Wednesday, September 30, 2009

Wala na sya

Masasabi kong malaya na ako.


Hindi na ako magdadalawang isip na pumunta sa lugar na malapit sa bahay nila.


Wala ng dadaan, hihinto at saglit na manonood habang naglalaro ako ng tennis.


Kahit saan pwede akong tumingin, di mag-iisip na baka naandon sya at isipin nyang sya ang tinitingnan ko.


Sa beach, lalo na kung may okasyon tulad ng Easter Sunday, Fiesta ni San Juan, Pasko o New Year's Day, alam kong wala sya. Di na kailangan ng advance party para seguraduhing cleared ang area.


Hindi na rin ako mag-aalanganing pumunta sa mga disco o ano mang program sa gym-- kung saan mas malapit sa bahay nila.


Opo, wala na si Kulot sa bukid. Umalis sya kahapon. Maghahanap daw ng trabaho. Sa Manila.


Opo, iniwan nya ang bilat-- na ang balita ay gumulong-gulong sa lupa sa pag-iyak. Iniwan pa rin nya.

Monday, September 14, 2009

What is beauty if...

Ilang beauty contest din ang ginanap sa aming bukid sa nakalipas na dalawang linggo. Beauty contest, hindi kasali ang utak.


Tulad na lang nitong Search for Miss Barangay contestant.


Given na nga ang questions-- as in the day before pa binigay sa kanila ang listahan ng tanong --di pa rin nakasagot.


Nasa gitna na sya ng stage. Nguni't ang emcee, nagkamali ng basa. Ito namang si candidate, todo smile, nakapamewang pa. Ilang segundo rin sa ganong pose.

At dahil ibang question ang binasa ng emcee, di alam ni candidate ang sagot.


Naka-smile, nagsalita ang candidate-- di gumagalaw ang bibig: "Number 2 ang question ko."


Tiningnan ni emcee ang listahan. Mali ang nabasa niya. Hinanap ang question number 2. Nagbasa.


Hindi pa rin makasagot si candidate. Mali na naman ang binasa ni emcee.


"Number two nga ang question ko," ang lumalabas sa naka-smile pero di gumagalaw na bibig ni candidate.


Si emcee uminit ang ulo. Pinulot ang listahan na nilalag sa sahig, sabay sabi: "Leche! Pagod na ako ha."


Sa ikatatlong attempt, doon pa nakuha ni emcee ang question number two para kay candidate. Di rin nya ito nasagot ng maayos.



Sumali din si Glydel sa Miss Gay Contest sa kabilang town.


Hindi sya nanalo. Di nga sya nakapasok sa Top Five. Paano ba naman e sa Festival Parade pa lang ay pumalpak na sya.


Nasa backstage pa lang ay set na ang mind nya na Kim Chiu ang kanyang dadalhing pangalan. At dahil sya si Kim Chiu, dapat Cebu City ang kanyang irerepresent na lugar.


At noong turn na nya para rumampa, confident ang bakla.


Si Red, na syang nag-assist sa kanya sa backstage, sumigaw ng "Panagbenga Festival ka!"


Sa gitna ng stage, nakadipa ang Glydel, akala mo si Evita Peron, at simugaw ng "Good Evening everyone. This is Kim Chiu. And I am proud to represent the Panagbenga Festival. Cebu Citeeee!"


Natigilan sya. Aatras na sana. Pero hindi. Bumalik sa mikropono. Nagsalita.


"Ay sorry, Baguio Citeeeee!"


Iyon ang first time na di nakapasok sa Top Five si Glydel.




Pero sa mga latest beauty contests na ginanap sa bukid, eto ang pinaka.


Kahit alam ng candidate sa Miss State College na di naman sya kagandahan, feeling pa rin may lamang sya sa mga kalaban nya.


Sa gitna ng stage, tumayo sya, lumingon sa mga co-candidates na nakalinya sa likod. Hinarap ang mga tao at sinabing: "And I believe in the saying that what is beauty if you are not a virgin."


Napatanga ang lahat.

Tuesday, September 8, 2009

Sushalan is dead

Imbitado ako sa isang pormalang event ngayon gabi. Hindi ako dadalo.


Tigil na muna sa sushalan.


Wala na muna'ng parties.


Pahinga muna ako sa pagiging social climber.


Kasi naman, ningatngat ng dagang bukid ang aking sapatos.



