Friday, March 28, 2008

On Leave

Isang buwan ng "on leave" sa barkada si Red.

Nagkasamaan sila ng loob ni Fiona.

Eto ang kwento.

Nasa Mati City si Red noong araw na yon. Tinext sya ni Fiona kasi manghihiram ang bakla ng make-up kit. Di sya nagreply. Ang Fiona, naghintay. Tanghali na nang magdecide ang Fiona na pumunta sa bahay nina Red. Doon, pinakita ng Nanay ni Red ang text ng anak.

"Wag ipahiram ang make-up kit," ang text ni Red.

"E di wag," ang naisip ni Fiona.

Pero di doon natapos ang kwento. Dahil mga alas siete ng gabi, kung kailan di na kakailanganin pa ang make-up kit, ay nagtext si Red kay Fiona.

"Sorry di ako nakareply. Walang load," ang text niya.

Dahil don, pinagalitan ko si Red. Pero iginiit pa rin nya na wala syang load.

"Kung wala kang load, e bakit nakatext ka sa Nanay mo na wag ipahiram ang make-up kit? Kung ayaw magpahiram, sabihing hindi para di mag-expect ang bakla," text ko.

Tumahimik sya.

Dalawang linggo ring di nagpakita ang Red, hanggang sa nangyari ang away nila ni Patricia.

Eto ang kwento.

Nagtext ang Patricia kay Re-Re. At dahil medyo may kahinaan sa utak itong si Re-Re, di nakuha ang ibig sabihin ng message.

"Ano ba ang nangyayari sa yo? Nahawa ka na sa katabi mo?" text ni Patricia kay Re-Re.

Hindi nagreply si Re-Re. Iba ang sumagot sa tanong ni Patricia.

"Putangina mo bakla! Ano ba ginawa ko sa yo at bakit mo ako ginaganito?" text ni Red na ikinagulat ni Patricia.

Magkatabi pala sina Re-Re at Red.

At dahil don, pinagalitan ko si Re-Re. Umalis sya ng bahay. Doon na sya nakatira kay Me-anne.

Sinubukan ni Kaye na ipag-ayos ang mga bakla. Nag-aya ito ng inuman. Pero nang kumpleto na ang mga bakla, nagmatigas ang Red.

"Sabi nga, time will heal..." sabi niya.

"May sanib ka. Ikaw ang may kasalanan, tapos ngayon ikaw pa ang mag ganang magpapresyo," sabi ko sabay walkout.

Mula noon, di ko na tinext si Red. Mula rin noon di na sya tinext ni Kaye.

At sa tanong na kung hanggang kailan namin sya titiisin, eto ang sagot namin: "Time will heal..."

12 comments:

jericho said...

sad naman. baka naman may mens lang sya noon? kidding ...;) hope you can still patch things up kahit ayaw dumating ni "Time".

mrs.j said...

sana maayos mga ate...

ala lyka lang din yan and kelly time indeed will heal all..
tc

cant_u_read said...

it's stuff like this that makes the bond of friendship stronger. may pinagdadaanan din akong ganyan ngayon. but i'm not sad. alam kong may mabuting kahahantungan ito at may mahalagang aral na naghihintay para sa kin, sa kanya, at sa lahat ng kaibigan naming naghihintay sa min na patawarin ang isa't isa.

Anonymous said...

Naku ha?! Relate ako dyan of course! Ilang beses na nangyari yan sa mga kebigan kong mga bading. Ngayon? Time will heal kami nung isang bading! hehehe!

What I found out from experience though is this, sometimes, etong mga awayan na to, makes friendship at relationships ninyo stronger than ever because it gives you the chance to get to know each other more. And when it does come back, marasap ang balik and each one will become more understanding at loving.

On the other hand, pagka medyo tumagal, the magic that binds you with your friend? Nawawala. Magkabalikan man kayo, matamlay na. Wala na yong fire. Indi friendly fire ha?

The challenge becomes, ang hirap nang definition nang "matagal". One week? One month? One year? It really depends on as to whether or not mahal mo kebigan mo or mahal ka rin nya.

Sorry, napahaba sinabi ko. Pina-pangaralan ko lang sarili ko because me baklang galit saken hehehe! Kebigan ko rin! HAHAHAHA

Off topic mandaya:
Are you in Davao City mismo? Pwedeng mag-pa-otograp seyo? At magpapiktyuraka seyo? I'll be in Davao kasi. Email me gurl at ofwcenter@gmail.com

Anonymous said...

it really TAKES TIME to heal, so bigyan sila ng time and space para it will happen. Be considerate naman. Simulan natin ang peace sa ating pyuso. Di ba? Sagot!!!!!!!

Clark Can't said...

"Time will heal..."

KORAK!

=)

Raiden Shuriken said...

how sad! nag-away-away dahil sa text. sabi ng dating friend ko ("dati" na lang, hindi na nya ako friendship ngayon), wala daw kasi emosyon ang text kaya lately, laging nagiging source ng misunderstanding.

i just hope maayos ang lahat sa inyo. ganyan naman ang friendship~ parang rollercoaster, may ups and downs but worth all the thrills.

Anonymous said...

sunugin niyo na lang ang make-up kit. yun ang puno't-dulo ng lahat ng kaguluhan.

Lyka Bergen said...

Hmmmm..... "time will heal" nga.

Ang sugat, una lang masakit. Pero try and try pa rin na gamutin yan. Dahil kung tatagal pa toh, baka magka-PEKLAT.

BTW, ang Mati City ba ay version nyo ng Makati City dyan sa vukid?

Kiks said...

matagal akong nawala at marami na palang naganap.

well, tama ka, love takes time to heal.

but we don't have the luxury of it.

Anonymous said...

Ganyan naman talaga ang life davah? Away dito, tampo doon. But it is times like these na nagiging strong ang foundation ng friendship. Mas nagiging makabuluhan at malalim ang samahan... 'di gaya ng gucci gang. chos!

Anonymous said...

daming misinterpretations... ganyan din kami minsan sa barkada, pero buti at naaayos din agad.