hindi maipit sa panahon.

Pero uuwing mag-isa si Kulot. Bakit?

Dahil, a-attend ako ng First Mindanao Bloggers Summit.

Buong araw ang summit pero dadalo ako sa hapon.

Sa mga pupunta, magkita na lang tayo sa venue--- NCCC Mall sa Davao City.


1st Mindanao Bloggers Summit Sponsors:


Sunday, October 21, 2007

Flower pots

Dahil walang nagbibigay ng flowers sa kanya, naisipan ni Fiona na magtanim para sa kanyang sarili.

Ang problema: maliit lang ang lugar namin.

Ang solusyon: flower pots.

Kaya naman kahit di gaanong marunong gumawa ng patungan ng flower pots, sinubukan pa rin ng bakla.




(note: kay Fiona ang mga nakasampay ng undergarments)




Naawa si Kulot at tinulungan ang bakla.



At dahil nagtake-over na ang "Best in Masonry" awardee noong high school, tumabi na lang ang Fiona.

At nagpa-picture.

Thursday, October 18, 2007

Iced Water

Pinaghandaan ng mga bakla ang okasyon. Maagang nagsara ng parlor sina Fiona at Red. Si Glydel naman ay nag-undertime sa trabaho niya sa munisipyo. Fiesta kasi sa isang barangay sa bukid, at may disco.

Naligo ang mga bakla. Nilabatiba ang kanilang mga sarili. Sinuot ang kanilang mga “ukay-ukay” party outfits. Nag-make up. Wala pang alas siete, nakagayak na silang lahat.

Sakay sa isang pampasaherong motor (sina Fiona at Red sa likod ng driver, samantalang si Glydel sa harap at nakaupo sa gas tank), nakarating sila sa venue – isang di sementadong basketball court na binakuran ng pinagdugtong-dugtong na sako ng bigas. Pero kahit masasabing atrasado ang venue, boom-boom naman ang sounds, salamat sa Diores Sound System-- ang natatanging paupahang disco system sa aming bukid.

Pero hindi sayawan ang ipinunta ng mga bakla-- ang mga lalaki. Dito nila nalaman ang problema ni Gyldel.

“Day, nakalimutan kong magdala ng condom,” declare ng bakla.

“Ang tanga mo naman,” sagot ni Red.

“Pahingi naman,” sabi ni Glydel.

Dumukot ang Red sa kanyang bulsa at inabot ito kay Glydel.

Tuloy ang kasiyahan. Kanya-kanyang alisan ang mga bakla. Si Red, kasama ang isang batang lalaki, pumunta sa di kalayuang madilim na lugar. Si Fiona naman ay sa likod lang ng maliit na stage sa harap ng basketball court. Ang Glydel, lumayo pa at nakarating sa isang garden ng kamoteng kahoy.

Pagkatapos ng round one, nagkita sila uli sa isang tindahan.

“Day, pahingi pa condom,” sabi ni Glydel.

“Isa lang ang extra ko,” sagot ni Red.

“Ayoko ko nga, paano kung makarami ako ngayon? Ngayon pa na blooming ako,” naka-smile na sabi ni Fiona.

Walang nagawa ang Glydel. Nag-ala walkout ang drama. Pumunta ito sa pinangyarihan ng first round. Bumalik sa tindahan. Bumili ng iced water. Pero hindi ininom ang binili. Pinanghugas niya ito sa kanyang kamay.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Fiona.

“Recycle,” tanging sagot ng bakla, habang hinuhugasan ang nagamit na'ng condom.

Monday, October 15, 2007

Konam

Dumating si Red na may dalang inahing manok



Syempre, ulam ang tingin namin dito.
Tinanggalan ni Kulot ng balahibo ang leeg.



At sa tulong ni Red at Fiona, inumpisahan na ni Kulot ang operation.




Tumulong na rin si Kaye sa pagtanggal ng balahibo matapos itong paliguan ng mainit na tubig.




Inihanda ko naman ang malunggay at tanglad.



Eto ang resulta.




At eto ang kain na di mo mabibili sa kahit saang mamahaling restaurant, kasama si Kulot at mga kaibigan.

Friday, October 5, 2007

Isabel Granada

Gusto ni Patricia magkaroon ng Isabel Granada eyelashes.

"Lagyan natin ng extension," ang suggestion ni Fiona.

"Sige," ang masayang sagot ng bakla.





OK pa sa umpisa. Excited ang Patricia.




Pero kalaunan ay hindi na sya natutuwa. Super hapdi sa mata ang pandikit na glue.




Hindi na nya ipinagpatuloy pa. Hanggang isang pilikmata ni Isabel Granada lang ang kaya nya.

Thursday, October 4, 2007

Silent Night




Noong nakaraang sabado ay nabigay ako ng isang journalism writing seminar sa staff ng Atenews, ang campus paper ng Ateneo de Davao University. Maliban sa certificate of attendance at maliit na cash, nagbigay sila ng bamboo flute.

Pag-uwi ko ng bahay, praktis agad ang Kulot.

Mula noon, di na naging silent ang nights namin. Pabalik-balik ang mali-mali niyang pagtugtog ng Silent Night.

Pinagpasensyahan ko sya. Pinagbigyan ang hilig niya sa musika. Pinabayaan sa kanyang ambisyong matutong tumugtog ng flute.

Natigil na ang aming di gaanong silent nights.

Ngayon, marunong na rin syang tumugtog ng Leron Leron Sinta, Pamulinawen at Paper Roses.

Monday, October 1, 2007

Itigil ang Libing!

Biernes ng umaga ang libing ni Herman.

