Monday, 1 October 2007

Itigil ang Libing!

Biernes ng umaga ang libing ni Herman.

Ako, si Kulot at ang mga bakla sa aming bukid ay dumiretso na ng simbahan. At doon ko nakausap si Amay, ang lesbianang negosyante sa aming bukid.

"Dapat magtayo tayo ng grupo," sabi ni Amay.

"Meron na kami," sagot ko.

"Ano?" tanong niya.

"Santa Isabel Gay Association," sabi ko.

"Dapat kasali kami," suggestion ni Amay.

"Pwede rin," sabi ko.

"Pag-usapan natin yan one of these days," sabi niya.

Tumango ako. Pero sa isip ko may pag-aalinlangan ako. Ang SIGA, grupo ng mga bakla, ay magkakaroon ng mga miyembrong tomboy. Ang SIGA ay magiging SIGLA.

Dumating na ang mga labi ni Herman kasama ang isang batalyong bakla na nagmula pa sa iba't-ibang towns. Well-represented ang mga bakla. Sumama rin ang mga tomboy.

Wala naman gaanong nangyari sa simbahan-- the usual misa, nakakaiyak na kantahan, iyakan ng mga kamag-anak at mga malapit na kaibigan.

Ganon din sa sementeryo-- the usual init ng araw at iyakan.

At noong ibinababa na ang kabaong ni Herman -- the usual hagisan ng flowers.

Nagsiksikan ang mga bakla sa hukay. Kanya-kanyang eksena sa paghagis ng bulaklak.

Bigla na lang may sumigaw ng: "Itigil muna ang libing."

At napatigil nga ang lahat.

"Bakit daw? Anong nangyari?" tanong ni Fiona.

"I-check mo nga," utos ko kay Red.

Sinunod naman ito ni Red. Dali-dali itong pumunta malapit sa hukay.

Ilang saglit lang ay bumalik si Red.

"Ano raw?" tanong ko.

"Hay, ang isang bakla pinatigil sandali ang event," sagot ni Red.

"Bakit daw?" tanong ni Fiona.

"Kasi instead na flower, yung Spanish fan niya ang naihagis sa hukay," sagot ni Red.

16 comments:

jase said...

Bravisimo !!!

Ang mga jokla thalaga, ayaw paawat!

Naireport na ba to sa Amnesty International - Gay Division?

Anonymous said...

teka ... parang pati si Karl Lagerfeld eh nakipag libibg kontodo abanico! wagi ang mga bakla!

Anonymous said...

Ay! Bwisit na bakla 'yon. Alam na niyang mainit sa ilalim dapat ibigay na lang niya kay Herman 'yong fan. Grrrrrrr!!!!!!

.: jackie :. said...

hahha.. so umeksena muna. hahhaa..

burrito said...

mainit sa ilalim? diretso impyerno ba si herman? chos.

napakalungkot ng nangyari sa kanya.

MISTERHUBS said...

Hahaha. Baka naman magamit pa ni Herman (may he rest in peace) ang pamaypay! :)

charmed one said...

kay herman ang moment, umeeksena pa ang bayot?

Anonymous said...

Minsan talaga gagawa ako ng tribute entry para sa blog mo. Hehe

empress maruja said...

Sa gitna ng pighati nakakahanap pa rin tayo ng ligaya. Good luck sa mga SIGA!

big_berto said...

halimaw talaga ang prose mo. inonominate kita sa susunod na philippine blog awards.

:-D

Yas Ligtas said...

weehee!

Kiks said...

Ipapadala ko si Zhang Zhiyi at ipawawakwak ang leeg ng baklang yan sa pamamagitan ng kanyang knife pamaypay!

ruff nurse-du-jour said...

statement of the year yun ha:

"Itigil muna ang libing."

napaka-profound ng kanyang rason ng pagpapatigil. =) baka nga naman kasi siya ang mainitan, ma-heatstroke pa cya diba?

reyna elena said...

hahahaha! PUCHA! Nakatutuk pa naman akong nagbabasa nang todo kung bakit! hahaha! ANG GALING!

jp said...

haha laftrip!

dilanmuli said...

talaga naman. me eksena pa talaga ahahahahaha!