Finally, natanggap ko na ang padala sa akin.
Noong isang taon pa ito dapat pero ewan ko ba sa mga militanteng aktibista na nagdala ng regalo sa akin, inabot ng ilang buwan bago ito naibigay.
Muntik na nga akong magfile ng Writ of Amparo.
Eto ang padala ni Kiks. Salamat Mama!
Noong Sunday din, nagkita kami ni Goddess. Ang ganda nya.
Wednesday, February 27, 2008
Sunday, February 24, 2008
Joy
Mga ilang linggo ko na ring naririnig ang pangalang ito. At ayon sa mga balita, sya raw ang bagong kinababaliwan ni Kulot.
Sa umpisa, binalewala ko ang mga tsismis.
Hanggang sa mahuli ko silang dalawa. At, sa mismong bahay ko pa.
Kaya pala nabawasan na ang panahon ni Kulot para sa akin.
Joy, Hayop Ka!

Wednesday, February 20, 2008
High
May lovelife na si Fiona.
Kagabi lang ito nangyari. At ang witness ay si Patricia.
"Nakaupo kami sa waiting shed sa may post office nang biglang dumating si S," sabi ni Patricia.
Si S ay isang cute guy. Anak sya ng isang public elementary school teacher at dating police chief sa aming munisipyo.
"Bigla nyang kwinelyohan si Fiona," dugtong ni Patricia.
Hindi kami sigurado kung "kwinelyohan" ba talaga ang dapat na tawag don kasi naka-off shoulder ang bakla.
"Tapos, sinabihan niya si Fiona na kiss daw," sabi ng bakla.
"Ako naman, natakot. Ayoko sana pero natakot ako. Pumayag na lang ako na halikan sya sa pisngi," mabilis na dugtong ni Fiona.
Sa laki ng katawan ni Fiona, ayokong maniwalang natakot sya.
"At nang hahalikan na ni Fiona sa pisngi si S," sabi ni Patricia.
"Bigla na lang syang lumingon at siniil ako ng halik sa lips," sabi ni Fiona.
"Tumagal siguro ng three minutes ang kissing scene," dugtong naman ni Patricia.
"At pagkatapos non, sabi niya 'tayo na,' sabay alis," ang patapos ni Fiona.
Kagabi, masayang natulog si Fiona.
Kaninang umaga, ang ganda ng gising ng bakla.
Kaninang umaga rin, pinahuli ng tatay ni S ang kanyang anak. High daw kasi ito sa marijuana.

Tuesday, February 12, 2008
Pitong Taon
Sunday, February 10, 2008
Family Day
Mainit ang ulo ni Kulot nang umuwi sya kaninang tanghali. Galing sya sa kanila. Sunday kasi at family day ang drama nya. Pero may nangyari.
"Ang gugulo ng mga bata. Lalo na yung mga anak ni Ate. Yung panganay umiiyak kasi gusto magpabili ng junk food. Yung pangalawa, umiiyak din kasi gusto rin ng junk food. Yung bunso, umiiyak dahil umiiyak ang dalawang nakakatandang kapatid," sabi niya.
"Karga ko na ang bunso kasi di kaya ni Ate kargahin ang tatlo," dugtong niya.
"Kasi ikaw anak ka ng anak, di mo naman pala kayang alagaan ng sabay-sabay," sabi ni Kulot sa Ate niya.
Pero may katarayan din ang Ate at sinagot sya ng: "Palibhasa, di kayo pwedeng magkaanak."
Ang Kulot, ibinaba ang kargang pamangkin at nag-walkout. Balik sya sa bahay ko.
Matagal ko ng gustong gawin pero natatakot ako at baka ma-offend sya kapag sinabi kong magpatingin sya sa doctor para malaman namin kung ano ang problema sa kanya at bakit hindi kami magkaanak.
Ano ang dapat kong gawin?

Tuesday, February 5, 2008
Name Game
Alam ko, matagal bago ko ito na-post. Na-busy kasi kami ni Kulot.
Sa mga nagtatanong kung saan kami nagluluto, eto ang sagot.
Binili namin ni Kulot ang mas malaking oven noong November. Kaya naman nakayanan naming gumawa ng 35 cakes noong pasko at 55 cakes noong new year's eve.
Mula nang magsimula ang taon, hindi kami nauubusan ng order. At least may order na dalawang cakes every week. Meron ding nagpapagawa ng pizza. Minsan, macaroons. Di rin nawawala ang order ng leche flan-- kung saan mas kilala si Kulot.
This week, may umorder ng 300 cupcakes para merienda sa isang livelihood seminar na sponsored ng office ni Manny Villar, the Senate President. O di ba?
Mura lang naman ang bigay namin. P5 per piece lang.
Eto si Kulot habang nilalagyan ng glazed fruits ang ibabaw ng butter cupcakes.
At eto ang finished product namin, all 300 of them.
At nang idineliver namin ang cupcakes, may nagtanong: "Bakit walang tag?"
"Anong tag?" tanong ko.
"Yung name ng product. Yung pangalan ng may gawa," sagot ng nag-order.
OO nga ano. Ano kaya magandang pangalan sa itatayo naming bakeshop?

Subscribe to:
Posts (Atom)