Ako, si Kulot at ang mga bakla sa aming bukid ay dumiretso na ng simbahan. At doon ko nakausap si Amay, ang lesbianang negosyante sa aming bukid.

"Dapat magtayo tayo ng grupo," sabi ni Amay.

"Meron na kami," sagot ko.

"Ano?" tanong niya.

"Santa Isabel Gay Association," sabi ko.

"Dapat kasali kami," suggestion ni Amay.

"Pwede rin," sabi ko.

"Pag-usapan natin yan one of these days," sabi niya.

Tumango ako. Pero sa isip ko may pag-aalinlangan ako. Ang SIGA, grupo ng mga bakla, ay magkakaroon ng mga miyembrong tomboy. Ang SIGA ay magiging SIGLA.

Dumating na ang mga labi ni Herman kasama ang isang batalyong bakla na nagmula pa sa iba't-ibang towns. Well-represented ang mga bakla. Sumama rin ang mga tomboy.

Wala naman gaanong nangyari sa simbahan-- the usual misa, nakakaiyak na kantahan, iyakan ng mga kamag-anak at mga malapit na kaibigan.

Ganon din sa sementeryo-- the usual init ng araw at iyakan.

At noong ibinababa na ang kabaong ni Herman -- the usual hagisan ng flowers.

Nagsiksikan ang mga bakla sa hukay. Kanya-kanyang eksena sa paghagis ng bulaklak.

Bigla na lang may sumigaw ng: "Itigil muna ang libing."

At napatigil nga ang lahat.

"Bakit daw? Anong nangyari?" tanong ni Fiona.

"I-check mo nga," utos ko kay Red.

Sinunod naman ito ni Red. Dali-dali itong pumunta malapit sa hukay.

Ilang saglit lang ay bumalik si Red.

"Ano raw?" tanong ko.

"Hay, ang isang bakla pinatigil sandali ang event," sagot ni Red.

"Bakit daw?" tanong ni Fiona.

"Kasi instead na flower, yung Spanish fan niya ang naihagis sa hukay," sagot ni Red.

Thursday, September 27, 2007

Para kay Herman

Mas kilala sya bilang disco girl. Lahat na yata ng disco sa neighboring towns at barangay ay napuntahan na nya. Sa katunayan, nakilala ko si Herman noong minsan ay dumayo sya sa disco sa aming bukid.

Arteng babae ang Herman. Maganda ang katawan nito. Makinis ang balat. Mahaba ang legs. Pero lahat ng bagay, kasali na doon si Herman, ay may pero.

Hindi sya kagandahan. Ayon sa mga bakla, may pagkakabayo ang kanyang mukha.

Pero pinanindigan pa rin nya ang kanyang pagiging girl. At kung naging girl man si Herman sa totoong buhay, magagalit ang mga femenista sa kanya.

Para sa kanya kasi, katangian ng isang tunay na babae ang tumahimik lang kahit inaapi.

Minsan, kahit lantaran ng binabastos sya ng mga boys, wala pa ring imik ang bakla.

Minsan naman, sinasaktan na sya ng isang hada, di pa rin lumaban ang bakla.

“Pa-girl kasi,” sabi ni Red.

“Kung sa akin ginawa yon, tiyak na rumble ang ending,” dugtong ni Fiona.

“Sa laki ba naman ng katawan mo, para ka ng isang buong gang,” mabilis na dugtong ko sa sinabi ni Fiona.

Ngunit kakaiba si Herman. Dibdiban sa kanya ang katagang “World Peace.” At, pinanindigan pa rin niya ang pagiging disco girl.

Last week, kasama ang ilang bakla, pumunta si Herman sa bayan ng Tarragona. Town fiesta noon at may disco.

Hatinggabi pa lang ay tapos na ang disco dahil sa pinapatupad na curfew. At pauwi na sa tinutuluyang bahay ng isang kaibigan nang tinawag ito ng tatlong kalalakihan.

“Gusto nyo?” tanong ng isa sa mga lalaki ka Herman at sa kasama nitong bakla-- si Ariel.

Sino ba naman ang hihindi?

Dinala ang mga bakla sa isang madilim na lugar malapit sa ginagawang bagong municipal hall. Ginawa nilang motel ang malalaking culverts na hindi pa naililibing sa nahukay ng drainage system.

Dalawang culverts ang pagitan nina Herman at Ariel sa isa't-isa. Tig-iisa sila ng lalaki. Ang natirang walang partner ay nagsilbing lookout.

Pero mga ilang minuto pa lang ay may narinig si Ariel.

“Huwag,” sabi ni Herman.

Hindi ito pinansin ni Ariel.

Tapos, narinig na naman niya si Herman.

“Aray!” sigaw ng bakla.

Kinabahan na ang bakla. Tumigil sa paghada sa partner niya.

Di nagtagal, sumigaw si Herman ng: “Takbo na bakla!”

Ginawa ito ni Ariel. Takbo sya papunta sa tinutuluyan nila. Hinanap ang mga kasamahang bakla. Dali-dali silang pumunta sa construction site.

Gamit ang ilaw sa isang lighter na may “laser light,” hinanap nila si Hernan.

Eto ang nakita nila: Si Hernan, duguan, may saksak sa dibdib.

Bukas ang libing ni Hernan.

Tuesday, September 25, 2007

The Power of Three

Sina Oyang, Facundo at Kandoy ay magkakapatid. Silang tatlo ay may kanya-kanyang “powers.”

Si Oyang ay kilala bilang manggagamot sa aming bukid. Kung may nararamdaman kang di maganda- mula kabag, naipit na ugat hanggang dislocated joints - sa kanya ang takbo mo. Siguradong magagamot ka ni Oyang. Ang problema, mangangamoy ga-as pagkatapos ng treatment.