Wednesday, September 2, 2009

Para kay B(eans)

Lumaki sya sa Poland – kung saan kilala ang kanyang pamilya bilang angkan ng mga beauty queens. Ang nanay at mga tita nya ay nanalo, kinoronahan bilang pinakamagandang dilag ng kanilang panahon. At dahil namana ni B ang tangkad, tayo at ganda ng kanyang mga kalahi, at dahil ayaw rin nyang magpatalo sa mga bilat, sumali rin ito sa mga pagandahang paligsahan.


Si B ang nag-iisang beauty king sa kanilang pamilya.



“Matangkad kasi,” sabi ng isang manonood.



“Ang galing rumampa, parang model,” sabi naman ng isang manonood.


“Hindi, mautak talaga ang batang yan. Lamang sya sa Q and A,” pilit ng isa.


Maliban sa ganda, tangkad at tayo, may lamang si B— magaling itong sumagot.


Sino ba naman ang hindi bibilib sa kanya. Minsan, napakahirap ng tanong, sinabayan pa ng hangover na dulot ng magdamagang inuman, pero mabilis mag-isip si B.


Hawak ang mikropono. Nakatingin sa audience. Left to right. Balik sa center. Tiningnan ang table ng mga hurado. Sabay sabing: “Ladies and gentlemen. That’s a very beautiful question, keep it up.”


Palakpakan ang mga tao. Ang B, todo ang smile. Todo din ang pose. Parang inaanyayahan ang mga tao. Parang nagsasabing: “This is my body. Take this, all of you, and eat from it.”


Perfect. Yon nga ang sabi ng karamihan— perfect si B.

Mali sila. Kahit si B, aamining di sya perpektong tao. Hindi naman maselan si B. Kahit ano pwede sa kanya— pakain, gamit, damit. Iisa lang ang aayawan ni B— ano mang bagay na may kinalaman sa candy – wrapper man o ang candy mismo.



“Ayoko, salamat,” sagot nya sa mga taong nagtatanong kung gusto nya ng candy.



“No, thanks,” nakapikit na sagot ni B sa mga taong may hawak na candy.


Hindi pwede kay B ang mapalapit sa candy. Ang safe distance— isang metro. Pinapawisan ito kapag napapalapit sa isang street vendor. Kung bumibili naman ng kung ano man sa tindahan, nakatitig ito sa tindera, never sa mga paninda.


Sa paglalakad, umiiwas ito sa mga nakakalat na balat ng candy.


“Wag tayo dumaan dyan,” minsan nasabi nya sa kasama.


“Bakit?” tanong ng kasama.


“Basta lang. Ayoko dyan,” sagot ni B.


At umiwas sila. Napalayo pa nga. Umikot. Naglakad ng mas malayo. Ang dahilan— ayaw nyang dumaan malapit sa isang basurahan na nag-uumapaw sa candy wrappers.


Kahit sa pagtulog, ayaw ni B sa candy. Iiyak ang linggo kung hindi sya binabangungot.


Fade-in nightmare scene

Tanging mata lamang ni B ang makikita. Tila naka-focus ang camera sa kanyang mapupungay na mga mata. Dahan-dahan itong lalayo. Makikita ang kanyang ilong at noo. Tapos, ang namumulang labi. Ang namumulang pisngi. Hanggang ang buong mukha. Naka-smile sya. Sisilip ang kanyang buhok. Mahaba ito. Nakatirintas. Tipong Dorothy ng Wizard of Oz pero may touch of Little Red Riding Hood. Naka-headband din sya- kagaya ng kay Snow White.


Lalayo muli ang camera. Half-body ang shot. Checkered jumper over a white blouse ang suot nya. Ang tela, parang pipitsuging tablecloth.
Lalayo na naman ang camera. Makikita na naka-skirt sya. Alanganing mahaba. Alanganing maikli. Above the knee pero di naman mini. Nguni’t kahit maikli ang palda, di pa rin revealing. Naka-knee socks sya. Striped. At ang shoes—may bakas ng putik at alikabok. Para syang galing naglakad ng limang kilometro.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang smile ni B. Masayang araw ito. Dream scene ito.


Sa aktong ito, biglang lalayo sa frame si B. Hindi ang camera ang gumagalaw. Sya. Dito malalaman na nakasakay pala si B sa isang duyan— isang upuang kahoy na tinalian ng lubid na gawa sa abaca.

