Walang magawa, pumunta kami sa beach.
Tumagay ng Tanduay at naglublob sandali.
Sina Kirat at Fiona
Si Patricia
Nang pauwi, may call of nature.
Kung haharap sya sa dagat kita ng mga tao. Kaya eto na lang ginawa ni Fiona.
Saturday, November 20, 2010
Thursday, November 11, 2010
Tama na si Tatay
Dating OFW ang tatay ko- isa sya sa mga unang Pilipinong pumunta ng Saudi para mabuhay ang mga pamilya nila.
Kape namin Maxwell House. Sabon namin Dial at Dove. Shampoo namin ay Head and Shoulders. Nang mauso, Casio ang relo namin. Noong medyo nagka-edad na, Seiko 5. Laging may Toblerone at Kisses. Laging nasa uso ang mga sapatos. May betamax. May multiplex. May Minus One.
Para sa aming magkakapatid, iyon ang katas ng Saudi.
Noong magretiro ang tatay, pumalit sa kanya ang dalawa kong nakababatang kapatid. Sayang naman daw ang koneksyon nya. Pero di pa man umabot ng isang taon, bumalik na sa Pilipinas ang isa.
"Di ko kaya. Sobrang init kung tag-init. Sobrang ginaw naman kung tag-lamig," sabi ng kapatid ko.
Doon namin naisip kung anong hirap ang dinaanan ng Tatay sa mahigit na 20 years nya sa Saudi.
Hindi lang yon. Nag-sorry din sya sa Tatay. Hindi para sa nasayang na placement fee, kundi sa madalang na pagsagot nya sa mga sulat ni Tatay noong nasa Saudi pa ito.
"Ang hirap don," sabi nya.
"Maiiyak ka na lang bigla sa lungkot," dugtong pa nya.
Mabilis akong sumagot sa sulat ni Tatay noon, kahit na kalakip ng sulat ay ang sukat ng paa ko.
Nagpapadala din kami ng voice recording. Back to back ang blank cassette tape. Isang oras lahat. Kahit ano sasahihin mo, kahit walang kwenta.
Hanggang ngayon, nasa isang kahon pa rin ang mga tapes. Nasa isang sulok ng kwarto ni Tatay.
Nang matapos ang dalawang taong kontrata ng isa ko pang kapatid, umuwi sya. Hindi na bumalik.
Ganon din ang sabi nya-- na mahirap ang buhay doon.
"Mas mahirap kapag nagkasakit ka, kahit lagnat lang. Maaalala mo pamilya mo. Doon, walang mag-aalaga sa yo. Walang magbabantay kung bumaba na ba ang lagnat mo. Walang magluluto ng Arroz Caldo. Walang magtatanong kung gusto mo ba ng Royal True Orange at Soda Crackers," sabi nya.
Mula non, wala ng nagtangka pang mag-OFW sa pamilya namin. Tama na ang dalawa kong kapatid. Tama na si Tatay.
Thursday, November 4, 2010
Friends
Walang "Oh Yeah" moment na nangyari. Ayoko.
Hating-gabi na nang matapos syang maglaro sa wii. Ako, nasa kwarto na. Kumatok sya.
"Bakit?" ang tanong ko.
"Dyan ako matutulog," sagot nya.
Binuksan ko sya.
"Pwede ako maghubad ng shirt matulog," tanong nya.
"Bahala ka," sagot ko.
Humiga sya. May espasyo sa gitna namin. Para sa guardian angel ko.
Umusog sya papalapit sa akin. Steady lang ako.
Dinantayan nya ako. Yumakap. Steady pa rin ako.
Hanggang sa makatulog ako. Ewan ko kung ganon rin sya.
Kinabukasan nauna akong umalis sa kanya. Sa isip ko mas maigi na ang ganito- magkaibigan.
Sa katunayan, kinonfirm nya ang friend request ko sa facebook.
Friends na kami.
Hating-gabi na nang matapos syang maglaro sa wii. Ako, nasa kwarto na. Kumatok sya.
"Bakit?" ang tanong ko.
"Dyan ako matutulog," sagot nya.
Binuksan ko sya.
"Pwede ako maghubad ng shirt matulog," tanong nya.
"Bahala ka," sagot ko.
Humiga sya. May espasyo sa gitna namin. Para sa guardian angel ko.
Umusog sya papalapit sa akin. Steady lang ako.
Dinantayan nya ako. Yumakap. Steady pa rin ako.
Hanggang sa makatulog ako. Ewan ko kung ganon rin sya.
Kinabukasan nauna akong umalis sa kanya. Sa isip ko mas maigi na ang ganito- magkaibigan.
Sa katunayan, kinonfirm nya ang friend request ko sa facebook.
Friends na kami.
Subscribe to:
Posts (Atom)