Friday, November 23, 2007

Yam-Yam

"Puso ko ay para sa iyo lang," sabi ni Red.

"Puso mo at puso ko, sana ay magkaintindihan tayo," dugtong nya.

"Tapos, sasabihin mo 'Krus ni Hesus'." patapos niya.

Pero may pahabol pa sya.

"Dapat walang amen. Then, hipan mo ng tatlong beses ang guy," sabi niya.

Eto ang Yam-Yam ni Red para magayuma ang lalaki. Sure daw sya na mai-inlove ang sinomang lalaki na masabihan ng love spell na ito.

At ang suggestion ni Red ay gamitin ko ito kay Kulot.

"At bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"Kasi feeling ko may Yam-Yam din si Kulot sa yo kaya ganyan ka lang kabaliw sa kanya," sagot ng bakla.

"Hindi naman siguro gagawin yon ni Kulot," sabi ko.

"A basta. Ang importante ay matapatan mo ang Yam-Yam niya," sabi ni Red.

Kahit wala akong balak gamitin ang Yam-Yam, sinaulo ko pa rin.

At kanina, habang sakay ako sa bus papuntang City of Mati para ifollow-up ang solicitation namin para sa fiesta, ay nagamit ko ito.

There's this guy kasi. Cute. Nakatabi ko sa bus.

"Puso ko ay para sa yo lang. Puso mo at puso ko, sana ay makaintidihan tayo. Krus ni Hesus," ang nabulong ko sa sarili na tinapos ko ng tatlong ihip sa ulo niya.

Nag-antay ako ng konting sandali. Tumingin sya sa akin. Smile sya. Smile din ako. Tapos sabi nya: "Excue me."

Nakatingin lang ako sa kanya.

Akala ko ang karugtong ng "excuse me" ay "have we met?"

Hindi.

Tumayo sya. Walang karugtong ang "excuse me." Lumipat sya ng upuan.

Punyetang Yam-Yam yan.

Sunday, November 18, 2007

First Order

May umorder ng cake. Gusto niya pink na pink kasi girl daw ang magbi-birthday.

Ako ang nagbake. Si Kulot ang gumawa ng icing. Ako ang nagfinishing touches. Si Kulot ang gumawa ng box.


Eto ang kinalabasan.




Ibinenta namin ng P250.

Saturday, November 10, 2007

Let them eat cake!

Basic cake decorating ang lesson namin kanina.

At dahil di sya mahilig sa mga bulaklaking design sa kanyang cake, eto ang ginawa ni Kulot.



At dahil bakla ako, eto naman ang sa akin.

Thursday, November 8, 2007

Haaay Buhay

Depressed ako ngayon.

Nabasa ko kasi ito.

Sunday, November 4, 2007

Oh Yeah!

Dahil long weekend ang nangyari, nagsidatingan ang mga bakla sa bahay. Si Bagtak, ginawang working vacation at dinala ang kanyang laptop. Pero hindi sya nakapagtrabaho dahil ginawang DVD player ng mga bakla ang kanyang laptop. Nanood sila ng "Oh Yeah!"

Note: dahil medyo mababa ang bamboo table namin, ipinatong ni Bagtak ang laptop sa stryrofoam na ice chest.





Napagod sa kapapanood ng "Oh Yeah!", tinuruan sila ni Kulot ng poker. Left to Right: Kaye, Re-Re, Kirby, Fiona, Red at si Kulot. Standing: Bagtak.





Naadik sa poker ang mga bakla. Gabi na ay naglalaro pa rin. At nadagdagan pa ng players-- sina Patricia at Glydel.




Hating-gabi na nang matapos ang poker. Hating-gabi na nang umpisahan namin ni Kulot ang aming "Oh Yeah!"