At habang papalapit-papalayo si B sakay ng duyan, makikita ang kapaligiran.
Si B, sakay sa duyang nakatali sa isang rainbow. Pero halatang di pulido ang pagkagawa ng rainbow— isang plywood na pinunturahan. Hindi ROYGBIV ang pagkasunod-sunod ng mga kulay.


Di bale na, binawi ang palpak na rainbow sa ibang aspeto ng production design.


May mga rabbit. May mga pekeng damo. May mga plastic na bulaklak. Meron ding mga butterflies na gawa sa wire at kinulayang stockings. May mga manok at itik. Meron pang gansa. May mga kulasisi (di kaya ng budget ang parrot). May mga maya’ng kinulayan ng food coloring (di kaya ng budget ang lovebirds).

At higit sa lahat, may mga duwende. Aktuali, mga unanong dinamitan para magmukhang duwende. Ang isa sa kanila, tagatulak ng duyan. May mga nagtatakbuhan, naghahabulan. Meron ding nagpo-pompyang.


Happy ang eksena. Si B, kumakanta ng Somewhere Over the Rainbow. Falsetto. Hanggang sa dumating ang Wicked Witch. Sa braso nito ay ang basket. Di apples ang laman. Candies.


Dito magigising si B. Mapapasigaw. Pawis na pawis. Iiyak. Hanggang makatulog uli. At babalik ang masamang panaginip.



Hindi naman laging ganito si B. Dati itong masayahing bata. Matakaw sa candy.


“Magbrush ka ng ngipin,” laging sabi ng Nanay nya tuwing ito’y nakikitang kumakain ng matamis na candy.


“Candy na naman?” laging tanong ng Tatay nya tuwing ito’y nanghihingi ng perang pambili.


Hindi madamot ang mga magulang ni B. Lagi itong may budget para sa anak. Ang bata naman, takbo sa tindhan. May pa-hop-hop pa.


At nang minsang papunta ito sa tindahan, nangyari ang di dapat mangyari.


“Halika, maraming candy sa bahay,” sabi ng ninong nyang si Jepoi.


“Totoo ka ninong?” tanong ni B na naka-apple green na shorts at pulang sando.


“OO. Binili ko lahat para sayo,” sagot ng Ninong Jepoi nya.


Sa bahay ng ninong nya, naging black and white ang lahat. Flashback kasi.


Magulo ang lahat. May mabilis. May slow-mo. May sa mukha lang ni B ang shot. Meron ding sa mukha ng Ninong Jepoi lang nya. Karamihan close-up. May ilang shots na kamay lang. Meron ding luha lang na tumutulo sa kanang mata ni B. Meron namang sa nakangising bibig ni Jepoi.

Lalayo ang camera. Medyo malabo ang shot. Pero kita pa rin na umiiyak si B habang nasa likod nya ang Ninong Jepoi. Nakayakap sa kanya. Gumagalaw ang katawan. Parang aso.

Lalapit uli ang camera. Sobrang lapit na ang makikita lang ay ang kamay ni Jepoi, hawak ang candy, isusubo ito sa bibig ng umiiyak na bata.


Bababa ang camera. Focus sa sahig. Black and white pa rin. Ang tanging may kulay lang sa frame ay ang ilang patak ng dugo at puti-asul na wrapper ng Snow Bear.





Fade out ang rape scene. Nagkakulay muli ang mundo. Ang eksena- Present Day. Search for Mr. Poland Contest.


Nasa backstage si B. Inaantay ang baklang may dala ng kanyang isusuot sa Fantasy Attire na opening number ng paligsahan.

Dumating ang bakla.


“Saan na ang costume?” tanong ni B.


“Naandyan sa paper bag,” sagot ng bakla, abala ito sa pag-apply ng foundation sa mukha ni B.


“Bilisan mo, mag-uumpisa na ang contest,” utos ni B.


“Malapit na,” siniguro ng bakla.


Natapos ang make-up. Lumabas ang ganda ni B. Malaki ang chance nyang maiuwi ang korona.
Handa na itong isuot ang Fantasy Attire.


“Bagay na bagay sa “Save the Earth” theme ang isusuot mo. Recycled. Pinaghirapan ko ito ha. Dapat manalo ka,” sabi ng bakla.


Nang makita ni B ang isusuot, bigla itong nawalan ng malay. Natumba.


Nagtaka ang bakla. Hawak-hawak ang costume. Magkapares na shorts at sandong gawa sa woven ala-banig na candy wrappers.



(Sa maniwala kayo't sa hindi, hindi po totoo ang kwentong ito)