Friday, March 28, 2008

On Leave

Isang buwan ng "on leave" sa barkada si Red.

Nagkasamaan sila ng loob ni Fiona.

Eto ang kwento.

Nasa Mati City si Red noong araw na yon. Tinext sya ni Fiona kasi manghihiram ang bakla ng make-up kit. Di sya nagreply. Ang Fiona, naghintay. Tanghali na nang magdecide ang Fiona na pumunta sa bahay nina Red. Doon, pinakita ng Nanay ni Red ang text ng anak.

"Wag ipahiram ang make-up kit," ang text ni Red.

"E di wag," ang naisip ni Fiona.

Pero di doon natapos ang kwento. Dahil mga alas siete ng gabi, kung kailan di na kakailanganin pa ang make-up kit, ay nagtext si Red kay Fiona.

"Sorry di ako nakareply. Walang load," ang text niya.

Dahil don, pinagalitan ko si Red. Pero iginiit pa rin nya na wala syang load.

"Kung wala kang load, e bakit nakatext ka sa Nanay mo na wag ipahiram ang make-up kit? Kung ayaw magpahiram, sabihing hindi para di mag-expect ang bakla," text ko.

Tumahimik sya.

Dalawang linggo ring di nagpakita ang Red, hanggang sa nangyari ang away nila ni Patricia.

Eto ang kwento.

Nagtext ang Patricia kay Re-Re. At dahil medyo may kahinaan sa utak itong si Re-Re, di nakuha ang ibig sabihin ng message.

"Ano ba ang nangyayari sa yo? Nahawa ka na sa katabi mo?" text ni Patricia kay Re-Re.

Hindi nagreply si Re-Re. Iba ang sumagot sa tanong ni Patricia.

"Putangina mo bakla! Ano ba ginawa ko sa yo at bakit mo ako ginaganito?" text ni Red na ikinagulat ni Patricia.

Magkatabi pala sina Re-Re at Red.

At dahil don, pinagalitan ko si Re-Re. Umalis sya ng bahay. Doon na sya nakatira kay Me-anne.

Sinubukan ni Kaye na ipag-ayos ang mga bakla. Nag-aya ito ng inuman. Pero nang kumpleto na ang mga bakla, nagmatigas ang Red.

"Sabi nga, time will heal..." sabi niya.

"May sanib ka. Ikaw ang may kasalanan, tapos ngayon ikaw pa ang mag ganang magpapresyo," sabi ko sabay walkout.

Mula noon, di ko na tinext si Red. Mula rin noon di na sya tinext ni Kaye.

At sa tanong na kung hanggang kailan namin sya titiisin, eto ang sagot namin: "Time will heal..."

Sunday, March 23, 2008

Masao

Hindi kami natuloy sa Maragusan. Wala kasing sasakyan. Pero di kami nagpapigil. Sa Masao Beach Resort sa Mati City ang punta namin-- ako at sina Kaye, Glydel, Patricia, Fiona at Sam-- ang bagong miyembro ng grupo.


Sa loob ng jeep papuntang Masao





Kararating lang namin. Baraha agad ang inatupag ng mga bakla.





Kinagabihan. Si Patricia, nilalandi ang batang staff ng resort





Si Glydel at ang partner nya





Ang partner ni Kaye.




At, natural, ang partner ko. Sorry Kulot.



Si Patricia at ang partner nya




Kinabukasan. Si Patricia, feeling member ng Gucci Gang habang naglilinis ang mga resort staff sa likod




Ang mga cottage sa tulay



Ang mga bakla sa tulay




Si Fiona habang kumakanta ng Ken Lee




Group picture sa sirenang mukhang retokada





Group picture uli




Si Fiona sa kanyang winning pose





L to L with Fiona




Kawawang pawikan





Pauwi na. Sa loob ng bus, super acting si Patricia, sa pag-aakalang may discount sa fare ang mga disabled.



Dalawang destinasyon na ang napuntahan namin. Hindi kasama si Red. Bakit kaya?

Sunday, March 16, 2008

Tarra! Go! Na!

Nagbakasyon kami-- ako at sina Patricia, Kaye at Fiona.

Ang destinasyon: Sa Tarragona, Davao Oriental, kung saan municipal administrator si Bagtak.

Hindi gaanong pinaghandaan ng mga bakla ang byahe. Sa katunayan, biglaan lang ito. As in walang 24 hours na planning.

Si Patrcia sa terminal ng jeep papuntang Tarragona.





