Friday, 23 November 2007

Yam-Yam

"Puso ko ay para sa iyo lang," sabi ni Red.

"Puso mo at puso ko, sana ay magkaintindihan tayo," dugtong nya.

"Tapos, sasabihin mo 'Krus ni Hesus'." patapos niya.

Pero may pahabol pa sya.

"Dapat walang amen. Then, hipan mo ng tatlong beses ang guy," sabi niya.

Eto ang Yam-Yam ni Red para magayuma ang lalaki. Sure daw sya na mai-inlove ang sinomang lalaki na masabihan ng love spell na ito.

At ang suggestion ni Red ay gamitin ko ito kay Kulot.

"At bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"Kasi feeling ko may Yam-Yam din si Kulot sa yo kaya ganyan ka lang kabaliw sa kanya," sagot ng bakla.

"Hindi naman siguro gagawin yon ni Kulot," sabi ko.

"A basta. Ang importante ay matapatan mo ang Yam-Yam niya," sabi ni Red.

Kahit wala akong balak gamitin ang Yam-Yam, sinaulo ko pa rin.

At kanina, habang sakay ako sa bus papuntang City of Mati para ifollow-up ang solicitation namin para sa fiesta, ay nagamit ko ito.

There's this guy kasi. Cute. Nakatabi ko sa bus.

"Puso ko ay para sa yo lang. Puso mo at puso ko, sana ay makaintidihan tayo. Krus ni Hesus," ang nabulong ko sa sarili na tinapos ko ng tatlong ihip sa ulo niya.

Nag-antay ako ng konting sandali. Tumingin sya sa akin. Smile sya. Smile din ako. Tapos sabi nya: "Excue me."

Nakatingin lang ako sa kanya.

Akala ko ang karugtong ng "excuse me" ay "have we met?"

Hindi.

Tumayo sya. Walang karugtong ang "excuse me." Lumipat sya ng upuan.

Punyetang Yam-Yam yan.

15 comments:

Zang said...

yan kasi, ang landi-landi. naturn-off tuloy c cutie

aryo said...

ha ha ha. Na "uyam" pala sa yo! (sa amin uyam means asar)

try mo pa rin sa iba. malay mo.:-)

Anonymous said...

Dapat siguro may feeling ang pagkasabi para efek. Ulitin Tita, ulitin nga!!!!!! Go!

Kiks said...

hindi yan gumagana sa probinsya.

at hindi mo ginagamit yan sa syudad.

at lalong lalo na sa bus.

dahil sabi nga ng mga bayot sa sentro:

GELAY!

charmed one said...

hindi pa ako nakakaranas ng ganyan? does it really work? may iba pang advice ang mga bekbek na friendship ko, pero i haven't tried.

big_berto said...

mas effective yung mga gayuma namin dito sa norte. hamo't bibigyan kita ng isang bag pag naligaw ulit ako ng mindanao.

:-D

reyna elena said...

HAHAHA!!! You never disappoint me! Grabeyshus ka ever! HAHAHA! LOVE IT! Para tong pulis story ko! hahaha!

Eto: http://reynaelena.com/2007/11/23/that-look-could-mean-he-is-interested-with-you-2/

Anonymous said...

paano naman hindi naman ke kulot mo ginamit ang yam-yam na yan kaya di umepekto...

si kulot kasi ang true love mo...lolz

mschumey07 said...

Hahahaha...if at first you don't succeed, try and try again!

burrito said...

hindi mo yata binasa ang fine print bago mo ginawa ang yam-yam na yan: mag-toothbrush muna bago ito subukan. chos.

Ubermensch said...

http://jgsmart.wordpress.com/2007/11/26/project-lafftrip-laffapallooza-sakay-na/

aries said...

pumasa ba yan sa hogwarts si red? nyahah

mrs.j said...

mz u neng!!

naku muntik ko pa siyang itry!! grr

jackie said...

masubukan nga yan. hehehe

Hasmin Navoa said...

ma try nga ang yam yam... baka effective dito