Friday, November 27, 2009

Bazaar




Andaming oatmeal raisin cookies.


Dalawang linggo na ang dumaan nang sumali ako sa maagang Christmas Bazaar sa Woodridge Village sa city. Bumenta naman ang mga paninda ko. May mga bumalik pa para bumili pero naubusan sila.


Kaya eto ako, abala sa pagbe-bake. Mamayang alas singko ng hapon kasi ang opening ng bazaar sa Davao Convention Center. Magbebenta uli ako.


Aktuali, makikisingit lang ako sa isang kaibigang may stall-- nagbebenta sya ng mga sabon, shampoo, moisturizer, massage oils at iba pa-- ZEN ang name ng product.


Aktuali uli, yung kaibigan ko ay nakiki-share lang ng stall sa Garden Oasis yata yon. Ang mahal kasi ng renta para sa tatlong araw na display.


Sana bumenta ako. Malapit na kasi ang pasko. Kailangan kong makaipon ng pera para makapunta ng Cavite para dalawin si Ranger sa kanilang training.


Maawa na kayo. Bili na.

Friday, November 20, 2009

Happy Ending

Sa araw na ito, isang taon na kaming hiwalay ni Kulot. Hindi nagkatotoo ang mga prediction na magkakaroon ng balikan. Salamat naman. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Hindi dahil nawala ang sakit, nasanay na lang ako.


Bukas, ayon na rin sa Facebook profile ko, birthday ko. Mali. Bukas ay birthday ni Kulot.


Bukas din dapat ang opisyal na hiwalayan namin ni Kulot. Napaaga nga lang ng isang taon.


Totoo, naka-schedule para bukas ang hiwalayan namin.


"Wala na tayo pagtuntong mo ng 25," nasabi ko kay Kulot noong 19th birthday nya.


Nakaplano ito dahil alam kong di kami pwede sa forever.


"Darating ang panahon na gusto mo nang magkapamilya, magka-asawa, magka-anak," sabi ko sa kanya.


Straight si Kulot. At para sa akin, yon at yon ang kanyang hahanapin.


"Ako na mismo ang lalayo. Maghihiwalay tayo pagdating mo ng 25," giit ko.


Mula noon, nagka-countdown ako.


"Five years na lang," sabi ko noong 20th birthday nya.


At sa tuwing birthday nya, paikli nang paikli ang panahon namin. Kaya last year, nagplano akong itayo ang bakery.


"Pag 25 ka na at wala na tayo, ano mang negosyo meron tayo, ituloy pa rin natin. Kung nasa mood ako pagdating ng araw na yan, baka iregalo ko pa sayo ang negosyo," nasabi ko sa kanya.


Hindi ito nangyari. Hindi sya nakapag-antay ng isa pang taon. Hindi sya sumunod sa usapan. Hindi sya naniwala sa mga sinabi ko.


"Sa tingin mo, tutuparin nya ang sinabi nyang maghihiwalay kami pag 25 na ako?" tanong nya sa isang kaibigan sa gitna ng hiwalayan last year.


"Bakit di nya inantay? Kung di ko gagawin ayon sa pinangako ko, sumbatan nya ako," nasagot ko.


Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari.


Pinagiba ko ang bakery. Sinira nya ang aming Happy Ending.

Tuesday, November 17, 2009

Masaya na hindi

Masaya ako. Tumawag kasi si Ranger. Isang buwan ding wala kaming contact. Binawi kasi ang mga celphones nila habang nagti-training.


Malungkot ako. Naputol ang tawag nya dahil na-drain ang battery ng celphone ko.


Masaya ako dahil tumawag sya uli at siniguro kong naka-plug sa kuryente ang charger ko.


Masaya ako. Sinabi nya kasi "miss na kita."


Malungkot ako. Di ko nasabing "miss na rin kita."

Thursday, November 12, 2009

New Look

Salamat kay Jepoi Gamay para sa makeover.


Wednesday, November 4, 2009

Mongol 1

Tinigilan ko na si Baby Glen. May pagka-mongoloid sya.


Maliban sa akin, may relasyon din sya kay Mary Jane. Yung hinihithit. Kaya lagi na lang syang high.


OK lang sana sa akin si Mary Jane, organic naman sya. Pero ang epekto nya kay Baby Glen ang di ko gusto.


"Anong lulutuin mo bukas?" tanong nya sa akin.


"Kahahapunan lang natin, ulam bukas na ang iniisip mo," sagot ko.


"Luto ka cake," sabi nya.


"O ba. Lagyan ko pa ng candle para magblow ka," sabi ko.


Smile lang ang sinagot nya.


At habang kaharap ko ang laptop, nag-aantay na lumabas ang Facebook, ang bagal ng Smartbro dito sa amin, pinalakad ko ang aking mga daliri mula hita papasok sa kanyang shorts. Nasalat ko ang kanyang briefs. Pinilit pasukin ang kanya. Nahawakan ito.

Nakapikit sya. Dali-dali kong tinanggal ang aking kamay. At dali-dali ko rin itong pinaamoy sa kanya.


"Ano yan?" sabi nya sabay ubo.


"Gago, amoy yan ng titi mo," sagot ko.


Inamoy ko rin ang mga daliri ko. Wala namang amoy. Mongol lang talaga si Baby Glen.


Inulit ko ang ginawa. Dahan-dahang pinasok ang kamay sa shorts nya. Sya naman, emote, nakapikit. At noong nakapa ko na. Bigla ko itong pinitik. Napaaray sya. Tumawa ako.


"Ikaw pa lang ang nakapitik nyan," deklarasyon nya.


Mongol talaga.


Nag-galit-galitan sya.


"Di na lang ako pupunta dito bukas," sabi nya.


"OK lang," sagot ko.


Hindi sya umimik. Tinotodo ang drama.


"Tapos na ako sa ganyan. Di na ako maghahabol. Kung ayaw sa akin, ayoko rin," sabi ko.


Bigla syang tumayo. Umalis. Di na sya bumalik.


Kinabukasan, lumandi na ako sa iba. Si Baby Arnel. Bagong kapitbahay. 19 years old pero 4th year high school pa rin.


Kinagabihan, sa bahay naghapunan si Baby Arnel.


At habang naghahapunan kami, biglang dumating si Baby Glen.


"Saan na ang cake ko?" tanong nya.


Hindi ako umimik.


"Sabi mo gagawan mo ako ng cake. Sabi mo pa nga lalagyan mo ng candle," sabi nya.


Hindi pa rin ako umimik.


Sumabay sya sa hapunan. Pagkatapos, sumabay din sya sa inuman. At noong medyo tinamaan na, umuwi si Baby Glen.


Noong gabing yon, si Baby Arnel ang katabi ko sa pagtulog.