Si Facundo naman ay kilala bilang manggagamot ispiritwal. Kung may naka-crush sayo na maligno at ayaw kang lubayan, sa kanya ang takbo mo. Kung biglang lumaki ang isang pisngi mo, malamang nasampal ka ng engaknto, Kung namaga ang iyong talampakan, malamang nakaapak ka ng duwende. Lahat ng iyan kayang lunasan ni Facundo.

Si Kandoy ay may kakaibang power. Kilala ito bilang pinakamalakas na lalaki sa aming bukid noong kabataan nito. Kwento ng mga matatanda, maging ng mga medyo bata-bata, ibang klaseng lakas daw meron itong si Kandoy. Dati raw, nakakabuhat ito ng troso. Minsan naman, at maraming nakakita nito, hinila nito ang isang jeep na naanod sa ilog.

Sikat ang magkakapatid mula noon hanggang ngayon. Ang masama nga lang, pumanaw na si Kandoy noong isang buwan. Ilang taon na rin itong bed-ridden matapos atakehin sa puso. At noong namatay sya, bumalik ang mga kwento-kwento tungkol sa magkapatid at sa mga kapangyarihan nila.

At naging usap-usapang rin ay kung kanino ipinamana ni Kandoy ang kanyang “dagun” o ang tinatawag na power.

Sabi kasi, naipapasa ito sa huling taong nasa tabi niya bago ito namatay.

Eto ang problema: Noong mamamatay na si Kandoy, hawak-hawak niya ang kamay ni Re-Re— ang baklang apo.

Pero deny ang bakla na sa kanya ipinasa ng Lolo Kandoy nya ang dagun.

“Wala nga e,” sabi niya.

“Ang sabi kasi kung hindi naipasa, idadaan na lang sa panaginip,” sabi ni Kulot.

“Nanaginip ka ba?” tanong ko.

“OO,” sagot ni Re-Re.

“Anong panaginip mo?” tanong ni Kulot.

“Nagrereklamo si Lolo,” sagot niya.

“Reklamo?” tanong ko.

“Na pangit daw make-up ko sa kanya. Bakla pa naman daw ako tapos di raw maganda pagkaayos ko sa kanya,” sagot ng bakla.

“Totoo naman e. Mukhang patay ang Lolo mo,” sabi ko.

“Patay nga no,” singit ni Kulot.

“Dapat kasi sa patay di mukhang patay. Dapat mukhang natutulog lang. Yung tipong di maputla ang dating,” depensa ko.

“E kung ganon, dapat siguro e nakatagilid si Lolo Kandoy sa kabaong para parang natutulog lang talaga,” nakangising sagot ni Kulot.

“Pwede ring nakatakip ang braso niya sa kanyang mga mata na para bang nasisilawan sya sa liwanag ng ilaw na nakapalibot sa kanya,” dugtong ko.

“Di naman pangit pagkaayos ko e. Mary Kay nga gamit ko na make-up e,” sabi ng bakla.

“Pangit nga. Sobrang putla,” sabi ko.

“Maputla nga pero di naman ganon kapangit,” di siguradong suporta ni Kulot.

Di nakaimik ang Re-Re.

Pero di na namin kinulit si Re-Re at baka bigla itong magalit at magwala. Baka bigla na lang kaming pagbubuhatin nito na parang mga troso tulad ng pagkakakilala sa lolo niyang si Kandoy.

Sa ngayon, tatanggapin namin ang salita ni Re-Re na di sa kanya ipinasa ni Kandoy ang dagun. At kung sa kanya man ipinasa ang dagun, wala akong dapat ikabahala.

Apo ni Oyang si Kulot.

Friday, September 21, 2007

Wala na si Chona

Kahapon ang huling araw ni Chona sa bukid namin.

Umaga pa lang mainit na ang ulo ni Me-anne.

“Wala sigurong pera,” intriga ni Red.

“Hindi a. Bagong bale yon sa parlor ni Inday,” depensa ni Fiona.

Si Inday “Vicky” Cubelo ang may-ari ng parlor na pinapasukan ni Me-anne matapos siyang umalis sa poder ko, pumunta ng city at bumalik wala pang isang buwan. Sa parlor ni Inday, mas maliit ang kita ni Me-anne dahil liban pa sa hati sila sa kita, hati rin sila sa customer. Sa parlor ko kasi, hati nga kami sa kita pero kanya lahat ng kliyente.

At dahil dito, mas maliit ang kinikita niya ngayon. Dati, libre syang tumira sa bahay ko. Ngayon, nangungupahan sya. Ngayon, nagbabayad sya ng kuryente at tubig. Di na rin libre ang kain nya.

Pero masaya si Me-anne nang umalis sya sa poder ko. Sya kanyang pag-alis, natupad ni Me-anne ang gusto nya.

“Di kasi sya reyna noong nandito pa sya,” sabi ni Red.

“Anong reyna?” tanong ko.

Para kay Red, at sa ibang bading na rin, kailangan daw ni Me-anne na ipakita sa tao na sya ang “reyna.” Na sya ang amo.

“Di ko naman sya ginawang alalay dito a,” depensa ko.

“Hindi nga, pero di ka rin naman nya ginawang alalay,” dugtong ni Fiona.

Doon pumasok ang usapin tungkol kay Me-anne at ang relasyon niya kay Melfor.

Tatlong taon na ang nakalipas mula nang umalis si Melfor, ang baby bayot na galing ng mas bukid pa sa bukid naming at nakumbinsing maging alalay ni Me-anne na noon ay meron pang sariling parlor.

