Nasa Eden Nature Park ako ngayon. At ang sumalubong sa amin (secret na lang kung sino ang kasama sa "amin") ay ang maniac na peacock at ang malanding partner nya.
Masasarap ang pagkain.
Malamig ang panahon.
Wala akong reklamo.
Saturday, February 20, 2010
Monday, February 15, 2010
Ayoko muna
Hindi ko pinatira sa bahay si City Babe.
"Sige na. Promise, magpapakabait ako, hindi ako magiging sakit sa ulo," sabi nya.
"Hindi nga pwede," sabi ko.
"Lilinisin ko lagi ang bahay mo. Aalagaan ko ang mga tanim," dagdag nya.
Hindi pa rin ako nakumbinse.
"Umuwi ka na lang sa inyo," tanging nasabi ko.
Hindi ko alam kung saan na sya ngayon.
Kaya kahapon mag-isa ako sa bahay. Walang date. Walang bisita. Nagsolong naghapunan ng fish sweet and sour, na feeling ko ay Chinese food para sa Chinese New Year.
Nagparamdam naman si Ranger. Nag-greet ng "Happy Valentine's Day." Di ako nagreply. Pinanindigan ko ang binitiwang "Tigilan nyo na ako" statement noon.
Ayoko na ng komplikasyon. Masaya na ako na hindi nakadepende sa iisang tao ang aking kasiyahan.
Maaga akong natulog kagabi. Pagkagising kaninang umaga, parang walang nangyari.
Naisip ko lang naman, ang Araw ng Puso ay nasa isip lang, nasa puso lang.

Subscribe to:
Posts (Atom)