Wednesday, 20 February 2008

High

May lovelife na si Fiona.

Kagabi lang ito nangyari. At ang witness ay si Patricia.

"Nakaupo kami sa waiting shed sa may post office nang biglang dumating si S," sabi ni Patricia.

Si S ay isang cute guy. Anak sya ng isang public elementary school teacher at dating police chief sa aming munisipyo.

"Bigla nyang kwinelyohan si Fiona," dugtong ni Patricia.

Hindi kami sigurado kung "kwinelyohan" ba talaga ang dapat na tawag don kasi naka-off shoulder ang bakla.

"Tapos, sinabihan niya si Fiona na kiss daw," sabi ng bakla.

"Ako naman, natakot. Ayoko sana pero natakot ako. Pumayag na lang ako na halikan sya sa pisngi," mabilis na dugtong ni Fiona.

Sa laki ng katawan ni Fiona, ayokong maniwalang natakot sya.

"At nang hahalikan na ni Fiona sa pisngi si S," sabi ni Patricia.

"Bigla na lang syang lumingon at siniil ako ng halik sa lips," sabi ni Fiona.

"Tumagal siguro ng three minutes ang kissing scene," dugtong naman ni Patricia.

"At pagkatapos non, sabi niya 'tayo na,' sabay alis," ang patapos ni Fiona.


Kagabi, masayang natulog si Fiona.

Kaninang umaga, ang ganda ng gising ng bakla.

Kaninang umaga rin, pinahuli ng tatay ni S ang kanyang anak. High daw kasi ito sa marijuana.

22 comments:

jericho said...

akala ko pa naman Go High with Fiona na! naloka ako sa kwinelyuhan ang naka-off shoulder na Fiona.. winner!

The Zen Bitch said...

kaloka! di bale, fiona, namnamin mo na lang ang memory ng 3-minute liptsulelat sa isang kyut boy. high man sya o hindi, ang importante, nalawayan ninyo ang isa't-isa! mabuhay kah!

Lyka Bergen said...

Anovayaaaaaan???? Happy na sana ako for Fiona!




Say No To Drugs!

alimuom.atbp said...

ganda na sana. di bale, may pag-asa pa kamo, habang may buhay! warm regards sa inyong lahat...

yatot said...

hmmmm... bangag nga lang si S cguro... pero bakit naman nya ginanon si Fiona? ang nagagawa nga naman ng marijuana sa buhay ng tao...

Anonymous said...

mandaya, gravah ka talaga!!! napabunghalit ako ng tawang nakakawa-poise dito. hay naku. kala ko pa naman, me lovelife na talaga si fiona....hi hi hi.

Anonymous said...

Aaaaay! Lintik! Biktima lang pala ng delusion and bakla na Fiona. VIVA Marijuana!!!!!!

Anonymous said...

Pues, Fiona, plant ka ng weed. Use your green thumb and let love bloom.

Mugen said...

Laughtrip to!! Astig!!

Sana may part two pa siya.

empressmaruja said...

'Yan si Fiona, tamang-tama sa tama!

Instant slogan, Mare. Puwedeng gamitin sa 2010!

mink said...

ayyyy,

kala ko mala fairy tale story itu...
hindi pala happily ever afterrrr and ending...

MISTERHUBS said...

Sabi na nga eh, may twist tong romance ni Fiona.

Kakatawah :-)

John Halcyon von Rothschild said...

Better to have loved and lost eh?!?! HAHA.

jun of zerogravity said...

nakows, magiging runner na ng marijuana si fiona mula ngayon.

eklavumer said...

... sa aking masusing pagninilaynilay, aking natumbok na ginawang scapegoat lang ng pulis ang damash , hindi naman talaga 'yon ang dahilan sa kakatwa't kakaibang pag-uugali ng kanyang anak; ang totoo nyan si S ay nagsasuffer ng triplefionadementia syndrome... isang di pangkaraniwang karamdaman na humihikayat sa mga meron nito na makipaglaplapan ng three minutes sa mga dambuhalang baklang nakatambay sa mga waiting shed. lola xixi maturan.

erlinda cartera said...

hay...akala ko and they live happily ever after na...at least one night stand, hahaha

mckhoii said...

Hi Mandaya-Moore. I have been an avid fan of your vlogadag! You rock gurl. Haha! Adik si Fiona! BTw katribu nyo po ako... i just made my blog i hope you could drop by some day http://mckhoii.blogspot.com

Keep the good stuff coming!

Zang Caesar said...

kaya naman pala

Petra Pan said...

Bakit? Lost na nga ba talaga si Fiona? Malay mo naman, after mahimasmasan ang boylet e, hindi naman babawiin ang kanyang orders. :-)

Kiks Phulumulu said...

hindi naman magdadrug deal ang fiona?

winner ang off-shoulder. hindi ko kaya.

bubblita van der woodsen said...

ano yung kinwelyuhan? necking?

angpinaybrodkaster said...

nyahahah! at least may moment sila... hehe!