Masipag ang Melfor. Maaga pa lang ay nagwawalis na ito ng parlor. Sya rin ang nagluluto ng almusal, tanghalian at hapunan nila ni Me-anne. Sya rin ang tumatakbo sa palengke para bumili ng merienda sa hapon.

Pero sabi nga, lahat ng tao ay may diperensya. At di exempted dito si Melfor.

Dahil baby bayot at bagong salta sa poblacion, mahilig si Melfor sa videoke. Para sa amin normal lang ito. Nanibago lang ang Melfor sa mga bagay na pinapaandar ng kuryente.

At di lang kanta ang ginagawa ni Melfor. To the tune of “Black is Black,” sinisingitan niya ito ng tumblings, cartwheels at splits. Dito nainis si Me-anne. Sumisikat si Melfor. Nasa kanya ang atensyon ng mga tao. Nagagawa ng “alalay” ang mga bagay na di magawa ng “amo.”

At sa inis ni Me-anne, kinalbo nya si Melfor. Ang baby bayot, lumayas. Ang huling balita namin ay nasa Panabo City na ito sa Davao del Norte. At may balita pa kami na isa na itong spinner sa “hubo-hubo” night club doon. At ang mas nakaka-eskandalo na balita – nakabuntis ito ng isang GRO at may anak na sila.

Ewan kung dapat ba kaming matuwa sa nangyari kay Melfor— ang kanyang pag-alis, pagiging spinner, at maging ang tsismis na may asawa’t anak na ito ngayon. Si Melfor lang ang makakasagot nito.

Pero sa kaso ni Chona, medyo sure kami na masaya ito na wala na sya sa poder ni Me-anne.

Matagal na itong nagrereklamo pero di makadesisyon na tuluyan ng umalis at bumalik ng city. Nag-offer na ako sa kanya na bigyan sya ng pamasahe pauwi pero ayaw niya. Minsan nga pwede syang maki-hitch sa ambulance na magdadala ng pasyente sa city pero di sya sumakay.

Hanggang sa nangyari ang nangyari kahapon.

Umaga. Nakahiga pa ang Me-anne. Ang Chona, tapos ng magluto ng almusal at bumalik sa paghiga.

“Yot, bangon na dyan,” sigaw ni Me-anne.

“Ha?” tanong ng bakla.

“Bangon na!” pasigaw pa rin.

“Una ka na kain, nakaluto na ako,” sabi ng bakla.

Bigla na lamang itong sinampal ni Me-anne. Ewan kung sampal ba na matatawag ang nangyari— buong palad, ang mga daliri nakabuka. – Mas matatawag pa na hampas ang ginawa ni Me-anne.

Iyak si Chona. Hinabol ito ni Me-anne. Takbo palabas ng bahay ang bakla. Iyak pa rin. Hanggang sa nakarating ng bahay namin.
At sa bahay nag-iiyak ang bakla, di alintana na kasabay ng agos ng luha niya ang pagkabura ng kanyang mumurahing make-up.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak, dumating ang isang bata na may dala-dalang plastic bag. Laman nito ang mga ukay-ukay na gamit ni Chona. Inabot din ng bagets ang dalawang daang piso, pamasahe raw ni Chona pauwi ng city.

Di na nagdalawang isip ang bakla, umalis ito- dala ang karanasan bilang “alalay” sa mundo ng pagiging “amo” ni Me-anne.

Tuesday, September 18, 2007

Alamat

"Noong unang panahon, may isang puno na ang bunga ay nakalalason," umpisa ni Kulot.

"Tapos?" tanong ko.

"Ilang tao na rin ang namatay sa pagkain ng prutas nito. Kaya mula noon, iniiwasan na ito ng mga tao," dugtong niya.

"Tapos?" tanong ko ulit.

"Isang araw, may dumating na diwata. Sabi ng diwata: 'Tinanggalan ko na ng lason ang prutas. Pwede niyo ng kainin yan,'" tuloy sa kwento ni Kulot.

"Tapos?" tanong ko na naman.

"Ayaw maniwala ng mga tao. Hanggang sa may isang batang babae na pumitas ng prutas at kinain ito. Hindi sya nalason," sabi ni Kulot.

Magtatanong pa sana ako pero dinugtungan niya agad ang kwento.

"Mula noon, hindi na nakakalason ang prutas. Mula noon ay tinawag itong lansones," sabi niya.

Naniwala ako sa kanya pero tinanong ko pa rin kung saan nya nakuha ang kwento.

"Sa Alamat ni Mama," sagot niya na may dugtong pang "Meron din alamat ng Chocolate Hills at Pinya."

Nagbalik na kami sa dati naming sitwasyon. Parang walang alitan, layasan na nangyari.

Totoo man o hindi ang version ng "Alamat" ni Kulot, sigurado akong matamis ang lansones na kinakain namin habang kinikwento nya ito.

Sunday, September 16, 2007

OK, Fine

Friday. Wala pa ring text. Gabi na at ito ang kinakanta ko.





Pero dumating ang Kulot noong mag-aalas-osto na. Kunwari patuloy ang drama ko at di gaanong masaya.

"Kumain ka na," sabi ko.

"Hindi pa," sabi niya.

"Hindi tanong yon," sabi ko.

Kumain sya. Ako naman, pumasok ng kwarto-- kunwari ready na matulog.

Mabilis lang ang kain nya. Tapos pumasok sya ng kwarto.

"Anong lulutuin ko bukas?" tanong niya.

"Ewan ko sa yo. Basta ako nakapamili na ng ingredients ko. Late ka na. Sarado na mga grocery stores sa ganitong oras," sagot ko.

Lumabas sya. Sinilip ang ref. Tiningnan ang mga lalagyan. Binuklat ang folder ng mga prinout recipes.