Walang windshield ang sinakyan naming jeep. Sinadya daw ito para hindi makulong ang pumapasok na alikabok sa daan. Ang problema: lahat ng hangin langhap namin ni Patricia. Pero mas malaki ang problema ni Patricia: sumasakit na ang mga tenga nya dahil sa bigat ng nawi-windswept na hikaw.




Matapos ang halos dalawang oras na byahe, nakarating kami. Pero super laki ng mga alon. Di pwedeng magswimming. Hanggang watch na lang kami. Wala pang 10 meters ang layo ng mga alon sa place ni Bagtak.




Si Patricia, Fiona at ang mga niyog.




Ang Mangangarit at ang buco juice niya. Bongga sya at naka-MNLF t-shirt pa.




Si Fiona, ang Mananggiti (Tuba Gatherer)



Naisipang maligo ng mga bakla. At ang sabi, meron daw Busay (waterfalls) sa unahan. Go agad kami. Sina Fiona, Kaye at Patricia sa ginagawang highway ng Tarragona




Ang maikling lakad papuntang Busay




Ang Busay at ang konting tubig na umaagos dito




Naligo rin ang aming guide



Ang tatlong bakla at ang kanilang hilod session




Overnight lang kami sa Tarragona. Sulit ang pagod namin. Pauwi na, nag-aabang ng jeep



Next trip: Maragusan, Compostela Valley

Monday, March 10, 2008

Ang Simula



Hindi na napigilan. Inumpisahan noong sabado ang construction ng bakeshop. Ang location: sa lupa nina Kulot.

At dahil katabi lang nito ang bahay ng lola ni Kulot na si Oyang, nakialam ang matanda.

"Dapat magpatulo ng dugo," sabi niya.

Takbo naman agad ang Kulot sa akin.

"Bumili ka na lang ng manok," sabi ko.

Balik sya sa construction site. Pero wala pang sampung minuto ay bumalik sya sa akin.

"Hindi raw pwede ang manok," sabi nya.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Sabi ni lola malas daw kasi baka isang kahig, isang tuka ang ending," sagot niya.

"Ano dapat?" tanong ko.

"Pato," mabilis na sagot niya.

"Pato?" mabilis din na tanong ko.

"Kasi malakas humigop ang pato," mabilis ding sagot niya.

A ewan. Pato na kung pato. Totoo ngang malakas himigop ang pato, lalo na sa mga canal. Ang lakas din humigop nito ng mga dura, mapa laway man o plema.

Half-day lang ang trabaho nila noong Sabado. Ang dahilan: may sabong.

Hindi pa nauumpisahan ang pagbuhos ng semento, pero handa na ako sa aking ililibing.

Heto ang unang linya: "Sa araw na ito ang simula ng bagong kabanata sa buhay namin ni Kulot."

Heto naman ang huling linya: "Sa araw na ito ang simula ng katapusan sa buhay ko sa piling ni Kulot."

Tuesday, March 4, 2008

Nagsusulat Po

Sa Sabado, magsisimula na ang construction ng bakeshop namin ni Kulot.

Dapat kasi noong Lunes ang umpisa. Pero sabi ng Nanay ni Kulot, sa March 8 na lang daw para swerte.

"Sige na, wala namang mawawala kung sundin natin," sabi ni Kulot sa akin.

"Meron no," sagot ko.

"Ano?" tanong niya.

"Panahon," sagot ko.

Biro na may halong katotohanan ang sagot ko. Nakapamili na kami ng mga materyales para sa construction. Ang mahal ng kahoy. Ang mahal ng semento. Pati sand and gravel, ang mahal din. Meron pang pako, plywood, GI sheets. Lahat ng yan ay nabili na namin, tapos ang pipigil lang e ang paniniwalang may swerte sa numerong pabilog.


"Sige na nga sa 8 na lang tayo start," sabi ko.

Ang totoo, kailangan ko rin ng panahong magsulat.

Eto rin ang dahilan kung bakit medyo natagalan akong mag-update ng blog.

Nagsusulat po ako ng isang mahabang kwento sa maikling love story namin ni Kulot-- mula noong una ko syang makita hanggang sa magdesisyon kaming magtayo ng bakeshop.

Sa Sabado, sabay sa pagbuhos ng concrete foundation ng bakeshop, ililibing ko ang kwento namin.

At sa panahong pareho na kaming wala, sa panahong kailangan ng gibain ang bakeshop para bigyang daan ang kung ano man ang nasa kinabukasan-- mga 100 years mula ngayon at mas malala na ang tinatawag na development aggression -- sana may makakita sa sinulat ko at mabasa ang kwento namin.