Tuesday, 26 June 2007

Sister DJ

Siya si Sister DJ. Malamig ang tinig. Maamo ang dating. Pang-radyo.

At dito sa probinsya namin, iisa lang ang radio station noon. Ito ang dx____. At ang may pakana— ang Obispo. Gamit ang pera ng simbahan mula sa nakokolekta ng supot ni Hudas na umiikot tuwing offertory kapag may misa, ipinatayo ng Obispo ang radio station.

At dahil simbahan ang financier, dapat taga simbahan din ang mga announcer— mga pari at madre.

Pero ang pinakasikat noong bago pa lang ang station ay si Sister DJ.

Magimik din ang madre, gumawa ng sariling jingle para sa kanyang programa. Sya rin ang kumanta sa jingle nyang: “Sister DJ can I make a request? Pwede ba yung love song ko?”

Tapos papasok si Sister DJ sa kanyang usual intro sa programa na binubuo ng mga pop songs at “salita ng Diyos” in between.

Minsan, matapos basahin ang isang verse sa Bible, sabi ni Sister DJ: “At yon ang salita ng Diyos,” sabay fade in ang isang instrumental song na para bang soundtrack mula langit. Ilang segundo lang ay fade out ang instrumental song at fade in naman ang pop song:

Tangnananangnanangnang. Tangnananangnanangnang. (Ang gara ng bass ng song)

Ice, Ice Baby
Ice, Ice Baby
All right stop, collaborate and listen
Ice is back with my brand new invention…


Nakakabaliw si Sister.



Minsan din, ininterbyu nya ang isang lalaki.

Sister DJ: “Ano po ang sadya natin?”

Lalaki: “Mananawagan lang po.”

Sister DJ: “O sige po, manawagan na po kayo.”

Lalaki: “Bago ang lahat, gusto ko pong sabihin na ang ganda pala dito sa dx____. Ang lamig ng aircon. Pero sister, bakit gawa sa tray ng itlog ang kwarto?”

Sister DJ: “Pang-sound proofing po yan. Para po di lumabas o makapasok ang ingay.”

Lalaki: “Ganon ba?”

Sister DJ: “Sige po. Iinterbyuhin ko na lang kayo. Kanino po kayo nananawagan?”

Lalaki: “Sa misis ko po.”

Sister DJ: “Ano po ang problema?”

Lalaki: “Pwede po wag na lang iparadyo ang dahilan?”

Sister DJ: “Bakit po?”

Lalaki: “Sensitibo po.”

Tapos, may ibinulong ng lalaki kay Sister DJ. Tumango ang madre.

Sister DJ: “O sige po, manawagan na kayo.”

Lalaki: “Nanawagan ako sa misis ko. Day, punta ka dito sa ________. May problema. Dito ko na lang sasabihin sa yo. Punta ka kaagad dito.”

Sister DJ: “Tapos na po?”

Lalaki: “Opo.”

Sister DJ: “Yon po si Mr. ________, nanawagan siya sa kanyang misis. Inuulit ko, Misis punta agad kayo sa _________ dahil na-RAPE po ang inyong anak…”

Ewan ko na lang kay sister.



Minsan naman, nag-time check siya.

Mala-anghel na boses: “Ang oras, alas nueve.”

At nagpatugtog ng:

I've been alone with you inside my mind
And in my dreams I've kissed your lips a thousand times
I sometimes see you pass outside my door
Hello, is it me you're…
Nyeeeeek

Akala ng mga nakikinig sira ang plaka. Pero hindi, sadyang pinahinto ang tugtog at sa pagmamadali ni Sister DJ, hinatak nya ang pin ng record player.

Mala-anghel pa rin ang boses: “Sorry, alas dies na pala.”



OO nga pala, umalis na si Sister DJ sa pagkamadre. Di sya naging full-time DJ. Nabuntis sya ng isang pari.

16 comments:

empress maruja said...

Mare, tawa ako nang tawa kay Sister...karakter...

atesienna said...

bakla, na-miss kita!

nag-lungkot-lungkutan ako, ni, nung nag-babay ka. mabuti naman at bumalik ka na! naisip ko, who's gonna clean the toilet??? who's gonna clean the oven??? davah?

kaya wag ka nang umalis. at kung aalis ka man, mag-save ka ng archives mo, lola... kakahinayang talaga ang nawala mong entries.

jun of zerogravity said...

Parang may personal kang galit kay sister.

:p

aryo said...

Owws? Binobola mo na yata kami e. He he. Natawa na naman ako. Dapat talaga pagkakitaan mo na tong talent mo. Gawa ka na rin ng radio program.

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

empress at jun, friends kami ni sister DJ. bruha sa totoong buhay. nang tinanong ko sya kung bakit sya lumabas matapos ang ilang taong pagkamadre, sinagot niya ako ng: "e di naman tinuro sa kumbento na masarap pala ang sex."


atesienna, welcome back din. i-link kita uli

aryo, walang halong bola yan no. sana nga kumita ako sa pagsusulat. di naman siguro talent ito, sadyang wala lang akong magawa. hehehe

aries said...

avah, mahilig din pala mag DJ si sister ng ibang "microphone"!?

anton said...

bakla! ang galing mong magsulat! nakakaloka si sister dj. pigil na pigil ako sa pagtawa dahil nasa opinisina ako ngayon. lech. baka ma-utot ako nito. ay! ang sagwa!

sayang at di ko na mababasa ang iba mong entries. eniweyz, bagong blog na bibisitahin ko.

anton

Dabawenya Jud! said...

ang pinsan ko, dating madre, lumabas ng kumbento. nainlab sa tomboy. oh my, sana di masyadong mahilig magbasa ng blog ang mga kababayan natin sa bukid, sister. :-) may kilala rin kasi akong nadyontis ng pari eh.

jc.guiyab said...

sana si sister dj ang makaharap ni dj mo pag wednesday para sa forty forbidden questions. ahahahaha

let's see kung sino astig...

pero sayang si sister dj na preggy sya

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

anton, thanks

dabawenya, mukhang dalawang madre (also known as bishop's angels) ang umalis sa pagkamadre. baka isa na doon ang pinsan mo

jc, busy si sister dj ngayon sa kanyang mga anak

kiks said...

hahahahahaha, ang galing ni sister dj! karakter na binuhay mula sa masiglang pagkukwento mo, ate.

mahal ko na sya. si sister dj. gwapo daw ba, malaki at mahusay ang paring jumekjek sa kanya?

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

kiks, aktuali, kabatch ng isang bakla dito ang pari. sumusumpa ang bakla-- sure daw syang "bigtime" ang pari.

big_berto said...

Bwa ha ha ha ha ha! Hik hik hik hik! Hindi sila pupunta sa langit dahil natikman na nila ang langit! Ngyek ngyek ngyek ngyek!

goddess said...

nakakaloka si sister..
ndi pwede magkeep ng secret!!
"ni-RAPE po ang anak ninyo!"
mapapamura ka talaga!!

br0wn_c0w said...

Nakakaloka si Sister DJ wahahahahah!!! May picture ba siya?! Gusto ko siyang maging friend hahaha!

emar ni! said...

kabalo ko unsa na istasyon na kanang dx____. taga dira pud ko sa inyo! hahahaha!