Bumalik sya sa kwarto. Binuksan ang drawer. Kumuha ng gamit. Naligo.

Ako, again, nagtulug-tulugan hanggang sa nakatulog.

Pagkagising kinabukasan, parang walang nangyari. Balik sa dating gawi.

Pero sa loob-loob ko, patas na kami. Bumawi ako sa baking class namin.

Dalawang loaves ng Whole Wheat Bread ang ginawa ko.

Siya, Spanish Bread lang.

Wednesday, September 12, 2007

May load pero...

Kinabukasan na sya nakapagtext uli.

"Sori, na-lowbat. Naiwan ko dyan ang charger. Nakasaksak pa nga hanggang ngayon ang cel," text niya.

"OK," tanging reply ko.

"Uwi ka ngayon?" tanong niya.

Matagal bago ako nakasagot.

"Hindi," maikling sagot ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Natutong kang umalis na walang paalam, matuto kang bumalik ng kusa," reply ko.

Wala na namang reply.

Tuesday, September 11, 2007

Walang Reply

Hindi natapos sa mahimbing na tulog ko ang alitan namin ni Kulot. Tinuloy-tuloy ko ito kinabukasan.

Kinaumagahan, as usual, una akong nagising-- ang ganda yata ng tulog ko at sure akong puyat ang isa dahil sa hilik ko. Nagpakulo ng tubig na tamang-tama lang isang tasa-- this time, talagang nananadya ako. Nagkape mag-isa. Nagyosi. Tumunganga.

At nang bumangon ang Kulot, nagpakulo din siya ng sarili niyang tubig. At sa aktong uupo na sa ng mesa, sya namang pagtayo ko at lakad pabalik ng kwarto.

Humiga ako. Nagtulog-tulugan hanggang sa nakatulog. Nagising na lang ako nang nagpriprito na sya ng isda para pananghalian.

Dumiresto ako ng banyo. Naligo. Nagbihis. Umalis.

Pumunta ako ng bahay ng Nanay ko para magbigay ng instructions -- tungkol sa mga gamot niya at diet. Mag-iisang oras na akong nasa bahay nang magtext ang Kulot.

"Una na akong umuwi. Galit ka sa akin at di mo naman ako kinikibo," text niya.

"OK," ang tanging sagot ko.

Nagtxt sya uli.

"Usap na lang tayo pag-uwi mo," sabi niya.

"Hindi na lang ako uuwi. Dito na lang muna ako sa amin. Aalagaan ko na lang nanay ko," reply ko.

"Kung tatawag ka at papagalitan ako, mamaya na lang kasi nakakahiya, nasa bus pa ako," text niya.

Hindi ako nagreply.

Pero ang Kulot, ayaw akong tigilan. Text pa rin sya.

"Sorry pero wala naman talaga akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko kagabi. Sinagot ko lang naman ang tanong mo, tapos nagalit ka bigla."

"Uminit ang ulo ko noong sinabi mong para kong sinasadyang humilik ng malakas," sagot ko sa kanya.

Sya naman ang di nagtext back.

"Tapos ngayon aalis ka na para bang kasalanan ko pa? Ngayon gusto mong maki-share ako sa kasalanan?" text ko sa kanya.

Walang reply.

"Insensitive ka kasi," dagdag text ko.

Wala pa ring reply.

Limang oras na ang nakalipas, walang reply.

Sunday, September 9, 2007

Hilik

Naospital ang Nanay ko. High Blood. Umabot ng 160/120 ang BP niya. Ang may sala-- nasobrahan ng kain ng durian.

Kaya naman napaaga ang pagpunta ko ng city-- imbes na Friday, dahil Sabado ang baking class namin, Wednesday pa lang ay bumyahe na ako kasama ang Kulot.

Ilang araw din akong na-busy sa pag-aasikaso kay Mama. Bantay sa ospital. Bili ng pagkain. Punta Philhealth. Tapos, takbo naman para kumustahin ang Kulot.

Kahit pagod, gumising pa rin ng maaga para sa Saturday baking class namin ni Kulot. At sa kalagitnaan ng pagmi-mix ko para gumawa ng choco chip cookies sa klase (easy lang ito kasi nga ilang beses na namin itong nagawa sa bahay), nagtext ang sister ko.

"OK na Mama, pwede na labas today," ang text nya.

Itinuloy ko ang paggawa ng cookies. OK naman ang kinalabasan. Pagkatapos ng klase, diresto ako ng ospital. Si Kulot, diretso sa tinutulayan naming bahay.

Gabi na nang magkita kami uli ni Kulot. Nanonood sya ng TV. Ako, pagod at diresto tulog.

Mga alas dos ng madaling araw nang mamalayan kong wala sa tabi ko si Kulot. Nasa labas ito at naninigarilyo.

"Hindi ka pa natutulog?" tanong ko.

"Hindi ako makatulog," sagot niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang lakas ng hilik mo," sagot niya.

Tumalikod ako. Bumalik ng kwarto. Nahiga.

Ilang minuto lang ay bumalik sya at nahiga.

"Ang lakas ng hilik mo. Binaba ko na ulo mo kanina para medyo humina pero binalik mo pa rin," sabi niya.

Tahimik pa rin ako.

"Para ka namang nananadya e," dugtong niya.

Dito uminit ang ulo ko.

"Pagod ako. Alam mong naospital si Mama. Wala akong tulog. Stressed ako. Plus, namublema pa ako sa ipambabayad sa ospital. Tapos, naandito ka pa. Umuuwi pa ako para i-check kung OK ka lang. Kung ang concern mo lang ang pagtulog mo at ang hilik ko, bahala ka sa buhay mo. Hindi kita poproblemahin. Di ko problema ang hirap mo sa pagtulog dahil sa lakas ng hilik ko," sabi ko.

