Salamat kay Bulantoy, natupad ang gusto ni Manonhg Johnny para sa ating lahat - ang maging happy.
Ilang araw ding tumira sa bahay si Bulantoy. Di naman demanding. Kumakain kung ano man ihain.
At kung kami man ay lumabas para kumain, iisa lang ang magpapaligaya sa kanya -- burger.
Pagdating pa lang nya, sinundo ko sya sa van terminal sa Victoria Plaza. Diretso kami sa Basti's Brew at doon ay umorder sya ng burger. Masarap. Malaman. Makatas.
"May mas masarap pa dyan," sabi ko.
"Ano?" tanong nya.
"Ako," sagot ko.
Loko lang. Mas masarap ang Space Burger. At nang matikman nya ito kinabukasan, sumang-ayon sya.
Hindi lang kain ang ginawa namin. Marami pa.
Nanood kami ng Alice in Wonderland. Ang baon: burger mula Mcdo.
At sa ilang araw nyang nilagi sa city, gabi-gabi kaming lumabas. Trip nya kasi ang live band. Yung "alternative" daw. Napilitan akong pumasok sa maiingay na bars. Nag-enjoy naman ako. Lalo naman sya.
Pero tumigil din kami sa bahay. Dito naganap ang mga Oh Yeah moments. Masarap. Walang kasing sarap.
Kung si Mother Lily at may "Magic Kamison," ako naman ay may "Mahiwagang Shorts" na sinusuot ng mga lalaking napadaan sa buhay ko, tumikim sa pechay ko.
Hindi rin pwedeng di sya magpa-picture sa mala-alamat na green sofa.
Friday, March 26, 2010
Saturday, March 20, 2010
Panaginip
Sya ang bago kong kinalolokohan. Parang love na yata ito.
Tinanong sya ng isang bading kung saan at paano kami nagkakilala.
Ako ang sumagot ng: "Napanaginipan nya ako."
Paano ka nya natunton?
Sinagot ko rin ng: "Pati pangalan ng hotel napanaginipan nya."
Ilang araw lang kaming magkasama. Kulang pa.
Kanina, hinatid nya ako sa bus terminal
Sa aming pansamantalang paghihiwalay, napaiyak ako. Isang luha lang.

Thursday, March 4, 2010
Ice Candy
Sa basketball pa lang ay nagkainitan na sina Kirby at Re-Re. Ang venue: sa court sa likod ng bahay ni Kaye sa city.
Kala mo naman magagaling maglaro. Pa-shoot-shoot lang ay di naman maipasok ang bola.
Kanya-kanyang bintang na marumi maglaro ang isa. Pero ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang pumutok ang galit nila sa isa't-isa.
Sa gitna ng inuman, at madaling araw na ito, bigla na lang sinuntok ni Kirby si Re-Re. Tinamaan ito sa braso.
Ilang segundo ring sinakal ni Kirby si Re-Re, gamit ang isang kamay habang ready ang isang kamao para sa isa pang suntok.
Nanlaban ang Re-Re. Pinakawalan nya ang kanyang power kamao. Sa dibdib ni Kirby ito lumanding.
Rambulan ang nangyari. May suntok. May sakal. May kalmot. May sabunot.
At dahil hindi silent movie ang kaganapan, may sound effects-- sigawan ng mga bakla.
Pinigilan sila ni Red. Ayaw paawat. Sinigawan sila ni Kaye. At dahil siya ang may-ari ng bahay, tumigil ang dalawa.
Sinubukang ayusin ni Kaye ang dalawa.
"Kanina ka pa sa basketball, ang dumi mong maglaro," sabi ni Re-Re.
"Ikaw, matagal na," sagot ni Kirby.
Walang alam ang Re-Re.
"Ano'ng matagal na?" tanong nya.
"Matagal na akong galit sa yo," sagot ni Kirby.
Inosente talaga ang Re-Re. Di alam kung ano ang ikinagalit ni Kirby.
"Tsinismis mo ako sa Tagum (city) na meron akong ice candy," sabi ni Kirby.
Natawa si Red. Pinigil ni Kaye ang tawa. Nakakabulahaw sila sa mga kapitbahay. Si Re-Re, feeling inosente pa rin.
Masakit nga naman ang tsismis, kung totoo man ito. Ice Candy kasi ang tawag namin sa skin disease. Ice Candysis.
Pero ayaw paawat ang dalawang bakla. Nagbatuhan pa rin ng mga maaanghang na salita. Nagsigawan pa rin.
Bago pa man sumikat ang araw, nagdesisyon ang Kaye. Binigyan nya ng pamasahe ang dalawa bakla. Pinalayas nya ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)