Noong Martes, nagsponsor si Amay, ang negosyanteng lesbiana sa bukid namin, ng Ms Gay Boa. Sa resto bar nya idinaos ang pageant.
Eto ang stage. Si Amay ang nagdesign. Machong-macho ang concept.
Parade of Nations (na hindi match sa kanilang outfit)
Ms Peru (Juliana Palermo0
Ms Japan (Zsah-Zsah Padilla)
Ms Egypt (Angel Locsin)
Ms Venezuela (Korina Sanchez)
Ms Trinidad and Tobago (Jessica Soho)
Casual Wear
Swimsuit Competition
Evening Gown Competition with a twist
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Rampa
Tagay
Talent ni Zha-Zha: Lipsynch na may custom-made mic
(Sa talent lang nya ako nagka-interest)
Intermission number: Mayor's daughter with friends
Ang mga nanalo: Jessica (2nd) Zha-Zha (Reyna) at Korina (1st)
P.S.
Ako po ang nagturn over ng crown
Happy New Year!
Thursday, December 30, 2010
Sunday, December 26, 2010
Monday, December 20, 2010
Ang Pagbabalik
Medyo matagal ko ring inilihim ito.
Noong November 21, nagtext ako kay Kulot ng "Happy Birthday!"
Sumagot naman sya ng "Salamat."
Yon lang dapat. Pero nagtext sya ng "Musta na?"
"OK lang," ang sagot ko.
Tinanong ko rin sya ng "Ikaw?"
"OK lang din," ang sagot nya.
Di ko na pinahaba pa ang palitan namin ng mensahe. Sabi nga ni Goddess, tama lang yon "at baka mapunta ang greeting sa candle blowing."
Dalawang linggo ang lumipas, at sa kalagitnaan ng pakikipaglandian ko sa isang bagets sa tabing dagat, nagtext uli si Kulot.
"Musta na?" tanong nya.
Di ko naman pwedeng sagutin sya ng "nanghahada ako ngayon, bukas ka na magtext" kaya sinagot ko sya ng "OK pa rin."
"Hindi ka na nga galit sa akin?" tanong nya.
"Hindi na. Matagal na yon. Sorry pala sa lahat ha," sagot ko.
"OK lang yon. Sa mga panahong yon, naintindihan kita," sagot niya.
Naitanong ko sa kanya kung uuwi ba sya ngayong pasko.
"Baka," sagot nya.
Tinanong ko sya kung bakit baka lang.
"Baka kulangin naipon ko," sagot nya.
"Pamasahe, pasalubong," dugtong nya.
At gaya ng dati, nagbigay ako ng suggestions.
"Mag Philtranco ka na lang. Mura pa. At sa pasalubong, unahin mo ang mga pamangkin mo," sabi ko.
"Sa mga bata, madali lang. Laruan lang masaya na sila," sagot nya.
"Two years kang nawala, malalaki na kaya sila," sagot ko.
"Ay oo nga pala. Bahala na," sabi nya.
"Tapos kailangan mo pa ng pasalubong sa girlfriend mo," sabi ko.
"Di na kailangan," sagot nya.
Naiirita na ang bagets. Ang liwanag kasi ng ilaw sa celphone ko. Istorbo daw.
"May asawa ka na?" tanong ko kay Kulot.
"Wala pa a," sagot nya.
"Pero maraming GF?" tanong ko uli.
"Isa lang," sagot niya.
Focus muna ako sa bagets, pero ayaw tumigil sa pagtext si Kulot.
"Ikaw, sino boyfriend mo ngayon?" tanong nya.
"Dalawa sila. Isang taga Mati, isang taga city," sagot ko.
"So sa Mati ka na tumatambay ngayon?" tanong nya.
"Hindi, sya ang pumupunta sa bukid," sagot ko.
"E yung sa city, sa bahay mo nakatira?" tanong niya.
"Hindi pa. Baka next year. Naniniguro lang ako," sagot ko.
"A OK. Dapat sure ka talaga," text niya.
Nawawalan na ng gana ang bagets. Nawawala ako sa focus.
Kailangan kong mamili: si bagets na nasa harap ko o pakikipagtext kay Kulot ng aking kahapon?
Pinatay ko ang celphone. Ang importante ay ang ngayon.

Tuesday, December 7, 2010
Walang kati sa Tawi-tawi
Nasa Manila ako noong isang linggo.
Di kami nagkita ni Kane, nasa Quezon City sya, nasa Makati ako. Late na para magkita kami kasi palipad na rin ako kinabukasan. Alas kwatro ng umaga ang flight ko papuntang Zamboanga.
Isang araw din akong tumigil sa Zamboaga bago sumakay uli ng eroplano
Ang aking destinasyon
White sand beach o
Grabe, ang daming sumalubong sa akin sa airport ng Bongao. Muntik na akong maiyak sa tuwa
Hindi pala ako ang sinalubong nila
Mga galing Hajj sa Mecca
Pumunta sa bagong mall-- opo, mall ang tawag nila dito
Umakyat ng provincial capitol. Malabo pa rin ang eksena dahil sa ulan
Kahit ang Bongao Peak malabo
Maulan pa rin
Huli na ang lahat nang tumila ang ulan

Subscribe to:
Posts (Atom)