Siya naman ang tumahimik.

"Sasabihin mo pang para akong nananadya. Ano naman ang makukuha ko kung gawin ko yon?" sabi ko.

Tahimik pa rin sya. Nag-antay ako ng salita mula sa kanya pero wala.

Hanggang sa nakatulog ako. Malamang, malakas pa rin ang hilik ko.

Monday, September 3, 2007

Yes!

Noong Sabado nag-umpisa ang baking class namin ni Kulot. Alas sais pa lang ng umaga ay gising na kami. Dapat sana ay hindi kami late dahil alas otso ang klase. Pero hindi, may ibang plano ang Kulot. Feeling siguro niya ay cake sya at kailangang maganda ang presentation.

Mga kalahating oras sya sa banyo. Sa umpisa, akala ko constipated sya, pero rinig ko ang pagbuhos nya ng tubig, ibig sabihin noon ay naliligo na sya. Pero ang tagal pa rin niya maligo. Alam ko na— gumagawa sya ng commercial ng shampoo at sabon.

Nang makalabas sya ng banyo, turn ko na naman para maligo. Ilang minuto lang ako kasi late na. Pero paglabas ko, di pa ready ang Kulot. Nasa harap pa rin ito ng salamin— inaayos ang kanyang buhok. Ang tagal. Pabalik-balik ang suklay.

Noong nakuntento sa ayos ng buhok nya, akala ko magsusuot na ng t-shirt, di pa pala. Ang hinayupak, ang Nivea body lotion ko ang pinagdiskitahan.

“Hoy!” sigaw ko.

“Dry ang skin, baka aircon ang room,” sabi niya.

“Ka-cheapan ang school natin, di aircon ang rooms don,” sabi ko.

“Baka lang,” sabi niya.

Pinabayaan ko sya. Pero may ginawa pa sya. Ginamit nya ang aking Oil of Olay.

“Hoy!” sigaw ko uli.

“Konti lang,” sabi nya.

“Anong konti lang?” tanong ko.

“Konti lang naman yan o,” sagot niya habang pinapakita ang Oil of Olay sa kanyang palad.

“Hindi ganyan ang paggamit niyan,” sabi ko.

“Paano pala?” tanong niya.

“Sa tips lang ng fingers nilalagay yan, hindi sa palad. Mahal yan kaya dapat tipid,” sabi ko.

“E di sa leeg ang sobra,” sabi niya.


Haaaaay.

Nang matapos na nya ang kanyang mga ritwal e quarter to eight na. Papalabas na kami ng gate nang sinabi nyang may nakalimutan sya, sabay balik sa bahay.

“Ano nakalimutan mo?” tanong ko pagbalik nya.

“Magpabango,” sagot niya habang nakangisi.


A ewan.

Nag-taxi kami papuntang school. Di kami late. Mas marami pa sa amin ang huling dumating. Fifteen lang kami sa klase. Tama si Kulot, aircon ang room namin. Pero sabi ng teacher, si Ms M, na sa aircon room daw muna kami tutal lecture pa lang naman ang gagawin niya. Next week, doon na daw kami sa katabing kitchen room— hindi aircon at mukhang super init.

OK lang ang first day of school namin. Wala gaanong hirap. Lecture lang naman. Puro lang theories and baking terms. Pero may problema kay Ms M na sa tingin ko ay magiging problema ko rin para kay Kulot. Baka kasi dahil teacher si Ms M ay iisipin na ni Kulot na tama lahat ng sasabihin nya.

“Alam ko namang mali sya,” nasabi ni Kulot sa akin pagkatapos ng klase namin.

Ano ba ang mga mali ni Ms M?

Marami. Eto ang ilan:

Ang pagbigkas nya ng Yeast ay Yest.

Ang Crust niya ay Crush.

Ang Wheat niya ay Wet.

At minsan ay nadudulas sya. Ang Flour nya ay Floor.

Monday, August 27, 2007

Estudyante Blues

Back to school kami ni Kulot. Dahil napahilig na rin lang kami sa pagbe-bake, nag-enrol kami sa cooking and baking class sa isang school sa city. Hindi sosyal ang school. Ang totoo, mura lang sya. P800 ang registration at P160 per session. Saturdays lang ang klase. Buong umaga. Twenty sessions.

Ang ibig sabihin nito, tuwing Friday ang babyahe kami papuntang city para mag-aral kinabukasan. May titirhan na kami para sa mga Friday sleepover.

Ang ibig sabihin nito, lalawak ang aking kaalaman sa pagluluto. O di ba?

Ang ibig sabihin din nito, mapapadalas ang posts tungkol sa mga cookies, cakes at iba pang lafang.

Start ang klase namin sa darating na sabado. Naghahanda na ang Kulot. Lagi na itong nagbabasa ng mga cookbooks. Tinatanong sa akin kung ano ang tamang pagbigkas at kahulugan ng nga cooking terms tulad ng stir, mix, fold, mash, sift at iba pa.

Ako, naghahanda na rin. Nagpagawa na ako ng floral na apron. Ching lang.

Sabi kasi sa school, kailangan daw magdala ng apron, hairnet, hand towel at dish towel. Nakabili na ako -- blue ang kay Kulot, green ang sa akin. His and Hers ang dating. Pati towels nagmatch sa mga apron namin. Pero ang hairnet, black lang talaga ang available na kulay. Balak kong magpagawa, gusto ko yung may kulay, o di kaya may silver dust para kakaiba sa buong klase.

Ngayong Sabado, balik eskwela kami.

Ngayong Sabado, ipapakilala sa mundo si Isabella.

Tuesday, August 21, 2007

Inggit

"Pinasakay ko lang sya," ang explanation ng nakangising Sharon Cuneta sa katauhan ni Patricia.

Ang Chona, nagsorry sa akin pero di pa rin binawi na type nya ang Kulot.

Ang Kulot, kulot pa rin ang buhok. Walang pakialam.

Ako, sa loob-loob ko, OK lang kesa sa nangyari noong nasa city pa kami ni Kulot.

Eto ang kwento.

Noong nag-aaral pa ang Kulot ng Criminology sa city (hanggang first year lang sya), nag-rent kami ng aming love nest - isang maliit na bahay sa loob ng isang malaking compound. Mura lang ang upa. Malapit sa office ko. Isang sakay lang din sa school niya. Ang pinakamaganda, mabait ang landlady at pamilya niya.

Biyuda na ang landlady. Dalawang anak na lang ang nakatira sa kanya. At dahil wala ng bata, nag-ampon ito ng batang lalaki-- si David. Mabait din naman ang bata. Pero may kawalanghiyaan din sya.

Minsan, nagkukwentuhan kami ng katulong ng landlady.

"Alam mo, inggit na inggit si David kay Kulot," sabi ni Katulong.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi swerte daw si Kulot," sagot ni Katulong.

"Swerte?" tanong ko.

"Kasi lagi daw niya kasama ang Daddy niya," sagot ni Katulong.

Sunday, August 19, 2007

Si Chona

Siya ang bagong salta na bakla dito sa aming bukid. Galing siya ng Davao City. Si Me-anne ang nagdala sa kanya dito.

Si Me-anne, sa mga bagong mambabasa ng blog na ito, ay ang dating beautician sa aking parlor. Dati? Kasi last month ay umalis si Me-anne. Bigla na lang nagbago ang timpla ng ulo ng bakla.

"Aalis ako," nasabi niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Bored na ako dito," tanging sagot ni Me-anne.

Di ko sya pinigilan. Alam ni Me-anne na itinayo ko ang parlor dahil sa kanya. Di ako marunong gumupit ng buhok. Wala akong alam sa mga make-up. At dahil sa bahay ko nakatira noon si Me-anne, naisipan kong magtayo ng parlor. Ang usapan namin, after two years pwede ko ng ibenta sa kanya ang parlor. OK naman sa kanya. Pero di umabot ng two years at nagpaalam sya na aalis. Di ko sya inaway. Di ko lang sya kinibo hanggang sa tuluyan na syang umalis. Di ko rin sya kinibo noong bumalik sya makalipas ang ilang linggo sa Davao City.

"Ano pala nangyari sa kanya sa city?" tanong ko.

"Pumalpak siguro," sagot ni Fiona.

Sa pag-alis ni Me-anne, si Fiona ang pumalit bilang beautician sa parlor. Si Fiona din ang pumalit sa kwarto ni Me-anne sa bahay.

"Hindi na sya pwedeng bumalik sa parlor," ang tanging deklarasyon ko.

"Ha?" tanong ni Fiona.

"Kasi unfair naman sa yo. Ikaw ang sumalo sa parlor noong umalis sya. Di pwedeng aalis ka dahil bumalik na sya," eksplika ko.

Alam kong makakarating ito kay Me-anne. Wala naman akong narinig na angal o ano man sa kanya. In fairness, tahimik lang din sya.

Pero sa pagbalik ni Me-anne sa aming lugar, dala-dala niya si Chona. Isang baguhang parloristang bakla. Ito ang kanyang alalay. Tagaluto, tagalaba at tagalinis sa maliit na inuupahang kwarto. Si Chona ay buong araw na naghihintay sa pagbabalik ni Me-anne mula sa isang parlor na kung saan sya ay isang part-time beautician.

Sa gabi lang gumagala si Chona, nakikibarkada sa mga bakla. At gabi-gabi rin niyang sinisiraan si Me-anne. Kesyo pangit daw ang ugali. Kesyo nauubos daw ang konting kinikita sa sugal. Kesyo di pa nababayaran ang renta sa kwarto. Kesyo mababa ang tingin sa kanya.

Eto lang ang sinabi ko kay Chona: "Kung ayaw mo, umalis ka. Pero habang nasa poder ka ni Me-anne, wag mo syang sisiraan sa amin. Hindi magandang ugali yan."

Tumahimik lang ang bakla. Pero di sya tumigil. Sumulat sya kay Kulot.

"Bakit mo naman sinulatan si Kulot?" tanong ko during the confrontation.

"Wala lang," sagot niya.

"Di mo alam?" tanong ko.

"Na ano?" tanong niya.

Mukhang di nga nya alam. Eto na yata ang epekto ng daily use of cheap make up.

"Ano pala akala mo sa aming dalawa?" tanong ko.

Tumingin sya kay Patricia.

"Sabi kasi ni Patricia, magkapatid daw kayo ni Kulot," sabi niya.

Di ko nagawang magalit.

Thursday, August 16, 2007

Ang Salarin

Hindi pala para sa akin ang love letter. Para pala ito kay Kulot. Syeeet!

Inalam ko kung kanino galing ang sulat. Ginamit ko ang aking natutunan noong ako ay isa pang angel ni Charlie.

At nalaman ko kung sino ang makapal ang mukhang letter sender. Si Chona.

Pinatawag ko si Chona for a confrontation na may kasamang sabunutan at sampalan. Pero di ito nangyari. Nang makita ko sya, natawa lang ako. Di ito ang tipo ng tao na dapat kong pagselosan. Dahil hindi ako sure kung tao nga sya.


Eto sya.



Chona with Patricia.

Monday, August 13, 2007

My Admirer

May dumating na sulat para sa akin. Dinala ng isang bata-- di ko kilala pero kilala ni Kulot.

Binuksan ko ito. Binasa. Feeling high school uli ako.





Tumawa lang ang Kulot.

"Sagutin mo," sabi nya.

"Nye, ayoko nga. Di ko nga kilala yan e," sagot ko.

"Ako na lang sasagot nyan," sabi niya.

Naghanap sya ng papel at ballpen. Pumunta sa mesa. Nag-isip konti. Nagsulat. Tumawa.


Eto ang sagot niya. Walang photo kasi pinadala nya kaagad sa "mailboy."



Hello!


I like you lang.

May kausap na ako. Hanap ka na lang ng iba.


It's me,

Lucky Me Instant Mami

Tuesday, August 7, 2007

Alinlangan

OO, nag-aalinlangan ako kung ano ba talaga itong nangyayari sa amin ni Kulot.

Nasanay na ako sa kanya. Nasanay na ako na walang public display of affection-- holding hands man o akbay.

Naalala ko nga minsan may bisita kaming bading at ang bagong boyfriend niya. Ang sweet-sweet nila. Nakasandal ang lalaki sa bakla habang nagte-text. Deadma lang ako. Pero noong oras na para matulog, katabi si Kulot sa kama, nasabi ko sa kanya.

"Ang sweet nila kanina," sabi ko.

"Tapos?" tanong nya.

"Bakit di tayo ganon?" patanong na sagot ko sa tanong niya.

"Matulog na nga tayo," tanging sagot niya.

Pero makulit ako.

"Bakit nga hindi tayo ganon?" pilit ko.

"Kasi di tayo bagay sa ganon. Ang tanda na natin para magpa-sweet. Hayaan mo na sila," sagot niya.

"Bakit, pambata lang ba ang pa-sweet?" tanong ko.

"Di nga tayo bagay sa ganon," sagot niya.

"Bakit nga?" tanong ko.

Tahimik sya. Mukhang di makasagot.

"Bakit nga?" tanong ko ulit.

"Dahil dyan," sabay bunot sa bigote ko.

Tumalikod na ako. Natulog.

Pero kinabukasan, nagshave ako.

"O ayan, nagshave na ako. Pwede na tayong magpasweet," sabi ko.

Tumawa lang sya. Kumunot ang noo ko.

"Loko ko lang yung kagabi," sabi niya.

"Di pwede no, nashave ko na," sabi ko.

Tapos, nagdialogue sya.

"Nasanay na tayo na wala yang pa-sweet-sweet na yan. Di naman yan ang importante. Tumagal tayo ng sobra five years na wala yan. Yung dalawa kagabi, ang sweet-sweet ngayon, tingnan lang natin kung aabot sila ng isang taon," sabi niya.

Time ko naman para matahimik. May punto sya.

Medyo assured na sana ako na di importante sa relasyon ang PDA. Pero kaninang umaga may nangyari.

Nakahiga kami, parehong tinatamad bumangon. Pataob ang higa niya. Nakaharap sa akin ang ulo niya. Ako naman, nakatagilid harap sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang kulot na buhok. Pinalakad ang mga daliri, pababa sa kanyang balikat at likod. Para akong treasure hunter na animoy sumusuri ng mapa sa likod niya. Ibinaba ko ang ang aking mga daliri, papunta sa kanyang bubble butt. Hinimas-himas ang kanyang bulaklaking briefs. Doon nagbalik ang aking pag-aalinlangan.

Nakapikit pa rin ang Kulot pero kita ko ang pinipigilan niyang tawa. Hindi sya nasasarapan. Bigla syang umutot.

Saturday, August 4, 2007

Sa Beach

Maaga pa lang ay pumunta na kami ng beach. Wala lang magawa. Mga dalawang oras lang kami don. Pero ang daming boys.



Eto ang isa



Eto pa




Marami sila



Malalandi pa



Di nagpatalo ang mga bakla.


Si Kaye




Sina Fiona at si Kaye

Wednesday, August 1, 2007

Patricia

Dumating si Patricia sa bahay. Makikiligo daw sya.

"Walang tubig sa inyo?" tanong ko.

"Meron," sagot niya.

"Bakit dito ko maliligo?" tanong ko uli.

"Di ako galing sa bahay," sagot niya.

"Saan ka pala galing?" tanong ko uli.

"Mamaya na pagkatapos ko ligo, ikukwento ko," tanging nasabi nya.

Hinayaan ko sya. Pagkalabas nya ng banyo, dali-dali itong pumunta sa kwarto ni Fiona, may hinanap -- ang mga gowns ng mga bakla.

Dahil di raw sya nakasali sa Miss Gay two weeks ako, ngayon daw sya magbibihis. At, kailangan daw may photo-op.

Eto ang unang bihis.




"Saan ka nga galing?" tanong ko uli.

"Sa dagat," sagot niya.




Dinala raw sya ni Dodong sa dagat. Sa mga nakabasa ng una kong blog-- si Dodong ang partner ni Kaye sa "Dugo, Dodong, Dugo" na post.

"Lasing na lasing ang Dodong," sabi ni bakla habang nagbibihis ng panibagong gown.





"Ang tagal labasan. Napagod ako," dugtong ng bakla.

"E anong ginawa mo?" tanong ko.





"Para matigil sya, nilagyan ko ng buhangin ang akin. Ayun, tumigil sya sa sakit. Hahaha!" sabi ni Patricia habang naka-pose with matching crown na parang winner.